Pighati ang nadarama ng mga maralitang lungsod sa pagpanaw ng pangkalahatang kalihim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY. Nananawagan sila ng katarungan para sa pagpaslang kay Carlito Badion na anila’y mga ahente ng estado ang malamang na may kagagawan. Bago ang kanyang kamatayan, napilitan si ‘Karletz’ na umuwi sa Silangang Bisayas dahil sa sunod-sunod na banta sa kanyang buhay mula sa militar at pulisya. Ani ng kanyang mga kapwa maralita, martir si Karletz sa kanilang pakikibaka para sa pabahay at katarungang panlipunan.
The post Ang pighati ng maralita sa pagpaslang kay ‘Karletz’ appeared first on Kodao Productions.