Duguan, lumalaban
Halos dalawang buwan na silang tinataboy, dinidispers, tinatakot. Noong araw na iyon, alas-tres ng hapon ng Hulyo 30, Lunes, habang nagsasagawa ng ecumenical mass ang mga manggagawa at tagasuporta nila, nagpatugtog nang malakas ang mga bantay ng planta ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan. “Wala silang patawad. Nagpatugtog pa ng ‘Budots,’” kuwento ni Reynante Godinez, 38, tumatayong…

