Inang Wika ni Amado V. Hernandez
Ako’y ikakasal… sa aming tahana’y masayang katulad ng parol kung pista, magara’t makulay; kangina pa’y walang patlang ang tugtugan, agos ang regalo’t buhos ang inuman; ang aking magiging kabiyak ng buhay isang kanluraning mutyang paraluman: marilag, marangya, balita, mayaman, sadyang pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan. Sa tanging sasakyan nang kami’y lumulan, may natanaw…