Para sa Mabuting Anak
? (para kay Jo Lapira at sa lahat ng mga kasamang napaslang) Ipinagluluksa kita, anak, ipinagluluksa kita. Ipinagluluksa’t ikinararangal, pagkat mabuting supling ng bayan. Inihahabilin kita kay Mebuyan, diyosa ng mga Bagobo, diyosang maraming suso, tagapagkalinga ng mga sanggol na sa gatas ay gutom. Inihahabilin kita, anak, pagkat sa maaga mong pagyao, nais kong may…