Ang pabalbal na salita, o tinatawag ding salitang-kanto, ay bahagi ng kasiglahan o dinamiko ng wikang Filipino. Maaaring ang iba sa mga ito ay tanggap na at nakalista na sa opisyal na talasalitaang Filipino. Isa pa itong patunay kung gaano nakakalibang ang Wikang Pambansa.