Site icon PinoyAbrod.net

‘Mahalin ang bigas’ vs Rice Liberalization

Panawagan ng koalisyong Bantay Bigas ang isang pambansang kampanya upang protektahan ang mga magsasaka at ang industriya ng bigas, sa pamamagitan ng pagpapatanggal sa Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.

Isang taon nang namamayagpag ang naturang batas sa Pebrero 14, Araw ng mga Puso. Kaya naman panawagan ng mga grupo na “mahalin ang pambansang industriya ng bigas.”

Kasama sa Bantay Bigas ang Amihan o National Federation of Peasant Women, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Amihan Cagayan Chapter, Gabriela, Kadamay, National Food Authority Employees Association, at Anakpawis Party-list.

“Hindi ito ekslusibong problema ng mga magsasaka kundi lahat ng populasyon,” saad ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas at secretary-general ng Amihan. “Kailangang alisin ang baturang batas para mailsalba ang kasiguruhan sa pagkain at masiwata ang pag-sandig sa importasyon ng bigas.”

“Nasaksihan na natin ang bagsik ng batas, nang bumagsak sa P7 kada kilo ng palay noong Setyembre. Kaya hindi ito talaga para sa mga magsasakang Pilipino, at hadlang ito sa seguridad sa pagkain,” dagdag ni dating Anakpawis Rep. Rafael “Ka Paeng” Mariano.

Isasama naman ng Gabriela ang panawagan para sa pagbabasura ng RA11203 sa kanilang programang “One Billion Rising” na gaganapin sa Mendiola.

Bahagi rin ng panawagan ng mga grupo sa pagbabasura ng batas, ang pagsusulong ng House Bill 477 Rice Industry Development Act (RIDA) bill na isinusulong ni Gabrieal Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

Isinumite ng koalisyon ang petisyon para ibasura ang RA11203 sa opisina nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate Pres.Vicente “Tito” Sotto III noong nakaraang Nobyembre

Exit mobile version