Site icon PinoyAbrod.net

Malaya o nanlilimos? Ang US at ang anino ni Recto sa kasalukuyan

Kalimitang nagsasabi na laging domestiko ang turing ng politika sa Pilipinas. Mula sa kampanya hanggang sa proklamasyon at sa mga unang panahon ng pag-upo ng isang nahalal, maraming pagkakataon na ang usaping panloob lamang ang nagiging sentro ng atensyon ng mga tao sa pagtingin kung mabuti o masama ang kandidato o pangulo para sa isang bayan.

Kahit na sinasabi ng mga nangungunang pag-aaral sa agham pampulitika at pandaigdigang ugnayan na salamin lamang ang patakarang panlabas o foreign policy ng domestikong kalagayan at patakaran ng isang bansa, hindi pa rin gaanong nakikita ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayang panlabas sa magiging kapalaran ng bansa. Kahit sa pagbabalita at pagtingin sa mga pinuno, laging lokal na balita at ang pagkakasangkot ng pinuno sa panloob na usapin ang nagiging sentro ng atensyon ng mga tao.

Kaya nga kakaibang tingnan na mahalaga, halimbawa, ang mga protocol, wika, simbulo at pamamaraan ng pagkikipag-ugnayan ng isang pangulo sa ibang bayan na magiging tanyag na pag-uusapan sa mass media sa loob o labas man ng bayan.

Halimbawa, mahalaga ang bansang unang dadalawin ng pangulo dahil ipinapahayag nito ang tinitingnang prayoridad ng isang administrasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibang bayan. Simula nang lumaya ang Pilipinas noong 1946, halos lahat ng mga bagong halal na Pangulo ng Pilipinas bago si Corazon Aquino ang dumalaw sa Estados Unidos sa unang paglalakbay bilang pangulo. Tila sinasabi nito na ang pagbibigay-pugay sa dating mananakop ang mananatiling makabuluhang indikasyon ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaang naihalal. Sa simula pa lamang ng termino ni Manuel Roxas, sinabi na ang pinakamalapit na pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos ang nangungunang haligi ng patakarang panlabas ng bagong republika.

Kakaiba sa iba kapag binigyan ng prayoridad ng bagong halal na pangulo ang pagbisita sa isang kalapit-bayan sa okasyon ng pagpupulong rehiyonal bilang simbolikong deklarasyon na tatahakin ng isang administrasyon ang isang patakarang panlabas na malaya sa panghihimasok ng dayuhan. Ang kakatwa dito, nasa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagtatakda ng malayang direksyon ng pakikipag-ugnayang panlabas subalit nagugulat pa rin ang mga tao kapag may pangulong nagsusulong nito. Tila nakalimutan na malaya na ang Pilipinas at nararapat lang na tumayo na ito sa sariling paa. Nahirati na sa pagiging palaasa sa tulong pinansyal at ayudang militar ang mga naunang pamahalaan kaya mas nanaisin pang mamalimos ng tulong mula sa labas kaysa igiit na malaya na tayo at kaya nang-makipag ugnayan sa anumang bayan na nanaisin.

Noon pang dekada singkwenta naging kontrobersyal ang ganitong usapin. Ang Senador na si Claro M. Recto ang nagsabi na tila tayo isang pulubing nanlilimos kapag nakikipag-ugnayan tayo sa ibang bansa. Ang Amerika ang bulag na sinusundan sa pakikitungong panlabas at tila walang kakanyahang ituring nang pantay bilang malayang bayan sa hanay ng iba pang malayang bayan. Seryoso ang usaping ito dahil ipinapakita nito kung gaano irerespeto at igagalang ng ibang bayan ang mga desisyon ng Pilipinas; kung magkakaroon ba tayo ng kakanyahang magdesisyon nang taliwas sa patakaran ng dating mananakop; at kung kaya bang panindigan ng ating mga pinuno ang matapang na pakikiharap sa ibang bayan nang hindi lumuluhod o yumuyuko kung katapat ang Amerika.

Sabi ni Recto, parang mahirap maintindihan ang ganitong kalagayan kung ang realidad ng kalagayan sa Pilipinas ang titingnan. Sabi niya,

But what is beyond comprehension is that, having fought three wars for our independence, we have surrendered it without a fight; and while vociferating about the reality of our national freedom, we have acted as if we did not want it or believe in it. We are tied to the dollar without having any dollars. We continue to be dependent upon the American market without having retained any permanent right of access to it. We continue to be equally dependent upon American protection without any real guarantee that it will be timely and adequately extended.

Tila isang trahedya ang pakikitungo natin sa ibang bayan – kahit isa na tayong malayang bayan, parang laging handang magsakripisyo para lamang maging maganda ang turing sa atin ng dating mananakop. Gaya ng mga mahihinang bayan sa Caribe ang turing ni Recto sa ating pakikitungo sa ibang bayan – mga banana republic na mahina ang tinig at walang halaga ang turing sa ibang bayan.

The tragedy of our foreign policy is that, being an Asian people ten thousand miles away from the effective center of American power, our behavior has been that of a banana republic in the Caribbean. We have fed upon the fancy that we are somehow the favorite children of America, and that she, driven by some strange predilection of our people, will never forsake us nor sacrifice our interests to her own or to those of others for her own sake.

Yet our foreign policy was conducted from the very beginning, and is being pursued, on the erroneous assumption of an identity of American and Filipino interests, or more correctly, of the desirability, even the necessity, of subordinating our interests to those of America. Thus, on the fourth of July 1946 it was announced that our foreign policy would be to follow in the wake of America. We have, indeed, followed. We followed America out of Spain and back again; we followed America in her aimless pilgrimage in the Holy Land, from Jew to Arab and Arab to Jew, as the American need for Arab oil and the administration’s desire for Jewish votes dictated; we recognized the independence of Indonesia when America did, and not one moment before. In the world parliament of the United Nations, it is no more difficult to predict that the Philippines will vote with the American Union, than that the Ukraine will vote with the Soviet Union. American policy has found no more eloquent spokesman and zealous advocate, and Russian policy no louder critic and more resourceful opponent, than the Philippines. Americans may disagree violently with their own foreign policy, but it has no better supporters than the Filipinos.

Bakit nangyari ito sa Pilipinas? Sabi ni Recto, kung bangkarote ang lokal na administrasyon, mahina din ang pakikitungo natin sa ibang bayan. Kaya parang pulubi tayong naghahayag ng ating patakarang panlabas ay dahil mahina ang pamahalaan na palagiang umaasa sa pakikialam ng dayuhan upang solusyonan ang ating mga problema sa seguridad at pinansya. Para daw tayong mga bulag na umaasang uunahin tayong ipagtanggol ng Amerika kung sakaling magkakaroon ng digmaan, at hindi iniisip kung paanong higit na mahalagang isipin na hindi laging magkapareho ang interes ng Amerika at interes ng Pilipinas sa lahat ng pagkakataon. Ito ang obligasyon ng mga pinuno sa ating mga kababayan at ito rin ang sinasabi ni Recto na dapat maging batayan ng pagsusuling ng malayang patakarang panlabas. Igagalang tayo ng ibang bayan kung igigiit nating ituring tayong pantay at patas sa entablado ng ugnayan ng mga bayan.

    A bankrupt administration must necessarily have a foreign policy of mendicancy; and it is inevitable that it should invite foreign intervention to do what it cannot do for itself. When a government cannot count on the united support of its own people, then it must unavoidably have recourse to the support of a foreign power; and because beggars cannot be choosers, we can be safely ignored, taken for granted, dictated to, and made to wait at the door, hat in hand, to go in only when invited.

But as long as we are an independent Republic, we can and should act as a free people and as Filipinos. As Filipinos we must profess and declare that the security of our nation is paramount, and as a free people we must profess and declare that, while the liberties of other peoples are important to us in this world of interdependence, our first duty is to our own.
The first objective of our government must be peace, for, as a small and weak nation, it is to our prime interest to explore with patience and sincerity every avenue of honorable and enduring settlement by negotiation and mutual concessions. If war must come, it must not be of our own making, either directly or indirectly.

But no reasonable, no patriotic, no self-respecting Filipino can be content with promises to return, or relish a situation where we place ourselves in the vanguard of an atomic war, without arms, without retreat, without cover or support, destined to be annihilated at the first encounter, and therefore rendered unfit for a belated liberation. If America really believes that war is inevitable, then let her give us in Asia a resolute leadership we can trust; let her give us the same unconditional pledge and guarantees and the same actual evidence of a spirit of equality and common fate that she has given to her kinsmen and allies in the Atlantic Community; and we shall have justification for the risk of war, and incentive to make common cause.

Sa panahong higit na sopistikado na ang mga armas pandigma ng mga bayan, na nagiging maigting ang kumpetisyon ng mga ekonomiya ng iba-ibang lipunan, at laging may nakaambang panganib mula sa terorismo at kaguluhang dulot ng pundamentalismong ideyolohiya na hindi kumikilala ng paggalang sa ibang bayan – ang pagsandig sa isang higit na malakas na bayan ay maituturing pa ring isang pamamaraan ng mga pulubi. Sa panahon ni Recto hanggang ngayon, makabuluhan pa ring tingnan kung paano natin igigiit ang ating kalayaan, at kung paano natin makakamit ang tamang paggalang at pantay na pagtingin sa atin ng ibang bayan. Si Recto ang nagsabi sa kasaysayan na panahon na para umalis tayo sa pamamaraan ng mga nanlilimos at maging isang kagalang-galang na lipunan sa harap ng pandaigdigang tanghalan.

Reference:
Claro M. Recto, “Our mendicant foreign policy”, a speech at the commencement exercises, University of the Philippines, April 17, 1951

*The author is a professor and former chair of the Department of History, Ateneo de Manila University; former commissioner of the National Historical Commission; convenor of Tanggol Kasaysayan; member of the Alliance of Concerned Teachers. He finished his AB History, MA in History and PhD in Philippine Studies at University of the Philippines Diliman.

The post Malaya o nanlilimos? Ang US at ang anino ni Recto sa kasalukuyan appeared first on Bulatlat.

Exit mobile version