Site icon PinoyAbrod.net

Marcos Jr. tinatakbuhan ang $353 milyong multa sa korte sa US

Lian Buan, Rappler.Com

MANILA, Philippines – Tinatakbuhan pa rin ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang $353 milyong multa na pinababayaran sa kanya ng isang korte sa Estados Unidos bunga ng pagsuway niya sa desisyon kaugnay ng kasong isinampa ng mga biktima ng Martial Law ng kanyang ama.

Ayon sa mga dokumentong nakalap ng Rappler, inutusan ng United States District Court at Court of Appeals si Marcos Jr. at ang ina nitong si Imelda na magbayad ng $100,000 kada araw simula noong 1995 bilang multa sa pagsuway nila sa isang naunang desisyon ng korte.

Noong Nobyembre 20, 1991, nagpaunang utos ang US District Court of Hawaii para pagbawalan ang mga Marcos na galawin ang kanilang mga ari-arian sa Amerika habang nililitis ang class suit ng human rights victims ng diktadura ng yumaong Ferdinand Marcos.

Noong 1995, nagbaba ng hatol ang District Court of Hawaii na dapat magbayad ang mga Marcos ng $2 bilyon bilang danyos sa mga biktima ng rehimeng Marcos. Kaya noong Pebrero 3, 1995, naging permanente ang utos na huwag galawin ang mga ari-arian dahil dito kukunin ang danyos.

Nilabag nina Marcos Jr. at Imelda ang utos ng korte sa US nang makipagkasundo sila sa gobyerno ng Pilipinas noong Hunyo 1992 na paghatian ang mga ari-arian ng diktador. Ibinenta nila ang ilang artwork sa Amerika, at saka pinaghatian ang napagbentahan.

Noong Disyembre 1993, pumirma ng dalawa pang kasunduan sina Imelda at Marcos Jr. kasama ang pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga kasunduan noong 1993 ang mas detalyado – ibibigay sa pamilya Marcos ang 25% ng ari-arian, at hindi nila kailangang magbayad ng buwis. Bilang kapalit, ibabasura rin ang mga kriminal na kaso laban sa buong pamilya.

Sabi ng US District Court of Hawaii, nagamit ang mga kasunduan noong 1993 para patagong maprotekahan ng mga Marcos ang $365 milyon na yaman sa Switzerland.

Ang mga kasunduang ito ay paglabag sa utos ng korte sa Amerika na huwag galawin ang kanilang mga ari-arian duon. Bilang parusa sa pagsuway sa utos ng korte, ang arawang multa na dapat bayaran ng mga Marcos ay umabot na sa kabuuang $353 million noong 2011. Ang $353 million ay katumbas ng P18 bilyon kung susundin ang palitan ng dolyar at piso nitong Huwebes, Enero 13, 2021.

Contempt o pagsuway

Ang lahat ng ito ay tinatawag na contempt judgment, o hatol na parusa para sa pagsuway sa korte.

Sa utos na pagmumulta, pinangalanan ng United States District Court at Court of Appeals sina Marcos Jr. at Imelda bilang kinatawan ng estate o mga ari-arian ng yumaong diktador.

Ayon sa hatol ni Judge Manuel Real ng District Court of Hawaii sa kanyang desisyon noong Enero 25, 2011, ang pagmamatigas at sadyang pagsuway ng mga Marcos sa korte ay nagdulot ng pinsala sa mga biktima ng pang-aabuso ng karapatang pantao.

Pinagtibay ng US Court of Appeals Ninth Circuit ang desisyong ito noong Oktubre 2012. Sinabi ng korte na ang $353 milyong contempt judgment ay maaaring ipatupad ni Celsa Hilao. Siya ang ina ng estudyanteng aktibistang si Liliosa Hilao na pinahirapan at pinatay noong Martial Law, at isa siya sa mga kasapi ng makasaysayang class suit  laban sa yumaong diktador.

Noong Agosto 2019, nagpasya ang bagong hukom ng District Court ng Hawaii na si Derrick Watson na patagalin pa ang bisa ng hatol hanggang Enero 25, 2031 – maaari pang singilin sa mga Marcos ang multang $353 milyon sa loob ng susunod na siyam na taon.

SOURCE. A page from the docket records of the US District Court of Hawaii for the case of Estate of Ferdinand E. Marcos Human Rights Litigation
Nararapat na parusa

Inapela ng mga Marcos ang hatol sa US Court of Appeals. Para sa kanila, walang bisa at namumuwersa ito.

Nang pinagtibay ng US Court of Appeals ang hatol ng contempt noong 2012, sinabi ng korte. “Kahit pa tama ang mga Marcos na may pamimilit sa parusang ito, malinaw rin na ito ay kaukulang kabayaran.”

Dagdag ng US Court of Appeals: “Ipinaliwanag din ng district court na ang multang $100,000 kada araw ay tama lang dahil ang pagsuway ng mga Marcos sa utos ng korte ay direktang nagbibigay-pinsala kay Hilao, kabilang ang $55,000 na nawawalang interes kada araw at ang iba pang nawawala [sa mga biktima] dahil sa sadyang pagpapatagal ng mga Marcos sa kaso.”

Bukod sa pagtakas sa hatol na contempt, hindi pa rin binabayaran ng mga Marcos ang $2 billion na danyos na naipanalo ng mga human rights victims noong 1992. Noon kasing nagpetisyon ang mga biktima sa korte sa Pililipinas na sila ang maningil sa mga Marcos, nagdesisyon ang Court of Appeals sa Pilipinas noong 2017 na wala raw jurisdiction ang korte sa Hawaii.

Kapag pumunta sina Marcos Jr. at Imelda sa Amerika

Nagagawa man nilang takasan ang contempt judgment na ito, mahihirapan namang pumunta si Marcos sa Amerika.

Halimbawa, kapag nanalo si Marcos bilang pangulo at pumunta siya sa Amerika, hudyat itong maipatupad ang hatol ng mga korte roon. Maaari ring humiling ang mga abogado ng biktima ng subpoena para pilitin si Marcos na harapin ang korte at magpaliwanag. Ayon ito kay Robert Swift, ang Amerikanong abogado na sumusubok bumawi ng US assets ng mga Marcos para ipamahagi sa mga martial law victim.

na balewalain ang hatol hanggang mawalan ito ng bisa sa 2031? https://c451ece40882acea17f1c493f50d60ae.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

MANILA, Philippines – Tinatakbuhan pa rin ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang $353 milyong multa na pinababayaran sa kanya ng isang korte sa Estados Unidos bunga ng pagsuway niya sa desisyon kaugnay ng kasong isinampa ng mga biktima ng Martial Law ng kanyang ama.

Ayon sa mga dokumentong nakalap ng Rappler, inutusan ng United States District Court at Court of Appeals si Marcos Jr. at ang ina nitong si Imelda na magbayad ng $100,000 kada araw simula noong 1995 bilang multa sa pagsuway nila sa isang naunang desisyon ng korte.

Noong Nobyembre 20, 1991, nagpaunang utos ang US District Court of Hawaii para pagbawalan ang mga Marcos na galawin ang kanilang mga ari-arian sa Amerika habang nililitis ang class suit ng human rights victims ng diktadura ng yumaong Ferdinand Marcos.

Noong 1995, nagbaba ng hatol ang District Court of Hawaii na dapat magbayad ang mga Marcos ng $2 bilyon bilang danyos sa mga biktima ng rehimeng Marcos. Kaya noong Pebrero 3, 1995, naging permanente ang utos na huwag galawin ang mga ari-arian dahil dito kukunin ang danyos.

Nilabag nina Marcos Jr. at Imelda ang utos ng korte sa US nang makipagkasundo sila sa gobyerno ng Pilipinas noong Hunyo 1992 na paghatian ang mga ari-arian ng diktador. Ibinenta nila ang ilang artwork sa Amerika, at saka pinaghatian ang napagbentahan.

Noong Disyembre 1993, pumirma ng dalawa pang kasunduan sina Imelda at Marcos Jr. kasama ang pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga kasunduan noong 1993 ang mas detalyado – ibibigay sa pamilya Marcos ang 25% ng ari-arian, at hindi nila kailangang magbayad ng buwis. Bilang kapalit, ibabasura rin ang mga kriminal na kaso laban sa buong pamilya.

Sabi ng US District Court of Hawaii, nagamit ang mga kasunduan noong 1993 para patagong maprotekahan ng mga Marcos ang $365 milyon na yaman sa Switzerland.

Ang mga kasunduang ito ay paglabag sa utos ng korte sa Amerika na huwag galawin ang kanilang mga ari-arian duon. Bilang parusa sa pagsuway sa utos ng korte, ang arawang multa na dapat bayaran ng mga Marcos ay umabot na sa kabuuang $353 million noong 2011. Ang $353 million ay katumbas ng P18 bilyon kung susundin ang palitan ng dolyar at piso nitong Huwebes, Enero 13, 2021. https://www.youtube.com/embed/qPpB5LbAHGk?autoplay=0&rel=0&enablejsapi=1&modestbranding=1&origin=https%3A%2F%2Fwww.rappler.com&iv_load_policy=3&mute=0&controls=1&playsinline=1&showinfo=0&widgetid=1&embed_config=%7B%22adsConfig%22%3A%7B%22adTagParameters%22%3A%7B%22iu%22%3A%22%2F15125093%2Fyt_pfp%22%7D%7D%2C%22nonPersonalizedAd%22%3Afalse%7D

Contempt o pagsuway

Ang lahat ng ito ay tinatawag na contempt judgment, o hatol na parusa para sa pagsuway sa korte.

Sa utos na pagmumulta, pinangalanan ng United States District Court at Court of Appeals sina Marcos Jr. at Imelda bilang kinatawan ng estate o mga ari-arian ng yumaong diktador. https://c451ece40882acea17f1c493f50d60ae.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

Ayon sa hatol ni Judge Manuel Real ng District Court of Hawaii sa kanyang desisyon noong Enero 25, 2011, ang pagmamatigas at sadyang pagsuway ng mga Marcos sa korte ay nagdulot ng pinsala sa mga biktima ng pang-aabuso ng karapatang pantao.

Pinagtibay ng US Court of Appeals Ninth Circuit ang desisyong ito noong Oktubre 2012. Sinabi ng korte na ang $353 milyong contempt judgment ay maaaring ipatupad ni Celsa Hilao. Siya ang ina ng estudyanteng aktibistang si Liliosa Hilao na pinahirapan at pinatay noong Martial Law, at isa siya sa mga kasapi ng makasaysayang class suit  laban sa yumaong diktador.

Noong Agosto 2019, nagpasya ang bagong hukom ng District Court ng Hawaii na si Derrick Watson na patagalin pa ang bisa ng hatol hanggang Enero 25, 2031 – maaari pang singilin sa mga Marcos ang multang $353 milyon sa loob ng susunod na siyam na taon.

SOURCE. A page from the docket records of the US District Court of Hawaii for the case of Estate of Ferdinand E. Marcos Human Rights Litigation
Nararapat na parusa

Inapela ng mga Marcos ang hatol sa US Court of Appeals. Para sa kanila, walang bisa at namumuwersa ito.

Nang pinagtibay ng US Court of Appeals ang hatol ng contempt noong 2012, sinabi ng korte. “Kahit pa tama ang mga Marcos na may pamimilit sa parusang ito, malinaw rin na ito ay kaukulang kabayaran.”

Dagdag ng US Court of Appeals: “Ipinaliwanag din ng district court na ang multang $100,000 kada araw ay tama lang dahil ang pagsuway ng mga Marcos sa utos ng korte ay direktang nagbibigay-pinsala kay Hilao, kabilang ang $55,000 na nawawalang interes kada araw at ang iba pang nawawala [sa mga biktima] dahil sa sadyang pagpapatagal ng mga Marcos sa kaso.”

Bukod sa pagtakas sa hatol na contempt, hindi pa rin binabayaran ng mga Marcos ang $2 billion na danyos na naipanalo ng mga human rights victims noong 1992. Noon kasing nagpetisyon ang mga biktima sa korte sa Pililipinas na sila ang maningil sa mga Marcos, nagdesisyon ang Court of Appeals sa Pilipinas noong 2017 na wala raw jurisdiction ang korte sa Hawaii.

Kapag pumunta sina Marcos Jr. at Imelda sa Amerika

Nagagawa man nilang takasan ang contempt judgment na ito, mahihirapan namang pumunta si Marcos sa Amerika.

Halimbawa, kapag nanalo si Marcos bilang pangulo at pumunta siya sa Amerika, hudyat itong maipatupad ang hatol ng mga korte roon. Maaari ring humiling ang mga abogado ng biktima ng subpoena para pilitin si Marcos na harapin ang korte at magpaliwanag. Ayon ito kay Robert Swift, ang Amerikanong abogado na sumusubok bumawi ng US assets ng mga Marcos para ipamahagi sa mga martial law victim. https://c451ece40882acea17f1c493f50d60ae.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

Ganito rin ng mangyayari kung si Imelda ang pupunta sa Amerika.

Kung hindi pa rin sila magbayad o hindi sumunod sa subpoena kahit nasa US pa sila, sinabi ni Swift sa email sa Rappler, maaaring ituring iyon na pambabastos sa korte at maaari silang ikulong hanggang makapagpaliwanag sila tungkol sa kanilang mga ari-arian.

Bakit mahalaga ang isyung ito?

Tumatakbo pagkapresidente si Marcos Jr. sa Mayo 2022. Kung siya ay patuloy na sumusuway sa hukuman sa loob ng 27 taon na, ano ang pipigil sa kanya, kung siya’y maging pangulo, na patuloy na balewalain ang hatol hanggang mawalan ito ng bisa sa 2031?

Bukod sa pinag-uusapang multa na $353 milyon, mayroon pang P125 bilyon na nakaw na yaman ng mga Marcos ang nililitis hanggang ngayon para mabawi ng gobyerno at maipamahagi sa mga Pilipino.

Hanggang ngayon ay itinatanggi ni Marcos Jr. ang pagnanakaw ng kanyang ama at pamilya kahit na P174 na bilyon na ang nabawi ng gobyerno na nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Pati ang buwis na dapat nilang bayaran para sa ari-ariang nasa kanila pa ay hindi pa rin nareresolba. Sa ilang petisyon sa Commission on Elections na nagtatangkang humarang sa kandidatura ni Marcos Jr., sinabing nakakasama sa mga Pilipino ang hindi pagbabayad ng pamilya Marcos ng buwis sa kanilang ari-arian. Isa na namang Ferdinand Marcos ang sangkot, ayon sa kanila, at ang Junior na ito ang umaagaw ng perang dapat ay para sa mga Pilipino. Rappler.com

Exit mobile version