Site icon PinoyAbrod.net

NOISE BARRAGE APRIL 4, 12NN ITALY / 6PM PH

Patuloy ang dating ng balita mula sa Pilipinas. Mga doktor at frontliners na nagangamatay, kasama na rito ang ilan sa mga kamag-anakan at kakilala ng mga ofw sa labas ng bansa. Magpahanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang kakulangan sa mga medical equipments at mga protective gears, sa kabila ng nag-uumapaw na mga donasyong nakakarating sa Pilipinas. Patuloy ang kakulangan sa mga relief goods sa mga komunidad sa kabila ng katotohanang may pondong nakalaan para rito. Walang komprehensibong planong nakikita at nararamdaman ang ating mamamayan. Iniasa ni Duterte sa kanyang mga heneral na pulis at militar ang pagdedesisyon imbes na sa mga eksperto at dalubhasa ng sektor ng kalusugan. Hindi nasosolusyunan ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang bagong kamit na special powers ang pagkalat at pagpuksa ng pandemiyang COVID19. Kailangan nating muling mangalampag para maproteksyunan ang ating magigiting na frontliners. Kailangan nating mangalampag para gisingin ang nagtutulog-tulugan sa gobyerno. Hindi sapat ang manahimik, maghintay at magmasid. Manawagan at sumama sa tayo sa pangangalampag saang panig man tayo ng mundo!
Mekanismo :

A.) Mamili sa mga sumusunod na panawagan at isulat ito sa papel:
#SerbisyoMedikalHindiAksyongMilitar
#ProteksyunanAngMgaFrontliners
#MassTestingNowPH
#NoToVIPTesting
#SolusyonHindiKorapsyon
#FreePoliticalPrisoners
#AyudangSosyoEkonomikoHindiPanloloko
(* ISAMA RIN ANG MGA PANAWAGAN SA MGA BANSA KUNG NASAAN TAYO, hal. – Italya panawagan ng mga mamamayan nito sa lingwaheng Italyano)

B.) Idikit ang mga panawagan sa mga kaldero o kung saan man pwedeng maging visible o makikita sa video.

C.) MANGALAMPAG! MAGINGAY! At irekord ang inyong video sa loob ng 15 segundo.

D.) I-save ang file at i-send sa silakbo.media@gmail.com

E.) Sumama ulit sa April 11 para pagpugayan ang mga Frontliners sa Espanya sa ganap na 6 ng gabi oras sa Pilipinas!

The post NOISE BARRAGE APRIL 4, 12NN ITALY / 6PM PH appeared first on Migrante Europe.

Exit mobile version