Resbak ng mga biktima ng pamamaslang
Unang beses humarap si Dennis David sa publiko. Kinakabahan, pero nakakapagpalakas ng loob ang makasama ang iba pang magulang. Ang gagawin nila: iaanunsiyo sa midya ang paghabla sa International Criminal Court (ICC) kay Pangulong Duterte.