Site icon PinoyAbrod.net

#SONA2018: Yumi

Kasabay ng pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuhos ng maraming panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Kabilang sa maraming nagprotesta ang sektor ng mga manggagawa, mag-aaral, katutubo at magsasaka. Ayon sa panayam kay Yumi Catameo,magsasaka sa lalawigan ng Rizal at miyembro ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA), isa siya sa maraming biktima ng mga kontra-mahirap na mga polisiya ng administrasyon.

Ani rin ng magsasaka, nais nilang matugunan ng administrasyon ang matagal na nilang nilalaban na isyu sa coco levy fund kung saan nakasaad na ang bilyong-bilyong pondo ay dapat nakalaan sa mahihirap na magsasaka ngunit napunta lamang sa bulsa ng mga makapangyarihan.

“Kini-claim namin na ang coco levy funds ay maipamahagi na sa lalong madaling panahon upang mabiyayaan naman kaming mga maliliit na magsasaka,” dagdag pa ng miyembro ng PAKISAMA.

Base sa panayam, mahigpit niya ring kinikondena ang militarisasyon na nagaganap laban sa mga katutubo kung saan kinakamkam ng mga militar ang lupang ninuno ng mga ito kaya nagmimistulang nomad ang mga katutubo.

Dagdag pa ni Catameo, hinihiling nila sa Pangulo na maibigay nito ang naaangkop sa batas nang ito ay nalalaan naman sa mga katulad nilang magsasaka.

Sinasalamin ng ganitong mga pahayag ang mga danas at laban ng mga magsasaka upang makamit ang katarungang pilit na ipinagkakait sa kanila sa loob ng mahabang panahon.

The post #SONA2018: Yumi appeared first on Manila Today.

Exit mobile version