[OPINYON] Ang unang SONA ni BBM vs People’s Agenda
Kulang ang inilatag na mga plano upang matugunan ang mga hamon at paghihirap na dinaranas ng ating bansa. Patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, ang pandadahas sa oposisyon, ang kakulangan ng mga trabaho. Kaya naman nangingingibabaw pa rin ang paghahanap kung nasaan ang mamamayang Pilipino sa gobyernong ito. Sino ba ang kasama sa pag-unlad na pinaplano ng bagong administrasyon?