Bagong eskandalo sa PhilHealth: P15-B naibulsa?
Sangkot sa panibagong kontrobersiya ng korupsiyon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Bilyun-bilyong pondo ng ahensiya ang diumano’y kinurakot ng ilang mga opisyal, ayon sa nagbitiw nitong anti-fraud legal officer at abogadong si Thorrsson Keith. Sentro na naman ng pampublikong atensiyon ang PhilHealth kahit kalilipas lang noong nakaraang taon ang kontrobersiya sa panukalang gawing mandatory…