Buháy ang karapatang magprotesta
Hindi isinasawalang-bahala ang karapatang pantao kapalit ng pagpuksa ng sakit at paglaban sa pandemya. Ito ang kabuuang mensahe sa libu-libong protestang nailunsad sa buong mundo sa kabila ng banta ng coronavirus disease (Covid-19). Hunyo 4 nagtipon ang daan-daang Taiwanese para alalahanin ang masaker sa Tiananmen Square, 31 taon na ang nakalipas. Ang kaiba ng taong…