ANG TAGUMPAY NI MARIA LORENA BARROS [18 MARSO 1948-23 MARSO 1976]
Tulang pagpupugay ni E. San Juan, Jr. Punglong sumabog– Simbuyo ng paghihimagsik! Ipinagkaloob mo ang iyong metalikong kaluluwa sa dapog ng rebolusyon Di kailangan ang uling ng pagdadalamhati Di dapat mamighati Tilamsik ng dugo Sa sugatang himaymay ng iyong dibdib umapoy, sumigid Ang umaasong adhika: Kaluluwa mo’y masong dudurog sa tanikala ng kadiliman Sumagitsit, napugnaw–…
