Okay, sige, sabihin na nating medyo tagilid talaga kung ikukumpara ang Pilipinas sa New Zealand — malayo kasi ang agwat ng bansa natin sa New Zealand pagdating sa population; nasa 5 million lang ang population ng New Zealand, tayo 100+ million.
Malayo rin ang agwat natin sa Global Peace Index; 2nd ang New Zealand, tayo nasa 134th place. Malayo rin kahit sa GDP per Capita.
Pero may isang bansa na puwede at maari nating ikumpara ang Pilipinas, ‘yung kapitbahay nating bansa mismo, Vietnam. Partida ha, may land border ang Vietnam sa China — ‘yung northernmost part ng Vietnam ay kadikit ang probinsiya ng Yunnan sa China.
Tulad ng Pinas, developing country ring maituturing ang Vietnam, and by the standards of many, hindi rin siya mayamang bansa, pero bakit kinaya nila?
Population (as of 2020):
: 97 million: 109 million
First known case of COVID-19:: 23rd January 2020: 30th January 2020
Suspension of all inbound flights:: 21st March 2020: 3rd May 2020
Mass testing:: Yes, aggressive mass testing: No, with controversies of “VIP treatment” for politicians and their relatives
Date where quarantine was lifted:: 23rd April 2020: Still under quarantine
Number of confirmed cases (as of 10th June):: 332: 23,732
Number of recoveries (as of 10th June):: 320: 4,895
Number of deaths (as of 10th June):: 0: 1,027
See? Nasa competence ‘yan ng namumuno at ng pamahalaan, wala sa population o land area ‘yan. Why and how did Vietnam, a country of almost a hundred million people, won the battle against COVID-19? Lahat rin po ng data diyan ay hindi ko hinulaan lang, I’d comment down below the sources so that you guys can read it for yourself. Alam ko may magsasabi rin diyan na “Single party” kasi ang Vietnam. Well, oo, one-party state ang Vietnam (Communist Party of Vietnam), pero uuwi at uuwi pa rin tayo sa usapin ng competence, kasi kahit one-party state ang Vietnam, kung incompetent ang leaders niya, wala rin.
Facebook post by Rayianne Gabriel Maravilla