Balik-Tanaw | Pentecostes: Si Hesus: Ang Propeta, Ang Kristo

0
295
https://inductivebiblestudyapp.com/2020/01/who-do-you-believe-jesus-is/

Ni FLOYD CASTRO
United Methodist Church

Psalm 138:1-3, 6, 8
Isaiah 22:15,19-23
Romans 11:33-36
Matthew 16:13-20

Sa loob ng “inner circle” ng mga alagad na madalas tinatawag na “labingdalawa”, kailangang malaman ni Hesus kung paano siya kinikilala. Pagkatapos marinig at masaksihan ng maraming tao ang kanyang mga turo at gawa, hindi malayo na may mga haka-haka sila sa pagkatao ni Hesus. Dito nagsimula ang pagtatanong, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” (Mateo 16:13b, MBBTAG). Sinundan naman ito ng parehong tanong sa mga alagad, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” (Mateo 16:15b, MBBTAG).

Ayon sa mga alagad, si Hesus daw marahil ay si Juan na Tagabautismo (kilalang mangangaral at pinsan ni Hesus na hindi pa nagtatagal ay pinapatay ni Herodes) o isa sa mga propeta. May malalim na karanasan ang mga Hudyo sa mga propeta. Ang mga propeta ang gumabay sa kanila sa mahabang panahon at tumulong upang marinig ang mensahe ni Yahweh sa ginta ng iba’t ibang paghihirap at pagkalimot. Bagamat mataas ang pagtingin ng mga Hudyo sa mga kilalang propetang sugo ni Yahweh, marami sa kanila ay inusig at pinapatay dahil sa dala nilang mensahe. Delikado ang buhay ng isang propeta. Kung tinitignan ng masa si Hesus bilang isang propeta, hindi malayo na “suspect”, binabantayan at pinasusundan na rin si Hesus ng mga nasa kapangyarihan.

Hindi nagbigay ng komento si Hesus kung tama o mali ang pagtingin ng mga tao sa kanya. Ni hindi niya inusisa ang dahilan ng pagkakilala nila sa kanya. Dahil kaya malayo ito sa katotohanan o baka hindi ito ang mahalaga sa kanya sa ngayon kaya’t sapat na munang malaman ang kanilang pinaniniwalaan (o inaasahan)?

“Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy” (Mateo 16:16b, MBBTAG). Ito ang tugon ni Pedro sa parehong tanong ni Hesus sa mga alagad kung sino siya. Higit sa isang propeta, naniniwala o alam ni Pedro na si Hesus ang Kristo. Hindi rin ni-confirm ni Hesus kung tama o mali si Pedro bagamat nilinaw niya na ang kaalamang ito ay hindi galing sa ibang tao kundi mula sa “Ama na nasa langit”.

Kahit kanino pa galing ang kaalamang si Hesus ay ang Kristo, maglalagay ito sa alanganin sa buhay ni Hesus at sa lahat ng tagasunod niya. Kung matatandaan, nang malaman ni Herodes ang kapanganakan ng tagapagligtas, ipinag-utos niya ang pamamaslang ng mga batang lalaki sa Betlehem. Kung delikado ang buhay ng isang propeta, delikado rin ang buhay kahit na ng pinaghihinalaang Kristo.

Nitong nakaraang dalawang linggo, nasaksihan natin (at least) sa pamamagitan ng mga balita ang magkasunod na brutal na pagpaslang sa dalawang aktibista na Randy Echanis at Zara Alvares. Para sa mga hindi nakakakilala, sina Randy at Zara ay aktibista, komunista, terorista. Para naman sa mga kapamilya, kaibigan at kasama, si Randy ay isang asawa, ama, human rights worker, peasant activist at peace advocate; si Zara naman ay isang ina, human rights defender, health advocate, workers advocate at church worker.

Si Randy at Zara ay dalawa sa ating makabagong propeta. Mga propeta na nagbibigay ng pag-asa sa mga taong itinutulak sa laylayan ng lipunan habang nagpapagalit sa ilang tao na nakikinabang sa pagdurusa ng karamihan. (https://www.bulatlat.com)

Balik-Tanaw is a group blog of Promotion of Church People’s Response. The Lectionary Gospel reflection is an invitation for meditation, contemplation, and action. As we nurture our faith by committing ourselves to journey with the people, we also wish to nourish the perspective coming from the point of view of hope and struggle of the people. It is our constant longing that even as crisis intensifies, the faithful will continue to strengthen their commitment to love God and our neighbor by being one with the people in their dreams and aspirations. The Title of the Lectionary Reflection would be Balik –Tanaw , isang PAGNINILAY . It is about looking back (balik) or revisiting the narratives and stories from the Biblical text and seeing ,reading, and reflecting on these with the current context (tanaw).

The post Balik-Tanaw | Pentecostes: Si Hesus: Ang Propeta, Ang Kristo appeared first on Bulatlat.