Banta sa mga progresibo, umiigting

0
257

Nakatanggap ang Karapatan-Southern Tagalog at National Union of People’s Lawyers (NUPL) noong gabi ng Agosto 22 ng isang mensahe mula sa numerong +639636172043, na naglalaman ng mga pangalan ng umanoý listahan na nasa liquidation o papaslangin.

Ang buong mensahe ay ang sumusunod: “I am a concerned citizen. The subjects for liquidation in Negros are: 1) Zara Alvarez; 2) Ernesto Longhinos; 3) Clarissa Dagatan; 4) John Milthon Lozande; 5) alyas Tatay Ogie; 6) Rolando Rilyo; 7) Aldrin; 8) Iver; 9) Rey and Filipe Jelle.”

Pinaslang si Alvarez noong Agosto 17 sa Bacolod City.

Ilang taon nang nakakatanggap si Singson ng death threats. Ang pinakabagong death threat sa kanya ay mula sa Facebook, ilang minute matapos paslangin si Alvarez, na nagsasabing siya na ang susunod.

Maaaring tinutukoy si Rey Alburo, spokesperson of Karapatan – Negros ng pangalang “Rey.” Mula pa noong isang taon siyang nakakatanggap rin ng death threats, mula nang paslangin si ang konsehal ng Escalante City na si Bernardino Patigas, isa ring tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Maaaring si Felipe Gelle ng September 21 Movement sa Negros, miyembrong organisasyon ng Karapatan, ang tinutukoy na “Filipe Jelle.” Nakatrabaho niya ang abogadong si Benjamin Ramos na pinaslang noong Nobyembre 2019. Kasama siya ni Singson na nakatanggap ng death threat matapos paslangin si Patigas.

Inilagay ng Karapatan sa ilalim ng “extreme risk” ang mga nabanggit na tao matapos ang pagpaslang kay Alvarez.