#BonifacioDay2018: Pagkilos at panawagan ng mamamayan sa Araw ng Anakpawis

0
369

Pagkilos

Taun-taon, ginugunita ng mga manggagawa at iba pang sektor na nakapaloob sa mga progresibong organisasyon ang kaarawan ng pangulong tagapagtatag ng Katipunan at ng unang rebolusyunaryong gobyerno sa bansa–si Andres Bonifacio.

Panawagan

Ang kaarawan ni Bonifacio ay itinuring na rin ng mga progresibong organisasyon na “Araw ng Anakpawis”, kung kaya’t sa araw na ito ay bitbit nila ang kanilang mga panawagan. Lampas pa rito, sa diwa ni Bonifacio at ng Rebolusyong 1896, patuloy nilang ipinanawagan ang pakikibaka ng mamamayan para sa isang tunay na malaya at demokratikong lipunan.

The post #BonifacioDay2018: Pagkilos at panawagan ng mamamayan sa Araw ng Anakpawis appeared first on Manila Today.