Bulatlatan Q & A | Huntahan with Rey Salinas

0
300

In this episode of Bulatlatan, let us get to know to Rey Salinas, national spokesperson of Bahaghari, as she shares her coming out story, the struggles of LGBTQIA+, and her insights on fighting back against tyranny.

Rein Tarinay (RT) Mapagpalayang araw sa ating lahat! Welcome sa panibagong episode ng Bulatlatan. Bulatlatan is Bulatlat’s weekly podcast on pressing issues in the Philippines.

Noong nakaraang episode, tinalakay natin ang implikasyon ng anti-terror law sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag.

Ngayong araw espesyal ang episode na ito dahil may makakasama tayong panauhin na lalo pa nating kikilalanin.

Sino nga ba siya?

Rey Valmores-Salinas is a trans woman molecular biologist, former Lumad schools teacher, and political organizer. She is an advocate for women’s and LGBTQ+ rights, and is currently the National Spokesperson of Bahaghari, a national democratic alliance of militant and anti-imperialist members of the LGBTQ+ in the Philippines.

Kasama ang labing syam na iba pa, naging mukha siya ng paglaban. Nito lamang hunyo, pride month ay inaresto ang tinaguriang Pride 20 noong mapayapa silang nag protesta bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng makasaysayang stone wall protest.

Let us get to know Rey Salinas!

Kumustahin muna natin ang ating panauhin. Kumusta, Ms. Rey?

Rey Salinas (RS) Magandang araw po, okay naman po ako. Ngayon naka-quarantine lang po kami sa Pride 20 dahil nga po may exposure sa kapulisan. As we all know, ay marami sa ranks nila ay nagtuturn up positive for COVID-19. So necessary po na magkaroon kami ng mandatory na quarantine.

RT: At bago tayo dumako sa seryosong usapin. Gusto nating umpisahang masaya ang ating talakayan. Hinahamon natin si Ms. Rey na magbigay ng 5 gay lingo and use it in a sentence. Ms. Rey, ready ka na ba?

RS: 5 Gay lingo sige.

RS: No 1. Siguro simula tayo sa ano sa mga common na words na I’m sure naririnig ng lahat. So halimbawa “charot”! Ano ba yan ang init init ngayon, charot or ang panget naman ng suot mo, charot! Ganon. Ang charot ay essentially isang salita na wala siyang actually particular na meaning. A lot of times isa siyang tiller no. Halimbawa may sinabi kang isang bagay na potentially magc-cause ng tension, magsabi ka lang ng charot sa huli para mawala ang tension na iyon. Wala siyang set na meaning katulad ng cheka, chour, charot.

Okay no. 2, ngayon sobrang lakas ng ano, yung weather, may kidlat. Ang tawag natin diyan “julanis morisette” mula sa salitang ulan, julanis morisette. Ang lakas ng julanis morisette.

No. 3, sige in line na lang sa pinaglalaban natin. “Wakaz” endo, wakazin. Si Duterte wakazin. Mula sa salitang wakasin, “wakaz” end 04:50

RS: Number 4, “shula” Yun yung term na ginagamit para sa mga tao na naniniwala na kailangan natin magkaroon ng radikal na pagbabago sa lipunan mula sa salitang pula. Kadalasan tinatawag ako bigla na shula. Nakakaloka naman ‘tong mga shula.

No. 5, siguro last na lang dahil parte nga ako ng Pride20 kami ay na-julie vega. Salitang julie o huli. Na-julie vega kami ng mga pulis.

RT: Yan at sana huling julie vega na ‘yon. Next up, Fast talk ito Ms. Rey. 5 facts we don’t know about Rey Salinas

RS: Una, actually na-mention siya earlier. I am a scientist. By training ako po ay isang molecular biologist. Actually nag-trabaho po ako sa Ateneo School of Medicine and Public Health. Nagtayo po kami ng kauna-unahang laboratory para sa pagtetest sa mga bata na mayroong autism spectrum disorder para malaman kung ang dahilan ng autism nila ay fragile x syndrome. So ako yung pinaka-bata na member ng team.

Pangalawang fact po, I used to be a performer. I used to do cheer dance in college. I was heavy on performing so active ako sa cheerdance team ng National Institute for Molecular Biology and Biotechnology so baka may mahanap lang kayo bigla na video ko na hinahagis ganon. I used to do cheerleading o cheerdance.

RT: Talagang multi-talented nga.

RS: Third fact, I used to be extremely shy as a kid. When I was in grade school as a newbie po, nags-struggle ako mag-recite sobrang held back ko no’n and hindi ako capable talaga na magkaroon ng social interactions o mag speak in front of multiple people. Eventually siguro na-unlock ‘yon no’ng sumali ako sa debate society, naging active ako sa debate in high school. That’s when I discovered na kaya kong magsalita in front of people and kaya ngayon eventually nag-evolve siya to where I am now bilang tagapagsalita para sa Bahaghari. Pero several years ago po sobrang shy ko po na bata. Sobrang reserved ko as a kid.

4th fact, obsess ako sa cats. When I was in high school, actually allergic talaga ako sa cats sa dogs. Pero gustong gusto ko talaga magkaroon ng pet na cat and when I was in high school, pauwi ako noon mula sa pag-aaral may sumusunod sa akin na stray kitten and then siyempre ayaw ko naman iwan so pinulot ko siya, inalagaan ko siya and akala namin ‘yong cat na ‘yon akala namin babae siya so pinangalanan naming “Mikay” kasi uso no’n ‘yong show ni Daniel Padilla na Mikay ‘yong pangalan ni Kathryn. SO pinangalanan naming Mikay pero it turns out lalaki pala siya. Siguro isa rin siyang pagsasalamin sa akin bilang gtranswoman na things are not always as they seem. P’wede kang magkaroon ng pusa na ang pangalan niya ay Mikay na supposedly ay conventionally feminine name pero mayroon siyang ari ng panlalaking pusa and ‘yun ‘yung isang bagay na binabaka natin ngayon.

5th fact, I nearly died three times na. When I was a kid, I was very sickly and fragile. There was a point na nagkaroon ako ng sobra sobrang daming sakit na sabay sabay, pneumonia and hindi talaga ako expected na mabuhay noong baby pa ako no’n e. Pero eventually for some reason nag-recover naman ako. Second, I was supposed to ride a boat na nalunod. And dozens of kid ang namatay noon. I think I was in grade school at that time. Hindi natuloy ‘yung pagsakay ko sa boat pero if sumakay ako no’n malamang sa malamang magiging part na rin ako ng casualties. Third, I am a Yolanda survivor. Nasa Tacloban City, Leyte po ako at that time when Yolanda struck my city. I was one of the few people who was lucky enough to survive the strongest typhoon in human history to hit landfall at the time. Pero survivor po tayo at andito tayo ngayon, patuloy na lumalaban.

RT: Napaka-inspiring ng kwento ni Ms. Rey Salinas at nasa unang bahagi pa lamang tayo ng ating kwentuhan pero parang marami na tayong natututuhan at nalalaman tungkol kay Ms. Rey pero alam kong may hinihintay tayong lahat.

Miski ako tgustong gusto ko na talaga itong itanong eh at alam kong marami rin ang gustong malaman ito. Ms. Rey Ano ang sikreto? Paano maging fresh?

RS: First of all salamat po sa compliment pero actually wala po akong complicated na skin care routine. Naghuhugas lang po ako ng face with soap ganun lang po. I do wear make up so kung sa mga araw na ‘yon kailangan talaga i-ensure na natatanggal. Siguro ‘yun lang ‘yung advice na maibibigay ko. If you’re wearing make up, ensure na matatanggal lahat. I like to wear make up pero at the same time sometimes I just don’t feel like it and people have to deal with it. Pero wala po akong complicated na skin care routine

RT: At dahil nalaman na natin ang kanyang mga tinatagong sikreto dadako naman tayo sa mas seryosong bahagi ng buhay ni Ms. Rey upang lalo pa natin siyang makilala. Ms. Rey bilang parte ng LGBTQIA community, isang malaking bahagi ng buhay mo ay ang pag coming out. can you tell us your coming out story?

RS: Tama ka ano, Ms. Rein. Ang coming out ay isang napakalaking parte [sa buhay] ng mga miyembro ng LGBT. I grew up in a very, very hyper-conservative na household. Sobrang nagtatago ako for the longest time and in fact ako rin confused din ako kung ano ba talaga ang identity ko nag wrestle ako no’n for a long time. “Yong estranged father ko, siya po actually ‘yong mayor ng Southern Leyte and very very much against siya. Nakikita niya as a kid na feminine ako. May times na ‘pag bibili kami ng mga laruan kasing simple lang no’n. Pipiliin ko halimbawa si Cinderella, Little Mermaid and everytime nahuhuli niya na ginagawa ko ‘yon, masu-subject talaga ako to physical and emotional violence and that is also the reality na so many people in the LGBT community face around the world. So hindi siya naging madali and siguro naging gateway. Na-mention ko nga na estranged father ko siya kasi naghiwalay ang parents ko when I was younger, Bagamat conservative din ang mother ko, naging mas bukas siya when I started opening up. Hindi rin siya naging madali no’ng nag-open up ako sa mother ko. Karamihan ng mga magulang sa Pilipinas naging parte na ng kultura natin na magkaroon ng anak na pinoproject na ‘yong mga goals ng mga magulang sa kanilang mga anak. At para sa mother ko, parte ng naging projection niya ay maging isa akong golden child, golden boy kasi ako ang only child ng pamilya. Hindi naging madali iyon. Pero eventually, my mother came to terms with it na ito ‘yong katotohanan ko. This is my truth and ako pa rin ‘yong Rey na kinikilala niya, ako pa rin ‘yung Rey na nagmamahal sa kanya at ngayon ‘yung Rey na lumalaban para sa karapatan ng mga kababaihan at ng mga LGBT. Na-mention ko earlier na ang father ko ay ang mayor ng Southern Leyte at marahil kung ako ay naging isang straight cis-boy halimbawa, may malaking chance na hindi ako mamumulat sa hinaharap ng LGBT ngayon. Pero ang fact na ako ay isang transwoman ay nagkroon siya ng malaking papel sa pagkakamulat ko na kailangan nating magkaroon ng pagbabago sa lipunan. ‘Yon ‘yong naging gateway eventually sa pagiging aktibista and full time organizer ko so dahil din doon tinalikuran ko ang lahat ng mga comforts na iyon. Ang pagiging heir apparent ng mayor ng Southern Leyte, tinalikuran ko lahat ng iyon para manilbihan sa iba pang mga babae na katulad ko na sana ay hindi na maulit ang nangyari sa akin, sa kanila. Pinili ko na maging bahagi ng pagbabago. Sa totoo lang Rein napakadali lalo na kung may option ka napakadaling piliin ng landas na kumportable ang landas na mahinahon. Pero tinalikuran ko lahat ng ‘yon kasi nakikita ko na hindi maaari na mag-rest na may mga taong katulad ko na baka sa ngayon ay nasa hindi ligtas na pamilya lalo na ngayong pandemya. Trapped tayo sa ating mga bahay, maraming invisible stories out there ng mga bata tulad ko na binubugbog at ayaw kong maulit ‘yong karanasan sa kahit sino mang katulad ko. Kaya pinili kong maging aktibista. Ang pagiging transwoman ko ay naging malaking push towards me being an activist fighting for the rights of the LGBT and the rest of the people in society.

RT: Maraming salamat sa iyong binahagi. Bilang bahagi ng LGBTQIA+ community, hindi natin maikakaila na maraming porma ng diskriminasyon ang kinahaharap ng komunidad. Maari ka bang magbahagi ng ilan sa iyong mga struggles na pinagdaanan at kung paano ito nakatulong sa iyong mga advocacies na ipinaglalaban ngayon?

RS: So na-mention ko at the beginning na when I was younger I was very shy and reserved and part of it was how hindi ko pa ma-console ‘yung fact na ang expression ko ay hindi nagma-match sa kung sino talaga ako. Hindi ako confident sa sarili ko at the time, tahimik lang ako. Ako ‘yung tipong nasa corner lang kasi alam kong mali—may something wrong sa fact na pinipilit akong pasuotin ng damit panlalaki. May something wrong sa fact na tinatrato akong ganito. Na ‘pag nagiging malumanay ako ay may karahasan akong mararanasan. Growing up naging malaking bahagi ‘yon kung bakit hindi ako naging aktibo sa extra-curricular activities. Parating tinatanong ng people na you seem ike a very confident person did you ever run for student council halimbawa. And I never did because I was never confident in who I was at the time. Maliban sa lahat ng confusion ko sa sarili ko maliban sa pandarahas na nararanasan ko sa bahay at pang-aabuso rin sa paaralan mula sa mga classmates ko na binu-bully ako for who I am at sa mga guro ko na mga homophobe din. Hindi nagtatapos doon ang mga karanasan ng mga LGBT. Maraming mga LGBT ang nawawalan ng oportunidad, nawawalan ng edukasyon, nawawalan ng trabaho dahil lang sa kung sino sila. Ang dami dami na ng mga kaso ng mga transwoman na katulad ko na tinatanggal sa trabaho nila, nawawalan ng hanapbuhay at ang sasabihin lang dahil hindi sila handa makipag-trabaho sa mga tranwoman o sa LGBT katulad ng nangyari kay Bunny Cadag na nag-apply siya sa Jollibee and natanggap siya pero no’ng nakita nila on the job na transwoman pala siya, tinanggal siya sa trabaho. Mas malubha pa na karahasan na nararanasan ng mga LGBT katulad kay Jennifer Laude na pinatay ng isang sundalong amerikano na si joseph Scott Pemberton. Sinabi ni Joseph Scott Pemberton na nagulat daw siya nang nalaman niya na mayroon palang penis si Jennifer Laude kaya niya ito kinitil kaya niya nilublob ang ulo ni Jennifer sa kubeta hanggang mawalan ito ng buhay. Malinaw partikular sa case ni Jennifer na ito ay kaso ng transphobia. Pero sa isang banda suriin natin. Pinatay si Jennifer ng sundalong amerikano na nandito sa Pilipinas dahi sa Visiting Forces Agreement (VFA) according sa VFA ang mga sundalong amerikano ay p’wede lang pumunta anytime they want sa Pilipinas kung ipadala sila and si Joseph Scott Pemberton ay isa lang sa hundreds of soldiers na nakadako sa Olongapo at that time. So sa isang banda malinaw na ito ay kaso ng transphobia pero ito rin ay kaso ng panghihimasok ng Estados Unidos ito ay kaso ng imperyalismo. ‘Yung kaso ni Jennifer Laude ito ‘yung nagre-reflect sa fact na ang LGBT marahas na by itself ang diskriminasyon na nararanasan natin pero wala tayong rainbow shield na hanggang diskriminasyon exclusively ang hinaharap natin. Ang mga LGBT rin ay nagugutom, ang mga LGBT rin ay nabibiktima ng pandarahas ng estado. Ang LGBT rin ay nabibiktima ng imperyalismo at ng mga iba pang suliranin na hinaharap ng taumbayan. ‘Yun ‘yong naging inspirasyon ng Bahaghari at naging inspirasyon ko patungo sa pakikibaka para sa mga LGBT pero pakikipabaka rin para sa mga magsasaka, para sa mga manggagawa, pakikibaka para sa mga lumad, mga katutubo, pakikibaka para sa lahat ng batayang sektor ng lipunan. In fact ang LGBT ay isang 23:27 sector that cuts across causes?? May LGBT na manggagawa, may LGBT na magsasaka, may LGBT na katutubo. May kilala akong lumad na LGBT na transwoman at hindi niya ma-express, wala siyang mental space na mapag-isipan ang malaya na paglalahad ng kanyang gender identity kasi binobomba ang kanilang community. Pinapatay ang kanilang mga lider, mga datu. At iyon ang sumasalamin kung paano bilang mga LGBT tayo ay dapat lumalahok sa malawakang laban para sa mamamayang api. End 24:17

RT: Maraming salamat. Dadako naman tayo sa kwento ng Pride20. Maaari mo bang ibahagi ang kwento at anong nangyari no’ng araw na ‘yon?

RS: Actually no’ng Pride March, June 26. In spirit of Pride Month, nagsagawa kami ng isang mapayapa na pride march. Pinanawagan namin ang pantay na karapatan pero nong kami rin ay pumunta sa mga communities sa mga urban poor communities, tinipon namin ang mga LGBT at tinanong namin ano ba ang mga problema na kinahaharap niyo? Consistent talaga ang sagot nila, SAP. Kaya parte rin ng panawagan namin no’ng pride march ay ang tuloy-tuloy, sapat at walang diskriminasyon na ayuda para sa mga pamilya. Panawagan namin ang libreng mass testing, panawagan din namin ang pagtututol sa jeepney phaseout na siyang dahilan kung bakit ang mga tsuper natin at operator ay nanlilimos sila sa lansangan ar siyempre pinanawagan din namin ang pagtutol at pagpapa-basura sa Terror Law na at that time ay nagbabanta pa lamang. Nagkaroon kami ng peaceful na programa. Mayroong social distancing throughout and no’ng nag-martsa kami mula sa Morayta papuntang Mendiola and when we reached Mendiola, humanay kami ro’n and naka-hanay na kami ready na kaming magsimula sa aming programa biglang may dose-dosenang kapulisan na nagsilabasan naka full riot gear. Kami wala naman kaming panlaban, dala lang namin ay mga placard namin, mga panawagan namin. May isa akong kasama, ang pangalan niya po si Andrew. Si Andrew, kinausap niya nang mahinahon ang mga pulis sinabi niya kuya p’wede po ba kami manghingi ng 10 minutes? Para lang po magsagawa ng programa kahit dalawang speakers lang. So nag negotiate sila and eventually naging malinaw na ayaw ng kapulisan na nando’n kami. So sinabi ni Andrew kuya sige na po kahit one minute na lang paalis na po kami and huling huli ‘yon sa camera na sinabi niyang “kuya one minute na lang po aalis na po kami” and bigla siyang binunot ng mga pulis violently. Dinala siya papunta sa kanilang shield formation. Sinubukan ko siyang tulungan pero binangga ako ng shield sa mukha ng isang pulis. And eventually may mga kasama kami na sinubukan siyang tulungan. Dalawa sila na unang nahuli and eventually kami ay pinapasok sa aming mga sasakyan para makaalis na nga kami pero hinarangan naman kami. Ang ironic kasi sinabi ng pulis na umalis na kayo and then when we went to our cars para umalis biglang ayaw na nila kaming paalisin. In fact ang aming driver nakita rin sa video violently kinaladkad siya ng limang pulis para hindi na kami makaalis and eventually kami na nandoon sa sasakyan ay pinasakay na sa mga police van. Mayroon kaming dalawang sasakyan np’n. Sa unang sasakyan ay kinaladkad ang driver namin at kami ay pinasama sa police van. Sa pangalawang sasakyan, ang ginawa ng mga pulis ay ninakaw nila ang susi as in sapilitan nilang kinuha ang susi at ‘yong mga tao na nandoon sa sasakyan na iyon na mga kasama namin dinala nila sa presinto. Ang pulis ang nag-drive gamit ang ninakaw niyang susi at sasakyan sa mga tao papuntang Manila Police District (MPD). Malinaw na ‘yon ay kaso ng carnapping na nanggaling mismo sa mga kapulisan. Kami naman tinatanong namin, kuya bakit po kami hinuhuli bakit niyo kami inaaresto? Wala silang maisagot. Several times silang tinanong even on camera ano pong dahilan kung bakit kami hinuhuli? Wala silang maisagot. Hindi rin kami binasahan ng aming Miranda rights which means na ilegal ang nangyari na aresto. Dinala kami, 20 kami na dinala sa Manila Police District. Doon na kami na-detain.

RS: So no’ng nadala po kami sa Manila Police District, 20 po kami it was a mass arrest and siyempre ‘pag usapin na ng mass arrest at detention papasok na rin ‘yong usapin ng paghihiwalay ng male and female detainees. Bilang isang trasngender woman isa ‘yon sa mga kinatatakutan ko. Paano ‘yong magiging detention ko if I were to be imprisoned. Originally taagang pinipilit ng mga pulis na ilagay ako sa male detention o sa male quarters pero nagkaroon din ng masinsinan na debate kasama ‘yong mga lawyers namin and even ‘yong mga kapwa namin na detainees. Pinaglalaban nila na isama ako sa iba pang women detainees bilang isang transgender woman. Eventually napapayag sila but not without resistance and not without considerable discrimination afterwards. Even if pinayagan nila ako na sumama sa women detainees, nagpatuloy ‘yong pangangantyaw nila. Sasabihin nila na lalaki naman ‘yan bakit kasama sa mga babae ganoong uri ng diskriminasyon. Nakaranas din po ako ng..nagkaroon ng moments na naramdaman kong na-harass ako ng kapulisan. ‘Yong tipong mayroong pulis na tititigan ako up and down tapos magbibigay ng mga unwarranted compliments like sasabihin nila ang ganda mo naman ang tangkad mo naman na hindi naman appropriate na sinasabi. At ‘yong ganoong uri ng mga panliligalig kami po ay naka-witness ng mga pulis na sa MPD mismo ay nanunuod ng porn at fino-fondle ang kanilang sarili habang pinagmamasdan kami, habang binabantayan kami. Malinaw na malinaw na mga acts of lasciviousness. In fact mayroon akong kasama na no’ng nagkakahulihan pa lamang..nahiwalay kasi siya sa amin ‘yong isang member na ‘to and then nakita siya ng mga pulis na umaalis mula sa nangyayari, sa commotion and bigla siyang tinackle ng tatlong pulis, pinatungan siya ng tatlong pulis hinabol siya at tinumba ng tatlong pulis. Tapos sinasabihan siya na bakit ang lakas mong bakla ka tapos sinabihan siya na kung manlaban ka papasabugin ko ‘yong ulo mo. Mga ganoong uri ng threats na nanggaling sa pulis. At nagpatuloy ‘yong mga psychological na paglalaro ng mga pulis sa amin. There was one time…kasi kami po ay nilagay sa isang napakaliit na espasyo. Seven kami na women detainees nilagay kami sa sobrang liit na espasyo kung saan impossible magkaroon ng social distancing which is ironic kasi hinuli kami tas magsasabi ang pulis na wala kayong social distancing and yet in the very facility where we’re bing kept imposibleng magkaroon social distancing. And sa espasyong iyon, napakalamig as in inhumanely malamig siya and there’s one time na may isang pulis na nagbigay sa amin ng remote sabi niya baguhin niyo na lang ‘yong temperature ng air-conditioning so we did. Pinahinaan namin and then may pulis na sumulpot and then nakita niya ako and then sinabi niya na hindi niyo ba alam na wala kayong karapatan na baguhin ang mga kung anong nandito at hindi niyo ba alam na mayroong isang bakla na kinulong dito na hindi nakinig sa amin, namatay. May ganoong uri din ng psychological torture and besides that. ‘Yong detention namin mismo nasabi ko nga nasa isang cold room kami as in buong araw ay subjected ka to that kind of torture. Iisa lang ‘yong bathroom ng lahat ng detainees na nandoon kasi sira ‘yong public bathrooms ng MPD. Sobrang dumi na parang ilang months na silang hindi nililinis, walang tubig. So kami, parehong mga babae at lalaking detainees ay nags-share lang ng iisang bathroom twenty kami. Hindi kami binibigyan ng pagkain hindi kami binibigyan ng banig. If it weren’t for the out pour of support that we received from several organizations and individuals from here in the Philippines and abroad literal na matutulog kami sa mala-yelo na floor kasama ag mga cockroach kasi malinaw na hindi nila nililinis ang kanilang mga surrounding. Wala kaming makakain. In fact, ang mga pulis ay sinadya nila since mayroon ngang mga donasyon na pagkain na bumubuhay sa amin. Sinadya nila na dinedelay nila 1:30 pm na naka-tengga lang pala sa gate ayaw nilang ibigay sa amin ‘yong pagkain and several instances sobrang baho ng room kasi nags-smoke sila sa facility na iyon. Sa napaka-liit na espasyo na ‘yon napipilitan pa kaming huminga ng second hand smoke mula sa mga pulis na nagyo-yosi lang na wala silang paki. May sexual harassment, may discrimination, may psychological torture ganoon ‘yong dinanas namin for more than 4 days, almost 5 days ng detention sa Manila Police District.

RT: At dahil nga sa naranasang karahasan, diskriminasyon [ng Pride20] mula sa kapulisan, paano natin iho-hold accountable ang kapulisan? Ano ang plano ng Pride20 moving forward

RS: Isang mahalagang usapin po ‘yon. Sa lockdown na ito sobrang dami ng naging kaso ng pandarahas ng kapulisan and yet hindi pa nangyayari na ang mga pulis na ito ay naging held accountable para sa kanilang mga ginawa. Nagkakaroon na tayo ng kultura ng impunity at hindi maaari..Kami mula sa Pride20 ay hindi papayag na magpatuloy ang kultura ng impunity na ito. That is why we are filing counter charges against the Manila police. In fact nagsampa na po kami ng anim na kaso laban sa 32 na kapulisan mula sa Manila Police District. Ang iilan sa mga kaso na ito ay ang paglabag sa Batas Pambansa (BP) 880 unlawful arrest, maltreatment, sexual harassment under Safe Spaces Act, qualified gender-based sexual harassment kasama rin doon ang physical injury na naranasan ng isang kasamahan namin noong tinumba siya ng tatlong kapulisan at pinagbantaan ng buhay so hindi kami papayag na magpatuloy ang ganitong kultura na nanggagaling mismo sa kapulisan.

RT: Sa lahat ng mga nangyari sa inyo, ang pag-aresto ang diskriminasyon at karahasan na naranasan ninyo at mangyayari pa lalo’t nalagdaan na nga ni Duterte ang Anti-Terror Law, Rey, how do we fight back?

RS: Actually isang magandang punto ‘yon na kami ay mula sa Pride20, naranasan namin na ilegal na maaresto, naranasan namin na sampahan ng mga trumped up charges na wala talagang basehan lalo na kung nakita mo ‘yong event mismo at kung napanuod mo ‘yong footage ng event . Naranasan namin na ma-torture sa ganoong klase ng sitwasyon, naranasan namin na ma-harass, naranasan namin na maka-experience ng mga sekswal na panliligalig mula sa kapulisan at lahat ng iyon ang nangyari ay before pa nalagdaan ang Terror Law. Ang pagkakahuli ng Pride20, ang pagkakahuli ng Cebu8, ang pagkakahuli ng Cabuyao11, lahat ng ito ang mga trumped up charges na isinampa sa amin at ang pag-aabuso sa ilalim mismo ng kapulisan at ng estado ay nangyari hindi pa nalalagdaan ang Terror Law. So the question is, what more? Ano na ‘yong hinaharap natin ngayon na nilagdaan na at eventually magiging ganap na panukala ang Terror Law? Sa katanungan kung paano tayo lalaban, siyempre hindi ibig-sabihin na nilagdaan na ang Terror Law ay biglang mananahimik na tayo, magpapatalo na lang tayo and in fact napakadali ‘yon piliin na kung ikaw ay kritikal sa administrasyon, mananahimik ka na lang kasi baka makulong ka lang. P’wede ka nang makulong sa ilalim ng Terror Law until 24 days nang wala pang warrant, na wala pang charges and kung mapatunayan minimum ay twelve years kang makukulong. And the thing is that ang mga tao na magpapatunay at magde-decide kung ikaw ay isang terorista ay hindi ang hukuman. Ang magde-decide ay isang council. Isang extra-judicial council ng mga tao na appointed ni Duterte. Yung mahalaga, hindi niyo sila binoto sa posisyon na iyon. Sila ay appointed mismo ni Duterte. At sino ‘yong mga tao na nandito? Mga heneral, mga sundalo isa itong kangaroo court na sila ang magde-decide kung sino ang terorista, kung sino ang makukulong and in fact nag-aanticipate na dito sina Debold Sinas. Sinabi nila na gusto nila ng greater and more detention centers sa mga supposed quarantine violators. In anticipation iyon sa mangyayari pero hindi ibig-sabihin na mananahimik lang tayo and in fact, sa panahong ito mas lalo na kailangan na tayo ay maging organisado. Mas lalo na kailangan na tayo at mag kapit-bisig, mas lalong kailangan na magpatuloy ang taimtim na protesta sa lockdown na ito. Three months na tahimik ang Mendiola dahil sa lockdown walang nagsasalita sa Mendiola. Ang Mendiola ay isang makasaysayang lugar dahil doon natin pinapahayag ang ating mga saloobin nang naririnig ng pangulo word per word ang ating mga isinisigaw and ang mga LGBT ang nag-wasak sa katahimikang iyon. After three whole months of silence, winasak ‘yon ng LGBT. Pero asahan natin na sa pagdating ng Terrow Law, na sa pagdating ng mas malawakang abuso ng estado sa mga taong kritikal sa administrasyon magiging mas taimtim ang pagpo-protesta, mas dadagsa ang malawakang hanay ng mga tao kasama rin ang Pride20 para singilin ang isang administrasyon na hindi makatao. Hindi natin ito deserve bilang mga pilipno. Hindi natin deserve ang ganitong uri ng gobyerno. Magpapatuloy.. Asahan natin na tayo ay dapat makilahok sa malawakang laban para sa patuloy na pag a-isolate sa isang pangulo katulad ni Duterte hanggang sa eventually ay mapalitan natin ang gobyerno ni Duterte ng isang gobyerno na mga makatao, isang administrasyon na makatao at makatarungan na ilalagay first and foremost ang interest ng Filipino people. So kung tatanungin niyo ako kung paano tayo lalaban? Ang sagot ay hindi manahimik. Ang sagot ay maging organisado, ang sagot ay lumahok sa malawakang laban para tuluyan na nating patalsikin. Hindi na tayo makahihintay pa ng 2 years, 2022. Ang dami dami na ng kababayan natin na nawawalan ng trabaho katulad na lamang ng nangyari sa ABS-CBN, 11,000 workers biglang nasisante.

Hindi natin kayang maghintay at hindi natin kailangang maghintay. Kailangan natin na lumahok sa malawakang laban para patalsikin ang isang pabaya, pahirap at pasistang diktador na si Duterte at hindi kami takot mula sa Bahaghari na sabihin na kailangan na nating palitan ang sistema na mapang-api, ang sistema na nagpapahirap lamang sa sambayanang Pilipino.

RT: Wag manahimik. Lumahok. Ano ang mensahe mo para sa mga kapwa mo kabataan na miyembro ng LGBTQIA community?

RS: Sa mga kapwa ko kabataan na LGBT. Malinaw na nauulit ngayon ang mga nangyari noong 1972. Na-shutdown ang ABS-CBN na may napakahalagang papel pagdating sa pagpapahayag sa mamamayan lalo na ngayong kapanahunan ng pandemya. More than ever, the people need ABS-CBN para sa impormasyon, para sa kaligayahan, para sa inspirasyon na magpatuloy na lumaban and kailangan nating i-recognize tayong mga kabataan at tayong mga LGBT in particular na nauulit ‘yong mga nangyari noong 1972. Pumapasok tayo sa isang madilim na yugto ng ating kasaysayan and in fact ang nangyari sa Pride20 na karahasan na naranasan sa kapulisan, ito ay pag-uulit ng nangyari no’ng Stonewall riots ng 1969. 51 years na ang nakalilipas hindi pa rin tapos ang struggle natin. Hindi pa rin tapos ang laban at nagpapatuloy pa rin ang pandarahas sa LGBT at sa mga mamamayan sa ilalim mismo ng kapulisan at ng estado. Ang mensahe ko sa ating lahat ay i-recognize natin na ito ay nauulit at dapat hindi tayo magkaroon ng pagkaka-mali na ulitin lamang ang mga ginawa ng nakaraan ng mga nauna sa atin. Pinalitan, inikot ang..kumbaga kung mayroon tayong isang wheel ng opresyon ang nangyari, inikot lang natin. Pinalitan natin kung sino ang nasa tuktok and yet nagpatuloy ang pandarahas, nagpatuloy ang mapang-aping sistema, pinalitan lang natin ng itsura ng pang-aapi. Kailangang hindi na tayo mapasok sa ganoong uri ng pagkakamali this time around at bilang kabataan tayo ang pag-asa ng bayan, tayo ang lilikha ng kasaysayan. Ang mensahe ko ngayon ay bilang mga kabataan na LGBT, bilang mga tao na tagapag-likha, nasa kamay natin ang pagbabago. Nasa kamay natin ang pagdidikta kung saan patutungo ang lipunan so kailangan nating magpakatatag. Kailangan nating makita at pag-aralan ang ating kasaysayan at kailangan nating pag-aralan din ang mga nangyari sa ating lipunan para hindi na maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan at makikita natin na sa yugtong ito kailangan na kailangan pa rin ang militansya, kailangan na kailangan pa rin ang pakikibaka at tayo bilang mga kabataan, tayo dapat ang nangunguna sa labang ito. At bilang mga LGBT na nakita natin ang pandarahas 51 years ago ay nagpapatuloy pa rin ngayon. Kailangan na nating tumindig at mamuno, hindi lamang mag-participate kundi mamuno sa laban ng malawakang hanay ng mamamayan kontra pasismo.

Stream this Bulatlatan episode via Spotify,

The post Bulatlatan Q & A | Huntahan with Rey Salinas appeared first on Bulatlat.