Bulatlatan Q & A | Of rights and wrongs: Free speech and ‘Terror Law’

0
301

In this Bulatlatan episode, Nonoy Espina, chairperson of the National Union of Journalists of the Philippines and Maria…

Posted by Bulatlat on Tuesday, July 7, 2020

 

In this Bulatlatan episode, theater artist and writer Maria Victoria Beltran who was recently detained for her satirical post and veteran journalist, chairperson of National Union of Journalists of the Philippines, Nonoy Espina talk about the implications on free speech and expression of the newly-signed Terror Law.
acebook.com/Bulatlat.Online/”>Bulatlat on Tuesday, July 7, 2020

Rein Tarinay (RN): Mapagpalayang araw sa ating lahat! Welcome sa panibagong episode ng Bulatlatan. Bulatlatan is Bulatlat’s weekly podcast on pressing Philippine issues.

Noong nakaraang episode, tinalakay natin ang pagsubok na hinaharap ng ating mga kasamang photojournalists as frontliners in the fight against COVID-19.

Ngayong araw tatalakayin naman natin ang Anti-Terror Law at ang kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag.

Makakasama natin sina Ms. Maria Victoria ‘Bambi’ Beltran isang Cebuana artist at manunulat. Makakasama rin natin ang beteranong journalist at Chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines na si Ginoong Nonoy Espina.

Sa paglagda ni Duterte ng Anti Terrow Law, kasama ang kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag sa maraming karapatang maisasawalang bahala ng batas. Bilang artista, manunulat at peryodista ano nga ba ang implikasyon ng batas na ito?

Bago tayo dumako dyan.. Gusto ko munang kumustahin ang ating mga panauhin.

Kumusta po kayo Ms. Bambi at Sir Nonoy?  

MVB: Dito sa Cebu medyo ano kami kasi nag spike ang pandemic tapos mukhang hindi manganda ang management pero sulong pa rin, laban lang. Okay lang.

NE: Okay naman, Rein. Maraming salamat sa paanyaya. Dito sa amin sa Negros ay bagamat hindi pa ganoon kalala, mataas pa rin ang number of cases ng covid at patuloy pa rin naman ang human rights violations.

Maraming salamat po. Ngayon naman po dahil nagkaroon na tayo ng maikling kumustahan, dumako na po tayo sa ating usapin ngayong araw na ito. Ngayon po pag-uusapan natin ang freedom of expression at press freedom sa panahon ng pagkakapasa ng Anti-Terror Law. Kamakailan lamang ay nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Anti-Terror Law. ngayon po ang una nating bibigyan ng pansin ay Paano niyo isasalarawan ang kalagayan ng kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas?

RT: Paano niyo isasalarawan ang kalagayan ng kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas?

Nonoy Espina (NE): Well, kung titingnan natin ano, mahilig tayong magyabang na may demokrasya tayo at mahilig din tayong magyabang na ang media, ang press dito ang pinakamalaya sa bahaging ito ng Asya. Subalit kung titingnan natin, magmula noong 1986 ay 186 na ang mamamahayag ang pinapaslang sa bansa. So mapapatanong ka, anong klaseng demokrasya ang hahayaang patayin ang mamamahayag na itinuturing bahagi ng fourth estate, without which there would be no democracy. And as far as ano, under this current administration especially, mas lalong under threat hindi lamang yung freedom of the press kundi pati yung freedom of expression. Kung titingnan na lang natin ‘yung pinagdadaanan ng Rappler, at ngayon ‘yung pinagdadaanan ng ABS-CBN na naipasara na ‘yong broadcast e pati ‘yung digital hinarang pa. Eh ‘di natin alam, ‘pag natuloy ‘to baka pati ‘yung online nila, ‘yung YouTube at saka Facebook baka harangin pa. So nakakabahala. Nakakabahala talaga ang sitwasyon ngayon. Hindi lamang sa media kundi para sa ordinaryong mamamayan din at lalong lalo na sa mga alagad ng sining.

Maria Victoria Beltran (MVB): Ang ano ko naman, kasi, dahil sa pandemic, parang ano sila nagiging paranoid. Na pati yung kaliit-liit na mga comments sa social media ay tine-trace na nila ang mga tao pero ang daming gaya ni Mocha Uson na tinagurian na nga nating queen of fake news, ay okay lang. Eh katulad ko, dahil sa isang satirical post ay tatlong araw ako sa bilangguan. Marami pang ibang examples. So ano bang gusto nila? Yung freedom of expression ng mga tao parang gusto ba nilang? Tinatakot tayo dahil sa anti-teror bill mas lalo tayong matatakot magsalita.

RT: Ano ang masasabi n’yo sa kapapasa pa lamang na Anti-Terror Law? Paano nito naaapektuhan ang ating mga batayang karapatan?

MVB: Ang masasabi ko lang, with good intention kasi anti terror nga daw pero niyayapakan ang freedom of speech ng mga tao. Marami pang niyayapakan na freedom, yung warantless arrest. Yung instead of three days lang nagiging 24 days. Nakakatakot talaga ang anti terror bill at maraming mga taong kahit wala pa ang anti-terror bill natatakot na sila. Nagiging private na lahat ng message, posts sa social media wala pang anti terror bill. Ang laki-laki ng epekto ng bill na ito sa demokrasya ng Pilipinas.

NE: Sa tingin ko, totoo yan. Wala pa nga yung anti terrow law na ‘to ay talamak na ang paglabag sa karapatang pantao. Walang tigil yan, e. Nakakalungkot ay sinasabi nating restoration of democracy pagkatapos naaapakan pa rin ang karapatang pantao lalo ng pinakamahirap na mamamayan, na kababayan natin. At ito ngayong anti-terror law on its face nakakatakot na siya e. Kasi tingnan natin, especially yung Section 9 kung titingnan natin sa implications on freedom of expression and press freedom. Yung inciting to commit terrorism nakakatakot na offense yan kasi nakalagay do’n halos kahit anong gawin mo p’wede nilang kabigin na inciting to commit terrorism. Ehemplo na lang, ipalagay natin na mamamahayag ka trabaho mo ay kumuha ng kabi-kabilang panig para mabuo ‘yong accurate na larawan. Eh ngayon pag nag interbyu ka ng tao na kinakabig na terorista ng estado at ito’y ibinalita mo siyempre lalabas do’n kung ano yung pinagsasabi n’ya baka pwede kang akusahan ngayon na inciting to terrorism or to commit terrorism dahil yung mga sinabi niya ay inilatag mo doon sa balita mo. Kahit through banners, through ano. Eh alam naman natin ngayon yung mga red-tagging. Alam natin pati mga legal organizations kinakabig nila bilang front organizations na wala naman silang aktwal na pruwebang inilalabas basta na lang sasabihin nila e front ka ng terrorist. Ito’y naisabatas na. Ngayon, ang magpo-proscribe, ang magsasabing terorista ka hindi nga yong korte e. It is an executive committee. Itong Anti Terrorism Council. Ito ay nabubuo ng mga miyembro ng gabinete. So nakakatakot dahil sa constitution natin ‘yung maaari lang mag-utos na hulihin ka, arestuhin ka ay ang judge. At sa constitution natin, kahit martial law at nasuspend ang privilege of the writ of habeas corpus, the longest you can be detained without warrant is only three days. Ibig sabihin, itong batas ay binalewala yung saligang batas natin. Doon ako kinakabahan talaga. It leaves us unprotected tapos wala man lamang provision to penalize them kung sakaling magkamali sila ng paghuli sa’yo at pagkulong sa’yo so dehado talaga ‘yung mamamayan. Wala tayong kalaban-laban.

MVB: Kaming mga artists, nagpopoetry reading, kung ano anong mga ginagawa namin. Eh siyempre minsan may mga tula na nagcocomplain about the situation ngayon. Pag sabihin nilang mga terorista kayo, kaming lahat pwede nilang ilagay sa bilangguan. Very subjective kasi, ang ATC ang magsasabi na terorista ka. Wala ka ng chance, tagged ka na. Anong klaseng demokrasya ‘yan?

RT: Sinasabi nilang parang martial law ang nangyayari?

NE: Sa totoo lang sa tingin ko mas malala pa to sa martial law. Kasi nag martial law dinedeklara. Ito permanente. Tama ‘yung sinabi ni Senate President Tito Sotto na pag naisabatas ito hindi na kailangang magdeklara ng martial law. Totoo ‘yan. Hindi na nga kailangang magdeklara ng martial law. Dahil itong Anti-Terrorism Law, this is permanent martial law and in fact, its provisions are far worse than what the consititution provides for martial law.

Similarities of press freedom on martial law and duterte administration

NE: Katulad nga ng sinabi ko.. di lang similarities. I think, it could even be worse today. Dahil nga ang anti-terrorism law ay napakalupit na batas. It’s permanent and it’s worse than martial law. Kasi ‘yung ngang sinasabi natin ‘yung warantless arrest and detention sa constitution under martial law na suspendido ang writ of habeas corpus, tatlong araw ka lang pwedeng i-detine, ito up to 24 days. So mas malabo, mas masahol ito. Mas nakakatakot.

On creative freedom

MVB: Ang masasabi ko lang, if you look at art histoory, some great works are created during the worst of times. So kahit anong gagawin nila, we should continue expressing ourselves. Baka makagawa kami ng… It should not stop the artists from expressing themselves. Instead gawin nilang inspirasyon ang mga pangyayari. Masyadong malala kasi may pandemya pa. It’s wrong timing talaga. Wrong na wrong timing na nag-anti terror bill sila. Ang gulo gulo gulo ng isip ng mga tao lalo na rito sa Cebu kasi nga malala ang pandemya sa amin. Palagi kong sinasabi sa mga artist friends ko, go lang nang go. Laban lang.

On Beltran’s arrest

MVB: Gaya ng sinabi ko ang daming mas malala pang mga posts sa social media, eh bakit ako. Why single me out? Subjective yung ginagawa nila. Interpertration…They just apply the law whenever they like it. So, imbes na matakot ako, lalo akong naging inspirado to exercise my freedom of speech.

RT: Paano mapangingibabawan ang takot? Saan huhugot ng lakas ang karaniwang mamamayan?

MVB: Ang ano ko, kahit takot ka, sige lang. Hindi puwedeng pabayaan sila. Mas mabuti nga we should speak louder. We should express ourselves at hindi natin ipapakita sa kanila na takot tayo. Gaya ng sinasabi ko palagi, laban lang. Kapit lang. Hoping against hope na mag-iimprove din ang sitwasyon. Kasi kung hindi na tayo lalaban, ano na ang mangyayari sa atin? There is no choice but to continue fighting for our basic rights. Freedom of speech is a very basic right. We should not allow them to take it away from us.

NE: We have no choice sa totoo lang. Naalala ko nung panahon ng diktadurang Marcos. Ganon din. Wala kang choice. Mananahimik ka? Kawawa ka. Eh ‘di lumaban ka na lang. Dahil sa implikasyon nito sa malayang pamamahayag at pagpapahayag. Sinasabi namin, lalo na sa media. Just continue to serve the people’s right to know. Dahil yun naman ang misyon ng media. Ihatid sa mamamayan, sa taumbayan ang impormasyong kinakailangan nila upang buuin ang kinabukasan. Halata naman yung isang purpose nito (anti terror law) ay isusupress yun. Kung babalikan ko ang aral ng kasaysayan noong panahon ng diktadura. Isa sa unang ginawa talaga ni Marcos ay ipasara ang media. Pinayagan lang mag-operate ay mga pro-government at medyo bantay sarado pa ‘yan. Di nagtagal, lumitaw itong tinatawag na mosquito press, maliliit na grupo nagkakasya lang sa coupon bond na back to back, ipamimigay sa kanto, kung saan-saan at hanggang lumabas ang matatapang na pahayagan gaya ng We Forum, Malaya. Bandang huli yung pang-lifestyle na gaya ng Mr. & Ms naging political publication, naging opposition paper.Itong paglitaw uli ng malayang pamamahayag ay tumulong sa pagpukaw sa taumbayan sa totoong nagaganap kaya ang laki ng papel ng media sa pagpapatalsik ng diktador. At yun ang sinasabi ko palaging dapat panghawakan ‘yung aral ng kasaysayan. Dumaan na tayo dito at tayo’y nagwagi. Wala akong dahilan para maniwalang hindi natin mauulit ‘yan. Lakas ng tao ‘yan, lakas ng bayan ‘yan. Lakas ng sambayanan.

MVB: Kami naman napag-uusapan na namin ang protest art. Let’s be creative in expressing ourselves but we should not be quiet. Sa mga kabataan, dapat mas matakot kayo kung wala nang nagsasalita, kung lahat tayo bow na lang nang bow, mas nakakatakot ‘yun. Patuloy lang. Noong nag-martial law, college pa ata ako, parang ganun din ka-hopeless ang sitwasyon pero nung nag-People Power, parang darating at darating din ang liwanag. Yun ang gusto kong sabihin sa kanila. Basta fight lang for your rights, for your basic, constitutional human rights. Don’t let them take it away from you. And of course, they have to know their rights. Because if they know their rights, nobody can take it away from them.

NE: Ito lang. Yung kalayaan at karapatan ay hindi natin utang kanino man. Nung tayo’y iniluwal sa mundo, tayo’y may karapatan at kalayaan na. Kumbaga that is inherent to man, inherent to being a person. Kaya nga ang tawag ay human rights, e. Kasi sa pagkatao mo, may karapatan ka. Dahil tao ka. Ang karapatan at kalayaan ay kailangang gamitin. We have to enjoy our rights to make them real. Otherwise, mawawala ‘yan. Kailangang panindigan mo ang kalayaan otherwise mawawala ang kalayaan. At madalas ang mga karapatan at kalayaang ito ay pilit aagawin sa atin kaya dapat ipagtanggol din natin at ipaglaban kasi ‘pag pinabayaan natin makuha sa atin mananatili tayong alipin habambuhay at hindi naman ‘yan nararapat sa atin bilang tao at bilang sambayanan dahil tayo ay sinasabing ‘malayang’ bayan, malayang sambayanan. Dapat patunayan nating malaya tayo.

Spotify: https://open.spotify.com/episode/1w5FElq0jOhK75Q99WL0qy?si=9gqPZ7euSUqqcTDXOduUXQ

The post Bulatlatan Q & A | Of rights and wrongs: Free speech and ‘Terror Law’ appeared first on Bulatlat.