Bulatlatan Q&A: Huntahan with Karapatan

0
337

They may be tireless and fearless, but human rights defenders are humans too. They get tired and have their own share of fear. Still, they continue to rise above it all amid the worsening human rights situation in the country. Watch this fun-filled Huntahan sesh with human rights defenders of Karapatan, which is now on its 25th year, and find out why they continue to fight for what is just.

HOSTED BY JANESS ANN ELLAO
VIDEO EDITED BY AARON MACARAEG
Bulatlat.com

Nakakatawa pa ba kayo sa panahong ito?

Taule: Oo naman. Kailangan ito pambalanse sa buhay. Sa office, natatawa kami kahit sa maliliit na bagay. Kumakain kami at habang kumakain ay natatawa kami. Kapag may nangyari, siyempre ay kailangan magrecover pero tatawa na rin ulit. Kung habang buhay kaming iiyak, baka hindi na kami nakapasok sa opisina. Yes, tumatawa kami. Masayahin kami.

Ellao: Minsan nga nakakapagtaka sa opisina niyo, galing sa isang hearing, agit na agit. Galing sa rally. Pagdating sa office, narito na ang mga reenactments ng mga bloopers, asaran. Ang ingay-ingay. Tapos sisigawan kayo galing sa third floor, “hoy may nagmi-meeting dito, ang ingay niyo!”

Taule: Kilala ko reklamador doon.

Ellao: Ilaglag natin sila sa comments section. Tinay, nakakatawa ka ba?

Palabay: Kung makikita niyo kami, maiisip niyo na lahat kami ay kailangan ng psych. Kasi may range of emotions sa isang araw, we can have it all. At legit ito ha. (Hindi ito baliw-baliwan) tulad ng mga intel sa labas ng office. Example lang, share ni Claring Singson, after pinatay si Zara, she had to get documents from the police. So dahil masakit ang ulo niya, naghaplas siya, alam mo naman kahit mga bata dito ay naghahaplas na rin. Tapos pumasok siya at kinuhanan ng temperature, siyempre 39 ata ang lumabas.
Kaya ang sabi niya sa kuyang pulis, “no, wala akong COVID, haplas yan! Haplas!!!” Matindi ang nangyari sa Negros pero at the same tiEllao:me, she keeps her humor and cool intact. At self-deprecating humor yan eh. Is it a way of coping? I don’t think so. Siguro, bahagi ng training, nakasanayan namin, at ng Filipino culture to be more hopeful and humor is something that we should always have.

Ellao: Ito si Jon, maligaya sa Twitter. Nase-sense niyo ba?

Palabay: Marami kasing lovelife yan!

Ellao: I’m sure may kanya-kanya kayong kwento kung paano kayo napadpad sa Karapatan. Si Jon, former president ng CEGP tapos nag-law school. You could have pursued a career in journalism. So paano ka napadpad sa Karapatan?

Callueng: Matagal ako bago napunta sa Karapatan pero gusto ko talaga ever since I started law school. Pero dahil president ako ng CEGP, hindi pwedeng basta iwanan iyon. So tinapos muna, at “ilang taon pa ba?” until after two years ay napunta na formally sa Karapatan.
Pero even nandoon ako sa CEGP, tulungan yan sa coverage. Dual representation. At ito ang dahilan bakit hindi ako nahuhuli as paralegal kasi media din ako.

Ellao: Ang tanong ko sana ay: Bakit hindi ka nag-Bulatlat? Biglang nang-intriga. Si Tinay kasi eh. Punta tayo kay Atty. Sol, siyempre baka may expectation na “yayaman” na dahil abogado na. Paano ka napunta sa Karapatan? At ano ang reaction ng family mo?

Taule: Nagsawa na sila mag-expect. Dakilang walk-in kasi ako. Noong nag-aktibista ako, walk-in ako. Noong nagkarapatan ako, walk-in din. Ako ata ang nagpasa ng resume kay Tita Marie. “Mrs. Enriquez, kelan niyo po ako iinterviewhin?” kasi parang ilang linggo na ay wala pa ring feedback sa resume ko.
Sabi niya lang sa akin, wag kang mag-alala, tanggap ka na. Ipapatawag ka na lang namin. That was eight years ago. Ito kasi talaga yun nagtagal ako sa trabaho at tinanggap na rin nila. Wala na silang magagawa. Nakita naman nila na noong nag-aaral ako ng law, hindi ako umalis. At noong nag-review ay bumalik pa rin. Nagsawa na sila mag-expect. Though later on, tinanggap na lamang nila. Pero naroon pa rin ang mga paalala na mag-ingat. Pero tingin ko, alam nilang committed na ako sa trabaho ko at wala na silang magagawa doon.
Yun lang, walang pag-asang yumaman pero sa COVID meron.

Ellao: Oo, naka-quarantine kasi itong si Sol dahil siya ang nag-assist kay Pao na nahuli. Itong si Tinay, dapat negosyante yan eh. Major throwback ba ito? Balita ko, linaglag ka ni Mong sa student number mo?

Palabay: Kasi siya, isang taon lang naman ang itinanda niya ni Raymond Palatino pero educ kasi siya eh. Ako business ad and accountancy sa UP Diliman. Excuse me lang, Mong? Biro lang. Pinagpilitan lang ako ng nanay ko eh dahil pasok naman sa GWA so ang plano ay yumaman sa negosyo at maging CPA dahil accountancy eh. Yun dapat. Pero kaso, ganoon na nga. Nag-walk in din ako noon.

Ellao: Puno kayo ng inisyatiba? Mahilig kayong mag-walk-in?

Palabay: Parehas kami ni Sol ng organization. Siya sa PUP, ako sa UPD. Center for Nationalist Studies. History na. Sa Karapatan, 2010 ako lumipat. Nag-seven years din kami sa GWP. Siguro sukang-suka ako sa Congress. (laughs)

Makikita mo itong mga pangit na ito. Kala mo may ginagawa. Lumalamon lang at nagsisigarilyo sa lounge. Pero yun sa human rights work, refreshing but dangerous shift of advocacy.

Ellao: So kanya-kanya ng kwento kung paano napasok sa Karapatan. Yun iba ay naging biktima at dahan-dahan ay na-involve na rin sa Karapatan. At maraming ganyang kwento. Pero one important question, yun decision to stay, saan kayo kumukuha ng ganoong hugot? O lakas ng loob?

Taule: Parang noong naging abogado ako, nakita ko kung paano nila nilaban ang causes at kaso nila. So lugmok na ako dito at samahan ko na lang sila kung saan kami makarating. Sila nga ang tatapang nila at sino ako para iwan sila sa trying times na ganito? Damay-damay na ito, sama-sama na. Ganoon ang attitude ko.
Yung napapanghawakan ang experience ng mga biktima, ito ang nagpapalakas sa akin para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Ellao: Teka lang, Jon, may kwento ka ata tungkol sa tili moment ni Sol?

Callueng: Kasi kinasahan kami ng baril. “Ay, oh my God! Hindi pa ako nag-aasawa.”

Ellao: Sol, gusto mo ba ipagtanggol ang sarili mo?

Taule: Ay inaamin ko yan. Na-shokot talaga ako te. May mga bantay sa bahay ng mga Birondos eh nag-QRT kami para makausap ang may-ari ng building. Pagpasok namin, mga naka-long fire arms at biglang may nagkasa. Eh ang dilim pa ng garahe. So dahil advance mag-isip, naisip na baka ma-chugi doon. Parang wala pang CCTV at mamamatay ka ng walang laban. So nagpanic ako ng kaunti, ng very very very slight lang naman. Pero mabilis kami naglakad.

Ellao: Mabilis naman ang recovery?

Taule: Oo, mabilis kasi sa ganoong sitwasyon, hindi ka pwedeng papapatay-patay. Or else mamamatay ka.

Taule: We have to be mindful if you want to survive CCTV.

Ellao: Siyempre, natural naman na may kanya-kanya tayong fears o takot.

Taule: Totoo yan. Marami pa rin kaming takot. Tulad na lamang ng takot maligaw. Pero napapangibabawan naman.

Ellao: Ikaw, Tinay, dahil ikaw ang humaharap sa media at nag-iisyu ng maaanghang na press releases, what made you stay sa Karapatan?

Palabay: Parehas ni Sol. Kasi parang you cannot unsee things di ba? At the end of the day, kung ikukumpara mo ang buhay mo sa buhay ng iba, ang sasabihin mo eh, “nakakaloka naman kung Tiktok at pagpapayaman lang.” Parang ang corny din ng buhay mo. Ang dali lang naman yumaman eh, sa totoo lang. Madaling magpakayaman. Pero at the end of the day, ano naman kung mayaman ka. Ano naman ang silbi ng buhay mo? At the end of the day, it is still a matter of choice.
Dito ka ba sa piling ng mga inaapi at nagfa-fight back. O doon ka ba sa side ng mga nang-aapi. For the record, Mong Palatino, 41 years old na ako. Kaya ganoon na lamang ka-simple ang mga bagay-bagay. You are either here or there. (laughs)

Ellao: Touchy ata ang point na yun. Sorry kung na-raise ko. (laughs) Jon is young. Pagpasok mo eh left and right ang harassment, hindi ka ba na-shock? Ano ba itong pinasok kong mundo?

Callueng: Maraming beses yan te na naiisip ko yun mga paglabag. Imbis na matakot, napapangibabawan yun ng galit mo, ng agitasyon mo. At totoo yung sinasabi nila na iba ang dating kapag ang biktima mismo ang nagsasabi ng kwento nila. Ito yun mga bagay that will make you stay.
Para sa mga burgis friends, sasabihin nila na wala namang pera dyan. Pero ito talaga yun mga bagay at kwento na magpapaalab ng puso na paghusayan ang human rights work.
Yun tapang din ng mga kasama mo tulad nila Tinay and Sol. Iba ang atmosphere kapag ang kasama mo ay matatapang so nahahawa ka rin sa tapang nila, imbis sa takot.

Ellao: True, mas nakakahawa talaga ang courage kaysa sa takot. Pero dahil napag-usapan ang human rights work, balikan lang natin itong pinakamatagal na, ano ang iyong most memorable na experience mo sa advocacy na ito.

Palabay: Madami eh. Pero todo ang experience ay yun Kidapawan. QRT namin doon ay dalawang buwan ata. Lahat ng klase ng HRVs ay na-document namin. May mga araw talagang walang tulog. May mga araw na kailangan magdocument, mag-interview, makisalamuha. Kasi “who-you” ka naman di ba kung di mo kinilala o inalam ang kanilang sitwasyon at ipinadama na kaisa mo sila. So sa tingin ko, in a sense, pivotal sa akin. Lahat ng klaseng violations ay na-experience na ng mga magsasaka pero laban pa din.

Lalo kapag nakakakita ka ng ganoon, doon mo masasabi sa sarili mo, “hoy, mahiya ka naman. Ang problema mo in-grown. Tulad ng beneficiaries sa Philhealth na kinurakot na pera. Ang problema mo, ML o Tiktok. I mean, okay naman yun pero ang mga tao dito ang buhay na ang usapin, bigas. I guess those moments. Pero ang dami ng kaso.

Doon pinapakita that people inspire human rights work. Hindi ito about us, as individuals. It is about these people who are claiming their rights. At ito ang nagpapayaman sa pakikibaka for people’s rights sa bansa.

Ellao: Nabanggit mo lang yun pakikisama. Kasi hindi ka pupunta doon para mag-document. Hindi yun interview tapos lalayas na.
As a journalist, na-witness ko din yun on the ground ay andoon kayo. Hindi lang kayo nagdodocument ng human rights violations. Talagang andoon kayo. At napaka-effective niyo kaya naman you are one of the most vilified human rights organizations sa bansa.

Palabay: The most vilified. (laughs)

Taule: Number one vilified kami. Yun iba ay eme-eme. Char.

Ellao: Atty. Sol, ano ang most memorable mo?

Taule: Marami na ako. Pero katulad noong kay Tinay, yun din. Law student pa lamang ako noon. Lahat sa karamihan ng fact finding na napuntahan ko at walang signal, parang yung puso ko ay gustong kumawala sa dibdib kasi hindi mo alam kung paano magtext kung may mangyari.
Siguro kung may memorable ay fact finding sa Abra dahil kaunti lamang kami. Eh may trauma pa ako dahil sa nangyari kay Ka Eden sa ST. Ito 50 lang kami. Ang pamantayan ko ng FFM ay daan eh, para safe na safe hindi ba? Pero ito, 50 lang kami at hinati-hati pa kami sa 5 Sitios. So yun isang team sa kabilang bundok pupunta. Yun isa kong kasama, you had one job, dalhin ang pagkain, nakalimutan niya. At iyon lang ang task niya.

Eh birthday ko yun. Marami na akong birthdays sa presinto o fact finding at isa ito sa mga moments na iyon.

Ellao: Dito ba nilabas ni Brutus ang kanyang Mang Tomas?

Taule: Ay iba pa yan! Itong sa Abra, dahil wala kaming ulam ay nagpunta kami sa ilog. Buti na lamang at talangka season kaya nanghuli kami ng talangka. Sugat-sugat kami dahil ang hirap tapos first time mo pa. Hindi rin ako makatulog sa bahay kasi umiikot ang Army tapos 10 lang kami doon. Tapos kinabukasan ay mag-hike naman pabalik. So high na high noon habang naglalakad.

Noong nag-program doon ay inagaw ng military ang mic namin at pinapatigil ang among program. Kaya nag-init ang ulo ko at sinagot ko siya. Kaya nagsagutan kami. Kapag wala ka palang tulog at walang kain, nakagat ka pa ng talangka, di ba?

Marami na akong death-defying moments sa FFM pero iyan siguro ang most memorable. Bukod sa Mang Tomas ni Brutus kaya lagi din kayo dapat magdala. You will never know kung kelan kailangan.

Ellao: Specific brand ba? Baka pwedeng hot and spicy?

Taule: Pwede naman para may variety.

Ellao: Itong si Jon, Bukod sa pagtalon ni Sol, ano pa ang hindi mo makakalimutang moment?

Callueng: Turo ito sa amin na maging creative. Hindi pa ako nag-FFM at ito ang susunod na i-breakthrough ko. Pero sa mga QRT ay nagkaklase ako, tapos bilang inexcuse ako para mag-QRT sa Pasig. From Taft to Pasig. Pagdating doon, 40 pala ang nahuli at mga bata. Eh ilan lang ang abogado noon. Si Atty. Kathy pa lamang. Tapos ako lang ang naka-barong at sila ay hindi maganda yun suot dahil wala namang hearing. Alam mo naman ang mga abogado natin kapag walang hearing, naka-t-shirt at tsinelas sila. For that, kailangan maging creative. At popostura ka dapat.

Minsan kailangan daanin sa postura. Nagpa-power dress din kami. Hindi lang kami. Kailangan umaura din kami. Nakapostura at make-up. Minsan pa may dress code pa. Okay, bukas naka-white tayo. Tapos pagdating ni Tinay, naka-blue. “Ano na teh? Kahapon lang. Senior moment na ito teh.”
Bukod sa QRT, yun mga nasa office kami. Kapag bored na kami, kakanta ng Regine Velasquez. Yan ang trip namin kapag bored o sobra na ang violations. Kaya kami maingay.

So i-breakthrough ko yan. At nagte-take down notes na ako, like magdala ng botas, Mang Tomas, at travel light lang talaga. Nakakuha naman ako tips ngayon so feeling ko, ready na ako mag-FFM.

Ellao: Isa pang tip sa FFM. Natutunan ko ito. Dapat may dala kang black thrash bag. Naalala ko dati ay kinaladkad ako ng Karapatan para sa isang FFM na nasa ibabaw ng bundok ang community ng IPs. Tapos noong gabi, nangingig kami lahat sa lamig. Lahat ng pwede ipatong sa sarili para wag lamigin, wala pa rin. So ang ginawa ko ay yun thrash bag. Pumasok ako sa loob at nakatulog ako. Ang katabi ko matulog ay si Joan ng IP tapos “uy, bakit ako may katabing basura.” So proteksyon ito sa ulan, sa mga gadgets, at kahit magmukhan kang basura ay para din ito sa lamig.

Nariyan din malalaglag ka sa bangin tapos si Pastor Edwin nasa likod mo. Kinakaladkad na ako para hindi mahulog. Tapos noong nagrolyo-rolyo sa putik, pagbangon mo, “aura pa rin!” Para makarating sa mga IP communities na dapat ma-document ang human rights violations. 2011 or 2010 ata ito sa Saranggani.
Masaya mag-Fact finding. Pero pwede ba yun masayang Factfinding?

Taule: Pwede bang outing na lang?

Ellao: Ay, sige outing na lang. Mahirap pala ang fact finding dahil ang ibig sabihin ay may pangit na dahilan. Pero paano – surveillance, may creative ways ba kayo to shake them off?

Palabay: Pinipicturean ko. Nilalapitan ko. Nananapak nga ako ng pulis eh.

Ellao: Gutom ka rin ba?

Palabay: Gutom talaga kasi bata pa ako. Ang mahalaga ay presence of mind. Sa case ng FFM, ang first rule o tip: wag kang tatanga-tanga. Una, maliligaw ka tulad ni Sol. Wag din matindi matulog tulad ni Jon. Yan ang basic. Kapag natantya mo, na may sumusunod sayo, i-document mo. Dalawa yan, nadocument at may resibo ka. Pangalawa, ayaw nilang nakikita sila. So kapag ganyan na kilala na sila ay nililipat o pinapalitan sila.
Ang best confrontation sa surveillance – para kay Rey Vergara. Siya pinakamagaling. Kakausapin pa niya iyon with Ilonggo accent. Sasabihin niya, “hello ma’am, sino ka ba?” (with Ilonggo accent). Bandang dulo, “sino ka, kuya? Bakit ka andito? Kanina ka pa sa kanto. Tapos sa dulo ay minumura na niya.
Pero siyempre ay kailangan i-report sa barangay o pulis. Kailangan lagi kang may number ng pulis at hotline ng Karapatan.

Ellao: Grabe na siguro ang shunga mo kung pati ang number ng hotline ay hindi mo alam. Deserve mo ang kurot mula kay Tinay. Speaking of fact finding, paano niyo na-aapply ang skills na ito sa everyday life?

Taule: Na-apply ko na yan sa nawawalng pinggan sa office. Tinatangay. Nakikiinom na lamang eh bitbit pa ang baso. Matinding fact finding yan. Kaya nga minsan, isang pair na lang ang kutsara at tinidor namin.

Ellao: Ano ka ba, sharing? Sharing is caring. Ano ang pinakamahirap na balita na matanggal?

Palabay: Ako yun kilala ko. Yun kilala ko ang victim and you have to be the one to say it to the family. So durug-durog di ba? You have to say it and relay to the family so they will know. So kailangan pigilan ang sarili. Alangan naman na mauna ka pang umiyak kaysa sa pamilya.

So para din you can deliver the information, the best way that families. There is no better way to break a bad news. Pero at least hindi ka nakakadagdag sa panic.

Callueng: Bukod sa pana-panahong pagpatay, nariyan din yun sa interview with families. Isa kasi ako sa frontliners who interview victims. Para maipalabas ng maayos ang naratibo ng biktima. Isa rin sa mahirap na kunan ng account ay mga bata. Kapag bata ang biktima, doble ang bigat. Kasi vivid sila maglwento kaya challenging mag-interview.

Taule: Bukod sa sinabi ni Tinay, mahirap talaga kapag kakilala mo. Kasi ito yun nakasama natin sa hirap. Bukod doon, yun mga karanasan sa QRT, kapag ang kaanak ay naghahanap ng nawala, either dinukot o inaresto. Yun pressure, feeling mo nasa iyo. Doble ang pressure katulad noong pagkakahuli kay Paolo. So grabe ang pressure kasi nariyan ang mga pulis, at kailangan din ilabas siya agad.

Ellao: At kapag may ganito, how do you cope? May time pa ba?

Callueng: Madalas naman. Kaya mayroong pagkain sa Karapatan kasi nga mabigat ang natatanggap na balita. May debriefing kami at nagkukumustahan kami. Isa rin magandang program namin ay ang panganalaga ng mga HRDs. Last year, may psychosocial activities kami during the National Convention.
Laging ay nirerecommend ni Tinay ay yung routine para may debriefing ka sa sarili mo. Okay kapag may avenue din sa pagkanta.

Ellao: Speaking of Kanta, yun videoke na tatlong beses niyong pinostpone, ay isinumpa ko talaga dati dahil hindi niyo ako iniimbita bilang mag-aawit. Kaya Tinay, pasensya. Pero pwede pa naman via Zoom. Baka pwede ang ganitong content for “Laban Mars.”

Tinay, bilang pinakamatagal na, ano ang ginagawa mo? How do you look after your mental health?

Palabay: Ako pinakaiyaking tao. When it comes to you, it comes to you. Ganoon ang grief lalo na pag biglaan. Kailangan i-express kasi if not magiging bottled up. And you will feel hopeless. Pwede ka din magluto.

Tama si Jon, maraming pagkain dito. Marami kasi nagbibigay kasi wala naman kami anju.

Ellao: Noong nagpunta ako sa office niyo, parang wala naman akong nakitang pagkain.

Palabay: Tinago ko (laughs)

Ellao: Si Sol, best practice ito. Baka may pwede ka naman share?

Taule: Minsan hindi na rin umeepek kasi may mga mahabang FFM. So minsan pag pagod na, mga one-day na walang gagawin. Nakahiga lang at nagpapahinga. Pero mahalagang kung naiiyak, maiyak. Kung magalit, magalit ka. Mag-Netflix din, tulad ni Tinay.
Pag-uwi ko, nagmomoment ako. Pero hindi naman makapag-emote ng mga more than half day. Kailangan makarecover ka ng mabilis.

Ellao: As HRDs, may takot pero kumikilos. At kailangan din umiyak kung naiiyak.

As a journalist, madali makarelate sa mga HRDs dahil ang interest na.

The post Bulatlatan Q&A: Huntahan with Karapatan appeared first on Bulatlat.