Filipino: Wika ng Protesta tungo sa Pambansang Kaunlaran

0
232

Sinalubong ng daang-daang mga Iskolar ng Bayan sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang Buwan ng Wika ng isang kilos protesta.

Bitbit ng mga mag-aaral ang mga isyu ng sambayanang Pilipino. Naniniwala ang mga kabataang ito na ang problema sa wika ay isa lamang manipestasyon ng pambansang problema na kinakaharap ng mamamayang Pilipino.

Katulad ng mga iba’t ibang sektor ng lipunan, patuloy na isinasantabi at niyuyurakan ang wikang Filipino. Naglabas noong 2013 ang Commission on Higher Education (CHED) ng CHED Memorandum 20 Series of 2013 kung saan sinasaad ang pagtatanggal ng mga asignatura sa Filipino sa Kolehiyo. Ayon sa tagapagsalita ng Tanggol Wika PUP na si Rucelyn Solivenm, ang pagtatanggal sa wikang Filipino bilang isang asignatura ay pag-aalis din ng identidad ng bawat mamamayang Pilipino.

Hindi hiwalay ang problema ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, katutubo at kabataan sa problema ng pambansang wika. Patuloy ang pakikibaka ng Tanggol Wika kaisa sa mga organisasyon, institusyon, kaguruan, at kabataan upang ipaglaban ang wikang Filipino at ang karapatan ng bawat mamamayang Pilipinong patuloy na dumaranas ng matinding kahirapan.

The post Filipino: Wika ng Protesta tungo sa Pambansang Kaunlaran appeared first on Manila Today.