by Beteng Peney (from his Facebook post)
Ang hanabuhay sa mundo ng marino ay maraming mukha ang realidad at maging sitwasyon sa karerang ito.
Maraming naghahangad sa propesyong ito, nainspira o nahikayat. Dahil sa kita, pangarap, ambisyon at plano sa buhay ang mga naging basihan para languyin ang masalimuot at mapanganib na karerang ito. Makuha lamang ang inaasam na pangarap sa buhay na naging ganap na marino at hangad na kinabukasan ng pamilya.
Pero ang totoo dito maraming marino ang bigo sa mga ninanais nila. Mapasahod man, extrang kita sa bapor o sa benipisyo ng karera nila tulad ng promosyon. Dahil merong mga prinsipal o may ari ng bapor na hindi patas o barat magpasahod at magbigay ng tamang pasweldo o extrang kita sa bapor. Meron din na ilan sa kanila ( may ari ng bapor) ang hindi sumusunod sa mga alituntuning pinapatupad na batas sa mga marino nito.
Anung mang batas pang maratima o mga susug nito sa Pilipinong marino ay hindi mahalaga sa totoo. Mas higit at importante sa lahat sa Pilipinong marino ay salitang “GANA” O INAABUT NG SWELDO.
Ito ang pangunahing tanong ng marino oras na umaplay sa anu mang bugaw (agency) o maging kwentuhan sa radyo, sa kapehan o sa tambayan partikular sa Luneta o sa Sta. Cruz church. Kung saan malimit ang mga marino noon tumambay.
Sa pagbago ng teknolohiya at kalakaran sa mundo ng marino. Madali itong makasabay ng mga sitwasyong nagaganap. Hindi malayo sa kanila ang teknolohiya o pagbabago ng mga patakaran para sa pagsunod ng mga ito. Kaya ang kwentuhan ng marino malimit sa messenger na lang o sa anu mang plataporma ng sosyal midya.
Ang pasweldo o inaabut ng marino ang higit mahalaga sa lahat na hangad nito. Para sa ilan na may magandang pasweldo o ganang inaabut ay maswerte silang nakakapag ipon sa buhay. Dahil may ilang kompanya sa Europa, US-Canada o maging sa asya ang mahusay magbigay ng pasahud lalo na sa pilipinong marino. Dahil may mga kompanyang may pusong makamanggagawa at higit sa lahat sumusunod sa batas internasyunal na pasweldo sa marino.
May ilang kompanya na nagbibigay ng CBA o callective bargaining agreement na pasweldo sa lahat ng mga bapor (fleet) nila. Mapa tanker man, LPG, bulk o kemikal. Lahat yun ay dumadaan sa CBA ang mga pasahud nila o PNO TCC-total true cost sa lahat na mga bapor nila na nakarehistro sa ilalim ng FOC -flag of convenient na kung saan ang FOC na mga nakarehistrong bapor ay idineklara ng ITF- international transport worker’s federation union na syang sumasalungat sa mga patakaran at sistema nito lalo sa may ari ng bapor na pinapatupad na mga kalagayan. Mapasahud man, kaligtasan, seguridad o sa kalagayan ng trabaho sa bapor higit sa lahat pasweldo at extrang kita sa bapor.
Bilang marino, nakaranas ako na madetini ang bapor ng kung ilang buwan sa pier dahil sa mga paglabag sa batas at kung anu pang di ko pinangarap at inaasam na mga kaganapan na masabi kong bangungot na karanasan sa ilalim ng kompanyang hindi patas (balasubas ang tawag ng marino dito sa di patas) at di makataong sistema ng mayari ng bapor.
(Bangungot is ober, penes na?) maswerte akong natanggap sa kompanyang ito sa pamamagitan ng agency (bugaw) nila sa Manila kahit na ordinaryong posisyon lang ako sa bapor.
(Ang narinig ko sa kapwa ko marino marami daw silang bugaw sa Manila)
May ilan na dito ang naninilbihan sa mahabang panahon sa kompanya. May ilan sa kanila ang paretiro na at marami sa kanila ang baguhan tulad ko.
Kaya lagi kong hiling Sa mga tropang nandito sa kompanyang ito na maswerteng natanggap at nabibiyaan ng magandang swerte, na sana suklian naman natin ng magandang trabaho ang swerteng natanggap natin dahil sa ating mga kahilingan sa buhay.
Maraming salamat po.
Ps. Sana mapromote na ako sa bapor ko na ito.
Photos by Beteng Peney
——
***The International Transport Workers’ Federation (ITF) is an international trade union federation of transport workers’ unions. Any independent trade union with members in the transport industry is eligible for membership in the ITF.
The ITF has opposed the system of Flags of Convenience (FOCs) for over 50 years. These flags, including the largest register in the world (Panama) allow shipowners, who have no genuine link to the flag state, to register their ships there in order to avoid the taxation and regulation which their own countries would impose.
*** FOC- If a ship sails under a flag of convenience, it means it is operated or taxed under the laws of a country different from its home country in order to save money. They always register their ships under a flag of convenience. Also vessels registered under flags of convenience can often cut operating costs or avoid the regulations of the owner’s country. To achieve that, a ship owner will find a country with an open registry, or a nation that allows registration of vessels owned by foreign entities.