IN PHOTOS: State of the Nation

0
240

On July 23, on the day the Philippine President delivered his third annual socio-economic report, thousands of people took to the streets to show the real state of the nation.

Dubbed the United People’s SONA, groups from different political affiliations, including those from the worker, peasant, church, youth, and indigenous sector, marched along Commonwealth near Batasang Pambansa where Duterte gave his speech.

United People’s SONA organizers estimated the protesters to have numbered 40,000. Photo by Efren Ricalde.
People across all sectors from Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, Southern Luzon, Eastern Visayas, and Mindanao regions gathered near St. Peter’s Parish along Commonwealth Avenue for the United People’s SONA. Photo by Mel Matthew.

We asked one very simple question to the people we interviewed: “Bakit ka sumama sa protesta para sa SONA ni Duterte?”

Larawan at interbyu ni JC Gilana.

Pepito Mendoza, 65, magsasaka

“Umaasa akong makarinig ng magandang balita.”

Larawan at interbyu ni Gabriela Baron.

Nieves, myembro ng Pamalakaya National Federation of Small Fisherfolk Organizations in the Philippines

Doble ang hirap para sa mga kababaihan. Sila ‘yung taga-budget ng kita ng pamilya. Sa isang araw, may P185 o P200 ang madadala nila sa bahay nila . Itong mga munting sahod na matatanggap ng asawa nila tsaka ‘yung mga sariling kita ng mga maliliit na mga mangingisda, para magkatugma sa pangangailangan ng pamilya, ang nanay ‘yung naghahanap ng pantustos. Naglalabada siya, nagkakatulong siya o iniwanan ‘yung bata niya. Nagiging yaya siya sa ibang mga bata o nagtitinda-tinda, nag-aangkat ng isda, kung saan apektado rin sila sa konting kita sa mga mangingisda dahil maraming [kaagaw na] malaking vessels sa laot. Triple ang nararanasan nilang pagod.

Larawan at interbyu ni Gabriela Baron.

Ka Wilmer, cargo forwarder sa Retiro

Nandito ako para ipakita kay Duterte na marami nang naghihirap sa kanyang administrasyon, lalo na mga manggagawa. Hindi niya tinupad ang kanyang pangako n’ung iluklok siya na wakasan ang endo. [Ngayon] lahat ng binoto siya ay hindi na sang-ayon, marami nang nagugutom, pinapayagan niyang itaas ang bilihin pero ang sahod ay makunat. Marami nang nagsasalita para alisin si Duterte.

Larawan ni Ryan Valiente.

Ka Maris, dating saleslady sa SM

Unang sabak ko sa pakikibaka ay noong 2003 na nag-strike ang mga manggagawa ng SM. Noong 1980s kung kailan nagsimula akong nag-sales lady sa SM, P19 lang ang arawang sahod. Isa ako sa 243 manggagawang tinanggal ng SM dahil sumama kami sa welga. Simula noong natanggal ako, nagpasya akong maging full-time na organisador ng mga manggagawa para ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa paggawa. Kaya ako nandito ngayon.

Larawan at interbyu ni Bryann Salagan.

Ka Sonny, Central Luzon Aeta Association

Kaya kami sumama dito para iparating ang aming mga isyung kinakaharap gaya ng Balog-Balog Dam, New Clark City, Aboitiz Power Plant, at y’ung pagtambak ng sundalo sa amin sa Tarlac sa Balog-Balog, ang 50th IB at 48th IB ng AFP. Kaya sumama kami dito para ipanawagan sa Presidente na palayasin ang mga militar sapagkat nakakasagabal sa aming mamamayang katutubo ang mga sundalo. 

Larawan at interbyu ni Shawey Jasmaine Reyes; salin ng interbyu mula sa salitang B’laan ni Jason Bisanan

Segundo Melung, Lumad mula sa Mindanao

Isa sa mga ipinaglaban namin ay ‘yung ipahinto na ‘yung martial law sa Mindanao. Sobrang naaapektuhan ‘yung mga kababaihan doon sa amin kase binabastos sila ng mga military.

Larawan at interbyu ni JC Gilana.

Manilyn Gantangan, 18, Grade 10 student sa eskwelahang Lumad

Isa akong estudyante na sumama [upang] iparinig at makiisa sa pakikipaglaban ng pambansang minorya para ipanawagan kay Presidente Digong na sana po patalsikin na siya sa kanyang posisyon. Nananawagan din kami na suportahan ang mga Lumad schools at itigil na ang martial law sa Mindanao.

Larawan ni Shawey Jasmaine Reyes.

Nanette Castillo, mother of Aldrin Castillo who was killed in Oplan Tokhang

Nanette addressed the crowd together with other mothers whose children lost their lives to the government’s war on drugs.

Buhay pa ba tayo? [Crowd answers back]. Pero araw-araw pinapatay nila ang mga anak at asawa namin. Kami ay nabibilang sa mga maralitang lungsod. Kabilang kami sa nahihirapan sa pagtaas ng mga bilihin, lalo na sa pagpataw ng TRAIN. Karamihan sa amin ay nagtitinda, construction worker, namamasura, naglalabada. Alam namin ang kahulugan ng kahirapan at kagutuman. Pero imbes na droga, mga anak namin ang pinapatay sa gera kontra-droga.

Larawan at interbyu ni Gabriela Baron.

Ka Jimmy, 78, jeepney driver

Gusto ni Duterte na i-phase out ‘yung mga jeep namin. ‘Pag wala na kaming jeep, wala na kaming imamaneho, wala na kaming hanapbuhay. Marami na siyang napatay na mga adik, puro adik na lang pinapatay niya pati tambay. Pati kami malapit na rin niyang patayin. ‘Pag wala na kaming jeep, papatayin na niya kami.

Larawan at interbyu ni Shawey Jasmaine Reyes.

Cleo, senior citizen

Yung pinagawang pabahay ng NHA [National Housing Authority] doon sa amin nakatiwangwang nalang, ngayon hinihiling nalang namin na ipamahagi na lang sana sa mga mahihirap na mamamayan o ibigay na lang din siguro sa amin sa mababang presyo, ‘yung kaya lang namin sana. Dalawang taon na namin ‘yan nilalakad, napirmahan na ng presidente. Ngayon pagdating sa NHA pinagpasa-pasahan na lang kami, nakarating na kami NHA main, NHA Bagong Silang, NHA ng Bulacan. [Sabi ng NHA], ‘Punta muna kayo doon, punta muna kayo dito’. Hindi nila pinakikinggan yung hinihiling namin.

Larawan at interbyu ni JC Gilana.

Cynthia N. Rejidor, 66, naninilbihan sa St. John Mary Vianney, Antipolo

Kaya ako sumama dahil napagmasdan ko ang mga kamaliang ginagawa ng kasalukuyang gobyerno lalo na ang mga taong pinapalayas sa kani-kanilang lupa. Ako naman, bilang taga-simbahan, nagkampo kaming lahat, pati pari at saka mga mananalangin dahil minura ni Pangulong Duterte ang Panginoon. ‘Yun ang dahilan, kaya, fight!

Larawan at interbyu ni Dez Rafal

Mimi Alipio, peasant advocate

Gusto kong makiisa sa laban ng mga magsasaka. At ibalita rin sa mga kababayan natin na maraming bilang na ng magsasaka ang namatay sa administrasyong Duterte. Nandito rin ako para ipaglaban ang solidarity para sa iba’t ibang sectors.

The question may have been plain and straightforward, but the answers we received are not.

In the two years since Duterte took oath, 163 people have become victims of political killings. Of this number, 106 come from the indigenous and peasant sector in Mindanao as leaders of national minority groups forward their fight against plunder of their ancestral domain to favor international mining corporations.

A protester, with the United States flag painted on his chest, poses as Duterte. Photo by Miggy Hilario.

The government’s war against illegal drugs continues to target the poor as the number of dead has reached 23,000. Duterte himself said in his SONA that the war on drugs is “far from over” and that it will be “relentless” and “chilling”.

Protesters bear a list of some of the names of victims of the government’s war on drugs, Oplan Tambay, and so-called counter-insurgency program Oplan Kapayapaan. Photo by Miggy Hilario.

The media is not safe, either; 12 journalists have been killed in the line of work under the Duterte administration.

Labor leaders, church workers, and activists who were illegally and arbitrarily arrested number 509, with 179 arrested under Duterte.

Young protesters call for the release of political prisoners slapped with trumped-up charges. Rights groups see these arrests as a way to silence activism among the ranks of labor unions, youth organizations, peasant associations, and the church. Photo by Vincent Saragossa.

Almost 500,000 peasants and indigenous people have been uprooted from their communities because of heavy militarization in their communities.

The numbers are still increasing, and many cases remain unreported.

On the economic front, most workers are still on contractual basis. Jollibee Foods Corporation hires 14,000 contractual employees while PLDT has 8,000 which, only very recently, the two companies dismissed to circumvent the labor department’s orders to regularize the workers.

Terminated Nutri-Asia workers who are on strike paraded parodied versions of the products they make. Photo by Mel Matthew.

Duterte remains defensive towards the government’s tax reform program, despite many poor Filipinos trying to cope with rice shortage and high prices of food and fuel products.

A protester in a Deadpool mask. Photo by Alyssa Recuenco.

Three Supreme Court petitions have been submitted so far to stop the implementation of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, while Duterte in his SONA hopes to sign Package 2 before the year ends.

No, the reasons why tens of thousands attended the protest can never be simple. As Bagong Alyansang Makabayan’s Renato Reyes said:

Nandidito tayo hindi lamang para sa ating mga sarili. Nandidito tayo para sa mga hindi makapunta dito sa Commonwealth. Nandidito tayo, tumitindig, para sa mamamayan ng Marawi na nadurog ang kanilang kabuhayan at mga buhay. Nandidito tayo para sa daan-daang mga Lumad na mga bakwit, hindi makabalik sa kanilang mga komunidad dahil sa militarisasyon. Nandidito tayo para kay Sister Patricia Fox na pinapalayas ng gobyernong ito. Nandidito tayo para sa 500 mahigit na political prisoners na nakakulong dahil sa mga gawa-gawang kaso. Nandidito tayo para sa mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings na hindi natin makasama, pero kaisa natin sa labang ito.

If the price of progress in the eyes of the government is bloodshed and suffering, then for the people it is dissent right in the face of tyranny.

A protester raises his fist as the ‘Dutertrain’ effigy burns in the background. Photo by Mel Matthew.

The post IN PHOTOS: State of the Nation appeared first on Manila Today.