>> Naibalik na sa bansa ang “Balangiga bells“. Matagal na itong ipinapaglaban ng mga makabayan at tagasuporta nila.
>> Tatlong kampana ng simbahan sa bayan ng Balangiga sa Samar ang iniuwisa US ng mga sundalong Amerikano bilang “war trophy” o premyo sa geranoong 1901. Inilagak ang mga kampana noong 1904 sa isang base-militar saCheyenne, Wyoming. Noong bungad ng 1950s, isa sa mga kampana ang dinala sabase-militar ng US sa South Korea.
>> Tinangay ang mga kampana matapos ang sorpresang pag-atake ng mgaPilipino sa mga sundalong Amerikano, na ginantihan naman ng pagsalakay ng mgasundalong Amerikano sa mga Pilipinong nakatira sa Balangiga at mgakaratig-bayan.
>> Umaga ng Setyembre 28, 1901, sorpresang inatake ng mga Pilipino angmga sundalong Amerikano na nakatalaga sa Balangiga. Nagbihis sila ng kasuotanng kababaihang nagluluksa noong panahong iyun at itinago sa kabaong ang mgabolo. Sa ganito, nakalapit sila sa mga sundalong Amerikano nang hindinapapansin.
>> Bago nito, sapilitang pinagtrabaho ng mga sundalong Amerikano angkalalakihan. Binunot ang mga halamang ugat at kinumpiska ang mga pagkaingitinatago ng mga Pilipino — para raw hindi mapakinabangan ng mga”insurrecto” o rebelde. Dumanas ng matinding kagutuman ang Balangiga,bukod pa sa pagkauhaw sa kalayaan na ramdam sa buong bansa.
>> Nasa 50 sundalong Amerikano ang patay. Ito ang pinakamalaking pinsalangtinamo ng pwersang militar ng US sa Digmaang Pilipino-Amerikano na nagsimulanoong 1899. Nagsilbing hudyat sa matagumpay na paglusob ng mga Pilipino angpagkalembang ng mga kampana ng Balangiga. Kaya ganoon na lang ang galit dito ngmga sundalong Amerikano at tinangay ito.
>> Ang iilang sundalong Kano na nakaligtas, tumungo sa kanilang kampo sabayan ng Basey. Galit na galit ang mga opisyal-militar nang mabalitaan angnangyari. Nang sumunod na gabi, bumalik sila, dala ang dalawang kumpanya ngsundalo.
>> Utos ni Brig. Gen. Jacob Smith: “Ayaw ko ng mga bilanggo. Anggusto ko, pumatay at manunog kayo. Mas marami kayong mapapatay at masusunog,mas matutuwa ako.” Ang gusto niya, patayin ang lahat ng lampas 10 anyos nakayang magdala ng armas. Iniutos niyang gawing “howling wilderness” o”humihiyaw na kaguluhan” ang Samar.
>> Walang eksaktong bilang, pero libu-libong Pilipino ang pinatay ng mgasundalong Amerikano. Hindi lang ang mga may-edad na kalalakihan na pwedengmaging rebelde ang pinuntirya. Pinagpapatay ang mga bata, babae, matatanda,buntis, maysakit — lahat ng kanilang nakita. Sinunog ang bayan, kasama angsimbahan.
>> Humarap si Smith sa korte-militar pagkatapos, napatunayang maysala sapagmamalupit sa mga sibilyan, pero binigyan ng napakagaang na parusa — babala.
>> Naganap ang labanan sa Balangiga kasabay ng pagdaluyong ng pakikibakang mga Pilipino, karamiha’y maralitang magsasaka, sa buong kapuluan laban sapananakop ng US at para sa pambansang kalayaan. Sa kabila ito ngpag-uurong-sulong at pagkompromiso ng pamunuan ng rebolusyon noon nakinabibilangan ng mga maykaya.
>> Isang bago at sumisibol na imperyalistang bansa noon ang US, atPilipinas ang isa sa mga una nitong kolonya. Sa US at mga bansang imperyalista,malaganap noon ang pagtingin na superyor at sibilisado ang lahing puti, atatrasado at barbarikong mga lahing hindi puti. Hindi pa raw handa sapagkakaroon ng sariling gobyerno ang mga lahing tulad ng Pilipino.
>> Sa US, pinalabas na hindi mananakop ang US sa Pilipinas, kundi tagapagpalaya.Lehitimo ang naging pagtingin sa Kasunduan sa Paris ng 1898 kung saan binili ngUS ang Pilipinas, Cuba at Puerto Rico mula sa Espanya.
>> Sa ganitong mga dahilan, hindi kinilala sa mahabang panahon nggobyerno ng US na “digmaan” ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Para sakanila, “insureksyon” lang ito. Hindi rin lehitimong pag-atake angginawa ng mga Pilipino sa Balangiga, kundi masaker — ng kanilang mga sundalo.Ganito ang naging mga dahilan ng mga tumutol sa pagsasauli ng mga kampana, naang karamihan ay mga beterano ng gera.
>> Ibang-iba ito sa pagpuri ng gobyerno ng Amerika sa mga sorpresangpag-atake na pinamunuan ni George Washington para sa paglaya ng US noon saBritanya. Gayundin sa pagpapatawad ng US sa sorpresang pag-atake ng Japan saPearl Harbor at sa matitinding krimen ng Germany noong World War II.
[Sanggunian: Renato Constantino, The Philippines: A Past Revisited(Quezon City, 1975). Sharon Delmendo, The Star-Entangled Banner (NewJersey, 2004), Paul A. Kramer, The Blood of Government (Chapel Hill,2006).]
_________________________________________________________________
Bakit Ibabalik?
Si Eugenio Daza, isa sa mga Pilipinong nakaligtas sa Balangiga, ay gumawa ngaffidavit noong 1935 tungkol sa naganap. Kaugnay ng tinangay na kampana, tanongniya, “Pwede ba natin itong mabawi? Dedepende iyan sa pagiging makabayanng ating mga lider at kabutihang loob ng mga mamamayang Amerikano.”
Ito nga ba ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana ngBalangiga? Pagkamakabayan ng mga lider ng Pilipinas? Kabutihang loob ng mgamamamayang Amerikano? Mas kumplikado diyan ang sagot.
Una, ang tuluy-tuloy na nagpaalala sa bayan at daigdig tungkol sa mga kampanaat lumaban para maibalik ang mga ito ay ang mga makabayang Pilipino. Sila rinang mga kritikal sa Digmaang Pilipino-Amerikano at sa papel ng US sa Pilipinasat daigdig.
Ikalawa, nanawagan ang mga lider ng Pilipinas na ibalik ang mga kampana saiba’t ibang dahilan, hindi ang pagiging makabayan. Si Fidel V. Ramos noong1996, para sa papalapit noong sentenyal ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinassa 1998. Si Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang taon, dahil sunud-sunuran siyasa China at gusto niya itong ipatanggap sa mga Pilipino — sa pamamagitan ngpana-panahong pagtuligsa sa US.
Sa ilalim ni Duterte, US pa rin ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Perosunud-sunuran din siya sa China. At dahil gusto niya itong ipatanggap samamamayan, isa sa ginagamit niyang tuntungan ang mga maling ginawa ng US — naang mga makabayan ang nagpatampok.
Kasabay ng balita tungkol sa pagbabalik-bayan ng mga kampana, sinabi ni Dutertesa pulong ng mga bansa sa Timog Silangang Asya: “Hawak na ng China angSouth China Sea, bakit pa tayo gagawa ng alingasngas?” Tiklop siya saChina, sa pag-okupa at militarisasyon nito sa mga isla na inaangkin ngPilipinas at ibang bansa.
Bilang kapalit, umaasa si Duterte sa China ng patuloy na suportang pulitikal atmateryal sa kanyang gera kontra-droga, pautang para sa mga proyektongimprastruktura, pamumuhunan at pagtuturista ng mayayamang Tsino, at iba pa. Saganito, ginagawa nang neo-kolonya ng China ang bansa.
Ikatlo, may kakampi ang mga makabayang Pilipino sa US: mga makabayangFilipino-American at progresibong Amerikano. Sila ang mga Amerikanong maymabuting loob na nagpresyur sa gobyerno ng US na balik na ang mga kampana.
Ikaapat, hindi mabuti ang loob ng gobyerno ni Donald Trump na siyang magsasauling mga kampana. Imperyalista rin ito, bagamat batbat ng matinding krisis attuligsa. Banta rito ngayon ang paglakas ng China kaya nagsisikap itong kumabigng mga bansa na magiging kakampi.
Ito ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana: Paglaban ng mgamakabayan at tagasuporta nila sa US. Pagkatuta ni Duterte sa China atkagustuhan niyang ipatanggap ito sa bayan sa pamamagitan ng pana-panahongpagtuligsa sa US. At paghina ng US at pagsisikap nitong kumabig ng mga kakampilaban sa China.
Kakatwa ang kasaysayan. 1901: papausbong na imperyalista ang US. Isa samga dahilan kung bakit nito gustong sakupin ang Pilipinas ay para gawin tayongtuntungan sa pag-abot sa China — noo’y isang mahinang bansa napinaghahati-hatian “na parang pakwan” ng iba’t ibang imperyalista.
2018: dominanteng imperyalista pa rin sa daigdig ang US, pero ito ay humihina,lalo na sa ekonomiya. Sumisibol naman ang China bilang bagong imperyalista,malakas ang ekonomiya at humahabol ang lakas-militar.
Noon, naipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (bagong imperyo) at Espanya(luma). Ngayon, naiipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (lumang imperyo) atChina (bago). Walang kakampihan ang mga makabayang Pilipino; sa halip,lalabanan nila ang mga kaaway ng kalayaan ng sambayanan.