Martial Law sa Mindanao | Bangis ng militar

0
387

Kilalanin si Bobong Tuco, isang 28-anyos na nakatira sa Davao at isa sa mga nakaranas ng karahasang dala ng militar sa kanayunan.

Ayon sa kanyang salaysay, alas-6 nang umaga, habang hindi pa gising ang mga kapitbahay niya, ay mayroon nang naganap na engkwentro sa kabilang baryo malapit lamang sa kanilang komunidad. Pagpapatak ng alas-7 nang umaga ay umalis doon ang mga sundalo at pumunta naman sa kanilang komunidad. Tinanong ang mga kapitbahay nu Bobong kung saan nila tinatago ang mga New Peoples Army (NPA).

Ang tanging naging tugon na lamang ni Bobong ay, “Walang NPA dito, ‘di namin nakita ang mga NPA”. Hindi nakuntento ang mga militar sa pagdadala ng takot sa mga mamamayan roon kaya’t pagkarating ng hapon ay dinala si Bobong ng mga sundalo at pinilit na gawing giya patungon sa mga maliliit na sitio, ngunit nasa kalagitnan pa lamang sila ng daan ay pinabalik na si Bobong sa kanilang lugar.

“Masakit sa akin na ginawa pa akong giya dahil hindi ko naman alam kung saan ang mga NPA,” ani Bobong. Ayon pa sa kanya ay 18 na mga sundalo ang nasa kanilang bahay at hinaharass sila, at 22 mga sundalo ang nag-operasyon sa kanilang komunidad.

Bukod pa sa karanasan nilang iyan, noong buwan ng Agosoto ay ikinuwento pa ni Bobong na kapag pumupunta ang mga militar sa kanilang komunidad ay hindi ito nagsusuot ng mga uniporme at naka-sibilyan lamang nang sa gayo’y hindi sila mahalata ng mga tao roon.

Dahil sa panghaharass ng mga militar sa kanila ay nagbunga ito ng pagkatakot ng mga sibilyan dahil sa taglay ng mga militar na kabangisan. Kaya’t ang tangi nilang hiling at mensahe kay Duterte ay tuluyang pagtigil sa Martial Law sapagkat ang mga sibilyan at mga Lumad ang natatakot dahil sa kanilang presensya sa kanilang lugar.

The post Martial Law sa Mindanao | Bangis ng militar appeared first on Manila Today.