Mga Migrante at Sambayanang Pilipino Magkaisa, Labanan ang Anti-Terrorism Act (HB6875)

0
265

Hunyo 12, 2020

Hunyo 12, 2020 Mga Migrante at Sambayanang Pilipino Magkaisa, Labanan ang Anti-Terrorism Act (HB6875)Mahigpit na kinokondena ng UMANGAT-MIGRANTE ang kontrobersyal na pagpapasa sa kongreso ng Anti-Terrorism Act of 2020. Nakapangigilabot at nakagagalit ang tinuran ng pangulo ng senado na hindi na kailangan ng martial law kung maipasa ang Anti- Terrorism Bill. Ang batas na ito ang tunay na terorismo. Terorismo laban sa mga mahihirap at kritiko ng gubyerno. Terorismo laban sa mga mamamayang naghahangad ng pagbabago sa lipunan na lipos ng kabulukan, di-pagkakapantay, at pasismo. Alam ng rehimeng US-Duterte na kahaharapin nito anumang panahon ang galit ng taumbayan kaya inihanda nito ang kanyang sandata para busalan ang bibig ng mga mamamayang nakikibaka para sa kanilang mga lehitimong mga karapatan.Tinaguriang “urgent“ ng pangulo ang nasabing terror bill na niratsada naman sa senado at kongreso, isinantabi ang pangangailangan ng deliberasyon upang masusing talakayin, suriin at pagpasyahan ang nilalaman ng panukalang batas. Masaklaw, walang parametro at bukas-sa-maraming-interpretasyon ang depinisyon ng “terorismo” sa nasabing panukalang batas. Pwedeng iklasipika na terorismo ang mga aktibidad na gumagambala, nag-aantala o nagdudulot ng “masamang epekto” sa normal na takbo ng bansa. Sa ganitong klasipikasyon, ang mga sama-samang pagkilos ng mga mamamayan gaya ng piket, welga o demonstrasyon ay maaaring ikunsiderang akto ng terorismo. Maging ang pagpapapahayag ng pagtutol o pagkadiskuntento sa pamahalaan sa anumang kaparaanan ay maaaring ikunsiderang krimen. Ang sinumang pinaghihinalaan ay maaring pasubaybayan, makinig sa mga pribadong usapan kahit pa sa internet o social media at maaaring arestuhin kahit walang “warrant of arrest” at makulong ng 14 o 24 araw at maari pang patagalin.Ilan lamang ito sa mga nakakapangilabot at magiging dagdag na pasakit sa mga mamamayang Pilipino kung kayat nararapat tayong Magkaisa at sama-samang Labanan ang nasabing anti terror bill.IBASURA ang Anti-Terror Law!LABANAN ang de Facto Martial Law!Pasismo ng Estado BIGUIN, Duterte PATALSIKIN!Karapatan, Tunay na kalayaan, at Demokrasya, ipaglaban!Itigil ang terorismo laban sa mamamayan!IBAGSAK ang pasistang diktadurang US-Duterte!

Geplaatst door Umangat Migrante op Donderdag 11 juni 2020

Mahigpit na kinokondena ng UMANGAT-MIGRANTE ang kontrobersyal na pagpapasa sa kongreso ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Nakapangigilabot at nakagagalit ang tinuran ng pangulo ng senado na hindi na kailangan ng martial law kung maipasa ang Anti- Terrorism Bill.

Ang batas na ito ang tunay na terorismo. Terorismo laban sa mga mahihirap at kritiko ng gubyerno. Terorismo laban sa mga mamamayang naghahangad ng pagbabago sa lipunan na lipos ng kabulukan, di-pagkakapantay, at pasismo.

Alam ng rehimeng US-Duterte na kahaharapin nito anumang panahon ang galit ng taumbayan kaya inihanda nito ang kanyang sandata para busalan ang bibig ng mga mamamayang nakikibaka para sa kanilang mga lehitimong mga karapatan.

Tinaguriang “urgent“ ng pangulo ang nasabing terror bill na niratsada naman sa senado at kongreso, isinantabi ang pangangailangan ng deliberasyon upang masusing talakayin, suriin at pagpasyahan ang nilalaman ng panukalang batas. Masaklaw, walang parametro at bukas-sa-maraming-interpretasyon ang depinisyon ng “terorismo” sa nasabing panukalang batas.

Pwedeng iklasipika na terorismo ang mga aktibidad na gumagambala, nag-aantala o nagdudulot ng “masamang epekto” sa normal na takbo ng bansa. Sa ganitong klasipikasyon, ang mga sama-samang pagkilos ng mga mamamayan gaya ng piket, welga o demonstrasyon ay maaaring ikunsiderang akto ng terorismo. Maging ang pagpapapahayag ng pagtutol o pagkadiskuntento sa pamahalaan sa anumang kaparaanan ay maaaring ikunsiderang krimen.

Ang sinumang pinaghihinalaan ay maaring pasubaybayan, makinig sa mga pribadong usapan kahit pa sa internet o social media at maaaring arestuhin kahit walang “warrant of arrest” at makulong ng 14 o 24 araw at maari pang patagalin.

Ilan lamang ito sa mga nakakapangilabot at magiging dagdag na pasakit sa mga mamamayang Pilipino kung kayat nararapat tayong Magkaisa at sama-samang Labanan ang nasabing anti terror bill.

IBASURA ang Anti-Terror Law!

LABANAN ang de Facto Martial Law!

Pasismo ng Estado BIGUIN, Duterte PATALSIKIN!

Karapatan, Tunay na kalayaan, at Demokrasya, ipaglaban!

Itigil ang terorismo laban sa mamamayan!

IBAGSAK ang pasistang diktadurang US-Duterte!

The post Mga Migrante at Sambayanang Pilipino Magkaisa, Labanan ang Anti-Terrorism Act (HB6875) appeared first on Migrante Europe.