A poultry farm in Dacudao, Calinan District was ordered to observe hygienic practices following the complaints from neighbors about the swarm of flies.
Interviewing 101
Kung isasantabi ang wika
Govt should address job losses in agri, manufacturing — IBON
Research group IBON said that the rise in employment and decline in unemployment is seemingly welcome after the worsening job generation in the past four consecutive labor force rounds. But this should not be taken at face value because of alarming underlying trends. This includes job losses in the production sectors that the Duterte administration is failing to address, said the group.
The Philippines Statistics Authority (PSA) reported an increase in the number of employed by 1.3 million in April 2019. Labor force participation also increased by almost 1.3 million in the same period. The number of unemployed declined by 74,000 while the number of underemployed fell by 1.2 million.
IBON noted that job
contraction in production sectors show the domestic economy is
weakening with government’s continued shift away from agriculture
and industry towards low value-added and low-paying services.
Agricultural employment dropped even further by 376,000 to its lowest
in the past three decades. Employment in manufacturing fell by
101,000 to contract by the largest amount since the 189,000 fall in
2008.
The group observed that employment mostly increased in wholesale and retail trade which is the second lowest-paying service subsector next to household domestic work. Some 602,000 additional work was created in trade followed by 446,000 in transportation and storage — subsectors which are notorious for informal and irregular work — then 344,000 in public administration. Construction work was a distant fourth with just 207,000 additional employment, likely due to the delayed budget and the election ban on public works.
The markedly lower underemployment rates are also on the face
of it welcome, said IBON. But the lower reported underemployment may
be due more to disinterest in seeking other work and poor jobs
prospects, rather than improving satisfaction with the quality and
pay of the work at hand.
IBON stressed that
agriculture and broad-based Filipino industry are vital for long-term
growth, productivity increases, job creation and rising incomes. Yet
these critical sectors continue to decline amid government policies
advancing market-driven interests and persistent neglect. The group
said it is more urgent for government to correct these instead of
over-relying on the short-term stimulus of infrastructure spending.
###
Ginigipit, pero lumalaban
Sinusupil, nilalamangan, dinadahas. Sa kabila nito, nagpupunyagi ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Lumalaban at nagtatagumpay.
Ito, mistula, ang naging tema ng nakaraang linggo. Lunes, Hunyo 3, nang maglabas ng hatol ang San Mateo Regional Trial Court sa kasong illegal possession of firearms sa aktibista at organisador ng mga manggagawa sa transportasyon, si Marklen Maojo Maga. Ang hatol: maysala raw si Maga. Sa kabila ito ng malinaw na mga ebidensiya na nagtuturo sa pagiging “planted” o gawa-gawa ng mga ebidensiya. Tantiya ng mga kasamahan ni Maga, tinakot o pinresyur ang judge na pumabor sa malinaw-na-pekeng ebidensiya ng mga pulis.
Sa araw ring ito, pumayag naman ang Sta. Cruz Regional Trial Court na magsampa ng bail si Hedda Calderon, matagal nang aktibista sa kilusang kababaihan na bahagi ng tinaguriang Sta. Cruz 5. Katulad ni Maga, peke at planted ang nakuha raw na mga “baril at pampasabog” sa kotseng sinakyan niya at nina Adelberto Silva, Edisel Legaspi, Ireneo Atadero at Julio Lusania, noong Oktubre 15, 2018 sa Sta. Cruz, Laguna. Ibig sabihin nito, ayon sa mga abogado, mahina ang ebidensiya sa kasong illegal possession of firearms and explosives na isinampa sa lima.
Samantala, noong Hunyo 2, pinaslang naman ng di-pa-kilalang armado, si Dennis Sequena, organisador ng Partido Manggagawa na nangangasiwa ng di bababa sa tatlong labor disputes, sa San Pedro City, Cavite. Kinondena ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa ang pamamaslang.
Noong Mayo 30 naman, pinaboran ng Korte Suprema ang hiling ng mga grupong Karapatan, Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines (RMP) para sa writs of amparo at habeas data laban sa mga respondent ng petisyon na sina Pangulong Duterte, Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mga opisyal ng militar at pulisya, at iba pang opisyal ng rehimeng Duterte.
Ang writ of amparo ay utos ng korte na protektahan ang mga petisyuner na may banta sa kanilang buhay, sa kanilang kalayaan at seguridad mula sa mga militar, pulis at iba pang armadong puwersa ng Estado. Ang writ of habeas data naman ay utos ng korte sa mga awtoridad ng Estado na ilabas sa mga petisyuner ang lahat ng dossier na hawak nito ukol sa petisyuner (sa kaso ng sa itaas, ang Karapatan, Gabriela at RMP) at kung kailangan, sirain ang mga dokumento o dossier na ito.
Paliwanag ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, na patunay ang naturang desisyon na may magagawa ang kilusang masa o ang nagkakaisang mga mamamayan para pigilan ang mga atake at igiit ang kanilang mga karapatan.
“Paalala ito sa gobyerno na makakahanap ang mga sektor at tagapagtanggol (ng karapatang pantao) na inaatake para igiit (ang karapatan) at makapagpanagot sa mga maysala, sa kabila ng koordinadong pambabraso,” sabi ni Palabay.
Nagsalita si Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, sa piket sa harap ng San Mateo RTC matapos ang promulgasyon ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions kay Maoj Maga. Sa kaliwa ang asawa ni Maoj na si Lengua de Guzman at anak nilang si Li Boy. Kontribusyon
Di patitinag
Ilegal na dinukot si Maga noong Pebrero 22, 2018, habang naglalaro ng basketball at matapos maghatid sa kanyang anak sa eskuwela sa kanilang komunidad sa San Mateo, Rizal. Malinaw sa mga saksi na walang dalang baril si Maga. Wala siyang paggagamitan nito habang nagbabasketball, habang hatid-sundo sa anak, o habang nag-oorganisa ng mga manggagawa at tsuper ng jeepney.
Sa kabila nito, ipinakita ni Maga ang kanyang patuloy na paglaban sa harap ng desisyon. Malamang na iaapela ng mga abogado niya ang desisyon ng San Mateo RTC. Samantala, hindi natitinag ang mga kaanak niya sa pagpapatuloy ng laban para mapalaya si Maga at iba pang bilanggong pulitikal.
“Napakasakit makita ang mabubuting tao na nasa kulungan. Habang ang mga kriminal, mandarambong at mamamatay-tao ay nasa laya at nagpapakasasa sa kapangyarihan,” sabi ni Lengua de Guzman, asawa ni Maga at isa ring aktibista sa kilusang paggawa. Gayumpaman, sinabi niyang hindi nila isusuko ang laban para sa asawa at sa iba pa.
“Hindi katapusan ng laban para sa kalayaan ni Maoj ang desisyon ngayon. Iaangat natin sa ibang antas ang laban, magsasagawa tayo ng mga aksiyong legal, at igigiit ang pagpapalaya kay Maoj at iba pang bilanggong pulitikal,” sabi pa ni de Guzman.
Kinabukasan ng promulgasyon ng kaso, nasa lansangan muli siya, ang kanyang anak na si Li Boy at iba pang aktibista at tagasuporta. Nagprotesta sila sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Manila para kondenahin ang inhustisyang sinasapit ni Maga sa ilalim ng rehimeng Duterte.
Sa kabila ng mga panunupil, panlalamang at pandarahas, nananatili sila at nagbubuo ng pagkakaisa sa hanay ng mga kapwa manggagawa at mamamayan – para makakamit ng higit pang mga tagumpay para sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
Laban Maoj
Noon pa man, kilala na ng maraming kasabayang kabataang aktibista si Marklen Maojo Maga. Ikalawang hati ng dekada ’90, naging aktibista siya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, miyembro ng Panday Pira, League of Filipino Students o LFS at Anakbayan, at may reputasyong mahusay na organisador.
Ang hirap banggitin ng pangalan niya nang walang paliwanag, bagamat madali itong hulaan. Aktibista rin at organisador ng mga manggagawa at maralita ang tatay niya, at ipinangalan siya sa mga dakilang lider-Komunista – hindi isa, hindi dalawa, kundi apat. Nakatago naman ito sa “kewl” na palayaw na “Maoj.”
Bahagyang nakilala ng mga kasabayang aktibista ang tatay ni Maoj, at ang kinalakhan niya, nang minsang dalhin sila sa simpleng bahay ng pamilya niya sa gitna ng isang madilim na maralitang komunidad. Burol-parangal iyun ng tatay niya, na namatay matapos makipaglaban sa sakit.
Hindi malinaw kung sumali si Maoj sa organisasyon noon sa PUP ng mahihilig sumayaw ng hip-hop, pero magaling siya sa mga indakang Streetboys at Universal Motion Dancers. Kapag nabibiro noon, pinagbibigyan niya ang mga kapulong ng sampol ng mga hip-hop na galawan o, sa tawag noon, “hatawan.”
Ang tawag ngayon, “mataba ang utak,” at ganyan si Maoj – malikot ang isip sa pagbibiro at diskarte sa gawain. Mahilig siyang tumawa at magpatawa, bungisngis, dangan lang at laging nauuna ang tawa bago ibato ang punchline. Wala yata siyang nakapulong na hindi niya napangiti o napatawa.
Masaya siyang kitain, dahil laging may bagong balita sa gawain o sitwasyong pampulitika. Baon niya ang mga bagong biro na nasagap niya sa malawak na pag-oorganisa. Sa kanya unang narinig ng marami ang ibang bersyon ng “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya: Isabaw mo! Sa kanin!
Kilala at paborito ng maraming aktibista si Maoj. Subaybay ng marami na naging karelasyon at asawa niya si Lengua de Guzman, aktibista naman sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. May isa silang anak, si Li Boy, na bagamat nagmana kay Lengua ng itsura ay mas nagpapaalala ng karakter ni Maoj.
Alam ng marami na matapos sa sektor ng kabataan-estudyante, naging organisador si Maoj ng mga tsuper at manggagawa – sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o Piston at Kilusang Mayo Uno o KMU. Lagi siyang nakikita sa malalaking protesta: Marso 8, Mayo Uno, SONA, Araw ni Bonifacio, Human Rights Day at iba pa.
Alam ng marami na hindi kasapi ng New People’s Army o NPA si Maoj. Sa kabila ng pagpapalutang ng rehimeng Duterte na may mga “sparrow” muli ang NPA sa kalunsuran, wala itong kahit hibla ng katotohanan. May dahilang maghinala na hindi marunong humawak ng baril si Maoj, maliban iyung nasa computer games na nilaro niya, kung mayroon man.
Alam ng marami na ang gawain ni Maoj ay pasiglahin ang paglaban ng mga tsuper sa jeepney phaseout at ng mga manggagawa sa kontraktwalisasyon. Na ang ginagawa niya ay ang gawain ng mga aktibista: tuluy-tuloy na edukasyon sa hanay ng masa, pagpaplano, pagtatasa, paglulunsad ng pagkilos, pagtatayo ng mga organisasyon, pagresolba ng mga problema. Walang baril.
Kaya hindi kapani-paniwala sa marami ang akusasyon sa kanya ng kapulisan nang arestuhin siya noong Pebrero 22, 2018: na may dala siyang kalibre 45 na baril na may bala at walang lisensya. At lalong hindi kapani-paniwala ang dahilan umano ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya: na may pinatay siya sa Agusan del Norte, lugar na ni hindi pa niya napupuntahan.
Malinaw ring imposible ang kalagayan na sinasabing may dala siyang baril. Umaga noon, kakahatid lang niya ng anak sa paaralan, nagbabasketbol kasama ang mga kaibigan. Ang sinasabing bag niyang may dalang baril, nakasabit sa bisikleta niyang nakagarahe sa gilid – na kaduda-duda kung kakayanin ang ganoon kabigat na dalahin. Inhustisya ang bawat minutong nakakulong siya.
Pero naniwala ang San Mateo Regional Trial Court Branch 76, si Judge Josephine Zarate-Fernandez. Tama raw ang pagdakip kay Maoj: dahil daw may warrant of arrest, pwedeng halughugin ng kapulisan ang gamit niya. Hinatulan siya ng walo hanggang 14 na taon ng pagkakabilanggo sa Bilibid. “Beyond reasonable doubt” daw ang kwento ng kapulisan na siyang tanging pinagbatayan ng hatol.
Nakakadurog ng puso ang mga larawan ni Maoj, ni Lengua at ni Li Boy pagkatapos ibaba ang hatol. Pinakahuli lang ito sa marami na nilang pagdurusa para sa kanilang mga prinsipyo at pagkilos na para sa masa at bayan. Gusto silang patigilin ng mga makapangyarihan sa paglaban para sa pagbabago – pero lagi naman silang binibigyan ng mga ito ng dahilan para magpatuloy.
Malinaw nitong ipinapakita ang kabulukan ng sistema ng katarungan sa bansa. Sa paggamit ng rehimeng Duterte ng buong mapanupil na aparato ng Estado laban sa mga itinuturing nitong kalaban, lalo na sa mga aktibista, instrumento nito ang mga korte. Kung hindi man mulat na kasabwat, dinadaan sa pananakot, panunuhol o pareho ang mga hukom para mapasunod.
Kilala na ang kapulisan sa pagtatanim ng ebidensya – at may mahigit 10,000 biktima ng “gera kontra-droga” na patunay. Sa halip na bumango ang pangalan, sirang-sira sila sa ilalim ni Duterte. Ang iba pang kaso ni Maoj, nilikha ng Inter-Agency Committee on Legal Action o Iacla, binuo talaga para magmanupaktura ng mga kaso laban sa mga aktibista at iba pang kritiko ng gobyerno.
Kung matatandaan, ang unang rekomendasyon ni United Nations Special Rapporteur Philip Alston sa misyon niya sa bansa noong 2007 ay ang ipabasura ang noo’y Inter-agency Legal Affairs Group (Ialag) noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ngayon, ang maraming detenidong pulitikal tulad nina Bob Reyes, Weng at Oliver Rosales, at Rey Casambre, biktima ng mga kasong gawa-gawa ng IACLA.
Bahagi ang ganitong pagbibilanggo at pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista ng Oplan Kapayapaan, programang kontra-insurhensya ng rehimeng Duterte. Ang kagyat na layunin ay pigilan ang mga aktibista na gampanan ang kanilang mga gawain, at gambalain ang mga progresibong organisasyon na mahalaga sa paglaban sa madami at dumadaming krimen ng rehimen.
“Ang bago,” sabi ng mga detenidong pulitikal sa Bicutan, Taguig City sa pahayag nila ng pagkondena, “ay hindi lang ang pagpapaigting ng aparatong panseguridad ng Estado sa panre-red-tag at pambabansag na terorista” sa mga progresibong organisasyon, “pinapalapad din nito ang mga target (patunay ang hanay ng mga pakana at matrix sa ‘pagpapatalsik’) para sa ‘niyutralisasyon’.”
Hinatulan si Maoj na maysala sa panahong pinapalabas ng rehimen na popular ito sa batayan ng resulta ng dinayang halalan na kakatapos lang. Iniraratsada ang marami pang mapanupil na patakaran: parusang kamatayan, mas mahigpit na batas kontra sa terorismo, pagpapababa ng edad ng ligal parusahan, pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps (ROTC). Lahat, para maitulak ang mga patakarang pabor sa mga dayuhang kapangyarihan at naghaharing uri na pinaglilingkuran ng rehimen.
Mabisang organisador si Maoj, kaya gusto siyang pigilan at busalan ng rehimen. Ang popularidad niya sa mga nakakakilala, gustong gawing panakot sa kanila; ang mensahe, kahit sinong aktibista, pwedeng basta arestuhin at ikulong. Pero pinatunayan na ng kasaysayan: nakakapagpunyagi ang mga dinadahas na nasa panig ng sambayanan. Nakabalik ang mga pasista at berdugo ngayon sa kapangyarihan, pero lagi nilang hinuhukay ang sariling libingan.