Home Blog Page 363

Seremonya ng Pagtatapos ng Lumad Bakwit School sa UP 2019

0
Ipinakita nila na purisgido silang makatapos ng pag-aaral at ipaglaban ang kanilang karapatan, lalo na sa pagtatanggol ang kanilang lupang ninuno.

A creeping disaster lurks as El Niño hits victims of ‘Kidapawan Massacre’ anew

0

Drought is again sweeping the farmlands in North Cotabato and devastating the lives of the same farmers who were once dispersed violently by those in power.

DDoS at ang oras ng pagtutuos

Internet traffic, bandwidth, online user, DDoS, VPN, IP address, server logs at kung ano-ano pa.

Masyadong teknikal ang mga termino kaya mahirap maintindihan ng ordinaryong tao. Paano ba ipapaliwanag ang pinagdaraanan ng ilang website ng alternatibong midya? At higit sa lahat, paano ba iuugnay ito sa kalayaan sa pamamahayag?

Noong nakaraang taon, nakaranas ang mga website ng alternatibong midya tulad ng AlterMidya, Bulatlat, Kodao, Pinoy Weekly, Manila Today at Arkibong Bayan ng mataas na Internet traffic sa website nila. Ibig sabihin, maraming bumibisita sa kanila. Sa unang tingin, magandang balita ito dahil, sa wakas, tila nakakaya nang tapatan ng “maliliit” na alternatibong midya ang mga “higante” sa dominanteng midya. Produkto lang pala ito ng maling akala! (Paglilinaw: Ngayon pa lang, nais kong ipaalam na founding member po ako ng AlterMidya, associate editor ng Bulatlat, board secretary ng Kodao at kolumnista ng Pinoy Weekly.)

Napansin lang na tila nagiging abnormal na ang Internet traffic dahil hindi na nakakayanan ng mga website ang sobrang dami ng bisita. Ihalintulad na lang natin ito sa maliit mong bahay na hindi kayang magpapasok ng napakaraming tao. Ano ang mangyayari kung napasobra ang imbitasyon, halimbawa, sa birthday party sa loob ng maliit na bahay mo? Siyempre’y hindi makakapasok ang ilan sa kanila. Ganyan din ang limitasyon ng mga website. May tinatawag na bandwidth na siyang limitasyon sa dami ng mga online user (o gumagamit ng Internet) na nais na magbasa ng nilalaman ng isang website. Sa kaso ng alternatibong midya, binibisita ang mga website nila dahil sa malalim na pagsusuri sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.

At dahil sa napakataas na bandwidth, tuluyang nagsara ang mga website at hindi na nakapagpalaganap ng impormasyon ang ilang taga-alternatibong midya. Sa halip na matuwa, tuluyang naluha ang mga patnugot at manunulat dahil wala nang makakabasa ng mga ginawa nila. Bukod sa pinaghirapan at pinagpuyatan nila ang kanilang mga akda, mas malaking panghihinayang ang kawalang idinulot para sa mga naghahanap ng seryoso at malalim na pagsusuri, ilang bagay na mahirap hanapin sa dominanteng midya.

Ito po ay kaso ng atakeng DDoS (o Distributed Denial of Service attack). Paumanhin sa paggamit ng wikang Ingles, pero ang depenisyon po nito ay “malicious attempt to disrupt normal traffic of a targeted server, service or network by overwhelming the target or its surrounding infrastructure with a flood of Internet traffic.” Sa madaling salita, inaatake ang mga server o pinaglalagyan ng mga website para magmukhang marami ang bumibisita.

Sa konteksto ng peryodismo sa online (online journalism), ang DDoS ay isang atake sa kalayaan sa pamamahayag dahil ang mga publikasyon ay hindi nakakaabot sa mga mambabasa sa Internet. Ang sitwasyong ito ay hindi kakaiba sa kaso ng mga diyaryong ibinibenta sa mga bangketa na posibleng bibilhin o nanakawin nang maramihan para hindi na mabasa ng iba pa.

Nangyayari ang DDoS kung ang website ay hindi na mapuntahan ng isang tunay na online user dahil maraming pekeng online user na nais na bumisita sa parehong website. Kung nais nating isalarawan, isipin na lang natin ang isang estudyanteng hindi makapasok sa isang pampublikong aklatan (public library) dahil napakaraming taong nakaharang sa pinto.
Sa kaso ng atakeng DDoS, gumagamit ang mga may masamang balak ng maraming kompyuter para bumisita sa website. Maglalagay sila ng program o command sa maraming kompyuter para ang nilalaman ng website ay mapupuntahan nang maraming beses sa loob ng maikling panahon lamang. Kung ang mga command ay mauulit nang maraming beses, posibleng magiging mabagal ang website o magsasara ito nang tuluyan para sa mga tunay na online user.

Kaya ang tanong sa puntong ito, kung alam mong inaatake ka na, bakit hindi mo pigilan yung mga masamang balak na makapunta sa website mo para ang makagamit lang ng nilalaman nito ay ang mga tunay na online user? Opo, posible ito dahil may tinatawag na IP address (o Internet Protocol address) ang lahat ng mga bumibisita sa website. Masasabing ang IP address ang bakas o footprint na iniiwan natin sa Internet. Pero kung gumagamit ng maskara ang mga may masamang balak, naitatago nila ang kanilang IP address. Ang maskarang ito ang tinatawag na VPN (o virtual private network). Kahit na sila, halimbawa, ay mula sa Pilipinas, makakaya nilang palabasing ang mga kompyuter na ginagamit nila sa mga atakeng DDoS ay mula sa ibang bansa.

Nagsimula ang matinding DDoS attacks noong Disyembre 2018 at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga biktima ay humingi ng suporta noong Enero 2019 sa Qurium Media Foundation, isang NGO mula sa Sweden na tumutulong sa mga “independent media” sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Batay sa imbestigasyon ng Qurium, hindi lang pala daan-daan kundi LIBO-LIBONG kompyuter ang ginamit para ilunsad ang mga atakeng DDoS. Sa kaso ng Bulatlat, masyadong matindi ang pag-atake kaya ang isang segundong “pagbisita” ng mga may masamang balak ay katumbas ng anim na buwang Internet traffic mula sa mga tunay na online user.

Maraming oras ang ginugol ng Qurium para suriin ang ilang gigabyte ng datos ng mga bumisita (o server logs) sa ilang apektadong website. Natunton ng mga taga-Qurium kung saan nanggagaling ang mga atakeng DDoS. Bagama’t maraming paraan ang ginawa para matukoy sila, susing salik sa palagay ko ang pagkakamaling gamitin ang VPN, kahit sa maikling panahon lamang, kaya natukoy ang ilang tunay na IP address ng mga pinanggalingan ng atake.

Nakita rin ang kanilang mga “bakas” sa maraming server log ng mga website. Halatang halata rin ang kanyang “bakas” sa website ng Qurium, at nakakaintrigang mabilis niyang binabasa ang lahat ng mga report ng Qurium hinggil sa mga atakeng DDoS sa Pilipinas! Gaya ng nabanggit, patuloy pa rin ang mga atakeng DDoS. Kahit ang Qurium ay naging “biktima” na rin ng serye ng mga atakeng DDoS.

Kung susuriin ang ulat ng Qurium, puno ito ng mga teknikal na jargon na hindi siguro madaling maiintindihan ng ordinaryong mambabasa. Sabi nga ng isang kaibigan, “nosebleed” ang magiging resulta ng sinumang susubukang magbasa ng buong teksto. Nosebleed man o hindi, kailangan lang tandaan ang apat na importanteng punto:

Ang mga atakeng DDoS ay pinuntirya ang mga taga-alternatibong midya sa panahong gumagawa sila ng mga kritikal na ulat sa mga isyu gaya ng usapang pangkapayapaan, karapatang pantao, extra-judicial killings at ang pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility;
Ang mga atakeng DDoS ay organisado at ginastusan nang malaki dahil sa paggamit ng libo-libong kompyuter sa mahabang panahon mula Disyembre 2018 hanggang sa kasalukuyan;
Ang mga pinagmulan ng mga atakeng DDoS ay sinubukang itago ang kanilang “bakas” o IP address pero nabulatlat ang mga ito dahil na rin sa kanilang pagkakamali, kahit sa maikling panahon lang; at
Ang server logs ng mga apektadong website, at kahit na website ng Qurium na inatake rin, ay nagpapakita ng tunay na “bakas” o IP address ng mga pinagmulan ng mga atakeng DDoS.

Kaya hindi na siguro kailangang magtanong pa kung bakit nagdesisyon ang apat na intitusyon – Altermidya, Bulatlat, Kodao Productions at Pinoy Weekly – na magsampa ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court laban sa pinagmulan ng mga atakeng DDoS noong Marso 29 (ang ika-25 taon ng Internet sa Pilipinas). Tama lang na ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag sa importanteng petsang ito. Importante rin ang naging legal na aksyon dahil ito ang kauna-unahang kaso hinggil sa atakeng DDoS.

Hinihintay namin ngayon ang magiging sagot ng mga idinemanda naming IP Converge Data Services, Inc. at ang Suniway Group of Companies, Inc. Sa ngayon, gusto lang naming kumustahin ang mga taga-IP Converge na sina Ernesto Alberto, Nerissa Ramos, Anabelle Chua, Juan Victor Hernandez, Patrick David De Leon, Sherwin Torres, Christian Villanueva at Cean Archivald Reyes na pinangalanan namin sa aming reklamo. Siguro’y kailangan ding kumustahin sina Rolando Fernando, Julia Mae Celis, Mary Ann Recomono, Jiang Zongye at Jiang Xingzhong ng Suniway. Kasama po kasi silang lahat sa kasong isinampa.

Malinaw na ang mga biktima noon at ngayon ay piniling lumaban at magsampa ng reklamo. Simple lang ang mensahe namin sa puntong ito: Kami po ay mga peryodista mula sa alternatibong midya. Nagbabahagi kami ng makabuluhang istorya at hindi kami dapat sinesensura. Dahil sa ginawa ninyo, naniningil kami hindi ng pera kundi ng hustisya.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa https://risingsun.dannyarao.com

The post DDoS at ang oras ng pagtutuos appeared first on Bulatlat.

From Negros to the Academe and back

When the Spaniards came to Buglas in April 1565, they saw dark-skinned natives and ironically cut them off from the act of naming one’s land after one’s labor. Buglas in Hiligaynon is precisely the act of cutting off.

The Spanish conquerors, needy and exploitative as they were, re-named the land Negros to naturalize a violent set-up. From then on, that place is to be marked by the skin of farmers. They were to be dispossessed of their land as they continue to cut off sugarcane.

Their descendants were to become Sakadas or landless peasants engage in slave labor offered to the altar of Spanish colonizers and their local collaborators. The Spaniards and loyal collaborators would intermarry, consequently forming the mestizos y mestizas of the principalia. They accummulated land and power by forcing the Negros to toil the land stolen away from them.

Sakada-born

My great grandparents, Joaquin and Lucia Jopson descended from this violent history. Joaquin was not the most reliable and exploitable sakada as he had weak lungs. So then Lucia had to hold the line for their six children, one of whom was Remedios who made a wonderful childhood possible for me and my father. By doing so, my grandmother made up for Lucia’s absence in the lives of her children.

Lucia left her family and travelled to the city to become a seamstress. She came home twice a year to see the first half of her children taking up maternal roles and the second half growing up as strangers.

Lucia was probably so stressed and overworked that her sickly husband would even outlive her by many years. One day after a morning stroll in the streets of Manila and bottled sodas shared with his two grandchildren, Joaquin would pass out irretrievably.

I looked at the list of the nine massacred farmers in Sagay, Negros last year.I looked at the list of the fourteen massacred farmers in several areas in Negros on March 30 this year. I heard myself humming a popular tune in the 80s when TV stations featured the unfed and dying children of Negros, they all looked the same in their enlarged heads and emaciated bodies: “Sagipin natin mga bata sa Negros…” I come from here.

I come from Lucia, I come from Joaquin, sakadas of Negros in the Visayas. I come from Pepe, I come from Juana, farmers of Sta. Rita Pampanga in Central Luzon.

I wake up at 4AM no matter where I am, no matter what I did the night before. Sometimes I go back to sleep or daydream away. Sometimes I go out for a run or beat a deadline. The point is I embody my ancenstors’ toiling ways.

I am marked by the labors of landless peasants murdered on March 30, 2019 not only because I read Marx. I come from:
Edgardo Avelino (Chairman of HUKOM – Hugpong Kusog sang Mag-uuma sa Canlaon-KMP), 59
Ismael Avelino (habal-habal driver), 53,
Melchor Panares (farmer), 67,
Mario Panares (farmer), 46,
Rogelio Ricomuno (farmer), 52,
Ricky Ricomuno (farmer), 28,
Genes Palmares (farmer), 54.
Franklin Lariosa (habal-habal driver)
Anoj Enojo Rapada (farmer)
Valentin Acabal of Brgy. Kandabong, Punong Barangay
Sonny Palagtiw
Steve Arapoc
Manolo Martin,
we are all of peasant origins.

Hegemomic Political Labor and Red Tagging

The division of hegemonic political labor is established between technocrats, the military, politicians and academics (they work as consultants or as mere state appendages). In this case, the neoliberal technocrats provide false figures of and for economic development supposedly sabotaged by critics of the State.

The military claims that the massacre was a shoot out that took place during a legitimate Armed Forces of the Philippines counter-insurgency operation (Operation Sauron).

The military and politicians are puppets who impose death when they are bothered by political dissent. They are painfully identitarian and can only pledge loyalty to the interest of their kind, so they can only homogenize and crush difference and resistance whenever and wherever it appears.

In this shores, difference and resistance come in the form of the demand for wage hikes for farmworkers and land redistribution. These rights-based initiatives, rights-based are paralyzed and crushed when their advocates are labeled as “communist fronts.”

Academics like historian Lisandro Claudio, PhD* and cohorts render hegemonic political labor by affirming that certain legal mass organizations, as the AFP and President Duterte claim, are “communist fronts.” For him, the practice of democracy involves this sort of truth-telling in the academe.

Yet something else underwrites academic labor. If Dr. Claudio and friends find academic freedom in communist tagging, the interest behind this academic disposition must be understood and laid bare.

For someone who descends from landless farmers, the only criterion for the promotion of democracy in the academe during this violent moment in the history of Philippine governance is the prevention of massacres like Operation Sauron from happening. This means solidarity with farmers who till the land and bring food to our tables. This means recognizing the validity and participation in mass campaings that promote farmworkers rights and the struggle for land redistribution. This will leave no room for the combined hegemonic political labor of the Duterte regime, the AFP and academics like Dr. Lisandro Claudio, the kind that casts doubt on the noble aspirations of farm workers and justify their killings. (http://bulatlat.com)

*Professor at the Department of Literature, De La Salle University-Taft

The post From Negros to the Academe and back appeared first on Bulatlat.

Dugo sa bukangliwayway

Pinakawalan ni Haring Sauron ang higit isandaan
sa pinakamakamandag-pinakawalang puso’t kaluluwa
niyang sahurang mamamatay tuwing kinsenas-katapusan
sa payak-pobreng lupain ng mga magsasaka
ng Canlaon, Manjuyod at Santa Catalina
habang ang buong mundo’y tahimik na inuugoy sa kama
na yari sa hinabing hibla at tinik ng makahiya;
at habang hinihilom ng mapagkalingang panaginip
ang pagod-payat-banat-sunog sa araw na katawan
-na mula musmos ay kalabaw at karit na ang kaulayaw-
ng labing-apat na anakpawis-anakdalita na nagpapakain
sa bawat hapag-kainan ng mga sambahayan
ng buong sambayanan at mga bayan sa buong daigdigan,
mabigat-mabagsik-bakal na tadyak ang kumatok
sa pinto’t haligi ng mga dampang puno ng dusa-gutom-himutok
paglao’y tumilaok ang bunganga ng armalayt, pistola at masinggan
at pumisik-pisik ang liwanag na mula sa nasusunog na pulbura
habang humahalakhak ang mga lalaking walang mukha
habang anong wili nilang pinipisil ang gatilyo ng kanilang baril
habang nangagsisisayaw sa isang-iglap sa lalamunan ng dilim
ang nagbagsakang mga mumurahing labing-apat na katawan,
wasakwasak-gutaygutay-habang naliligo sa sariling dugo;
at walang narinig ni isang sigaw ng pagmamaka-awa
noong sandaling yaon sapagkat lahat ng mata, tainga at bunganga
na nakakita at nakarinig na maaaring magsalita
ay kanilang ‘alang pakundangang binulag-biningi-itinumba;
pagliwanag- Marso a-trenta- ay umalingawngaw sa buong isla
ang alulong ng mga naulilang Anak at nabalong Ina
at habang binabalot ang labing-apat na katawan
lumitaw ang aparisyon ni Juan Kristo sa mga bangkay na nakahandusay-
ibinababa-kinakalas silang lahat sa bakal na krus
habang aali-aligid sa lupa at langit
ang mga gutom na uwak at limbas
habang ang butas sa lipakin-kalyado nilang palad at paa
ay likha ng ipinampakong tansong bala
habang ang mga malalim-malaki-malapad na sugat
sa kanilang ulo at noo
ay mula sa nilagang alambre na ipinangkorona sa kanila
habang ang simoy ng hanging mula sa mga tuyo-nagbabagang sakahan-kaingin
ay alingasaw ng mga naaagnas-inuuod na bungo’t kalansay
sa paanan hanggang tungki ng Bagong Golgota.

 

Marso 31, 2019
Lungsod Quezon, Maynila

*Sauron- tumutukoy ito sa Oplan Sauron.

The post Dugo sa bukangliwayway appeared first on Manila Today.

Nang minsang natuyo ang kanilang lupa

nang minsang
natuyo
ang kanilang lupa,
at tuluyang yumuko
ang mga tanim
na sinasaka

alam nila
na sa puntong
uhaw ang mga bukid
ay magugutom
ang sikmura

hindi ito pagtitimpi
at pagkimi
hanggang
sa pagdating
ng ulan
na muling didilig
sa munting palayan

hindi ito
ang panahon
para humiling
sa pagpapatigil
ng tagtuyot,
walang
bathalang tutugon
sa taimtim
nilang dalangin
sa gitna ng bukirin,
hindi makikinig
ang tigang na lupa
sa panaghoy
ng mga luha

at sa puntong iyon
alam nila na
mayroong
maaring magsaboy
ng mga butil
ng bigas,
yumukod nang
nakatindig
silang humiling

pero hindi
hiyas
ng buhay
na kulay puti
ang tinamo

sumayaw
ang mga metal
sa mga sulok
ng kalamnan,
unipormado ang
tumugon
sa panaghoy
ng sikmurang
naghihintay
ng tugon

at sa puntong iyon,
alam nila
na nadiligan na
ang bukirin,
hindi na tuyo
ang mga lupa
basa na ng dugo
at mga luha

at sa puntong iyon
alam nila,
kung pa’no tumugon
ang panginoon.

The post Nang minsang natuyo ang kanilang lupa appeared first on Manila Today.

Mapapalad ba ang may panginoon?

Mapapalad ba ang may panginoon?

Sabi nya sa akin, mapalad ang walang panginoon,
Mapalad ang mga taong walang pinaghahandugan ng alay na mula sa kanilang mga inani.
Mapalad ang mga taong walang panginoon na siyang pinag-iimbutan ng mga lupang bubungkalin.
Hindi nila kailangan isipin ang bagong umaga.
Bitbit ang pangarap sa kinabukasan,
Tangan-tangan din ang hirap at hinagpis,
Mga poot at pagmamalabis.
Mapalad siyang walang pinagsisilbihan,
hindi kailangang alahanin kung may piging na sa
lamesa ang mga pinaghahandugan.
Mapalad silang walang ginagawa pero limpak na sagana ang natatamasa.
Mapalad silang sinasamba’t hinahalikan ang mga paa.
Wala naman akong ginagawang masama,
Patuloy akong naghahandog sa kanila
Patuloy sumasambit ng mga usal at dasal kahit ‘di ko alam kung may nakakarinig o nakakakita.
Patuloy na naniniwala sa kapalaran kong sila ang tumakda
Patuloy na sinusunod ang utos, dahil latay ang para sa lumalabag sa kanila.
Silang pinagpala, ‘di nila kailangang gumawa,
Di nila kailangan tiisin ang panunuyo ng balat
At siyang pagkalabit ng sikmura sa umaga.

Nagtatanim ng tubo,
ngunit walang asukal ang kape,
mapait man ay mulat pa rin.
Siyang pagiging uhaw sa pag-asa,
Uhaw ang lupa ngunit mas uhaw ang kalamanan, tinuyo nang pananamantala.
Siyang pagod mula umaga
hanggang sa di namalayan na bukang liwayway na,
Walang oras ang trabaho,
walang oras para hindi magtrabaho.

Silang panginoon, aking sinasamba
Silang may hawak ng buhay,
Hawak nila ang lupa, hawak din ang hininga
Matagal mo nang hinukay ang para sa katawang hinog sa abuso.
Inaani ang pananakit at walang habas na pananamantala.
Magdasal daw ako para sa pagpapala,
Sambahin sila kung takot sa bala.
Silang panginoon, ang dapat masunod
Sila ang magtatakda ng buhay,
Ilalagak ka sa hukay ng iyong puntod.

Kaya kung tatanungin ako kung mapapalad nga ba ang may panginoon?
Hindi ko sigurado. Basta hiling ko lang ay ang kalayaan at hustisya ngayon.

The post Mapapalad ba ang may panginoon? appeared first on Manila Today.

PDEA-11 arrests high-value target in drug buy-bust

0

Two suspected drug personalities were arrested by Philippine Drug Enforcement Agency in Davao Region (PDEA-11) in a separate buy-bust operation conducted at around 12:20 p.m. on March 28, a report said.