Home Blog Page 392

More “eyes” mulled in Davao’s streets, public places

0

The Public Safety and Security Command Center (PSSCC) now eyes to purchase an additional two hundred units of closed-circuit television (CCTV) cameras to upgrade its monitoring in the city.

Mabangis At Mapanlinlang Na Lungsod

Araw-araw, ang mga dampa at sabsaban ng mga dukha sa nayon ay dinadalaw ng mga magagandang balita na hatid ni Ginang Maynila. Dahil kalakhan nama’y sawa na sa labis na karalitaan, pinaglalaanan n’yo s’ya ng panahon lalo pa’t taglay n’ya ang pinakamataas na pangako ng lipunan- pagyaman. Sapagkat sa gaya n’yang lungsod, marami at gaya sa dagat ang pagkakataong makaipon ng kwarta. At dahil sa labis na galak – at malamang pagkasawa sa palaging ulam na tuyo, asin, mantika at alamang- ay tumugon sa paanyaya ng ‘mahabagin’, ‘mapagmahal’, ‘busilak’ at ‘matulunging’ ginang.

Nang siya’y lumisan ay tangay n’ya ang inyong mga Eba at Adan at wala kayong nagawa kundi ihatid na lamang sila sa pamamagita ng inyong kumukulo’t mainit na luha at puno ng tigalgal na panalangin sa kung sinu-sinong pintakasi ng mahal n’yong bayan. At iyon ang huling pagkakataon na inyong nakita, si Eba at Adan, na buhay at masigla. Uumpisahan n’yong bilangin ang mga araw, linggo, buwan at taong lumilipas. Kayo’y umaasa na balang araw, paggising n’yo sa umaga’y ang unang makikita ng inyong gutom at uhaw na mga mata’y ang pagbabalik ni Eba at Adan. Subalit hindi. Hindi na ito mangyayari.

Sari-sari by JC Gilana

Magsisimula na kayong mahinala at makiusisa. Gagambalain ang inyong bawat gabi ng mga katanungan. Nasaan na kaya sila? Kumusta na kaya sila? Paano na kaya sila? Uuwi pa kaya sila? Nakalimot na ba sila?

Hindi n’yo alam, naroon si Eba. Sa isang kasa. Sa isang sulok na kalye ni Ginang Maynila. Humantong sa pagpuputa. Minsan, sa Ermita. Minsan, sa Dibisorya. Minsan, sa Malate. Minsan, sa Quiapo. Pero madalas, sa Luneta. Kung sinu-sinong animal ang pilit kinatalik. Nilapa ang kanyang suso, leeg, labi at puwet. Lahat. Pati ang kanyang hiyas. 60-40 ang hatian- 60 kay Eba, 40 kay Ginang Maynila. Wala naman s’yang magawa. Binantaan s’ya na papatayin s’ya ni Ginang Maynila.  Nagtangka s’yang sulatan kayo upang sana’y humingi ng tulong subalit ginapi s’ya ng labis na kahihiyan. ‘Di na n’ya ito nagawa. Ang bagsak, sa dasal s’ya kumapit at pangangarap na sana balang araw ay dumating si Adan upang siya’y sagipin sa ubod ng panghi, libog at kasamaang kasa ni Ginang Maynila.

Hindi n’yo alam, naroon si Adan. Sa isang masikip, mainit at mabahong selda ng bilibid. Isang gabi’y kinaladkad s’ya ng mga mamang pulis habang mahimbing na natutulog sa kanyang kariton sa kanto ng Recto at Morayta. Binugbog muna tsaka ipinahawak ang kalibre .38 na baril. Tsaka pilit pinaaming tulak ng iligal na droga. Sa labis na takot at hirap na inabot sa kamay ng mga Tagapagligtas, napaamin s’ya. Walang araw at gabing lumipas na siya’y umasa at nangarap na sana balang araw, malaman at mabisita siya ni Eba sa piitan ni Ginang Maynila.

Hindi n’yo alam na isa ito sa maraming nagaganap.

The post Mabangis At Mapanlinlang Na Lungsod appeared first on Manila Today.

Makabayang sipat sa Makabayan Slate


Noong Marso 3, inanunsyo ng Koalisyong Makabayan ang siyam na kandidatong senador na ineendorso nito. Nangunguna syempre ang kandidato nitong si Neri Colmenares, aktibistang abogado at mambabatas sa mahabang panahon.

Kasama rin ang mga kandidato ng Liberal Party na nakilala na dahil sa matapang at mahusay na pagtuligsa sa rehimen ni Rodrigo Duterte: sina Chel Diokno, Samira Gutoc, at Erin Tanada. Kasama rin si Florin Hilbay, kahit kilala siyang tagapagtanggol ng rehimen ni Noynoy Aquino. Isang bungkos sila kasama ni Colmenares dahil sila ang nasa unahan ng pagtuligsa ngayon sa rehimeng Duterte.

Pero kasama rin ang ilang kilalang pulitiko: Bam Aquino, Nancy Binay, Serge Osmena at Grace Poe. Lahat sila, pana-panahon sa nakaraan, ay nakipagtulungan na sa Koalisyong Makabayan sa iba’t ibang isyu — bagamat hindi konsistent.

Bakit sila ineendorso ng Koalisyong Makabayan? Malinaw ang dahilan sa pahayag nito: pagkakaisa sa mga batayang kahilingan ng mga mamamayan sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pagbasura sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law at paglaban sa Charter Change (Cha-cha). Respeto sa kababaihan, karapatang pantao, at karampatang proseso. Soberanya sa West Philippine Sea. Usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front.

Sa pangkalahatan, katanggap-tanggap ang hanay, dahil walang malapit kay Duterte. Lahat, sa minimum ay pana-panahong tumataliwas sa kanya, kung hindi man tumutuligsa. At lahat, handang makipagtulungan sa Koalisyong Makabayan.

Mula sa perspektibang aktibista, madaling makita na iyung mga kilalang pulitikong nabanggit ay hindi matatag at tuluy-tuloy na tumindig sa lahat ng nabanggit na isyu sa nakaraan. Posible rin na hindi sila matatag at tuluy-tuloy na tumindig sa lahat ng isyung nabanggit sa hinaharap. Ganyan naman ang malalaking pulitiko sa kasaysayan ng bansa; walang dahilang umasa sa kanila.

Pero bakit ba sila lumalapit sa Koalisyong Makabayan? Maraming dahilan, pero dalawa muna: Una, patunay ito ng tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri. Hindi mapagbigyan ng dominanteng paksyon ni Duterte ang lahat — sa posisyon sa gobyerno at pang-ekonomiyang pakinabang. Kailangan ng mga nae-etsapwerang paksyon ng kaalyado para sa mga taktikal na layunin, pati eleksyon.

Ikalawa, dahil makabuluhang pwersang pampulitika ang pambansa-demokratikong Kaliwa sa Pilipinas. Kapag eleksyon, makikitang hindi totoo ang sinasabi ng ilang intelektwal at grupo: na lipas na at mahina ang Kaliwa sa bansa. Maraming pulitikong gustong ma-endorso ng Kaliwa. Marami pa ngang nagpapanggap na maka-Kaliwa — patunay ng pagkakaisa ng Kaliwa at ng masa.

Pero bakit sila tinatanggap ng Koalisyong Makabayan? Dahil dalawa lang ang pwedeng gawin ng Kaliwa sa bawat pagsisikap — sa pagpapatalsik man ng pangulo o paglulunsad ng kampanya o pagpapanalo sa eleksyon: ang makipagkaisang-prente o hindi. At sa pakikipagkaisang-prente sa isang taktikal na layunin at yugto, hindi makokontrol ang gagawin ng alyadong pulitiko habang at pagkatapos.

Pero tuluy-tuloy ang kilusang masa, at tuluy-tuloy ito sa pagtuligsa sa gawaing masama, kahit pa naging alyado ang gumawa. Tuluy-tuloy rin naman ito sa pagsisikap na paunlarin ang mga napagkaisahan sa mga alyado. At malinaw ang Kaliwa: hindi nakikipag-alyado sa mga pinakabulok, sa mga Marcos at Gloria Macapagal-Arroyo; konsistent ang Kaliwa sa pamumuno sa pagtuligsa sa kanila.

Isang masigalot na halimbawa: pakikipag-alyansa ng Koalisyong Makabayan kay Manny Villar sa eleksyong 2010. Sinikap noong kausapin si Noynoy Aquino, pero siya ang tumanggi; samantalang si Villar, nag-alok ng pagkakaisa. Nangako siya sa Makabayan na papanagutin si Arroyo, pero hindi niya tinuligsa noong kampanya. Inalyado rin niya si Bongbong Marcos noon at ngayon ay dikit siya kay Duterte.

Malinaw: hindi makokontrol ng Koalisyong Makabayan ang gagawin ng alyado nito. Pero sa panahong iyun, sa kalagayang ni ayaw humarap sa pakikipag-usap ni Noynoy Aquino, ano ang pagpipilian nito? Ang tumakbo nang solo, walang taktikal na alyado? Talo sa eleksyong iyun ang mga kandidatong senador ng koalisyon, pero tiyak na mas mahina pa ang kampanya nito kung hindi nakipag-alyado.

Si Lenin ang gurong Marxista na maraming isinulat kaugnay nito. Tungkol sa paglahok sa reaksyunaryong eleksyon at parlamento — at tinanggap ni Georg Lukacs, isang pilosopo, ang puna tungkol rito. Tungkol sa pagiging ultra-Kaliwa ng hindi paglahok. Tungkol sa pakikipag-alyansa sa mga paksyon ng naghaharing uri — kahit pansamantala, papaling-paling at oportunista ang mga ito, at iba pa.

May maganda siyang sinabi minsan: “Sinuman ang umaasa sa ‘purong’ rebolusyong panlipunan ay hindi kailanman makakakita ng gayon sa kanilang buhay. Ang ganoong tao ay nagpapabalat-bunga tungkol sa rebolusyon nang hindi nauunawaan kung ano ang rebolusyon.” Masalimuot na teorya-at-praktika ang rebolusyon: ugnayan ng Marxistang prinsipyo at ng mabunga sa pulitika.

Mayroon ding mga nagtatanong, kung hindi man nagpapahayag ng diskuntento: bakit hindi inendorso ng Koalisyong Makabayan ang mga kandidato ng grupong Labor Win? Hindi ba’t mas matatag sa nabanggit na plataporma ang mga lider-manggagawang sina Sonny Matula, Ernesto Arellano, Allan Montano, at Leody de Guzman? Hindi ba’t nakasama na sila sa mga rali laban kay Duterte?

Hindi ko alam ang eksaktong paliwanag ng Koalisyong Makabayan, at nagpahayag na itong handang dagdagan ang inendorso. Pero ito ang masasabi ko: mayroon nang alyansang Labor Win, kung saan nakapaloob si Colmenares. Pag-abante na ito mula sa nakaraan, na hindi nagkakaisa ang naturang mga grupo kapag eleksyon. Nitong Mayo Uno 2018 lang sila nagsama-sama sa isang mobilisasyon.

Masalimuot ang kasaysayan ng mga organisasyong sumusuporta sa Koalisyong Makabayan, tampok ang Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, at ng ilang grupo sa Labor Win, tampok ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino. Ang pangkalahatang tunguhin sa hinaharap ay pagkakaisa. Pero ang pinagmulan ay matinding tunggalian. Sa ngayon, ito ang inaabot ng pagkakaisa; hindi na masama.

Makukwestyon ba ang pagiging prinsipyado at progresibo ng Makabayan dahil dito? Sobra naman! Mas may batayang magtiwala sa koalisyon at mga bumubuo nito kaysa husgahan ito batay sa eleksyon. Mahalagang paalala: sekundaryang porma lang ito ng pakikibaka; mas mahalaga ang kilusang masa. Magmumula lang ang ganitong husga sa taimtim ang sampalataya sa bulok na eleksyon sa bansa.

Masalimuot man ang sekundaryo, malinaw kung nasaan ang progresibo.

05 Marso 2019

Employers’ resistance to expanded maternity leave hinders progress for women in the workplace

0

Research group IBON said that employers’ opposition to the new Expanded Maternity Leave (EML) Law only protects their profits at the expense of women. The EML is an important step to reducing barriers to women’s participation in the workforce and to improving their welfare in the workplace. It is also partial relief amid flexible hiring arrangements including contractualization that deny many women workers job security, just wages and benefits, and safe working conditions.

Republic Act (RA) 11210 extends the paid maternity leave of women employees to 105 days, with the option to extend for another 30 days of unpaid leave. The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) responded by saying that many employers and especially small businesses will have difficulty complying with the additional costs from implementing the law. ECOP also argued that the law could lead to discrimination in the hiring of women workers and employees.

IBON said that the law improves the support given to working parents, and employers begrudging the extension of maternity leave shows their insensitivity to the welfare of Filipino women workers. IBON also decried ECOP’s thinly veiled threat that employers will hire less women because of the law as Neanderthal thinking. On the contrary, employers should be more open-minded and fully comply with the law to encourage more women to join the workforce.

IBON noted that the labor force participation rate of women is only 46.6% compared to 75.1% for men, according to the 2018 Labor Force Survey (LFS) of the Philippine Statistics Authority (PSA). The EML is a step towards increasing women’s participation in the workforce. It will also encourage a more equitable division of paid and unpaid work between parents.

IBON however pointed out that women would still face other serious workplace issues. Nearly half or 42% of workers employed in establishments with 20 or more are in various hiring arrangements other than regular, based on 2016 data from the PSA. The group noted that widespread contractualization includes a considerable number of women workers denied maternity leave, among other benefits.

Latest PSA data on decent work statistics also shows that the number of employed women in precarious work (where the nature of employment is short-term or seasonal or casual, or working for different employers on day-to-day or week-to-week basis) has increased by 105.9% from 1.12 million in 1995 to 2.31 million in 2015 and remained that much by 2017.

IBON also noted that wages remain low and stagnant for women. PSA figures for 2017 on the real value of average daily basic pay (ADBP, 2006 prices) of short-term, seasonal and casual workers showed women receiving 6% lower than the national average while men received 3% higher. In addition, the real value of ADBP for women has only increased by 7.9% in the past 16 years from Php184 to Php198, said the group. The national average has increased by 8.9% from Php194 to Php211 over the same period, while the growth rate was higher for men at 9.3% from Php199 to Php218.

Filipino working  women are denied not only job security and low wages but also other much-needed benefits, said the group. They do not receive equal pay for equal work. They either lack or do not enjoy comprehensive health services whether from private firms or the government. Additional social services like daycare to lighten women’s workload are also scarce.

IBON said that ECOP’s response underscore the basic problem of how Filipino workers, particularly women, are exploited and denied just wages and benefits for the profits of a few. The EML law is just a partial step to ensuring the well-being and basic needs of women workers and Filipino workers overall. Women should also be supported with protection against discriminatory pay and publicly-provided daycare and health services, among others.

Among the most important that government can implement to improve workers’ welfare are ending contractualization and substantially raising the national minimum wage. ###

Makabayan solon hits Diokno appointment as BSP Governor

0

Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list representative Antonio Tinio slammed the appointment of former Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno as the new governor of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Taas-presyo ng bilihin, pasan ng kababaihan

Dobleng sampal sa pamilya ni Juvy Gatmaitan, 22, ang pinakahuling taas-presyo ng langis at mga bilhin. Tindera kasi siya sa isang maliit na karinderya sa ilalim ng flyover sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City. Samantala, drayber naman ng jeep ang asawa niya.

“Kagaya niyan, imbis na ’yung dinagdag sa taas ng gasul namin, imbis na sa sobra na namin ’yun, nadagdag pa sa gastos ng tinda naming,” sabi ni Juvy. “Tapos imbis na maraming mailuluto, imbis na dalawa ’yung bibilhin namin, nagiging isa na lang kasi nagkukulang kami sa badyet.”

Tatlong dekada na ang pamilya niyang nagtitinda sa puwestong ito. Dati, nanay pa niya ang nanininda, ngayon siya na. Siya na rin ang bumabalikat sa pagbabadyet ng lumiliit na kita ng asawa.

“Imbis na (iyung) sobra na namin, (nagagastos pa dahil) tumataas nang tumataas ang (presyo ng) diesel,” sabi pa ni Juvy. “Dati, nakakapitong ikot kami. Sakto na ’yung P1,000. Ngayon, umaabot na ng P1,200 o P1,300, hindi pa rin puno yung tangke.”

Sa kabila ng sinasabi ng rehimeng Duterte na walang epekto ang pagpataw ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law, ramdam ng mga katulad ni Juvy ang malaking perwisyo nito.

“Tapos, hindi naman tumataas ang pamasahe. Tumaas man, binababa rin nila,” himutok pa niya. “Tapos ’yung sa taripa at fare matrix, pagka-binaba nila yung pamasahe, sayang yung pagod ng operator tapos hindi rin naman binabalik ng gobyerno yung ginastos nila.”

Araw-araw, dumadausdos ang kalagayang pang-ekonomiya ni Juvy, ng kababaihang maralitang Pilipino, ng lahat ng maralitang Pilipino.

Taas nang taas

Sa gitna ng pasakit na hatid ng Train sa mga mamamayan, mas matindi at mabigat pa ang hatid na dagok ng panibagong serye ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin sa sektor ng kababaihan. Dahil ito sa ikalawang round ng implementasyon ng Train ngayong taon.

Para sa buwan lang ng Pebrero, tatlong sunud-sunod na linggo nagtaas ang presyo ng langis. Pebrero 26, sumirit na sa P1.45 kada litro ang tinaas ng presyo ng gasolina at diesel, pinakamalaking pagtaas mula noong nakaraang taon. Sa loob lang ng unang dalawang buwan ng bagong taon, umabot na sa anim na beses ang oil price hike kumpara sa isang beses lang na rollback. Dulot ng mga serye ng price adjustment, umaabot na sa P6.49 kada litro ang tinaas ng gasolina, P5.89 para sa diesel at P4.52 para sa kerosene.

Ayon sa Center for Women Resources (CWR), milyun-milyong kababaihan ang direktang apektado at malulugmok pa sa higit na kahirapan dulot ng kaliwa’t kanang oil price hike na dala ng Train. Ayon sa executive director ng CWR na si Jojo Guan, “Bago pa man ang implementasyon nito, kababaihan ang isa sa pinakamahirap na sektor na may average poverty incidence rate na 22.50 porsiyento para sa nakaraang dekada. Sa katunayan, pinapakita rin ng Poverty Census ng gobyerno na isa sa mga pinakamahirap na sektor sa bansa ang kababaihan. Bago pa man ipatupad ang Train, halos hindi na matugunan ng kababaihan ang kanilang mga pangangailangan. Maaasahan ang higit pang pagdausdos ng kanilang kalagayan sa panibagong round ng implementasyon nito.”

Dagdag pa ni Guan, pinapakita rin mismo ng datos ng Philippine Statistics Authority na isa sa limang Pilipino o 21.9 milyon sa bansa ang baon sa labis na kahirapan at hindi na kayang matugunan ang kanilang mga pinakabatayang pangangailangan.

Sa nasabing pag-aaral, binahagi ng CWR ang kuwento ni Sabrina, isang maybahay mula sa probinsiya ng Aurora, isa sa pinakamahirap na lugar sa Gitnang Luzon. Bukod sa pagharap sa dagok ng Train, kinakaharap din nila ang malaon nang problema ng kawalan ng regular na trabaho at kawalan ng mga lupang sasakahin.

Nagtatrabaho bilang mangingisda at tricycle drayber ang asawa ni Sabrina. Sa gitna ng tumitinding kahirapan, binahagi nito na sa panahong walang kita ang asawa, wala silang ibang magawa kundi uminom na lang ng tubig para kahit papaano’y lagyan ng laman ang hungkag na mga sikmura.

“Mahirap mabuhay kapag walang regular na kita; halimbawa kami, kapag walang mahuhuli o kaya panahon ng ulan, mahina ang huli, e-extra ng tricycle driver ang asawa ko. Kapag wala talagang kita, hindi na lang kami kakain tutal kaming dalawa lang naman. Ipagpapabukas na namin ang kain. Ayun, walang kita, walang kain,” aniya.

Patuloy sa pagsirit ang presyo ng mga bilihin at bayarin samantalang patuloy ring bumubulusok ang pang-araw-araw na kita. Sa pagragasa ng Train, maiiwang halos nag-aagaw-buhay ang milyun-milyong kababaihang Pilipino na pilit pinagkakasya ang kakarampot na badyet para sa kanilang mga pamilya.

May paraan

Dahil sa Train Law na nagdagdag ng P2.00 sa oil excise tax ngayong taon, higit na mataas ang binabayaran kaysa sa dapat, kung nakabatay sa world market price lang, ayon sa grupong pangkababaihan na Gabriela.

Ang ikinagagalit pa ng grupo, tila wala umanong makuhang simpatiya ang publiko mula kay Pangulong Duterte. Kasi ba naman, nagpahayag siyang hindi niya aawatin ang pagpapatupad sa implementasyon ng Train Law kahit pa malinaw ang pag-araw ng kababaihan at mga mamamayan sa walang habas na taas-presyo ng mga bilihin.

“Hindi dapat ginagawang dahilan upang patuloy na ipatupad ang tax reform program bilang pagkukunan diumano ng pondo para sa libreng edukasyon sa kolehiyo, dagdag-suweldo sa mga guro at kawani ng gobyerno, pensyon, libreng gamot at iba pang serbisyong pampubliko. Hindi dapat pinagbabangga ang para sa kagalingan at interes ng mga mamamayan sa responsabilidad ng gobyerno para makamit ang karapatan ng nakararaming mamamayan,” ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Aniya, maraming pondo ang pagkukuhanan ng gobyerno para sa mga serbisyo sa taumbayan at hindi na kailangan ng mga dagdag-buwis tulad para maipatupad ang mga ito. Puwedeng unahin na sa pagkukunan ang pagkaltas, halimbawa, sa iginawad na pork barrel sa mga kongresistang kapanalig ni Duterte. Siyempre, puwede ring pagkunan ang mababawing pondo kung seseryosohin talaga ng rehimen ang pagpuksa sa korupsiyon—na lumalala ngayon.

Nauna na ring iminungkahi ng Gabriela at iba pang progresibong organisasyon ang pagkontrol ng gobyerno sa presyo ng mga bilihin. Puwedeng gamitin ng rehimen ang Republic Act No. 7581, o ang Price Control Act, para magtakda ng ceiling o limit sa presyo ng batayang mga bilihin.
Siyempre, puwede ring itigil muna ng rehimeng Duterte, kung hindi man tuluyan nang ibasura, ang paniningil ng excise tax sa langis sa ilalim ng Train Law.

Sabi naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao, kailangang ipresyur ang mga kapanalig ni Duterte para ibasura ang naturang buwis, lalo na ngayong panahon ng eleksiyon. Kailangan umanong matanto ng mga ito na kung hindi nila tutugunan ang hinaing ng naghihirap nang mga mamamayan, makakaharap nila ang “protest vote” ng masa laban sa kanila.

“Dapat panahon ito ng pagkuha ng puso at isipan ng mga mamamayan. [P]ero paano magagawa ng mga kandidato ng administrasyon ito kung wala silang ginawa kundi magpahayag ng loyalty kay Pangulong Duterte, na siyang nagpapatupad ng mismong mga polisiya na nagpapatindi ng kahirapan sa bansa,” ani Casilao.

Maliban sa pagsususpinde ng excise tax sa Train, maaari ring ibasura ni Duterte ang RA 8479 o Oil Deregulation Law, sabi pa ng progresibong kongresista.

Para makaagapay naman ang mga mamamayan, lalo na iyung suwelduhang mga manggagawa, sa taas-presyo ng mga bilihin, itinutulak ng Anakpawis, pati na rin ng iba pang progresibong party-list sa Kamara, ang House Bill 7787 na nagmumungkahi ng makabuluhang dagdag-sahod at P750 pambansang minimum na sahod sa buong bansa. Kasabay nito, itinutulak din nila ang House Bill 556 o ang Anti-Contractualization Bill, na magbabasura sa praktika ng kontraktuwalisasyon sa bansa.

May mga pamamaraan, ibig sabihin, ang rehimen para maibsan ang kahirapang pinapasan ngayon ng sambayanan. Ang problema lang, kung talagang manhid na ito at inuuna talaga ang interes ng iilang mayayamang siya namang nagbebenepisyo sa Train Law.

“Hindi lamang isyu ng mga drayber at komyuter ang pagtaas ng presyo ng langis. Isyu ito ng sambayanan. Apektado tayong lahat ng sunud-sunod na pagtataas nito at mas lalo tayong hinahagupit ng krisis dahil sa implementasyon ng Train Law. Kung kaya’t hindi tayo titigil sa pagpapabasura sa Train Law,” ani Salvador.

Para sa Gabriela, susi pa rin ang pagkakaisa ng pinakamalawak na mga mamamayang tulad nina Juvy at Sabrina para maitulak ang progresibong pagbabagong hinahangad.

Inflation lower but poorest Filipino families still struggle with high prices

0

Families struggling with meager incomes still have to put up with high prices even amid lower inflation posted in February 2019. Research group IBON said that the poor majority of Filipino households are still having difficulty making ends meet with prices remaining high.

Philippine Statistics Authority (PSA) figures show that headline inflation slowed further to 3.8% in February 2019 from 4.4% the month before. It is now at the same level as it was in February 2018.

But lower inflation figures only mean that prices are rising at a slower pace, IBON noted. Consumers still face higher prices. From February 2018 to February 2019, the price per kilogram of commercial well milled rice rose from Php40 to Php44; white refined sugar from Php50 to Php60; fish (bangus) from Php140 to Php160; and pork (liempo) from Php235 to Php240.

IBON said that it is harder for poor families to cope with rising prices today because inflation has already eroded their incomes by anywhere from Php3,300 to Php7,300 in 2018. Worse, according to PSA data, inflation was much higher at 5.9% for the poorest 30% of the population compared to 4.4% for the entire population in January 2019.

The trend of slowing inflation in the last four months may also come to an end soon, IBON warned. Inflationary pressures include rising global oil prices since the middle of February, the domino effect of the second tranche of Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law oil excise taxes, and even the eventual phase-out of subsidized Php27 NFA rice especially for the poorest Filipinos.

IBON stressed that the government can take measures to moderate inflation and give Filipinos relief. For instance, TRAIN’s inflationary taxes can be suspended and affordable NFA rice continued. Wages can also be increased substantially such as to a national minimum wage of Php750. ###

Lumad, envi group protest at environment agency on 24th year of mining law

On March 4, Save Our Schools (SOS) Network and Kalikasan PNE held a protest at the Department of Environment and Natural Resources (DENR) office in commemoration of the 24th year Republic Act (RA) 7942 or Philippine Mining Act of 1995 was signed into law.

The groups condemned the continuous plunder of indigenous peoples’ ancestral lands that they said was legitimized by the passage of the law.

“We don’t want mining in our ancestral lands, it will never benefit us, or rather, it will destroy our lands, livelihood, and culture. What we want is for the government to respect the rights of our children to education, to pull-out the military troops [AFP] in our community and to end martial law in Mindanao, so that we can live peacefully,” says Datu Ginum Andil, council member of Salupongan Ta Tanu Igkanugon.

SOS Network cited several ‘destructive’ mining companies that operates in Mindanao:

  • BHP Billiton – has purchasing agreement with the Platinum Group Metals Corp. (PGMC) in Surigao Norte
  • Anglo American Corp – has a joint venture with Philex Mining Corp. in Surigao del Norte and Agusan del Norte
  • Toronto Ventures Incorporated Resource Development (TVIRD) – an open pit gold mine in a 508-hectare tenement in Mt. Canatuan, which is a sacred mountain and important part of Subanen’s ancestral domain in Zamboanga del Norte, and was implicated in a report of 110 killings of mostly Subanens in Bayog, Zamboanga del Sur alone
  • Other large-scale mining companies like Glenencore Xstrata, St. Agustine, Sumitomo, and Sinophil Corporation.

The group also shared there are nine coal operating contracts approved in Caraga Region that covers 67,000 hectares of Andap Valley.

 

 

According to Rius Valle, SOS Network Spokesperson, “Ever since RA 7942 was passed, there are large amounts of plunder, environmental destruction and degradation within ancestral territories.”

He mentioned that the Pantaron Range as “one of the remaining virgin forests in Mindanao” is being pursued by Indophil, an Australian mining company.

Pantaron Range is home to a vast number of Manobos and they have been subjected to military operations since February 14, said Valle.

“The real reason why Duterte allows the AFP to militarize the lumad communities is because they want them to leave their lands, so that mining companies can enter,” Valle added.

SOS Network said that RA 7942 should be junked and be replaced by House Bill (HB) 2715, also known as People’s Mining Act of 2016, an act that re-orients the Philippine mining industry towards national industrialization and ensures the highest industry development standards.

The post Lumad, envi group protest at environment agency on 24th year of mining law appeared first on Manila Today.