Home Blog Page 396

Bomb threats surface in UE Caloocan amid council elections woes

0

Bomb threats have circulated through text messages sent to members of University of the East Caloocan (UE) Caloocan on Thursday morning, February 29. Texts were reportedly sent out to students, as well as members of the faculty and administration.

At around 11:22 in the morning, text messages were received stating that there are five bombs situated inside the campus.

One message was addressed to a certain student leader running under the Tinig ng Silangan Party Alliance. The message further stated that it will give the student leader until 03:30 PM to locate the bombs or else casualties will be incurred.

However, the Caloocan City Police denied such bomb scare, citing that reports from the Special Weapons and Tactics (SWAT) team and UE Security confirmed that no bomb scares have circulated around the campus.

The UE Caloocan school administration, on the other hand, has yet to give an official statement regarding the issue.

 

Election woes

Prior to the threat, UE Caloocan is conducting its university student council elections. The elections have begun on Wednesday, February 27. The official tally of votes for the student council elections of the College of Business Administration (CBA), College of Arts and Sciences (CAS), and College of Fine Arts, Architecture, and Design (CFAD) have been released on the evening of the election itself.

However, partial tallying for the Central Student Council (CSC) and College of Engineering Student Council (CEN SC) occurred prior to the technical difficulties encountered particularly in the College of Engineering at around 12 noon of Wednesday. Students who casted their votes in the later afternoon have been urged to recast their votes due to the situation, prompting the UE Caloocan Student Council Commission on Elections to move the final tallying of votes and proclamation of the CEN SC and the CSC on Friday, March 1.

Meanwhile, the National Union of Students of the Philippines Metro Manila expressed its concern over the events that transpired following the UE Caloocan student council elections.

“The council elections started on Wednesday, February 27 and was postponed due to technical difficulties in some colleges. The vote counting to reach the conclusion of the central student council elections is scheduled tomorrow, March 1,” said NUSP Metro Manila in a statement.

Despite these events, the Union is hopeful that the student council elections will conclude safely. May the students exercise their right to vote and elect genuine student leaders that will represent them.” the youth alliance said.

The post Bomb threats surface in UE Caloocan amid council elections woes appeared first on Manila Today.

Tungkulin sa halalan

“Iyan ho ang maibigay ko sa inyo ngayon,” sabi ni Pangulong Duterte, sa talumpati sa Legazpi City, Albay noong Pebrero 9, ilang araw bago ang simula ng kampanya sa eleksiyong 2019. “Ang mga taga-gobyerno…di ko pinayagan na mangampanya para o laban sa kanino mang (kandidato).”

Pero sa mismong talumpating ito, tila nilabag ni Duterte ang sarili niyang utos. Inamin niya – at kitang kita naman ng madla – na ikinampanya at ikinakampanya niya ang mga kandidatong “may pagkakautang siya.” Kabilang na siyempre rito ang mga tumatakbo sa pagkasenador na dati niyang special assistant na si Bong Go, dating hepe ng Philippine National Police na si Ronald “Bato” dela Rosa, at Imee Marcos, anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

Ipinangako rin niyang hindi makikialam ang mga pulis at militar sa eleksiyon o sa kampanya.

Pero tulad ng napakaraming ipinapangako ni Duterte, ngayon pa lang ay lantaran na ang pangingialam ng pulis at militar – ang paggamit sa burukrasya ng dalawang armadong ahensiya para ikampanya ang mga kandidato ng rehimen at siraan ang pinakamatitinik na kritiko katulad ng mga nasa progresibong mga party-list.

Rekurso ng gobyerno

Napansin na ito ng election watchdog group na Kontra Daya, isang araw bago ang simula ng kampanya noong Pebrero 11. Ayon sa grupo, naging guest of honor ng PNP noong araw na iyon si Go, kaharap ang daan-daang estudyante sa kolehiyo na nasa Camp Crame noon.

“Tinitingnan ng Kontra Daya na kaduda-duda ang pangyayaring ito isang araw bago ang aktuwal na kampanya,” sabi ni Danilo Arao, associate professor sa pangmadlang komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at convenor ng Kontra Daya. “Kung talagang nyutral ang PNP, bakit nito inimbitahan ang deklaradong kandidato sa pagkasenador na si Go bilang guest of honor, kahit pa nabanggit (sa midya) ng isang nakatataas na opisyal ng pulis na tagapangulo raw si Go ng Association of Chief of Police of the Philippines, Inc.?”

Malinaw na ipinagbabawal sa Seksiyon 7 ng Commission on Elections Resolution No. 10488 (Enero 30, 2019) ang pagpapaskil o paglaladlad ng anumang materyal sa kampanya sa eleksiyon sa pampublikong mga lugar tulad ng mga paaralan, public shrines, barangay hall, mga opisina ng gobyerno, health centers, pampublikong mga imprastraktura o gusali.

“Nananawagan ang Kontra Daya sa mga mamamayan na maging kritikal at mapagmatyag ngayong nagsimula na ang panahon ng kampanya,” ani Arao.

Samantala, noong Pebrero 12, unang araw ng kampanya, nagkalat namang nakapaskil sa pampublikong mga lugar sa Metro Manila ang isang poster na naninira at nagsasabing “teroristang mga party-list” ang mga miyembro ng blokeng Makabayan tulad ng Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers, Kabataan at Anakpawis.

Marami sa mga poster, nakadikit o malapit sa pampublikong mga gusali ng gobyerno – halatang may basbas o direktang idinikit ng mga nasa kapangyarihan

Adyenda sa halalan

Para sa mga progresibo, pagkakataon ang panahon ng kampanya para itulak ang interes ng mga mamamayan. Dahil nagpopostura ang mga kandidato na nakikinig sa hinaing ng masa tuwing kampanya, pagkakataon ito para iharap sa kanila ang totoo at mahalagang mga isyung kinakaharap ngayon ng sambayanan.

Sa bahagi ng mga magsasaka, hinamon ang mga tumatakbong senador sa eleksiyong 2019 na manindigan sa mga isyung direktang nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayang Filipino at umiwas sa tradisyunal na pulitika.

Sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mahalagang tingnan ang nagawang serbisyo publiko, estilo ng pamumuhay at yaman at paninindigan ng isang kandidato.

“Hindi basta-basta dapat magpadala sa dami ng political ads lamang. Ang mahalaga ay kung ano ang isinulong at sinuportahang mga panukala at programa,” ani Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP na nagsabing sinumang kandidato ang sumusuporta sa Train Law at Martial Law sa Mindanao ay mahihirapang kumbinsihin ang mga magsasaka para sila iboto.

Idinagdag ni Flores na dahil nagsimula na ang kampanya, susubukan ng mga kumakandidato sa pagka-senador gayundin sa party-list na suyuin ang mga botante.

“Pati buwan at bituin ipapangako sa atin ng mga kandidato,” ani Flores.

Pero dapat umanong pag-aralang mabuti ang sinasabi ng mga kandidato. Kailangan, aniya, na manindigan sila sa mga isyu na nakakaapekto sa mga tao. Nilinaw pa ni Flores na pareho pa rin ang sitwasyon at mga panawagan ng bayan – libreng pamamahagi ng lupa at tunay na repormang agraryo para sa magsasaka, regular na trabaho at nakabubuhay na sahod para sa manggagawa, mababang presyo ng bigas, bilihin at mga serbisyo, pagrespeto sa karapatang pantao at katarungang panlipunan, at pagtatanggol sa soberanya at patrimonya.

“Kung wala silang malinaw na paninidigan at plataporma sa mga isyung ito, hindi sila nararapat sa ating boto,” giit ni Flores.

Pinag-iingat din ni Flores ang mga botante sa mga kandidatong iniendorso ni Pangulong Duterte tulad nina Bong Go, Imee Marcos, Bato Dela Rosa, Mocha Uson, at iba pa.

“Alam na natin kung anong nangyari sa pagitan ng 2016 at sa kasalukuyan. Sa kanyang pangangampanya, nangako si Duterte ng hinahanap nating pagbabago. Kabaligtaran ang nangyari at mas lumala pa ang kalagayan ng ating bansa. Na-Duterte sambayanan. Kailangan nating itaguyod ng pulitika ng pagbabago na tunay na maglilingkod sa taumbayan,” sabi pa ng lider-magsasaka.

Para sa kababaihan, manggagawa

Nanawagan naman ang Gabriela sa pagpapabasura sa anila’y pahirap na Train Law, kasabay ng unang araw ng pangangampanya para mid-term elections sa darating na Mayo.

Sa isang multi-sektoral na kilos-protesta hinamon ng kababaihan ang mga kumakandidato sa pagka-senador na manindigan laban dito.

Sa araw ding iyon, Pebrero 12, nagtaas ng halos PhP 1 ang presyo ng mga produktong petrolyo. Nasa ikalawang buwan pa lamang ng taon nguni’t halos magkakasunod na ang ginawang pagtataas ng mga kompanya ng langis sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado at sa implementasyon ng ikalawang bahagi ng Train Law.

“Alam natin na kapag nagtataas ang presyo ng mga produktong petrolyo, nahihila rin nito pataas ang presyo ng mga bilihin at pampublikong yutilidad dahil isa ang petrolyo sa ginagamit sa produksyon at transportasyon ng mga ito. Kung kaya’t ang pagpapataw ng dagdag-buwis sa ilalim ng Train Law, dagdag pa ang mga kasalukuyang buwis na ipinataw sa produktong petrolyo, ay siguradong sakit sa ulo, hindi lamang sa mga drayber, kundi sa lahat ng mga mamamayan,” ani ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Aniya, magiging sukatan ang tindig ng mga kandidato hinggil sa Train Law kung tunay nga nilang isusulong ang interes at ikabubuti ng sambayanan.

“Ngayong panahon ng kampanya ang pinakamainam na panahon upang tanungin sila sa kanilang paninindigan hinggil sa mga isyung direktang nakakaapekto sa masang anakpawis. Dito masusukat ang tunay na malasakit nila sa masa at hindi ang dami ng mga poster at patalastas na nagpipinta ng kunwaring imahe ng mga TraPo,” pagtatapos ni Salvador.

Samantala, pagsasama sa plataporma ng mga kandidato sa usapin ng paggawa naman ang panawagan ng mga manggagawa.

Sa isang programa sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila iginiit ng Defend Job Philippines na lagi na lamang ginagamit ng mga politiko ang isyu ng paggawa sa kanilang pangangampanya pero wala namang aksiyon para masolusyonan ang mga problema.

“Nagdaan na ang maraming eleksiyon pero ang usapin ng mas maayos na kalagayan sa paggawa ay nananatiling pangako. Nanatiling mahirap at lalo pang lumalala ang sitwasyon ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya dahil sa mga patakarang anti-manggagawa na isinasabatas ng tradisyonal na politikong naluluklok sa puwesto,” ayon kay Christian Magsoy, tagapagsalita ng grupo.

Inilunsad din ng grupo ang Labor Vote Bus para gabayan ang publiko kung sino ang karapat-dapat na iboto sa darating na halalan.

“Sa darating na eleksiyong 2019, mas higit na magiging makapangyarihan at matalino na ang mga botante,” sabi ni Magsoy.

Idinagdag pa ni Magsoyn na gagamitin ng mga manggagawa ang eleksiyon para ipanawagan ang mga mga isyung kanilang kinakaharap at pipili ng mga kandidatong tunay na magtataguyod at magbibigay-solusyon sa matagal nang kahilingan para sa disenteng trabaho at sahod.

Sa kabila ng mga paninira at panunupil sa mga progresibo, tinitingnan pa rin ng mga organisasyong masa ang eleksiyon bilang pagkakataon para maabot ang mas marami pang bilang ng mga mamamayan. Bukod pa ito sa mahalagang tungkulin na pagluklok sa progresibong mga kandidato.


Featured image: Neri Colmenares, kandidato sa pagkasenador, nakikipag-usap sa senior citizens sa Quezon City. (Darius Galang)

Pambabalahura sa sistemang party-list

Pininal na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga grupong party-list na kalahok at maaaring iboto sa eleksiyon sa Mayo. Noong Enero 31, inilabas na nito ang pinal na listahan ng 134 “duly-registered” na mga partido. Maraming nagtaka, kasi wala sa listahang ito ang tatlong partido ng mardynalisadong mga sektor na umaasa sanang malahok sa eleksiyon: ang Manggagawa Party-list, Aksyon Health Workers at People Surge.

Ang Manggagawa Party-list, partido ng mga manggagawa, mala-manggagawa, maralitang lungsod at migrante. Ang Aksyon, partido ng ordinaryong mga kawani sa sektor pangkalusugan. Ang People Surge, mga biktima ng bagyong Yolanda sa Silangang Bisaya na hindi pa rin talaga nakakabangon hanggang ngayon.

Lahat sila, malinaw na mardyinalisado o walang sapat na representasyon sa Kongreso. Pero lahat sila, lalong ineetsa-puwera ngayon ng Comelec.

Samantala, napag-alaman ng Kontra Daya, isang election watchdog group, na di-bababa sa 62 grupong party-list ang inapruba ng Comelec na (1) may ugnay sa malalaking dinastiyang pulitikal o pulitikong nasa poder na; (2) kumakatawan sa malalaking negosyo; at (3) kuwestiyonable o kaduda-duda ang mga adbokasiya at nominado.

‘Mochang’ peke

Sa piket ng mga miyembro ng Manggagawa Party-list sa harap ng Comelec noong nakaraang linggo, kinondena nila ang pagpasok sa listahan ng Comelec ng mga partidong lantarang kaalyado at suportado ng rehimeng Duterte.

“DuDirty Party-lists” ang tawag nila sa mga ito. Kabilang dito ang partidong “AA-Kasosyo”, tinatakbuhan ngayon ng dating Assistant Secretary sa Presidential Communications and Operations Office na si Margaux “Mocha” Uson. Kasama rin ang grupong party-list na di pa nga nagtatago ng koneksiyon nito sa rehimeng Duterte, sa pangalan pa lang: Duterte Youth.

“Pekeng party-lists ang DuDirty party-lists. Hindi nito kinakatawan ang mardyinalisadong mga sektor at naglilingkod pa para atakihin ang tunay (na party-list groups) tulad ng Manggagawa Party-list,” sabi ni Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), ang sentrong unyon ng mga manggagawa na sumusuporta sa Manggagawa Party-list.

Tinutukoy ni Adonis ang sunud-sunod na pag-atake ni Uson sa blokeng Makabayan, o ang koalisyon ng progresibong mga party-list sa Kamara de Representantes. Sa kanyang blog, walang tigil ang bira ni Uson sa Makabayan, at nanawagan sa mga tagasuporta niya na “linisin” daw ang sistemang party-list matapos ang “paglilinis” ng rehimeng Duterte sa Manila Bay.

“Ang inaatake nilang progresibong mga organisasyon mula sa blokeng Makabayan, may magandang track record ng pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga mamamayan,” sabi pa ni Adonis.

Balasubas

Para sa Manggagawa Party-list at kapwa partidong diniskuwalipika ng Comelec, mistulang pambabalasubas na sa sistemang party-list at sa Republic Act No. 7941 o Party List System Act ang pagpasok ng pekeng mga partido sa eleksiyon. “Dapat sana maging boses ang (grupong party-list) ng walang-kapangyarihan sa loob ng Kongreso na pinangingibabawan ng mga dinastiyang pulitikal,” ani Adonis. Pero lumalabas, na hindi.

Sa pag-aaral ng Kontra Daya, kabilang sa 62 partidong hindi dapat pinalalahok sa eleksiyong party-list ang mga partidong may ugna sa mga dinastiyang pulitikal o halal o nasa kapangyarihang pulitiko tulad ng ABONO (Estrella, Ortega), LPGMA (Albano, Ty), Tingong Sirangan (Romualdez), AAMBIS-OWA (Garin, Biron), Aangat Tayo (Abayon Ong), Agbiag (mga Antonio ng Cagayan), PROBINSYANO AKO (Fariñas), AA-KASOSYO (Pangandaman), MATA (mga Velasco ng Marinduque) and SBP (mga Belmonte ng Quezon City).

Sa pangalan pa lang, kaduda-duda na: ang 1AAAP (ganyan ang pangalan, tiyak, para mauna sa anumang listahang alphabetical), nominado ang anak na babae ng dating House Speaker na si Pantaleon Alvarez. Ang ABAMIN naman, nominado ang asawa ng dating nominado, si Maximo Rodriguez.

Natukoy din ng Kontra Daya ang mga partidong may espesyal na interes sa negosyo. Siguradong hindi mardyinalisado, kundi kinatawan ng malalaking negosyo, ang party-list na 1PACMAN. Ang unang nominado nito, ang tumayong tagapangulo ng Harbour Center Port Terminal na si Michael “Mikee” Romero. Noong huling Kongreso, si Romero ang dineklarang pinakamayamang kongresista sa halagang P7-Bilyon.

‘DDS party-lists’

Samantala, maliban sa AA-Kasosyo, walang-dudang dikit sa rehimeng Duterte ang Duterte Youth. Ang tagapangulo nito, kasalukuyang tagapangulo rin ng National Youth Commission ng gobyerno, si Ronald Cardema. Nandiyan din naman ang party-list na Pambansang Nagkakaisa sa Paggawa at Agrikultura, na may unang nominadong nagngangalang Socrates Piñol—kapatid ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol.

Nandiyan din ang grupong Gawing Una Tagumpay ng Ordinaryong Mamamayan. Ang unang nominado nito, si Rey Anthony Villegas ay dating board member ng Nayong Filipino na natanggal lang dahil nireklamo ng isang pamangkin ni Pangulong Duterte. Ang ikatlong nominado nito, si Maria Katrina Nicole Contacto, ay naging abogado ni Duterte noong eleksiyong 2016 at tagapangulo ng Youth Affairs Committee ng PDP-Laban.

Iba pang grupong party-list na may kaugnayan sa rehimen:

ABAKADA Party-list, na unang nominado si Jonathan Dela Cruz, dating board member ng Government Service Insurance System o GSIS na sinibak dahil nasangkot sa mga anomalya;

Pamilyang Pilipino, Inc., na unang nominado si Naella Rose Bainto-Aguinaldo, dating itinalaga ni Duterte sa Career Executive Service Board. Asawa din siya ng tagapangulo ng Commission on Audit na si Michael Aguinaldo.

Global Workers and Family Federation, na unang nominado si Ermie Lagman Garon, komisyoner sa Philippine Commission on Women at miyembro ng People’s National Movement for Federalism.

Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa, Inc., na unang nominado si Aloysia Tiongson Lim, asawa ng dating heneral at kasalukuyang tagapangulo ng Metro Manila Development Authority o MMDA na si Danilo Lim.

Kuwestiyonable rin

Kinuwestiyon din ng Kontra Daya ang mga grupong party-list na kumakatawan sa malalaking construction firms. Ito ang Construction Workers Solidarity (CWS), na unang nominado si dating Public Works and Highways Usec. Romeo Momo, Sr. Kasama rin sa mga nominado nito ang mga miyembro ng pamilyang Gardiola na malalaking contractor.

“May direktang kontradiksiyon sa pagitan ng interes ng malalaking contractor at mga manggagawa sa konstruksiyon. Papaano nila nasasabing kinakatawan nila ang construction workers?” tanong ng Kontra Daya.

Katulad din nito ang isa pang grupo ng real estate developers at contractors na nagpapanggap na kumakatawan sa mga manggagawa, ang Sandigan ng Manggagawa sa Konstruksyon. Pinamumunuan ito ng contractor na si Enrique Olonan.

Tantiya ng Kontra Daya na posibleng di-bababa sa kalahati ng mga partido sa listahan ng Comelec ay kumakatawan sa makapangyarihang mga dinastiyang pulitikal at malalaking negosyo. Nananawagan ang grupo sa Comelec na repasuhin ang listahan, lalo na kung tunay ngang kinakatawan o nagmula ang mga nominado sa mga sektor na sinasabi nilang kinakatawan nila.

Kasalukuyang nasa Korte Suprema ang apela ng mga manggagawa na kilalanin ang Manggagawa Party-list bilang lehitimong grupong party-list na dapat lumahok sa eleksiyon. Sa pagkakasulat ng artikulong ito, hindi pa rin naiiskedyul ng Korte Suprema ang pagdinig sa petisyong ito ng mga manggagawa. Samantala, nasa inanunsiyo na ng Comelec ang pagpipinal nga ng listahan ng mga kalahok na grupong party-list—at wala rito ang Manggagawa, Aksyon Health Workers at People Surge. Posibleng anumang oras, ilathala na ang mga balota. Kung mangyari iyun, balewala na ang pag-aapela ng mga manggagawa sa Korte Suprema.

“Ipinapakita ng desisyon sa Comelec (na idiskuwalipika ang Manggagawa Party-list at iba pa) kung gaano kabulok, kawalinghiya, karumi ang eleksiyon sa bansa, (samantalang) pinagmumukha nilang malayang makalahok (sa eleksiyon) ang sinuman,” sabi ni Adonis, sa press conference ng Manggagawa Party-list noong Pebrero 4 sa Intramuros. Sa diskuwalipikasyong ito, tinanggalan ng Comelec ng pagkakataon ang mga progresibo na madagdagan ng boses sa Kongreso na lalaban sa kontraktuwalisasyon at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law, at iba pang mga kontra-mamamayang mga polisiya. Mababasawan ang gigiit ng batas para sa makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa at iba pang karapatan.

Patunay umano ito na di dapat iasa sa eleksiyon ang pagtatagumpay ng laban ng mga manggagawa, kundi sa sama-samang pagkilos ng mga mangggagawa at mamamayan.

NUPL slams vicious red-tagging

The National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) blasted the unrelenting attacks on the organization, its affiliates, and its members. In the past two weeks, NUPL and its members have been red-tagged and labeled as members of the underground Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army (NPA) – National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

NUPL president Edre Olalia expressed concerns over this series of attacks. “Red-tagging may be viewed as a badge of honor for those who appreciate the value and role of being lawyers for the people. But in the real world out there, it is a stampmark that one can be fair game for vicious attacks from the intolerant, bigoted and despotic,” Olalia said.

On 22 February 2019, an anonymous list circulated around Cagayan de Oro in Mindanao tagging NUPL, its affiliate Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) and three women lawyers as members of the CPP-NDFP-NPA. Lawyers Czarina Musni, Beverly Musni, and Beverly Ann Musni Yr. were among 19 individuals and four organizations tagged as communists. The Musnis are intensely involved in human rights cases and public interest advocacies.

On the same day, The Daily Tribune publisher Ninez Cacho-Olivares in her column called NUPL and Olalia as leftists and “commies” for their statement criticizing the Supreme Court’s decision upholding the constitutionality of the third extension of Martial Law rule in Mindanao. NUPL represents the Makabayan bloc in the petition. Once again, Olivares falsely and maliciouy claims NUPL “never wins its cases in court.”

Five days after, Mario Laude of the “No to Communist Terrorist Group Coalition” linked the NUPL to NDFP chief peace negotiator Fidel Agcaoili. In the news report published by the Manila Bulletin under the by-line of the Philippine News Agency Laude said that NUPL is the “legal (arm)” of a “Communist Terrorist Group” referring to NDFP. Aside from this ridiculous and baseless link, the shady group is inciting reprisal.

“This series of attacks, bigoted and fantastic as they are, is not only disturbing but can be ominous of even worse things to come. It remains a challenge and clarion call though for human rights and public interest lawyers to stay the course and serve those who have less in life who have even lesser in law,” Olalia said.

Thirty-six lawyers, judges and prosecutors have been killed since President Rodrigo Duterte took office on 30 June 2016. In November 2018, human rights lawyer Benjamin Ramos was killed by two unidentified men in Kabankalan City, Negros Occidental. Ramos was the secretary-general of NUPL-Negros Island chapter. NUPL’s Women and Children Committee head Kathy Panguban still faces false charges of kidnapping for assisting the mother to get custody of her minor son in Sagay.

Many other members of NUPL from Isabela, Nueva Vizcaya, Cordillera, Nueva Ecija, Metro Manila, Albay, Sorsogon, Negros, Iloilo, Cebu, Cagayan de Oro, Davao City and different parts of Mindanao are red-tagged, threatened, villified and under surveillance.

“It goes with the territory of siding with the underdog, the powerless and the victims of State negligence and abuses. But these will not slide without any consequences in time. We shall stand our ground,” Olalia concluded. #

Reference:
Atty. Edre U. Olalia
NUPL President
+639175113373

TRAIN suspension, govt transparency and regulation needed to ease OPH burden

0

Research group IBON said that the third consecutive and big-time oil price hike only makes it more urgent for the Duterte administration to stop the oil excise taxes of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). This will lessen the impact of rising oil prices on the poorest families. The group also said that government should also ensure transparency of the local oil industry and regulation so that the country is not continually left at the mercy of the global oil market.

For three consecutive weeks, local oil prices have gone up due to movements in the Mean of Platts Singapore (MOPS) and peso-dollar exchange rate. MOPS for gasoline prices has had a net increase of US$18.50 per barrel and US$22.25 per barrel for diesel, from January to February 2019. The peso meanwhile depreciated against the US dollar by Php0.59 also in the same period. The increase in global oil prices have mainly been attributed to the US sanction of Venezuela and production cuts by the Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

IBON said that besides rising global oil prices and foreign exchange, the fuel excises under TRAIN are a significant factor behind local oil price hikes. Since the implementation of TRAIN last year, the price per liter in Metro Manila of diesel has increased by Php8.54, of gasoline by an average of Php7.19 and of kerosene by Php6.42.

The pump price of diesel in the last week of February 2019 is Php43.44 per liter, of gasoline Php52.69, and of kerosene Php51.09. These would be much lower if not for TRAIN’s new and additional oil excise taxes.

If there were only the movements in global oil prices and the peso-dollar exchange rate, diesel would only be a much cheaper Php38.40 per liter and gasoline only an average of Php Php48.60 per liter. TRAIN adds Php3.50 per liter to the price of diesel and Php3.10 to the price of gasoline. TRAIN’s additional excise taxes and the value-added tax (VAT) on petroleum products makes fuel more expensive in addition to the adverse movements in global prices and foreign exchange, said the group. To date since the implementation of TRAIN last year, Filipinos are paying an additional Php5.04 for every liter of diesel, an average of Php4.09 for every liter of gasoline, and Php4.48 for kerosene because of TRAIN.

IBON said that poor Filipino households have mainly borne the brunt of consumption taxes under TRAIN which drove up inflation at the start of 2018. IBON estimates that this has eroded the income of the poorest 60% of households by anywhere between Php3,300 to Php7,300 in 2018. Filipino commuters may also soon pay higher jeepney fares as transport groups demand that fares be increased to Php10 due to the consecutive oil price hikes.

IBON said that the government is not totally helpless with regard to rising oil prices and that it could lessen the burden of the poorest Filipino families if it wants to. It could suspend in the short term the new excise taxes imposed under TRAIN to bring fuel prices down. It could also push for transparency by unbundling fuel prices to check for profiteering and by demanding fuel inventory data from oil companies. Government should also in the long term revive its regulating powers over the oil industry which it gave up under the Oil Deregulation Law of 1998, said the group. ###

International club honors 2 NDFP consultants for peace advocacy

0

“This is specifically intended to pay tribute to the advocates of the resolution of the homegrown armed conflict on our soil.”

By RAYMUND B. VILLANUEVA
Kodao Productions / Bulatlat

MANILA — Rotary International honored two National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants — one recently killed, the other in jail— with peace awards in a ceremony at the Philippine International Convention Center Wednesday, February 27.

Felix Randy Malayao, brutally shot to death while asleep inside a bus in Nueva Vizcaya last January 30, and Rey Claro Casambre, arrested while on his way home by police and military agents last December 7, were given Ang Kapayapaan (Akap) Awards by the club’s International District 3830 based in Fort Bonifacio Global City.

The district’s Akap Awards is given to individuals and groups for their distinct contribution in advancing the cause of peace, the club said.

“This is specifically intended to pay tribute to the advocates of the resolution of the homegrown armed conflict on our soil,” Rotary Club District 3830 president Raul M. Francia said in a letter to Malayao’s family.

The awards is one of Rotary International’s many ways to inspire others to be of greater service to humanity and give modest share to the arduous task of bringing about sustainable peace, he added.

As NDFP consultants, Malayao and Casambre were NDFP’s most active advocates, attending numerous peace forums in the Philippines and abroad.

Both attended formal peace negotiations in Europe since August 2016 as well as working group meetings in the Philippines.

The two awardees participated in the crafting of land reform and rural development as well as national industrialization and economic development agreements with the government peace panel.

In November 2017, Government of the Republic of the Philippines (GRP) President Rodrigo Duterte issued Proclamation No. 360 terminating peace negotiations with the NDFP.

In a bid to restart negotiations, the NDFP and GRP negotiating panels jointly crafted a stand down agreement in June 2018 as well as guidelines and procedures of an interim peace agreement and a draft amnesty proclamation for hundreds of political prisoners.

Duterte again cancelled the negotiations after, however, forcing most other NDFP peace consultants to take safety precautions, preventing them from carrying duties related to the peace negotiations.

NDFP consultants Adelberto Silva and Vicente Ladlad were arrested by government forces in October and November 2018 respectively.

Another consultant, Rafael Baylosis was arrested in January 2018 but was released earlier this year after the Quezon City Regional Trial Court dismissed charges of illegal possession of firearms and explosives against him.

Only Malayao and Casambre remained available for numerous speaking engagements mostly organized by church groups and schools until the latter’s arrest and the former’s assassination.

Last week, Duterte again hinted he is open to restarting the peace negotiations.

Rotary’s other Akap awardees included Government of the Republic of the Philippines chief negotiator Silvestre H. Bello III, resigned Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Moro Islamic Liberation Front’s Mohagher Igbal and former Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla. (http://bulatlat.com)

The post International club honors 2 NDFP consultants for peace advocacy appeared first on Bulatlat.

Teknolohiya at seguridad sa ating online na buhay (2)

(Ikalawa sa dalawang bahagi)

(Unang bahagi)

Kaakibat ng mas madalas na paggamit ng bagong teknolohiya ang mas mataas na pagpapahalaga sa personal na seguridad.

Nakadisenyo ang mga bagong mobile phone o cellular phone (cellphone) para mas maging komportable ang ating buhay sa pamamagitan ng mga software application (app). Halimbawa, may mga app na kayang suriin ang kalagayan ng ating kalusugan at tukuyin ang pinakamabilis na ruta sa nais puntahan. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag ang mga bagong cellphone na “smart phones.”

Gaano nga ba sila katalino? Bukod sa napakaraming app para sa ating personal at propesyonal na pangangailangan, posible nang “utusan” ang cellphone (depende siyempre kung gaano ka-high tech ito) para magpadala ng text message o e-mail sa isang kamag-anak o hanapin ang pinakamalapit na restaurant o sinehan.

Siguradong marami pa tayong dahilan para purihin ang kagandahan ng bagong teknolohiyang nakapaloob sa isang cellphone na kasyang kasya sa ating bulsa. Masusuma nga natin sa isang salita lang ang kalakasan ng bagong teknolohiya na literal na nasa ating mga kamay: Convergence.

May dalawang pangunahing punto sa usapin ng convergence. Una, nariyan ang gamit ng cellphone hindi lang para maging telepono kundi para maging health monitor, navigational tool at iba pa (depende sa mga app na naka-install). Ikalawa, nariyan ang kakayahang ikonekta ang cellphone nang wireless (sa pamamagitan ng Bluetooth o wi-fi) sa iba pang gadget tulad ng tablet, laptop, desktop computer at printer.

Sadyang malaki na ang iniunlad ng dating teleponong nakakabit sa dingding (o nakapatong sa mesa) at literal na nakakabit sa pisikal na kable. Pero ang disbentahe ng makabagong teknolohiya ay ang masalimuot na problema ng seguridad. Kung problema noon ang wiretapping, problema ngayon hindi lang ang wiretapping kundi ang pangkabuuang panghihimasok sa ating pribadong buhay (invasion of privacy).

Nakokompromiso ang ating personal na seguridad sa sitwasyong ang ginhawang dulot ng bagong teknolohiya ay nangangahulugan ng pagbibigay ng ilang sensitibong impormasyon. Para mapagana ang app na magsusuri sa ating kalusugan, kailangang ilagay ang detalye tungkol sa pangangatawan na kadalasang ibinibigay lang natin sa pinagkakatiwalaang doktor. Hindi naman gagana ang app para malaman ang pinakamalapit na ruta kung hindi naka-on ang lokasyon o global positioning system (GPS) ng cellphone. Gayundin ang kaso sa maraming app na nangongolekta ng impormasyon mula sa atin o sa nilalaman ng ating cellphone tulad ng nakalagay sa Contacts at Gallery (e.g., larawan at bidyo).

Kahit na sabihing may malinaw na Privacy Policy at Terms and Conditions sa paggamit ng mga app, kailangan pa ring magdalawang-isip bago mag-install ng mga ito, lalo na kung hindi masyadong mahalaga sa ating buhay at ginagamit lang para maglibang. Tandaan nating lahat na hindi porke’t malaki ang storage capacity ng cellphone ay puwede nang ilagay ang lahat ng gustong app, kahit na simpleng katuwaan lang.

Paumanhin sa mahaba-habang pagsasakonteksto, pero sadyang kailangang ulit-ulitin ang mahahalagang punto sa teknolohiya’t seguridad. Bagama’t cellphone ang pangunahing paksa, ang mga isyung kinakaharap nito ay kapansin-pansin din sa iba pang high-tech na gadget tulad ng mga tablet, laptop at desktop computer.

Siyempre nama’y maraming praktikal na suhestyon para pangalagaan ang personal na seguridad sa gitna ng bago pero mapanghimasok na teknolohiya. Mag-download lang ng app na kinakailangan at mula lang sa kompanyang pinagkakatiwalaan para maiwasan ang malisyosong software o malware. Huwag hayaang parating naka-on ang data/Internet connection, wi-fi, GPS at Bluetooth dahil dito matutukoy ang ating eksaktong lokasyon at aktibidad sa Internet. Maging maingat sa pagkonekta sa public wi-fi (at mas mainam pa ngang huwag gawin ito) dahil baka ma-hack ang gadget na ginagamit natin, lalo na kung nagsasagawa tayo ng online banking at shopping. Hindi kailangang ilagay lahat ng personal na impormasyon sa mga gadget o kahit sa mga app na ginagamit dahil posibleng makolekta ang mga ito lalo na ng mga app developer na kumikita mula sa pagbebenta ng impormasyon tungkol sa mga nag-download. Rebyuhin parati ang privacy settings ng gadget para siguradong naaayon sa ating kagustuhan ang paggamit ng mga app, lalo na ang mga nangangailangan ng sensitibong impormasyon tulad ng navigational tool.

Puwede pa nating pahabain ang listahan pero iisa’t iisa lang ang ating pagsusuma. Huwag masyadong umasa sa bagong teknolohiya at maging sobrang maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon. Kung kailangang makipag-usap sa isang tao at malapit lang naman siya, huwag nang gumamit ng high-tech na gadget at direkta nang makipagkita sa kanya. Iba pa rin ang personal na interaksyon kahit na may bagong teknolohiyang nangangako ng personal na ginhawa.

Kung sabagay, aanhin nga ba natin ang ginhawa kung nakokompromiso naman ang seguridad? Hindi man natin pinagbabawalan ang paggamit ng mga high-tech na gadget, sadyang mainam pa rin ang ibayong pag-iingat lalo na sa panahong posible ang pagmamanman sa ating online na buhay.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa https://risingsun.dannyarao.com

Walang Libreng Tanghalian

Magsimula tayo sa balik-tanaw. Ano ang kalakaran sa mga Public Higher Education Institutions (HEIs) bago pinirmahan ni Pang. Rodrigo Duterte ang Free Tuition Law noong 2017?

Sa mahabang panahon, may matrikulang binabayaran ang lahat ng estudyante. Itinataas ito pana-panahon o madalas sa kung anu-anong dahilan. Para naman sa mga estudyanteng umano’y “mahirap pero karapat-dapat,” may scholarship na kailangan ng aplikasyon. Ipinagpapalagay na ang mayorya ng estudyante, kayang magbayad ng matrikula; iilan lang ang dapat tumanggap ng scholarship. Kaya para sa pangkalahatan, matrikula; para sa iilan, scholarship. Kalakhan ng pampublikong HEIs, nagsasabing kulang ang subsidyo mula sa gobyerno; pana-panahon pang kinakaltasan ito.

Sa mahabang panahon, ipinagtatanggol ang ganitong kalakaran ng mga ekonomista, lalo na iyung galing sa UP School of Economics. Malinaw sila sa kanilang unang dahilan: ang edukasyon sa kolehiyo ay hindi karapatan, kundi pribilehiyo. Mula sa ganitong batayan, iginigiit nila na ang gastos ng mga pampublikong HEIs ay hindi dapat ibinibigay nang buo ng gobyerno. Anila, dapat magbigay ng subsidyo ng gobyerno batay sa iba’t ibang salik: pondo ng gobyerno para sa edukasyon partikular sa primaryang edukasyon, kakayahan ng mga pamantasan magpasulpot ng pondo mula sa mga pag-aari, at kakayahan ng mga estudyanteng magbayad ng matrikula.

Ang ayaw na ayaw at panakot nila: makatanggap ng subsidyo ang mga estudyanteng mayaman at maykaya, dahil hindi raw makatarungan. Mainam na raw ang kalakarang may matrikula para sa nakakaraming maykaya at may scholarship naman para sa iilang mahirap. Hindi bale nang magbayad ang nakakarami, huwag lang mabigyan ng subsidyo ang mayayaman at maykaya. Sinalungat nila ang panawagang dagdagan ang subsidyo sa mga pampublikong HEIs sa dahilang mas dapat gawing priyoridad ang totoo namang kalunus-lunos na batayang edukasyon — kahit hindi naman dito napupunta ang mga kaltas sa subsidyo sa mga pampublikong HEIs.

Pero hindi nagpapigil sa mga argumentong ito ang mga estudyante, ang mga iskolar ng bayan, sa pamumuno ng kanilang mga progresibong alyansa, kasama ang mga progresibong guro at kawani at iba pang sektor ng lipunan. Ipinaglaban nila na ang edukasyon ay karapatan ng lahat at sa gayo’y dapat ibigay ng gobyerno. Tinutulan nila ang komersyalisasyon, ang pagtaas ng matrikula at ibang bayarin, na ginagawang pribilehiyo ang edukasyon ng iilang kayang magbayad. Inilantad nila ang mga scholarship bilang pakitang-taong iskema na nagtatakip sa pagkakait ng karapatan sa edukasyon. Ipinanawagan nila ang libreng edukasyon. Ipinaglaban nila ang pagtaas ng subsidyo kapwa sa mga pampublikong HEIs at sa batayang edukasyon, sa buong sistemang pang-edukasyon.

Ang sama-samang pagkilos at pagpanawagan ng mga iskolar ng bayan at kabataan ang pumwersa sa rehimeng Duterte na aprubahan at ipatupad ang “Universal Access to Tertiary Education Act” o Free Tuition Law. Pulitikal ang hakbanging ito ng rehimen; napwersa itong bitawan ang neoliberal na dogma sa usapin ng edukasyon. Tugon ito sa malakas na protesta at panawagan at sa malawak na pagsuporta sa huli sa panahong nasusukol ang rehimen sa kaliwa’t kanang tuligsa at pagkondena bunsod ng maraming isyu. Kung wala ang Free Tuition Law, mayroong isa pang matinding isyu para ang mga iskolar ng bayan ay lalong magprotesta at maghimagsik laban sa rehimen.

At tagumpay ng mga iskolar ng bayan, ng kanilang mga progresibong alyansa, ng kilusang kabataan-estudyante ang Free Tuition Law. Isang pag-abante mula sa nakaraan na ang mga iskolar ng bayan ngayon ay hindi nagbabayad ng matrikula. Pag-abante ito mula sa pagturing sa edukasyon bilang pribilehiyo at sa komersyalisasyon. Mas malapit ito sa prinsipyong ang edukasyon ay karapatan. Mas makatarungan ito sa kalagayang iilan ang mayayaman kahit sa hanay ng mga estudyante ng mga pampublikong HEIs sa bansa.

Sa ganitong konteksto mainam ilugar ang bagong sanaysay ni JC Punongbayan, estudyante sa UP School of Economics at komentarista sa Rappler.com, na “Why the free tuition law is not pro-poor enough” at lumabas noong Pebrero 8.

Sa titulo, aakalaing kinikilala ni Punongbayan na “maka-mahirap” o pag-abante ang Free Tuition Law. Sa ibang bahagi pa nga ng sanaysay, sinasabi niyang pwede pang “paunlarin” ito. Pero lumalabas na praktikalidad lang ang dahilan kung bakit may ganito siyang pabalat-bungang retorika: “Hindi na matatanggal ang Free Tuition Law. Kahit sinong pulitikong mangahas na kwestyunin ito (o magpanukalang ibasura ito) ay gagawa ng political suicide.”

Malinaw ang sentral na argumento ni Punongbayan: “Bagamat ang Free Tuition Law ay pinuri bilang ‘maka-mahirap,’ ipinapakita ng mas malalim na pagsusuri na hindi ito maka-mahirap. Pwede pa ngang ipakitang ito’y maka-mayaman.” Aniya, ang mayayaman ang pangunahing nakikinabang sa batas dahil sinusubsidyuhan nito ang edukasyon nila mula sa buwis ng nakakaraming nagtatrabaho sa bansa — buwis ng mahihirap at panggitnang uri.

Datos at pagkwenta ang batayan ni Punongbayan. Aniya, 80 porsyento ng income tax sa bansa ang mula sa “mga manggagawa na tumatanggap ng sahod o sweldo.” Sa kabilang banda, 20 porsyento lang ang mula sa mga propesyunal at self-employed. Aniya, noong 2014, 17 porsyento ng mga estudyante ng mga pampublikong HEIs ang galing sa pinakamayamang sang-lima (1/5) ng populasyon ng bansa, habang 12 porsyento lang ang galing sa pinakamahirap na sang-lima.

Masyadong ipinapako ni Punongbayan ang paningin ng mambabasa sa 17 porsyento ng mga estudyante na mula sa pinakamayan at 12 porsyento na mula sa pinakamahirap. Bahagi ito ng pananakot na may malaki-laking populasyon ng mayayamang estudyante na nakakatanggap ng subsidyo, habang maliit lang ang populasyon ng mahihirap na estudyante na nakakatanggap nito. Hindi datos ang nagsasalita sa pagsusuri ni Punongbayan kundi ang takot at pagtutol sa subsidyo ng gobyerno sa edukasyong pangkolehiyo.

Katunayan, pwedeng unawain ang datos ni Punongbayan sa ibang paraan: ang pangunahing nakinabang sa Free Tuition Law ay ang nakakaraming 83 porsyento ng mga estudyante ng mga pampublikong HEIs na hindi kasama sa pinakamayaman sa lipunan pero noon ay nagbabayad ng matrikula. Mas magaang din sa pinakamahirap na 12 porsyento na hindi na nila kailangang patunayan ang pagiging mahirap para makatanggap ng scholarship. Mas posible sa mahihirap na makapag-aral sa kolehiyo kung maigagapang sila ng mga magulang na makatapos sa elementarya at hayskul. Dapat lang na sa kanilang lahat mapunta ang buwis na ang malaking bahagi ay galing sa mahihirap at nasa panggitnang uri ng lipunan.

Dito lalong makikita ang pangunahing problema sa sanaysay ni Punongbayan: wala itong pagkilala na pag-abante ang Free Tuition Law kumpara sa dating kalakaran sa mga pampublikong HEIs na kinakatangian ng komersyalisasyon ng edukasyon at pagkakait ng karapatan sa edukasyon.

Sa isang banda, parang radikal ang mga panukala ni Punongbayan: sa antas ng buong ekonomiya, taasan ang buwis ng mayayaman at magbigay ng subsidyo na nakatarget sa mahihirap. Kailangan din aniyang resolbahin ang problema ng batayang edukasyon sa bansa.

Sabi pa niya, sa panahong libre sa matrikula at tumatanggap ng subsidyo ang lahat ng estudyante, dapat hanapin ang 17 porsyento na galing sa pinakamayamang seksyon ng populasyon at pagbayarin sila nang buong matrikula. Ang subsidyong ibinibigay sa kanila, ibigay sa pinakamahihirap na estudyante. Parang kabaligtaran, pero sa aktwal ay kakambal, ito ng panawagan ng mga guro niyang ekonomista: bayad-matrikula para sa lahat, tapos hanapin ang 12 porsyentong pinakamahirap para bigyan ng scholarship.

Sa kabilang banda, gayunman, wala siyang pagkilala na pag-abante ang Free Tuition Law kumpara sa dating kalakaran sa edukasyon. Sa totoo lang, mas pagtutol kaysa pagsang-ayon sa naturang batas ang kontrobersyal niyang tweet na nagpasimula sa sanaysay, iyung naggigiit na “There’s no such thing as a free lunch.” Ibinabangga sa libreng edukasyong pangkolehiyo ang pagkukunan ng pondo nito. Wala pa ring pagkilala na ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo.

Mas mahalaga, nananatiling buo sa sanaysay niya ang mga neoliberal na paggigiit ng mga guro niyang ekonomista ng UP School of Economics kaugnay ng edukasyon. Ang pangunahin pa ring ayaw at panakot ay ang pagsubsidyo sa mayayaman. Nariyan pa rin ang pagtutulak ng subsidyong nakatarget sa mahihirap. Ang pangunahin pa ring panawagan ay paunlarin ang batayang edukasyon sa bansa.

Mabubuo ang isang larawan: naghahanap lang si Punongbayan — at ang kanyang mga kapanalig marahil sa UP School of Economics at sa pulitika ng mga mag-aaral sa kampus — ng butas para repasuhin at rebisahin ang Free Tuition Law, para umano gawin itong mas “maka-mahirap.” Pero sa hilatsa ng mga argumento niya, malinaw ang gusto nilang kalakaran: iyung dati, iyung komersyalisado at tumatapak sa karapatan sa edukasyon. Budul-budol: kunwari maka-mahirap, pero maka-mayaman.

Kahit nasa unahan ng kanyang pagsusuri ang kagustuhang gawing “mas maka-mahirap” ang Free Tuition Law, makikita sa nilalaman ng kanyang sanaysay na pag-atras sa luma ang gusto niya. Sa batayan ng pagsubsidyo ng Free Tuition Law sa iilang maykaya sa lahat ng pampublikong HEIs sa bansa, gusto niyang alisan ng subsidyo ang matrikula ng lahat ng estudyante at ibalik ang kalakarang matrikula-scholarship. Wala siyang pagkilala na tagumpay at pag-abante ang Free Tuition Law at dapat lang ipagtanggol, at kung rerebisahin man ay hindi na dapat umatras sa dati.

Sa talakayang ito, makikita ang isang modus operandi ng mga neoliberal na ekonomista sa bansa sa larangan ng edukasyon: ang pagsakay sa sentimyentong kontra-mayaman para itulak ang patakarang dikta ng kanilang dogma. Kompromiso ito marahil sa kalagayang malakas ang maka-masa at makabayang kilusan at diskurso sa bansa, maging sa mga pamantasan.

Hindi nila masabi nang direkta na dapat talagang ituring na kalakal ang edukasyon at hayaang mamuhunan ang malalaking kapitalista rito para mapamura at mapahusay ang pagbibigay ng serbisyong ito — bagamat may iba ring direktang nagsasabi ng ganyan.

Ganito ang paglalarawan ni David Harvey sa neoliberal na patakaran na itinutulak noon ng World Bank sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan: “Ang kwento na naririnig nating inuulit, mula sa ating mga silid-aralan hanggang sa halos lahat ng midya, ay ang pinakamura, pinakamabuti, at pinaka-episyenteng paraan para makakuha ng halaga-sa-gamit ay sa pamamagitan ng pagpapalaya sa animal spirits ng namumuhunan na gutom sa tubo para lumahok sa sistema ng merkado [Seventeen Contradictions and the End of Capitalism, 2014].”

Anu’t anuman, ang pagtindig nila laban sa subsidyo ng gobyerno sa edukasyon, at sa edukasyon bilang karapatan, ay nag-aambag sa lakas ng naturang malalaking kapitalista — ng mismong iilang mayayaman — na namumuhunan sa buong sistemang pang-edukasyon.

“There’s no such thing as a free lunch,” pagpapasimple nila sa umano’y kumplikadong mga teorya nila. “Walang tanghalian na libre,” kung isasalin sa wikang Filipino, at malinaw ang katotohanan sa makakarinig na karaniwang tao. Malinaw agad na ang lahat ng bagay at serbisyo ay may kabayaran. Sa kagyat, hindi iyun ang problema.

Ang problema, pinapalabas ng mga neoliberal na ekonomista na laging biktima ang mahihirap at nakakarami kapag ibinibigay ng gobyerno ang mga serbisyong panlipunan nang libre o abot-kaya. Lagi nilang pinapalabas na ang libre o abot-kayang serbisyo ay atake sa nakakaraming mahirap na siyang kinukuhanan ng pantustos sa mga ito pero pinagkakaitan ng serbisyo.

Kaya nariyan ang reyalidad na iniluluwal ng mga patakarang tulak nila, reyalidad na pabalat-bunga lang nilang ipinoprotesta: malalaking kapitalista ang may hawak sa nakakaraming kolehiyo’t unibersidad sa bansa, sa serbisyong pangkalusugan, sa programang pabahay. “Walang tanghalian na libre!” Ang nakakarami, bukod sa buwis na ibinabayad sa gobyerno’y nagbabayad pa ng mahal na serbisyong panlipunan.

Radikal ang pagtindig para sa edukasyon bilang karapatan. Katulad siguro ito ng mga karapatan na ipinaglaban ng burgesya laban sa awtokrasyang naghahari sa panahon ng pyudalismo, pero binitiwan at hindi maisabuhay — maliban sa karapatang mag-ari at magsamantala — nang magtagumpay ito at maghari ang kapitalismo. Naiwan ang naturang mga karapatan para ipaglaban ng nakakarami, ng mga uring anakpawis.

Ang edukasyon bilang karapatan ay bahagi ng isang bungkos ng mga karapatan at panawagan na kumukwestyon sa buong sistemang panlipunan — sa kasong ito, sa pork barrel ng mga pulitiko, pambayad sa utang panlabas, maliit na buwis ng mga naghaharing uri, malaking gastos sa militar at pulisya, katiwalian, at iba pa. Bahagi ito ng pagtanaw sa isang lipunan kung saan kinikilala ang mga batayang karapatan — sa simpleng dahilan na ang tao ay tao, sekundarya na ang pang-ekonomiyang pakinabang nito sa lipunan.

Maganda ang mga sinabi ni Herbert Gintis, progresibong ekonomistang may pag-aaral sa sistemang pang-edukasyon. Isang tuligsa sa neo-klasikal na ekonomiks, aniya, ay “iginigiit ang pagsasarili (independence) ng iba pang lunan ng panlipunang praktika, tulad ng pamilya, estado, at sistemang pang-edukasyon, mula sa paggalaw ng ekonomiya.”

Dagdag pa niya, “Ang isang sistemang pang-edukasyon na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at paglahok ay pwede lamang sumulong kaakibat ng isang sistema ng produksyon na nagdidiin sa demokrasya, partisipasyon at pagkakapantay-pantay.” [“The Reemergence of Marxian Economics in America,” 1983] Hindi maaasahan ang mga tagapagtanggol ng kasalukuyang sistema na magsulong ng ganyang edukasyon.

Sa kasong ito, pinapakitid ng mga neoliberal na ekonomista ang usapin sa pamamagitan ng pagsentro sa pagkukuhanan ng pambayad sa edukasyon sa loob din ng sektor ng edukasyon — at walang pagkilala sa karapatan. Nakakasakal ang ganitong mga burgis na harang sa pag-iisip, at tama lang ang mga kabataan at iskolar ng bayan na tunggaliin ang ganitong mga argumento, lumabas sa klasrum, igiit ang nararapat at kwestyunin ang kabulukan ng buong lipunang nagkakait ng batayang karapatan sa kanila.

22 Pebrero 2019