One Faith, One Nation, One Voice
Disguised Jobs Crisis
An excerpt from the IBON 2018 Yearend Birdtalk paper “Faltering Economy, Shell of A Democracy”:
The socioeconomic conditions of the masses are not substantially or sustainably improving. A few gained from recent economic growth but not the people who need this the most. Domestic elites and foreign capital continue to profit but the poorest majority still grapple with worsening joblessness, low incomes, high prices, burdensome taxes and decrepit public services.
Among the most serious underlying problems of the economy is the severe albeit disguised crisis of joblessness. The situation is alarming – the economy is less and less able to create enough decent work for the growing population. There has even been a marked deterioration in the last two years under the Duterte administration.
This urgently needs to be acknowledged and addressed.
The economy was creating an average of 836,000 new jobs annually in the decade 2007-2016; there were some data breaks in this period but this is still a workable approximation. This however fell to just 81,000 jobs annually under the Duterte watch – with the 41.0 million employed in 2016 only increasing by 162,000 to 41.2 million in 2018. This is less than one-tenth the rate of the previous decade.
Economic managers hailed 825,000 new jobs created in 2018 out of context of the huge 663,000 loss of jobs in 2017 that was the biggest contraction in employment in 20 years or since 1997. In effect, the largest part of job creation in 2018, or some four out of five ‘new’ jobs, merely restored jobs lost the year before.
How is this weak job generation to be reconciled with the number of unemployed reported as going down by 62,000 from 2.4 million in 2016 to just 2.3 million in 2018, and the unemployment rate falling to 5.3% in 2018 which is the lowest in four decades? (See chart below)
Before anything, it needs to be stressed that weak employment generation, whatever the reported unemployment figures, is a serious problem in itself. Work is essential for growth to benefit people through higher incomes; less work always means less household income and lower welfare.
Turning to the unemployment figures, the seeming improvement comes from a statistical quirk. Under present official methodology, only Filipinos without work considered as part of the labor force are counted as unemployed. In particular, it is not enough for a jobless Filipino to be of working age (i.e. 15 years old and over) to be considered part of the labor force – they must also have been seeking work and be immediately available for work.
This falsely improves the unemployment situation in two ways. The first is a result of implementation of the senior high school component of the K-to- 12 program since 2016, which added two years to basic education. This has the effect of keeping working age youth in school instead of them entering the labor force and joining the ranks of either the unemployed (thus lessening reported unemployment) or indeed the employed (hence lessening employment). Such working age youth are considered ‘not in the labor force’.
The second is due to a stricter criteria since 2005 to be considered unemployed. The earlier definition was changed so that Filipinos without work who were not immediately available for work and discouraged workers who did not look for work in the last six months will no longer be considered unemployed (thus lessening reported unemployment). Such otherwise jobless Filipinos are considered ‘not in the labor force’.
The combined effect of these two factors has been to drive the official labor force participation rate (LFPR) down to 61.2% in 2017 and even lower to 60.9% in 2018. (See table below) The LFPR last year is the lowest in 38 years or since 1980. The reported magnitude and rate of unemployment is also greatly reduced.
The use of stricter criteria under-reports the real number of unemployed in the country to statistically improve the unemployment situation compared to previous decades. The deep unemployment crisis since 2005 is concealed and, in particular, the dramatic increase in unemployment under the Duterte administration is disguised. ###
Randy Malayao led singing of this Ilocano revolutionary song
Government covering up on Malayao murder—CPP
Indignation rally for Randy Malayao
Pagsagip o pagsira sa Manila Bay?
Ikinagagalak ng ilan ang kasalukuyang rehabilitasyon daw ng rehimeng Duterte sa Manila Bay. At bakit naman hindi, kung ibig sabihin nito’y mas maaliwalas na tanawin habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw o ang sikat na takipsilim dito.
Pero agad-agad, sa pagbabasa o panonood
pa lang ng balita hinggil dito, may kaduda-duda na: Kasabay ng
pag-anunsiyo nito ang “pagwalis” hindi lang sa basura kundi sa
daan-daanlibong maralita sa tabi ng Manila Bay.
Inanunsiyo nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kamakailan ang pagpapaalis sa mahigit 300,000 informal settler families (ISF) kasabay ng paglilinis sa lugar. Unang bahagi ng rehabilitasyon daw ng Manila Bay ang pagtukoy sa mga ISF sa Roxas Boulevard. Ililipat daw sila sa Gitnang Luzon at Calabarzon—isang planong wala pang malinaw na tunguhin.
Muli, dinadala ng
gobyerno ang ang sisi sa mga mamamayan, partikular na sa mga
maralitang lungsod.
Kabaligtaran ito ng sinasabi ng mga grupong maka-kalikasan, na nagsasabing malinaw na hindi sa mga maralita dapat isisi ang polusyon sa Manila Bay – at ang polusyon sa kapaligiran, sa pangkalahatan. “Madaling puntiryahin ang mga informal settler, pero ang inaasahan nati’y mga desisyong nakabantay sa siyensiya, at may kaakibat na demokratikong konsultasyon sa komunidad,” giit ng Kalikasan-People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE).
Sa tala ng Ocean Conservancy noong 2015, umabot sa 74 porsiyento ng plastik na napapadpad sa dagat, nakolekta na ng mga basurero noon, paglilinaw ng Kalikasan PNE. Ayon sa kanila, kawalan ng maayos na pasilidad ng gobyerno para iproseso ang basura ang isa sa mga malaking dagok sa pagpapaganda ng kalikasan, kaya pabalik-balik lamang ang kalat. Samantala, maliban sa ilang restawran na pinatigil ang operasyon, iniiwasan ding ituro ng gobyerno sa malalaking establisimyento na nagtatapon ng basura sa Manila Bay ang pagkasira nito—kahit na maraming pag-aaral na nagsasabing ito talaga ang pangunahing dahilan ng polusyon.
Samantala, isang matagal nang plano ng gobyerno (na pinabibilis ng rehimeng Duterte) ang nagpapasubali sa intensiyon nitong “linisin” ang Manila Bay – ang malawakang mga proyektong reklamasyon (reclamation) na sa halip na magpreserba sa ganda at biodiversity ng lugar ay sisira pa rito. Sabi rin ng mga eksperto: ilalagay ng mga reklamasyon sa panganib ang mga mamamayan ng Kamaynilaan.
Para dapat sa mangingisda
“Sinusuportahan naman namin ang rehabilitasyon ng Manila Bay,” paliwanag ni Fernando Hicap, tagapangulo ng Pambansang Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) at isa ring mangingisda sa Manila Bay, “dahil panahon na maibalik ang bay sa pagiging palaisdaan ng mga maliliit na mangingisda.”
Pero sa pagpapalikas sa mahigit 300,000 katao kabilang ang mga mangingisda, tingin nila na hindi rehabilitasyon ng Manila Bay ang talagang pakay ng rehimeng Duterte.
Paliwanag ni Hicap (na dati ring kinatawan ng Anakpawis Party-list sa Kamara), “sobra-sobra pa” ang P47-Bilyong pondong inilalaan ng rehimen para sa rehabilitasyon—kung gagamitin ito sa pag-alaga at pagpapanumbalik ng mga mangrove o bakawan, sea grass, at coral reef na nawasak dahil sa iba’t ibang proyekto.
Sa isang pahayagan na nilabas mismo ng DENR, sa ilalim ng Ecosystems Research and Development Bureau, taong 2000 pa lang, malinaw na ang nagiging epekto ng nakaraang mga reklamasyon (halimbawa, pagtatayo ng Cultural Center of the Philippines complex, at iba pa) sa kalagayang pangkalikasan ng lugar. Mula sa pagtagas ng langis mula sa mga establisimyento, hanggang sa pagtapon ng basura ng mga ito, malaki ang naiaambag nito sa pagdami ng dumi sa Manila Bay.
Kung gagamitin ng gobyerno ang pondo
para tuluyang mapanumbalik ang sigla ng kalikasan sa Manila Bay,
hindi malayong lumago rin ang pangingisda sa lugar. Pero hindi. Kaya
naman malakas ang paniniwala nilang interes ng malalaking kompanyang
lokal at dayuhan ang nasa likod ng “rehabilitasyon” at lalo na
ang planong “reklamasyon.”
Bilyong piso para sa proyekto
Sa binigay sa Pinoy Weekly na listahan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ng aprubadong reclamation projects sa Metro Manila, aabot sa 1,793.14 ektarya ang sasakupin para sa “mixed-use development” na sa katotohana’y para sa mga binabalak ng mga korporasyon na itayong mga imprastraktura.
Pero sa tala ng iba pang mananaliksik, lumalabas na marami pa ang nakalinyang proyektong reklamasyon sa Manila Bay. Sa komputasyon ng Bagong Alyansang Makabayan-Metro Manila, umaabot ng 32,429.56 ektarya ang sakop ng 43 proyektong reklamasyon—may iba-ibang inabot ng pag-apruba.
Kung totoo, lumalabas na mas malaki pa ito sa inisyal na plano ng PRA sa ilalim ng National Reclamation Plan na nabuo noong taong 2011 na sasakop sa 26,234 ektarya ng Manila Bay.
Kasama sa mga proyekto: isang 148-ektaryang “Manila Solar City” na katapat ng CCP Complex (gagawin ng Manila Goldcoast Development Corp.); isang 407-ektaryang “Manila City of Pearl” o “New Manila International Community”, isang “smart city” na itatayo sa lugar ng Baseco Compound na ipatatayo ng UAA Kinming Group ng China; 600-ektaryang reclamation ng SM Prime Holdings na karatig ng SM Mall of Asia, tinaguriang “Manila Bay Reclamation Project” (humihirit pa ang SM Prime ng karagdagang 600 ektarya); at 50-ektaryang ekstensiyon ng Manila North Harbour na gagawin ng RII Builders ni Reghis Romero II.
Siyempre, kasama rin sa reklamasyon sa Manila Bay ang planong Aerotropolis (gahiganteng international airport) sa may Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan. Panukalang proyekto ito ng San Miguel Corp., at sasakop sa tumatagingting na 2,500 ektarya (Lumalabas na nirerebyu pa ng National Economic Development Authority ang naturang proyekto ng SMC). Libu-libong mangingisda sa Bulacan at Navotas City ang nakaambang maapektuhan ng naturang proyekto. Pati daan-daang punong mangroves, nanganganib.
Sa anong halaga?
Ayon kay Kelvin S. Rodolfo, propesor emeritus ng Earth and Environmental Sciences sa University of Illinois, sa isang pananaliksik na isinulat niya noong 2014 pa, magiging mahina laban sa daluyong, lindol, at paglambot ng lupa ang mga establisyementong itatayo sa reclamation areas.
Mabuo man at makapagbigay ng
pansamantalang trabaho (na kontraktuwal din, at may mababang sahod,
bukod pa sa pagiging peligroso), malalagay naman sa panganib ang
buhay ng mga mamamayang bubuo sa lakas paggawa sa lugar.
Halimbawa na riyan ang Las Piñas-Parañaque Coastal Lagoon, na napipintong magamit para sa reclamation. Dose-dosenang klase ng ibon at iba pang hayop ang naninirahan sa lagoon na ito, na tinaguarian pang huling baybayin sa Metro Manila na mayabong at pinamamahayan ng mga ibong wala namang puwang sa usok gulo ng Maynila.
“Ngayon, ang natitirang baybayin na puno ng mangrove, salt marshes, at iba’t ibang hayop at halaman, na kilala bilang Freedom Island, ay nalalagay na sa peligro dahil sa 635-ektaryang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) project,” giit ni Hicap.
Wala pa riyan ang pinangangambahan ng environmentalists na paglala ng baha sa Kamaynilaan dahil sa pag-angat ng sea level sa Manila Bay dahil sa malawakang reklamasyon. Idagdag pa rito ang pagkawala ng mangrove forests na dating sumasalo sa baha.
Para sa negosyo
Para sa mga grupong maka-kalikasan,
kung talagang gusto ng rehimeng Duterte na linisin ang Manila Bay,
agad itong magdedeklara ng moratoryo sa mga proyektong reclamation.
Sa halip, mga maralitang lungsod lang
ang gustong walisin ng rehabilitasyon kuno ng gobyerno. Samantala,
nakaambang pagkakitaan ng malalaking kompanyang lokal at dayuhan ang
mga proyektong reklamasyon.
Ganito ang hulma ng “Build, Build, Build!” na proyektong pang-imprastraktura ng administrasyong Duterte. Kaysa gumawa ng imprastrakturang magpapasimula sa pagdedebelop ng pambansang mga industriya ng bansa, nagtatayo lang ito ng mga pasilidad (tulad ng special economic zones at mga paliparan at kalsada) na magpapadali sa pagpasok ng dayuhang pangangapital. Ayon sa Ibon Foundation, malinaw na hindi para sa lokal na kaunlaran ang pagpasok ng malalaking dayuhang kapital, halimbawa ng China. Samantala, namamaksimisa pa ng mga negosyong ito ang mababang sahod sa Pilipinas at lalo na sa ecozones na hindi sumusunod sa mga batas sa paggawa ng bansa.
Noong 2016, bilang kandidato sa pagkapresidente, sinabi na iyan ni Duterte: na plano niyang magtukoy ng special economic zones at “business islands” na maaaring rentahan ng malalaking dayuhang kompanya. Kaugnay nito, binalaan na niya noon pa man ang mga manggagawa, partikular ang Kilusang Mayo Uno: huwag daw pukawin ang mga manggagawa sa mga lugar na ito para mag-alsa. “Kung hindi, papatayin ko kayo.”
Ipinapaliwanag nito ang bangis ng
pasistang mga atake niya, lalo na sa mga progresibong organisasyon,
habang mabilis na itinutulak ang planong mga kontra-kalikasang
reklamasyon sa Manila Bay sa ilalim ng “Build, Build, Build!”.
Featured image: Mula sa FB page na Save Manila Bay
Hustisya ang sigaw
Hustisya para sa mga biktima ng Mendiola Massacre!
Mga Martir ng Bayan: Danilo Arjona, Leopoldo Alonzo, Adelfa Aribe, Dionisio Bautista, Roberto Caylao, Vicente Campomanes, Ronilo Dumanico, Dante Evangelio, Angelito Gutierrez, Rodrigo Grampan, Bernabe Laquindanum, Sonny Boy Perez at Roberto Yumul. Mula noon hanggang ngayon, wala pa ring katarungan sa mga martir ng mendiola at nanatiling walang lupa ang mga magsasaka.
Enero 22, 1987, nagmartsa ang libu-libong magsasaka, manggagawa, kabataan at kapanalig ng magbubukid mula Ministry of Agrarian Reform (MAR) sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City. Ang hiling noon kay Pang. Cory Aquino ay tunay na reporma sa lupa. Sa halip na tugunan ang lehitimong daing ng magsasaka, pinaulanan ng bala ng Philippine Constabulary-Integrated National Police, Philippine Marines at Philippine Army ang mga magsasaka at mamamayan. Labintatlong magsasaka at kapanalig ang nag-alay ng buhay at 51 raliyista ang sugatan. Tatlumpu’t dalawang taon ang lumipas, walang napanagot sa mga nagpasimuno at mga salarin. Walang hustisya at wala pa ring lupa sa magsasaka. Lugmok sa kahirapan at dusa ang masang anakpawis.
Makailang beses nang nagpalit-palit ng Pangulo ng bansa, walang solusyon sa problema ng masa. Nagpapatuloy ang monopolyo ng panginoong maylupa at agri-korporasyong lokal at dayuhan sa malawak na lupaing agrikultural ng bansa. Tumitindi ang piyudal at malapiyudal na pagsasamantala at pangaapi sa kanayunan. Walang nagaganap na aktuwal na pamamahagi ng lupa sa rehimeng Duterte, ang isinasagawa ay ang pamimigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA), sa layuning singilin at linlangin ang masa. Nagpapatuloy rin ang pangingibabaw ng malalaking burgesya-komprador sa sistemang export-oriented, import dependent at dominasyon ng dayuhang gahaman sa buong ekonomiya bansa. “Noon, isang kahig isang tuka.” Ngayon, “Kahig nang kahig, walang matuka.”
Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, lalo pang naging miserable ang buhay ng masang anakpawis. Walang lupa ang magsasaka, manggawang bukid, manggagawang agrikultural at kababaihang magsasaka. Itinataboy sa baybay-dagat at pook-pangisdaan ang mga mangingisda, upang bigyang daan ang proyektong para sa interes ng iilan at dayuhan. Siil at napakababang sahod ang tinatanggap ng manggagawang Pilipino. Pinapaslang ang mga magbubukid at katutubong mga mamamayan na nananawagan ng lupa, tutol sa mapanirang pagmimina at pagpapalawak ng mga plantasyon sa Pilipinas. Mahigit 170 magsasaka, katutubo at manggagawang agrikultural na ang biktima ng extra-judicial killings sa panahon ni Duterte.
Libu-libong maralita ang pinatay at inusig sa kampanyang “kontra-droga”, habang ligtas at nagliliwaliw ang mga drug lord at sindikato sa loob ng PNP. Pagtindi ng militarisasyon sa kanayunan dahil sa Oplan Kapayapaan na counter-insurgency program na ipinapatupad ng tiraniya at kontramamamayang rehimen. Dagdag pa ang pagsagasa at pahirap na epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law sa masa at taumbayan.
Ang malakas na hiling ng masang anakpawis, libreng
pamamahagi ng lupa sa magsasaka, manggawang bukid at manggagawang agrikultural,
ngayon na! Tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, susi sa
pag-unlad ng ating bansa. Kailangan ang pagpapaunlad ng kanayunan, kasapatan sa
pagkain at paglikha ng mga industriyang lilikha ng trabaho para sa mamamayan at
magpapasulong sa buong ekonomya. Napakalaki ng potensyal ng bansa at ekonomya
na magsarili at kumawala sa dominasyon ng mga dayuhan kaya’t dapat iwaksi ang
mga neoliberal at makadayuhang patakaran sa ekonomya na ipinapatupad ng
rehimeng US-Duterte.
Mahalaga at may pangangailangang ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP at isulong ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (Caser) para sa interes ng masa at taong bayan. Magbubukid at mamamayan, ibayong pagkakaisa at labanan ang tiraniya ni Duterte. Ipinakita sa ating buhay na karanasan, ang mahigpit na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng magbubukid at taongbayan kung kaya sumulong at nagkamit tayo ng mga tagumpay. Tutulan ang Martial Law sa Mindanao at buong bansa. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal. Pag-ibayuhin ang pakikibakang magsasaka para sa lupa at kalayaan ng inang bayan. Magpunyagi sa pakikibaka at magtagumpay.
Numero ng taon
Taong 2004 nang sinimulan ang pagpili sa Salita ng Taon sa Pilipinas. Magmula noon, nagkaroon na ng siyam na salita ng taon na sumasalamin hindi lang sa yaman ng ating sariling wika kundi sa kalagayan ng lipunan (i.e., canvass, huweteng, lobat, miskol, jejemon, wangwang, selfie, fotobam at tokhang).
Panahon
na sigurong simulan ang proseso sa pagpili ng Numero ng Taon. Bukod
sa salita, umiinog kasi ang ating mundo sa numero. Anong oras na?
Magkano ang pera mo sa pitaka? Ilang beses ka ba kumakain araw-araw?
Marami ka pang tanong na masasagot sa pamamagitan ng numero. Ang
tanong lang sa puntong ito, anong Numero ng Taon ang gusto mo?
Tatlo (3). Sa aking palagay, may tatlong party-list group na kinakailangang isama ng Commission on Elections (Comelec) sa balota – Aksyon Health Workers (AHW), Manggagawa Partylist at People Surge Disaster Survivors Group, Inc. (People Surge). Kung susuriin ang kanilang plataporma, malinaw ang kanilang tindig para sa mga sektor na kinabibilangan nila. At kung aalamin ang track record ng mga nakalistang nominado nito, malawak ang kanilang karanasan sa pagkilos para sa pagbabago. Bakit kaya sila hindi pinayagang tumakbo? Paumanhin sa pagiging pilyo, pero may tatlo sigurong dahilan: (1) Wala silang pera; (2) Hindi sila artista; at (3) Nagsusuot sila ng pula.
Labintatlo (13). Kontrobersiyal ang numerong ito. Malas daw kasi. May salita nga sa wikang Ingles na “triskaidekaphobia” na ang ibig sabihin ay pagkatakot sa numerong 13. Para sa mga naniniwala sa pamahiin, kailangang mag-ingat tuwing Friday the 13th. Buti na lang at natapat sa Lunes ang ika-13 ng Mayo. Ito po ang araw ng halalan. Pipiliin natin ang mga lokal na opisyal at mambabatas na mauupo sa puwesto sa loob ng tatlong taon (anim na taon para sa mahahalal na 12 senador). Huwag isiping malas ang paglabas ng bahay para bumoto sa araw na ito. Kailangan pa rin kasi nating maging mapagmatyag at mapagbantay paglabas ng polling precinct.
Siyam
(9). Kung masusunod ang maraming mambabatas, puwede nang tratuhing
kriminal ang isang 9 na taong gulang na nasangkot sa krimen. Naging
kontrobersyal ang panukalang ito dahil sa sunod-sunod na batikos at
kilos-protesta. May sumuporta rin naman pero hindi malinaw sa
kanilang paliwanag ang siyentipikong batayan sa konteksto ng lipunan.
Pilit lang na sinasabing malapit sa siyam na taong gulang ang minimum
age of criminal responsibility (MACR) sa ibang bansa tulad ng
Indonesia (8 taong gulang) at Australia (10 taong gulang). May tanong
lang ako sa mga nagnanais pababain ang MACR: Bakit ayaw n’yong
banggitin ang mga bansang Colombia at Ecuador? Alam ko na: 18 taong
gulang kasi ang MACR nila!
Labindalawa
(12). Sa gitna ng mga batikos at kilos-protesta, binago ng mga
tagasulong ng pagpapababa sa MACR ang panukala nila. Sa halip na 9 na
taong gulang, ginawa na nila itong 12 taong gulang. Hindi pa rin ito
katanggap-tanggap sa maraming sektor, pati na sa mga grupo ng
pediatrician, child psychologist, psychiatrist at neurologist na
naglabas ng mga opisyal na pahayag para idiin ang kawalan ng
siyentipikong batayan sa gusto ng mga nasa kapangyarihan. Bago pa man
naging isyu ang MACR, tandaan nating para sa mga peryodista, mahalaga
ang numerong 12 dahil ito ang kasalukuyang bilang ng mga peryodistang
pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa katunayan, parehong
pareho ang statistika ng mga grupong Center for Media Freedom and
Responsibility (CMFR) at National Union of Journalists of the
Philippines (NUJP) sa pagdokumento ng tinatawag na work-related
killings mula Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Dalawa
(2). Pasintabi sa maraming kakilala’t kaibigan, pero kailangan
talagang ulitin ang nangyaring trahedya noong madaling araw ng Enero
30 habang natutulog ang marami sa atin. Bandang alas-dos ng madaling
araw, may dalawang suspek na umakyat sa bus, may dalawang balang
pinaputok sa natutulog na pasahero, may motorsiklo (na alam nating
dalawang gulong) na ginamit para tumakas. Kinitil siya nang tulog at
walang kalaban-laban dahil mulat siya’t patuloy na lumalaban. Opo,
patay na siya. Pero tandaan nating dalawa pa ang kanyang natitirang
buhay. Ang unang buhay niya ay nasa ating alaala samantalang ang
ikalawang buhay niya ay nasa pagkamit ng kanyang mga pangarap. Mainam
na sama-sama siyang buhayin sa dalawang paraan: (1) sama-samang
pag-alala; at (2) sama-samang pagkilos.
Marami
pang numerong puwedeng pagnilayan. Sa ating pagpili ng nararapat na
Numero ng Taon, tandaan lang natin ang angkop na mensahe para sa mga
nasa kapangyarihan: “Bilang na ang araw ninyo!”