Home Blog Page 443

Generations of fighters | Bicol as hotbed of revolution

0
A few weeks ago, President Rodrigo Duterte ordered the deployment of more troops to crush the “insurgency,” but the men and women, both old and young, of this armed revolution just laughed. By RONALYN V. OLEA BICOL REGION – Somewhere in the mountainous part of the region, there were makeshift huts made of freshly cut […]

Labelling, attacking critics won’t cover-up Duterte regime’s crimes

0

“President Duterte and his cabal of psychopath soldiers and police, along with his court jesters Salvador Panelo and Martin Andanar, are once again going on a spree of frothing-in-the-mouth red-tagging against those who criticize and oppose his murderous regime, again endangering groups and different sectors, particularly vocal critics of his murderous governance and rights defenders,” said Karapatan Secretary General Cristina Palabay, condemning Duterte’s statements and new bout of red-tagging.

read more

GRP ceasefire chief’s resignation result of frustration with Duterte, military—Sison

0
The resignation of the head of the ceasefire committee of the government negotiating panel with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) exposes how President Rodrigo Duterte and the military have made the peace talks impossible, Prof. Jose Maria Sison said. Responding to Francisco “Pancho” Lara’s announcement of his resignation as chairperson of the […]

Buksan ang Ating Puso

Napakaraming namamalimos ngayong Kapaskuhan. Kung sumasakay ka ng jeep o bus, wala kang kawala. Mga batang hamog, bulag, katutubo, estudyanteng may paninda, mangangaral ng relihiyon, kaanak ng namatay o naospital, at iba pa — lahat sila, nagbabakasakali sa 13th-month pay, napamaskuhan, o simpleng kabutihan ng marami. Hindi ito kataka-taka, kahit pa dumami ang mga naghahain ng buffet meals para sa maykaya, ang ukay-ukay at murang paninda kahit para sa mahihirap, at mga mall, condo, casino at iba pang artipisyal na patunay ng “kaunlaran.” Patuloy na dumarami ang walang trabaho, ayon sa Ibon Foundation. Ganoon din ang tumuturing sa sarili na mahirap at hirap-sa-pagkain, ayon sa Social Weather Stations. Ang tugon ng mga awtoridad, laman ngayon ng balita: Paalala ng NCR Police Office na, ayon sa batas, bawal magbigay ng limos sa kalsada. Inaalam na rin daw ng pulisya ang posibleng pagkakaroon ng sindikato sa likod ng pamamalimos ng mga katutubo. Wow! Mayamang bansa na ba tayo? Kahit sa mayayamang bansa nga, hindi bawal mamigay ng limos. Sa bansa pa kaya nating dagsa ang mahihirap at pulubi? At kailangan pa ba ng sindikato para mamalimos ang mga katutubo? Hindi pa ba sapat ang matinding kahirapan at pagpapalayas sa kanilang lupain? Kapansin-pansin tuloy na ang haba-haba na ng paliwanag ng mga humihingi ng tulong ngayon. Kesyo lumapit na sa PCSO at DSWD, kesyo naghanap naman ng trabaho kaso na-endo, kesyo may tumangay sa perang naipon, at iba pa. May mga umiiyak pa nga. Para bang hindi pa sapat na nilunok nila ang dangal nila bilang tao at namalimos. Ang masama, may mga karaniwang Pilipinong nagsasalita kontra sa mga namamalimos. Ilang diskusyon na rin sa jeep ang nasaksihan ko. Iyun pang mga hindi nagbibigay ang mapagmataas at nangangaral ngayon. “Ipambibili lang iyan ng shabu,” sabi ng isang lolo. “Kaka-piso ninyo, nakaka-ilang libo sila isang araw,” sabi naman ng isang mukhang batang ama. Kapag nakakarinig ako ng ganitong pananalita, ang una kong hinahanap ay ang baller. Dahil ang unang sinisisi ko sa lalong paglaganap ng ganitong pananaw ay ang presidente, si Rodrigo Duterte. Nagpapalaganap siya ng kawalang-malasakit, galit, at pagiging malupit laban sa iba’t ibang grupo ng tao, lalo na sa mahihirap. Paulit-ulit siya: “Kapag sinisira ninyo ang bayan ko, papatayin ko kayo.” Pero ang libu-libong bumulagta sa gera kontra-droga niya ay iyung unang sinisira ng droga, ang mga adik, at hindi ang mayayamang drug lord. Hindi ito ikinakaila ni Duterte: sabi niya, natural ito dahil ang shabu ay droga ng mahihirap; ang mayayaman, may pera at may isip, kaya sa ibang bagay naaadik. Balewala na ang proseso ng batas sa pagdating sa mga suspek sa krimen. Balewala na rin ang panukalang ituring ang adiksyon na sakit at hindi krimen — na dapat gamutin; ang mga adik, dapat kalingain at pagalingin. At lalong balewala ang mga hakbangin para pawiin ang kahirapan na siyang nagtutulak sa mahihirap na malulong sa droga para harapin ang mundo. Patay lang nang patay. Bukod sa mga adik, malupit siyang magsalita sa mga itinuturing niyang kaaway — taong-simbahan at tanggol ng karapatang pantao, aktibista at rebelde, kababaihan at katutubo, at kahit mga pulitiko at dayuhang tumutuligsa sa mga hakbangin niya. Noon, sa mga inuman lang maririnig ang ideyang pagpapatayin ang mga adik at kriminal; ngayon, pambansang patakaran na ito. Maraming problema ang bayan, pero ang tugon ni Duterte ay isisi ito sa iba’t ibang grupo ng tao at magbigay ng madaliang solusyon laban sa kanila. Ang dala niya, madaling solusyon para sa mga simpleng mag-isip, na hindi naman talaga tunay na solusyon. Ang iba pang balita: igigiit ng AFP na walang tigil-putukan sa mga rebeldeng Komunista, kahit pa ito talaga ang matagal nang kagawian. At nagpiyansa si Sen. Antonio Trillanes IV, kritiko ni Duterte, mula nang matanggap ng kapulisan ang arrest warrant laban sa kanya. Walang tigil na pag-atake sa mga kritiko, kahit Kapaskuhan. Ang midya ang isa sa pinakamalakas ang tinig kapag Kapaskuhan. At may panahon namang naging kritikal sila sa mga nangyayari sa bansa. Hindi siguro malabis na asahan silang magpahayag, kahit bahagya, tungkol sa madilim na lagay ng bansa sa ilalim ni Duterte. Pero nakakadismaya ang tema ng Kapuso at Kapamilya ngayong Pasko. Iyung isa, “Family is Love,” at tampok pang ipinagdiriwang iyung pamilya ng mga sundalong nagpapatupad ng kalupitan ni Duterte. Iyung isa naman, “Puso ng Pasko.” Pareho silang umiiwas, hindi sumasangkot, sa mga isyu ng lipunan. Sa halip na labanan o padaplisan man lang ang kasamaan ni Duterte, pinapalampas nila ito. Ang suma-tutal, mulat man sila o hindi, tinutulungan nila ang rehimen sa pagpapasaya at pagpapalimot sa mga mamamayang inaatake nito. Kapag napag-uusapan ang Kapaskuhan, na tradisyon ng mga Kristiyano, at ang mga pulubi, lagi kong naaalala ang pangangaral ni Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan. Hindi ako miyembro at hindi ko alam ang iba niyang doktrina, na posibleng hindi ko sasang-ayunan, pero pagdating sa mga pulubi, sang-ayon ako sa kanya. Sabi niya, “Ang sabi ko sa mga miyembro ko: Kapag ikaw ay pinuntahan sa bahay mo ng pulubi — pinuntahan ka na, ikaw, sa bahay mo, ng pulubi — at hindi ka pa nagbigay, ititiwalag kita!” Siguro, sa ibang kasalanan, mas kumplikado ang pagharap niya. Pero sa ganitong kalagayan, malinaw ang tindig niya, siyang ipinagmamalaking kabisado ang Bibliya. At masarap sumang-ayon. Ano nga naman ang pagiging Kristiyano kung hindi ang pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa nangangailangan? Hindi ba’t nagkatawang-tao si Hesukristo para sa kaligtasan ng lahat, mahirap man o mayaman? Hindi ba’t ipinanganak siya sa mga magulang na mahihirap, sa sabsaban, at nakipagkaibigan sa mga anakpawis, hampas-lupa, at puta? Kung buhay siya ngayon, siguro’y mangangaral siya sa mga nagsa-shabu at kapitbahay nila, hindi sa mga nag-uutos na patayin sila. Mas mahalaga, hindi ba’t napakaraming pangangaral sa Bibliya tungkol sa pagmamalasakit sa mahihirap? Makikita natin si Hesukristo, sabi niya, hindi sa pagtingin sa ating pamilya o sa ating sarili, kundi sa pinakamahihirap nating kapwa-tao. Bilang aktibista, sinasabi ko ba sa mga tao na magbigay sa mga namamalimos? Mas kumikiling ako sa pagbibigay kaysa hindi pagbibigay. At sa hindi pagsasalita laban sa mga namamalimos kung hindi rin naman makakapagbigay. Pero hindi dito dapat magtapos. Dapat magmula iyan sa mas malalim na pag-unawa. Sabi ni Raymond Williams, Marxistang intelektwal na Ingles, “Ang sentral na sosyalistang pagpapahalaga ay isang ideya ng pagbabahaginan o sharing.” Pero, aniya, hindi ito ang simpleng pagkakaroon ng mapagkalingang Estado o welfare state, o pagtulong at kawanggawa sa mahihirap na bansa sa Ikatlong Daigdig — o ang pagbibigay sa mga namamalimos. Ang kailangan, aniya, ay pagbabahaginan ng “ating pagpapasya (decisions) at ating kabuhayan (livelihoods),” na walang iba kundi ang sosyalismo. Ang sinasabi ko, buksan natin ang ating puso sa ating kapwa, lalo na sa mahihirap, na siyang pinakamarami. Magmalasakit tayo sa kanila, mamuhi tayo sa kalagaya nila. Alamin ang sistemang panlipunan na dahilan ng paghihirap nila. Kumilos tayo para baguhin ang sistemang ito at magluwal ng mas makataong sistema kung saan walang mapupwersang mamalimos, maging adik, o maghirap. Pinapadali ni Paulo Freire, progresibong intelektwal na Brazilian, ang pag-uugnay: “Dahil ang pag-ibig ay isang hakbangin ng kagitingan, hindi ng pagkaduwag, ang pag-ibig ay pananagutan sa iba. Saanman matatagpuan ang mga inaapi, ang hakbangin ng pagmamahal ay pananagutan sa kanilang layunin — ang layunin ng paglaya.” Naghahari ang kadiliman at kalupitan sa ating bayan. Family is Love? Damhin ang Puso ng Pasko? Sa ganitong kababaw na mga mensahe, lalabas nang progresibo, at nagbubukas sa mas radikal, ang posibleng panawagan ng mga Kristiyano at aktibista ngayon: Buksan ang ating puso. Makiisa sa paglaban ng mahihirap.

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2018

2009 | 2010 | 2011 | 2012 | 2013 | 2014 | 2015 | 2016 | 2017

Sa taong nagdaan, tumindi ang pasistang atake, nagpatuloy ang pamamaslang, umalagwa ang mga polisiyang kontra-mamamayan, nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, tumindi ang korupsiyon sa gobyerno, lalong nalantad ang pangangayupapa ng rehimen sa umuusbong na imperyalistang Tsino, nanatili ang impluwensiya at kontrol ng imperyalismong Kano. Lalong nalantad si Rodrigo Duterte bilang diktador na ginagamit ang puwesto para bigwasan ang sinumang tumututol o kumukuwestiyon sa pamumuno niya.

Likha ni Ericson Caguete

Samantala, tumitindi ang krisis sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Mula sa kagutuman ng mga magsasaka at katutubo sa kanayunan hanggangsa ligalig sa mga manggagawa, lalong natutulak ang masa na kumilos. Pero madalas, hindi sapat na naipapaabot sa madla ang magandang balita ng paglaban ng mga mamamayan. Dahil sa komersiyal at sensationalist na katangian ngpag-uulat sa mainstream media, hindi lumalabas ang mga istorya kung walang lantarang “bakbakan” (tulad ng marahas na dispersal o salpukan ng mga pulis at demonstrador).

Kung kaya, taun-taon, tinatala namin ang 10 sa maraming istoryang hindi nabigyan ng sapat na coverage ng dominanteng midya. Sa kabilaito ng halaga ng mga istoryang ito sa konteksto ng panlipunang pagbabago na nininanais ng mga mamamayan. Sigurado, hindi ito kumpleto, pero maaaring pagsimulan ang listahan.

Welga ng mga manggagawang bukid sa Sumifru, Compostela Valley

Mababang sahod, aping kalagayan, at panunupil sa mga manggagawang bukid sa sagingan ng pinakamalaking plantasyon ng saging sa bansa ang nagtulak sa kanila na magpaputok ng welga. May ilang welgista nang napaslang. Tuluy-tuloy ang panghaharas at paninira sa mga lider unyonista. Salamin ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid ng Sumifru sa lupit ng batas militar ni Duterte sa Mindanao. Salamin dito ito ng kasigasigan ng mga manggagawa na labanan ang panunupil at igiit ang karapatan.

Patuloy na dislokasyon ng mga residente ng Marawi

“Anyare, Marawi?” Ito ang nakalagay sa istrimer ng mga residente ng lungsod ng Marawi na nagprotesta noong Oktubre 17, isang taon matapos ang “pagpapalaya” sa lungsod. Hindi pa rin makauwi–o hindi pinapayagan ng militar na makauwi–ang libu-libong residente sa Marawi. Nakatira sila ngayon sa iba’t ibang “tent cities” sa labas ng lungsod. Hinihiling nilang makabalik na sa kanilang mga tahanan, o mga lugar kung nasaan dati ang kanilang mga tahanan. Naglunsad pa sila ng kampanya sa social media na tinagurian sa hashtag na #LetMeGoHomeMovement. Pero hindi sila nabibigyan ng sapat na pansin. Samantala, pinagbabalakan na ng malalaking kontraktor at kompanya ang “rehabilitasyon” ng lungsod.

Pananalakay ng militar sa mga komunidad ng Lumad

Patuloy ang dislokasyon ng mga komunidad ng mga Lumad sa kanilang lupaing ninuno matapos maging target ng mga operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines. Nakabalangkas sa programang kontra-insurhensiya ng gobyerno, kabilang ang Executive Order No. 70 nakalalabas lang nitong mismong Disyembre 10, Human Rights Day, na mga komunidadng Lumad ang pangunahing tagasuporta raw ng armadong pakikibaka ng New People’s Army sa Mindanao. Kung kaya, target ito ng mga operasyong militar. Samantala, napagusapan nang husto sa dominanteng midya ang isyu (kahit bahagya) nang ilegal na arestuhin sina Satur Ocampo, ACT Teachers Rep. France Castro, at 16 iba pa, na nagtangkang umayuda sa mga estudyanteng Lumad na inaatake ng grupong paramilitar na Alamara sa Talaingod, Davao del Norte.

Ligalig at paglaban ng mga manggagawang kontraktuwal

Sa simula ng taon, pumutok agad ang kaliwa’t kanang protesta at welga pa nga sa iba’t ibang empresa at pabrika sa bansa. Ang mga umaalma: mga manggagawang kontraktuwal na matagal na pinangakuan ng rehimeng Duterte na ireregularisa sila. Ang ilan sa mga kompanya, tulad ng malalaking kompanyang PLDT, Jollibee Foods Corp., Magnolia, SMT Semiconductors, Coca-Cola, Slord Development Corp., at, siyempre, NutriAsia, lantarang di-sinusunod ang utos na iregularisa ang kontraktuwal na mga manggagawa nito na siyang utos ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa mga kompanyang nabanggit, NutriAsia ang pinakamatunog, matapos ang marahas na dispersal ng kompanya sa nakawelgang mga manggagawa noong Hulyo 30. Pero kahit sa pangyayaring ito, mas manedsment ang nabigyan ng ere sa midya. Dinakapagtataka: pinakamalalaking advertiser ng TV networks ang ilan sa mga kompanyang ito. Isa pa, notoryus din ang networks tulad ng ABS-CBN-2 at GMA-7 sa pag-eempleyo ng kontraktuwal na paggawa.

Bungkalan ng maralitang magsasaka sa tiwangwang na mga lupaing agrikultural

Muli, bahagyang nabanggit ang bungkalan at okupasyon ng mga magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP nang maganap ang masaker sa Sagay City, Negros Occidental sa siyam na magsasakang nagbubungkalan noong Oktubre 20. Pero tila mas gumuhit sa madla ang paninira ng Philippine National Police, na nagsabing mga miyembro ng New People’s Army daw ang pumatay sa mga magsasaka- -kahit na walang nagpapatunay rito at mas dapat na paghinalaan ang mga grupong paramilitar sa kakuntsaba ng mga Tolentino sa Hacienda Nene. Samantala, sa iba pang bahagi ng bansa, nagaganap din ang iba-ibang bungkalan sa tiwangwang na mga lupaing agrikultural, bilang aktibong pagtugon ng organisadong mga manggagawa sa kagutuman dulot ng monopolyo ng iilang panginoong maylupa at agrokorporasyon sa lupa.

Paninira at panghahati sa mga maralitang nag-okupa ng pampublikong pabahay sa Pandi

Kunwari’y pinamunuan ng isang Jeffrey Ariz ang 300 residenteng maralita mula sa okupadong pampbulikong pabahay sa Pandi, Bulacan na tumiwalag diumano sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dahil daw sakorupsiyon sa loob. Pero ang totoo, 30 lang ang tumiwalag, at sila iyung lokal na mga lider ng Kadamay sa Pandi na tinanggalan ng posisyon dahil nasangkot sa pagbenta ng bahay at iba pang iregularidad. Pinangunahan ni Ariz ang pananakot ng grupo niya sa libulibong residenteng patuloy na nakapaloob sa Kadamay. Pero sa midya, mas gumuhit ang nasabing maling impormasyon — pangunahin dahil nababalitang inayudahan ng National Housing Authority at pulisya ang grupo ni Ariz na kumonekta sa midya.

Tanim-baril at tanim-granada at iba pang gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista

Noong Pebrero, inaresto si Rafael Baylosis at isangkasamahan sa Quezon City, habang bitbit ang isang plastik ng organic rice. Pagdating sa himpilan ng pulisya, biglang nadiskubre diumano na may granadangnakatago sa bigas. Noong Oktubre 15, inaresto naman ang apat na aktibista (sina Adel Silva, Ireneo Atadero, Edisel Legaspi at Hedda Calderon), kasama ang drayber nila, sa Sta. Cruz, Laguna habang nakasakay sa isang maliit na kotse. Bigla, inanunsiyo ng pulis na nakakuha sila ng mga baril at granada sa sasakyan. Nitong Nobyembre 8, inaresto naman ang kapwa konsultant ni Silva ng National Democratic Front na si Vicente Ladlad sa isang bahay sa Quezon City. Nakuhanan daw siya ng pulisya ng M-16, AK-47, mga pistola, at bala. Nitong Disyembre 6, inaresto naman ang isa pang konsultant ng NDF, si Rey Casambre, kasama ang asawa niyang si Cora. Mga baril at pasabog muli ang nakuha raw sa kanya. Lantaran at halatang gawa-gawa ang mga kaso sa kanila. Samantala, gawa-gawang kaso sa malalayong lugar na di pa nila napupuntahan ang isinampa sa mga bilanggong pulitikal tulad nina Rowena at Oliver Rosales, Moajo Maga, at iba pa.

Mga panganib na laman ng pederalismo at charter change

Binatikos ng madla si Mocha Uson, kasama si Drew Olivar, sa nag-viral na video nito na nakikitang malaswang sumasayaw si Olivar bilang bahagi ng pagpopopularisa sa kampanya ng rehimeng Duterte tungkol sa pederal na porma ng gobyerno. Pero hindi gaanong tinalakay rito ang aktuwal na nilalaman ng pederalismo, na sa esensiya’y pagkokonsentra ng kapangyarihang lokal sa iilang dominanteng mga pamilyang pulitiko (mga warlord o landlord sa iba’tibang probinsiya ng bansa). Nakapaloob din sa pagrerepaso ng Saligang Batas sa Kongreso ni Speaker Gloria Arroyo ang pagpapalawig sa termino ng nakaupong mga pulitiko. Pero pinakamasahol dito — at hindi gaanong nabibigyan-pansin — ang mga panukalang pahintulutan na ang 100 porsiyentong dayuhang pag-aari sa mga lupaing agrikultural, mga empresa at maging midya.

Paglaban sa gutom ng mga magsasaka ng Silangang Bisayas

Tuwing may sakuna, palaging binibigyan-diin sa dominanteng midya, lalo na sa mga patalastas ng malalaking TV networks, ang pagsisikap ng ordinaryong mga mamamayan na bumangon at mapagpunyagian ang lugmok na kalagayan dulot ng bagyo. Pero kung higit sa pagpupunyaging mabuhay, nagawa nilang aktibong ipaglaban ang kanilang karapatan at singilin ang mga maysala sasakuna, tila di na sila pinapansin. Noong Pebrero, nagpunta sa Maynila ang grupo ng mga magsasaka at mamamayan sa Samar, ang Samahan han Gudti nga Parag-uma – Sinirangan Bisayas o Sagupa, at People Surge, para iparating sa marami ang gutom na inaabot noon ng mga magsasaka sa Silangang Bisayas dahil sa paglaganap ng pesteng bacterial leaf blight o BLF at black bugs sa kanilang pananim simula pa 2016. Hindi sila inayudahan ng Department of Agriculture at pinagbantaan pa ng militar.

Pekeng krisis sa bigas

Sa pagsisimula ng taong 2018, agad na ibinalita ang papaliit na suplay diumano ng bigas ng National Food Authority (NFA). Ang naturang ahensiya ang nagsusuplay ng pinakamurang bigas na abot-kamay sa masa dahil sa ayudang pondo na binibigay ng gobyerno sa ahensiya para makabili ng bigas sa mga magsasaka. Pero yun na nga, papaubos na raw ang suplay. Ang solusyon ng gobyerno, umangkat ng mas marami pang bigas mula sa Vietnam at Thailand. Pero sa suri ng Bantay Bigas, lumalabas na artipisyal lang ang “krisis sa bigas” dahil may sapat na suplay dapat na naipoprodyus ang mga magsasakang Pilipino. Dahil sa “krisis” na ito, nagkaroon ng dahilan ang pribadong tagasuplay ng bigas na magtaas ng presyo o kaya magsagawa ng hoarding. Ang pinakaapektado ay ang mga magsasaka at ordinaryong mga mamamayang kumokonsumo sa bigas.

Duterte’s counter-insurgency measures will be defeated, Bicol NPA vows

0
BICOL–The New People’s Army (NPA) in the Bicol region vowed to defeat President Rodrigo Duterte’s latest counter-insurgency orders, saying the new militarist measures are barefaced efforts to extend martial rule and impose “fascist dictatorship” from Mindanao to the rest of the country. In a press conference days before the Communist Party of the Philippines (CPP) […]

Panimulang 12 tagumpay sa 50 taon

Ngayong Disyembre 26 ang ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines o CPP. Magaganap ito sa gitna ng kaliwa’t kanang atake at tuligsa ni Pangulong Duterte sa organisasyon. Nagpatupad pa nga ang gobyerno niya ng kampanya ng panunupil kontra sa “Red October,” na plano umano ng CPP at ibang grupo na patalsikin siya sa puwesto. Ang takot ni Duterte sa CPP ang isa sa maraming patunay na buhay ang kilusang Komunista, kahit matapos ang 50 taon.

Ang totoo, malaki na ang naging papel ng CPP sa kasaysayan at kasalukuyan. Kakampi man o kaaway nito, kinikilala iyan; nagkakatalo lang kung positibo o negatibo ang pagtingin. Anu-ano nga ba ang mga nagawa o “tagumpay” ng CPP na madaling kilalanin kahit ng mga hindi Komunista? Sa sumusunod, nakatala ang 12 tagumpay ng CPP sa 50-taong buhay nito; puwedeng-puwede pa itong dagdagan ng iba. Nagkataon naman na 12 rin ang bilang ng mga kasaping nagtatag ng CPP.

1. Paglaban at pagpapatalsik kay Marcos

Nasa kasaysayan na iyan: habang nakakulong, nanahimik, o umalis ng bansa ang mga pulitikong kalaban ni Marcos pagkadeklara ng Martial Law noong 1972, itinuloy ng CPP ang paglaban. Isinulong nito ang pakikibaka sa underground sa mga lungsod at bayan, at sa kanayunan sa porma ng New People’s Army o NPA na nagpahina sa militar. Pinalakas nito ang kilusang manggagawa, magsasaka, estudyante at ng ibang sektor, na nagpalawak ng mga protesta. Sa dulo, napuwersa ang US na bitawan ang alagang diktador.

2. Paglaban sa lahat ng sumunod na gobyerno kay Marcos

Dahil lahat ng rehimeng pumalit kay Marcos ay patuloy na naglingkod sa US at iilang naghaharing uri, nilabanan silang lahat ng CPP. Isang beses, dumulo ang paglaban sa pagkakapatalsik ng isa pang pangulo, si Estrada. Sinuman ang presidente, at gaano man kabango ang pangako niya, inaasahan ang mga Komunista na magsasalita at magpoprotesta sa mga kapalpakan at kasalanan niya. Tuluy-tuloy na ginawa ito ng CPP, kahit pa tuluy-tuloy rin ang panunupil ng mga rehimen.

3. Paglakas ng kilusan at paglaban ng masang anakpawis

Sa Pilipinas, kumpara sa ibang bansa, may malakas na kilusan ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang maralita. Ang mga sektor na ito ng lipunan, madalas na hindi pinapakinggan at kung nagsasalita ay binubusalan. At sa bawat pagsisikap nilang magpahayag, madalas na ang kasama nila, o nagbibigay ng inspirasyon sa kanila, ay ang mga Komunista. Kasama nila ang CPP sa pagsusulong sa interes ng masa, pag-aaral sa kalagayan, pagmumulat sa kanila, at pagpapalakas ng mga organisasyon nila.

4. Maraming tagumpay sa batayang antas

Sahod na naitaas, kontraktuwal na naging regular, benepisyong nakamit, tanggalang napigilan. Upa sa lupa na 4 napababa, lupang napamahagi at nasaka, iba’t ibang programang nagsulong ng kagalingan. Demolisyong napigilan, dagdag-matrikula na nahadlangan, kompanya ng pagmimina na napalayas. Organisasyong naitayo, lider na nasanay, kamulatang napalaganap. Napakaraming naipagtagumpay sa mga empresa, asyenda, sakahan, paaralan, at komunidad sa pamamagitan ng paglaban kasama ang CPP.

5. Mahusay na paliwanag sa mahahalagang tanong

Bakit naghihirap ang nakakarami sa sambayanan? Ano ang pagbabagong kailangan ng bansa natin? Paano ito makakamit? Nagbigay ang CPP ng malinaw na sagot sa mga tanong na ito, sa paglalapat nito ng tinatawag nitong Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kalagayan ng Pilipinas. Ang paliwanag ng CPP, malaganap sa hanay ng mga mamamayan at makatotohanan pa rin sa kabila ng maraming taon. Kahit mga kritikal sa CPP, hindi maiwasang alamin at tugunan ang mga paliwanag na ito.

6. Pagpapatuloy ng pakikibaka para sa kalayaan ng bayan

Lahat ng rehimen, naging sunud-sunuran sa US. Kung titingnan ang mga prinsipyong ipinaglaban nina Andres Bonifacio at maraming bayani, kailangang tuligsain at labanan ang dikta ng US at pagkatuta ng mga rehimen sa US. Hindi sila ang nagpapatuloy sa Rebolusyong 1896 laban sa kolonyalismong Espanyol, sa paghihimagsik laban sa kolonyalismong US at Japan, at sa paglaban sa neokolonyalismong US. Ang CPP, humahalaw ng aral sa mga naunang pakikibaka at ipinagpatuloy ang laban nila.

7. Pagtatayo at pamumuno sa NPA

Kapag sinabing “CPP,” madalas, inaakala nang awtomatiko ang “NPA.” Hindi laging ganito; sa iba’t ibang bansa, maraming partido ang may pangalang Komunista. Pero hindi lahat sila, o kaunti nga lang sa kanila, ang may armadong grupo gaya ng NPA. Isa na sa pinakamatagal na buhay na rebeldeng grupong armado ang NPA sa Asya at buong mundo. Sa kabila ng walang puknat at malupit na atake ng militar, ang sabi nga’y “hindi matalu-talo” ang NPA. Ang pamumuno ng CPP at pagiging malapit sa masa ang ilan sa dahilan.

8. Ambag sa pagpapalakas sa paglaban ng kababaihan, bakla at lesbiyana; Lumad, Igorot at iba pang katutubo; mga mamamayan sa iba’t ibang rehiyon; at para sa kalikasan

Sa ilang bansa, nabuo ang mga nabanggit na kilusan sa labas ng o laban sa progresibong kilusan. Sa Pilipinas, mahigpit silang kaugnay ng kilusang Komunista. Tinanganan ng CPP ang abanteng paninindigan laban sa kaayusang piyudal-patriyarkal, sobinismo sa mga pambansang minorya, dominasyon ng punong lungsod at ilang rehiyon sa bansa, at pag-abuso’t pagwasak sa kalikasan.

9. Pagpapanday at pagpapalaganap ng rebolusyunaryong kultura at sining

Itinulak ng CPP ang pagbuhay sa rebolusyunaryo at progresibo sa kultura at sining ng bansa, at sa pagpapanday ng bagong rebolusyonaryong kultura at sining. Saksi ang 50 taon sa paglabas ng mga rebolusyonaryong tula, kuwento, nobela, kanta, sining-biswal, teatro, at iba pa. Buhay at malaganap ito sa milyun-milyong magsasaka, manggagawa, maralita at iba pang sektor. Iniimpluwensiyahan nito maging ang kultura at sining na malaganap at dominante sa lipunan ngayon.

10. Paghubog sa nasyunalismo

Mababaw ang pakahulugan sa nasyunalismo ng gobyerno. Nagkakasya na ito sa pambansang awit at watawat, pagiging mabuting mamamayan, mga kaugaliang Pilipino, at iba pa. Paano, naglilingkod ito sa dayuhan at iilan; hindi nito mapangatawanan ang nasyunalismo. Sa Pilipinas, kapag sinabing “makabayan,” ibig sabihin, maka-Kaliwa o Komunista pa nga. Mas malinaw at malakas ang pakahulugan ng CPP sa pagiging makabayan — pagtindig at pakikibaka para sa nakakarami, laban sa dayuhang mananakop at alipores nila.

11. Pagpapalaganap ng organisadong paglaban

May mga bansa na ang porma ng paglaban ng mga mamamayan ay pabugsu-bugso, gaya ng terorismo, rayot sa lansangan, minsanang protesta, o pagboto sa eleksyon. Sa Pilipinas, kapag sinabing lalaban ang mamamayan, ang nabubuong larawan: pagtatayo ng organisasyon, pagpapataas ng kamulatan, paglulunsad ng mga protesta, at maging “pamumundok.” Ang paglaban, may tanaw sa hinaharap; hindi basta maibulalas lang. Ang paggamit ng pwersa, may disiplina; at hindi nakaturol sa sibilyan.

Luis Jalandoni, together with wife and fellow NDFP negotiator Coni Ledesma, in a press forum sponsored by PinoyMedia Center last April 2015. Boy Bagwis

12. Mahusay na pagsusuri sa mga usaping internasyunal

May matibay at natatanging ambag ang CPP sa pagsusuri sa mahahalaga at masisigalot na isyu sa mundo: gera at pandarambong ng imperyalismong US, modernong rebisyunismo o pagtataksil sa sosyalismo, imperyalistang atakeng neoliberal sa mga mamamayan ng daigdig, at ngayon, sumisibol na imperyalismong China. Maraming progresibo sa mundo na sumasangguni sa pagsusuri ng mga Komunistang Pinoy, bukod pa sa pagsusulong ng pakikibaka sa sariling bansa.

Muli, panimula lang ang listahang ito. Panimula, dahil pwede pang dagdagan ng iba. At panimula, dahil hindi pa diyan nagtatapos. Hindi lang dahil ang mga Komunista ay puspos ng diwa ni Francisco Dagohoy, na nag-alsa ng 85 taon. Mas sopistikado na sa pag-aalsang Dagohoy ang CPP at mas matindi ang krisis ngayon. Panimula, dahil patuloy na lumalakas ang CPP, at lalaban ito hanggang sa inaasam nitong tagumpay: ang pagbabagsak sa mga naghahari at paghawak sa kapangyarihang pampulitika — at paglikha ng mas marami pang tagumpay.