Around 700 community leaders and activists are now slapped with trumped-up charges, an “indicative of a sweeping crackdown on political dissenters,” according to human rights group Barug Katungod Mindanao.
Rights group enjoins Filipinos to march against martial law extension, repression, dictatorship this December 10
Free the Casambres! Free all political prisoners!
Casambre arrest proves Duterte ‘cannot be trusted’
Wikang Pambansa vs kolonyal na edukasyon
Pinagtibay kamakailan ng Korte Suprema ang Commission on Higher Education (CHEd) Memorandum 20 (CMO 20) na nagtatanggal sa wikang Filipino bilang isa sa mga batayang sabdyek na kailangang kunin sa kolehiyo. Sa kabila ito ng paghahain ng temporary restraining order (TRO) ng grupong Tanggol Wika noong nakaraang taon laban sa implementasyon nito.
Kung titingnan, hindi na bago sa kasaysayan ng Wikang Pambansa ang pangangailangang patuloy na igiit ang wastong lugar nito sa sistema ng edukasyon. Bagamat malinaw na pinagtitibay sa Konstitusyong 1987 ang paggamit at pagpapatatag sa wikang Filipino sa mga paaralan, mauugat sa mahabang kasaysayan ng kolonyal na edukasyon sa bansa ang patuloy na pagsasawalang bahala rito habang sa kabilang banda nama’y patuloy na binabantayog ang wikang Ingles.
Ugat ng kolonyal na edukasyon
Sa panahon ng mga Amerikano, epektibong ginamit ang pagpapatupad sa sistema ng pampublikong edukasyon para itaguyod ang interes ng mga bagong mananakop. Sa ilalim nito, Ingles ang naging wikang panturo at awtomatikong naging wika ng kaalaman. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga libro at teksbuk sa wikang Ingles, nagawa nitong bihagin ang pag-iisip ng mga Pilipino na natutunang sambahin ang kultura’t pamumuhay ng mga Amerikano. Samantala, sinadya namang burahin sa alaala ng mga magaaral ang maningning na kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipinong bayani’t rebolusyonaryo.
Sa puntong ito ng kasaysayan mauugat ang “misedukasyon” ng mga Pilipino ayon nga sa sanaysay ng makabayang historyador na si Renato Constantino. Aniya, “Ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan. Kinailangan alisin sa kanila ang kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan ng isang kolonyang bayan.”
Sa kalaunan, mapapagtibay ang Ingles bilang wika ng mga elite at edukado sa lipunan. Ang mga produkto ng kolonyal na edukasyon na ito ang siya ring magbibigay daan sa pagkaluklok ng mga burukrata at ng mga pulitiko’t intelektuwal sa bansa na laging maaasahang tagapagtaguyod ng mga interes na pabor sa mananakop.
Neoliberal na atake sa wika
Ngunit hindi lang ang mahabang kasaysayan ng kolonyal na edukasyon ang nagsisilbing sagka sa pagpapalakas at pagtataguyod ng wikang Filipino sa mga paaralan. Tumatagos din sa usapin ng Wikang Pambansa ang patuloy na pagsuhay ng pamahalaan sa neoliberal na mga patakaran sa ekonomiya.
Para sa isang mahirap na bansa gaya ng Pilipinas, ang malaking bilang ng libo-libong mamamayang lumalabas ng bansa ang inaasahan ng gobyerno para magsalba sa ekonomiya nito. Sa ilalim ng labor export policy ng mga nagdaang rehimen, tinutulak ang mga mamamayan para manilbihan bilang skilled o semi-skilled workers sa ibang bansa.
Kaugnay nito, hindi na nakapagtataka kung bakit labis labis ang pagbibigay diin ng sistema ng edukasyon sa wikang Ingles. Tugon ito ng gobyerno sa pangangailangan ng mayayamang bansa at maging sa dikta na rin ng global na merkado para sa mga manggagawang nakakaunawa’t nakakapagsulat ng kahit papaano’y sapat na Ingles. Sa ganitong layunin din nakapadrino ang pagdisenyo sa mga kurikulum sa bansa. Sa ilalim ng naturang balangkas, masusuri sa programang K+12 ang pagsalubong ng gobyerno sa pangangailangan ng mauunlad na bansa para sa murang lakas-paggawa mula sa mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.
Hamon ng panahon, makabayang edukasyon
Taliwas sa pangako nito, nagsilbi lamang na malaking sagka sa sariling pag-unlad ng bansa ang labis na pagpapahalaga at pagpapatibay sa wikang Ingles sa paaralan. Namayagpag ito bilang wika ng kolonyalista at sa kalauna’y wika ng elite na siya ring patuloy na nagtataguyod ng interes ng mga dayuhan.
Ang pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon ang sagot para sa isang bansang may mahabang kasaysayan ng kolonyalismo at pangangayupapa sa dayuhang interes. Ani nga ni Constantino sa kanyang sanaysay tungkol sa makabayang edukasyon, “Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kanikanilang mga sarili.”
Sa bagay na ito, wikang Filipino ang magsisilbing pinakaepektibong daluyan ng mga makabayang damdami’t adhikain ng isang bansang matagal na panahong alila ng dayuhang kaisipa’t interes.
Kaso nina Ka Satur: ano nga ba talaga?
Balita sa mga dyaryo ngayon ang ginawang paghuli kina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Representative France Castro, 4 na pastor, 9 na mga guro at iba pang mga kasama.
Ang reklamo sa kanila ay ang di- umano’y paglabag sa salang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 (Republic Act 10364) kaugnay ng Anti-Child Abuse Law (Republic Act 7610).
Sina Ka Satur at mga kasama ay hinuli sa isang police checkpoint sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte noong mga alas 10:00 ng gabi noong Nobyembre 28, 2018.
Ayon sa mga pulis, ang grupo nina Ka Satur ay may mga kasamang 14 na menor de edad na kabataan na estudyante ng Salugpungan Learning Center, isang paaralan para sa mga Lumad.
Ang nasabing mga bata ay balak sana ng grupo nina Ka Satur na dalhin mula sa Barangay Palma Gil sa Talaingod, Davao del Norte patungo sa Maco sa Compostela Valley.
Ayon sa kapulisan dapat ay may dalang “parental consent” o dokumento ng pagsangayon ng mga magulang, para sa mga bata, ang grupo nina Ka Satur.
Dahil di umano ay wala silang maipapakitang anumang dokumento kaya sila kinasuhan ng mga pulis. Ang Salugpungan Learning Center diumano ay pinasara na ng Department of Education, dahil sa tinuturuan nito ang mga kabataan upang magrebelde sa pamahalaan, sabi pa ng kapulisan.
Ayon naman sa grupo nina Ka Satur, sila ay nandoon para magdala ng school supplies at pagkain sa komunidad bilang bahagi ng kanilang National Solidarity Mission.
Nagkataon namang noong Nobyembre 28, 2018, bandang alas 6:00 ng hapon, pinilit na sarhan ng grupo ng militar na kung tawagin ay Alamara ang Salugpungan Learning Center.
Humingi ng tulong sa grupo nina Ka Satur ang mga tumakas na taga paaralan at sila naman ay kaagad na pinuntahan ng mga ito.
Magkasama na sana sila ngunit pagdating sa checkpoint, doon na pinatigil at inaresto ang grupo nina Ka Satur.
Ngunit pagdating sa piskalya, ang tanging naisampa ng piskal na demanda ay ang Anti-Child Abuse Law lamang.
Ang kasong ito ay may pyansang P80,000.00 bawa’t isa at agad namang nagpyansa sina Ka Satur.
Ngunit ano ba talaga ang probisyon ng RA7610 at RA10364 na umano ay nilabag ng grupo ni Ka Satur?
Ipingbabawal ng batas na ito ang pagbibiyahe sa isang tao para siya ay magamit sa sapilitang pagtatrabaho, eksploytasyong sekswal, pang-aalipin, o pagtanggal at pagbenta sa mga panloob na bahagi ng kanyang katawan.
Ang RA 7610 naman ay ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination. Naaprubahan ito ng 1992.
Ayon sa batas na ito ay bawal ang “child abuse” o pangaabuso sa bata na maaring maganap sa pamagitan ng pagkaroon ng pang-aabuso, kapabayaan, kalupitan, pang-aabusong sekswal, masamang salita, pagkakait sa batayang pangangailangan, hindi pagbibigay ng pangangailangang medikal o pagsagawa ng mga bagay na makakaapekto sa normal na paglago ng isang bata.
Malinaw na ang ginawa nina Ka Satur ay labas sa nilalaman ng mga batas na ito.
Malinaw din na ang pagsampa sa kanila ng kaso ay upang patigilin ang kanilang patuloy na pagkilos upang itaguyod at proteksyunan ang karapatang pantao.
Ano pa ang hinihintay natin mga kasama? Halina at samahan sina Ka Satur!