Home Blog Page 467

Environmentalists urge Sara to sign ordinance to protect Shrine Hills

0

After the City council of Davao amended the 2013 Comprehensive Zoning Ordinance, environmental group Interface Development Interventions (IDIS) now urge the City Mayor’s office to sign the amended ordinance and implement it with tight monitoring.

Ladlad, Villamors suffering from maltreatment

0
National Democratic Front of the Philippines peace consultant Vicente Ladlad and companions are suffering from maltreatment in Camp Karingal, his wife complained in an “emergency bulletin.” Ladlad’s wife Fides Lim announced on her Facebook account that Ladlad and his companion Alberto Villamor were “suddenly ordered transferred to a small, congested prison cell for detainees accused […]

Martial law victims want Imelda behind bars

0
Martial law victims and activists held a picket protest outside Sandiganbayan office in Quezon City to demand for the arrest warrant for Imelda Marcos following its guilty verdict against the former First Lady. Samahan ng mga Ex-detainees laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) welcomed the conviction and asked the court to immediately put Marcos behind […]

‘Masugid na peoples’ lawyer’

0
Si Ben Ramos ay isang masugid na people’s lawyer, abogado ng mga magsasaka, abogado ng napakaraming political prisoner. Dahil dito, siya ay pinatay.–Atty. Rey Cortez, Secretary General, National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)

Laya(s): Ang Kahirapan sa Islang Mayaman

0

Muling binuksan sa publiko ang Boracay noong Oktubre 26 matapos ang anim na buwang pagpapasara nito sa utos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pangunahing layunin nito ang rehabilitasyon at pagtitiyak sa tamang permit at pagsunod sa regulasyon ng mga establisyemento sa buong isla. Ang Boracay ay tinaguriang isa sa pinakamagandang isla sa mundo.

Maraming lokal ng isla na handa na ring bumalik sa naiwan at naantalang trabaho, ngunit dahil sa limitado na lamang ang pagpasok ng turista may mga pangamba pa rin ang mga manggagawa na tuluyang mawalan ng trabaho.

Sa naganap na pagpapalayas sa mga manggagawa’t turista upang i-rehabilitate o ayusin ang isla, may isang bahagi nito ang hindi pa nalinis. Sa likod ng magandang dalampasigan, ang itinagong katutubo sa mata ng mga turista, ang mga Ati. Sila ang unang napalayas bago pa man ang paglilinis.

Nasa gunita ng mga lokal ng isla ang kasaysayan at yaman ng isla. Malinaw sa kanilang alaala na sila ang mga naunang nanakawan, ang nawalan hanggang sa napalayas sa kanilang sariling espasyo.

Higit pa sa pagdumi ng isla ang problema ng mga katutubong Ati. Marami sa kanila ang nanakawan ng sariling lupain. Naging limitado rin ang kanilang paglalakad sa kahabaan ng dalampasigan dahil itinuturing silang mga eyesore. Limitado rin ang oportunidad sa trabaho, lalo na sa mga hotel dahil na rin sa pisikal na katangiang maitim, maliit at kulot, dagdag pa rito ang mababang narating sa larangan ng edukasyon. Ilan lamang ito sa kalagayan ng mga katutubong Ati, na ang ilan sa kanilang lider ay pinatahimik (pinatay) dahil na rin sa pagtatayugod ng kanilang karapatan tulad na lamang ni Dexter Condez.

Isa ring nakaaalarmang proyekto ng lokal na pamahalaan, ang pagsasama-sama nila sa tinatawag na Ati Village na kung saan nagmimistula silang exhibit sa mga mata ng turista. Ang diumanong pamayanan ay nagtataguyod para sa kanilang kabuhayan, maayos na tirahan at pagbibigay seguridad.

Noong Nobyembre 8, nagbigay naman land ownership certificate si Pangulong Duterte sa 45 pamilyang benepisyaryo ng reporma sa lupa mula sa Boracay Ati Tribal Organization para sa 3.2 ektaryang lupa na pag-aari ng gobyerno sa Boracay. Kung tutuusin, maliit pa ring lupa ito sa dapat na lupang ninuno ng mga Ati. At nakakabahala na kaakibat ng pagbibigay ng lupa at programang reporma sa lupa ang pag-uudyok sa mga Ati na ipagbili ang lupa matapos ang 10 taon na pagbabawal sa pagbebenta. Hindi nga ba’t iyon mismo ang kahinaan at butas ng mga programa sa reporma sa lupa sa bansa? Bumabalik ang konsentrasyon ng lupa sa mayayaman at makapangyarihan sapagka’t wala namang pondo at kakayahan ang mga binibigyan ng lupa para pagyamanin ang lupa—kung kaya’t mas nakikita nilang mainam na ibenta ito. Baka matapos ang 10 taon ay makita naman nating ‘ligal’ nang mapalayas ang mga Ati dahil sa kung sila’y mahirapan baka matulak silang maibenta ang kanilang lupang ninuno.

Sa kabila ng pagbabago at pagpapaunlad ng isla, mahalagang maisabay rin ang antas ng pamumuhay ng mga lokal na Ati. Napalaya man natin sa karumihan ang isla, hindi naman natin napalaya ang katutubong nababaon sa dumi ng pang-aalipusta ng mga korporasyong banyaga at lokal.

Sa muling pagbabalik ng ingay at sikip ng isla mula sa dagsa ng turista, sana hindi makalimutang paingayin ang isyu ng mga Aklano—na mapalaya sa mahirap na panlipunang kalagayan sa mayamang isla.

The post Laya(s): Ang Kahirapan sa Islang Mayaman appeared first on Manila Today.

Inang Wika ni Amado V. Hernandez

0

Ako’y ikakasal…
sa aming tahana’y
masayang katulad ng parol kung pista, magara’t makulay;
kangina pa’y walang patlang ang tugtugan,
agos ang regalo’t buhos ang inuman;
ang aking magiging kabiyak ng buhay
isang kanluraning mutyang paraluman:
marilag, marangya, balita, mayaman,
sadyang pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.

Sa tanging sasakyan
nang kami’y lumulan,
may natanaw ako sa tapat ng bahay
na isang matandang babaing luhaan;
subali’t sa gitna ng kaligayahan,
sa harap ng aking gintong kapalaran,
siya ay hindi ko binati man lamang
at hindi ko siya pinansin man lamang,
tuluy-tuloy kami sa nagagayakang simbahan sa bayan.
Kapwa maligayang nagsiluhod kapwa
sa paa ng altar, sa pilak at gintong masamyong dambana:
pagkasaya-saya’t ang mga kampana
ay nagtitimpalak sa pagbabalita
ng aming kasalang lubhang maharlika:
datapwa,
ang larawang buhay ng kaawa-awa
–ang matandang yaon—wari’y nakalimbag sa mata ko’t diwa;
at ang tumutulong luha ng kandila
tila ang kanya ring masaklap na luha;
gayon man, sa piling ng kahanga-hanga
at sakdal ng gandang kaisangpuso ko’y niwalangbahala
ang pagkabalisa, at ang aking budhi’y dagling pinayapa.

Natapos ang kasal…
maligayang bati, birong maaanghang
at saboy ng bigas ang tinanggap namin pagbaba sa altar;
nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyan
ay may alingasngas akong napakinggan…
at aking natanaw;
yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
at siya’y patakbong aking nilapitan;
nang kandungin ko na sa aking kandungan,
sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’t kalungkutan,
masuyong nangiti’t maamong tinuran:

“Bunso ko… paalam…
Ako ang ina mong sawing kapalaran!”
at ang kulang-palad ay napalungayngay
at nang aking hagkan
ay wala nang buhay.
Sa nanginginig kong bisig din namatay!
Siya’y niyakap ko nang napakatagal:
Inang! Inang! Inang!
Ayaw nang balikan
ng tibok ang pusong sa hirap nawindang
kahit dinilig ko ng saganang luha ang kawawang bangkay

Noon ko natanong ang ina kong mahal,
ang Inang wika kong sa aki’y nagbigay
ng lahat kong muni, pangarap at dangal,
subalit tinikis sa gitna ng aking ginhawa’t tagumpay,
at mandi’y pulubing lumaboy sa labis na karalitaan,
namatay sa kanyang dalamhating taglay
nang ako’y sa ibang mapalad magmahal,
nang ako’y… tuluyang pakasal
sa Wikang Dayuhan!

The post Inang Wika ni Amado V. Hernandez appeared first on Manila Today.

A brief Profile of Filipinos in Italy

0

By Belarmino Dabalos Saguing

Italy hosts the largest population of Overseas Fiipino Workers in Western Europe according to Italian Forign Affairs statistics. The Italian Ministry of Interior reports of 167,859 total number of documented Filipinos scattered in Italian regions, of which 72,599 are males and 95,260 are females. The highest concentrations are in the regions of Lombardy – 58,412 and Lazio – 46,282. Estimate numbers of undocumented Filipinos vary widely from 20,000 to80,000. (Source: ISTAT Jan. 1 2018)

Filipinos were among the first immigrant groups to work in Italy, starting in the early 1970s. They constitute the sixth largest foreign community after the Romanians, Albanians, Moroccans, Chinese and Ukrainians. Most Filipinos are concentrated in major cities like Milan(42,236), Rome41,311), Some 20.4 percent are found in other municipalities.

They work mainly as domestic helpers or family caregivers. Some have found work in shops, factories and in various services. With the employment opportunities available, Filipino women outnumber Filipino males–72,599 males vs. 95,260 females – with valid work permits. The rest are their dependents – 14, 551 to 15,565. Italy is the fourth largest source of remittances to the Philippines. In per capita remittances, Filipinos rank second only to Chinese immigrants.

The Italian economy is industrialized and diversified. It is dominated by the manufacture of high-quality consumer goods produced by small and medium-size enterprises, many of them family owned. Italy also has a sizable underground, untaxed economy, which by some estimates accounts for as much as 17 percent of the gross national product.

However, Italy is divided into a developed industrial north, dominated by private companies, and a less developed, welfare-dependent, agricultural south, with high unemployment. Italy is the third-largest economy in the euro-zone, but it is saddled with high public debt and has imposed austerity measures. Its decreasing native labor force, due to aging population and low fertility rate add to its burdens. Thus,immigrants became an important force in the economy. Four million Immigrants now contribute about 11 percent of the Italian gross domestic product and pay taxes amounting to about €33 billion. The 3.5 percent of the companies that migrants own and operate pay some €7.5 billion of the country’s social security (Caritas Migrantes – Dossier Sull’ Immigrazione).

The government, aware of Italy’s need for migrant labor to work on farms and in factories and fill other work that many native Italians are reluctant to do, has instituted several amnesty programs to regularize the stay of undocumented workers. It also has a family reunification program that allows immigrant parents to send for their children up to the age of 18 years. In 2008 up to 16 percent of Filipinos came to the country to join their families compared with almost 79 percent who came for employment (Colombo and Martini, 2010). The rise in the Filipino birth rate in Italy is contributing to the growing Filipino population. Some 1,598 Filipino babies were born in 2008 alone.

Although not immune to discrimination and abuse, Filipinos do not suffer as much as trafficked immigrants. Employers value them for their familiarity with English and their work ethic. They are also credited with revitalizing parishes that have suffered from the loss of native congregants.

But culture, language and race hinders their full assimilation into Italian society. Filipino children and youth brought to Italy tend to suffer the most. Emotional and identity issues confront them, and they can be vulnerable to risky behavior. Italian-born Filipinos have fewer problems integrating. They become in many ways, as Italian as any native Italian children, taking on many of their values, culture and habits. This cause considerable conflicts in some cases, with Filipino parents who consider Italian children and youth as too disrespectful to parents.
At present, there are more than 70 Filipino community organizations all over Italy. Most are church based and often have close links with priests and chaplaincies that minister to their religious and counseling needs.

The migration policies of the present extreme right populist government of Italy is posing problems to undocumented Filipinos and other foreign nationals in the country.

Ilang implikasyon ng humuhusay na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at China

0

Introduksyon

Bagamat Japan at US ang may pinakamalaking lagak na pamumuhunan (foreign direct investments o FDI stock) sa bansa at pang-walo lang ang China sa halaga ng approved FDI sa unang semestre ng 2018, lumalaki ang daloy ng pamumuhuhan (FDI inflows) ng China sa Pilipinas. Umabot ito sa US$1.043 bilyon sa ilalim ng dalawang taon lamang (July 2016-July 2018) ng administrasyong Duterte kumpara sa US$1.231 bilyon sa kabuuan ng termino ni Aquino at US$825 milyon ni Arroyo. Sa unang semestre ng 2018, nilampasan ng US$175 milyong FDI ng China ang US$154 milyong FDI ng Japan at US$84 milyong FDI ng US.

Sa larangan ng official development assistance (ODA), mahigit sa kalahati ng ODA sa bansa ay mula pa rin sa Japan (US$5.3 bilyon) at sa pinangungunahang bangko nito, ang Asian Development Bank (ADB) (US$2.3 bilyon), at sa US (US$730 milyon). Gayunman, lumobo ang ODA mula sa China mula US$1.5 milyon lamang noong 2016 tungong US$63.5 milyon noong 2017.

Sa kalakalan, sinasabing ang China na ang pangunahing trading partner ng Pilipinas, isang penomenon na maoobserbahan mula pa 2010. Nitong Setyembre, inungusan ng China ang US bilang destinasyon ng exports ng Pilipinas na nagkakahalaga ng US$1.545 bilyon kumpara sa US$966.35 milyon lang papuntang US. China na rin ang pangunahing pinagmumulan ng imports ng Pilipinas: 19% (US$1.8 bilyon) ito ng kabuuang imports.

Nakatatlong bisita na rin sa China si Duterte kasama ang malaking entourage ng mga negosyante at opisyal ng gobyerno sa loob lamang ng dalawang taon. Ang huli ay nagbunga ng 24 kasunduan, kasama ang US$15 bilyon-halagang mga memorandum of agreement (MOA) at US$9 bilyon na utang.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano ang implikasyon nito sa atrasadong ekonomiya ng Pilipinas at sa analisis na US ang dominanteng imperyalistang bansa na kumukubabaw dito. Binabasa rin ng marami kung ano ang tunguhin ng gobyernong Duterte sa relasyon sa China at US at nagkaroon ng ganitong penomenal na paglago.

China na ba, sa halip na US?

Mahalagang linawin na ang kapital ng US at ang kanyang junior partner, ang Japan, ang siya pa ring dominante sa bansa. Mahalagang datos ang FDI stock dahil ito ang napapaikot sa ekonomiya at may konsiderableng impluwensya, maging sa pang-akit ng ibang FDI o pagbunsod ng capital flight. Sa usapin na lang ng portfolio investment o hot money, 43% pa rin ang bahagi ng US, habang 6% lang sa mainland China at 3% sa Hong Kong. Kayang-kaya pa ring yanigin ng US ang kanyang mala-kolonya.

Sa ODA, maliit lang ang komitment mula sa China kumpara sa US at Japan. Mahalaga ring banggitin na ang kasalukuyang suporta mula sa US ay mas malawak ang saklaw, hindi lang dahil ito ay military at security aid, kundi nakapaloob pa rito ang masaklaw na mga policy dictates ng Partnership for Growth (PFG).

Sa kalakalan, katulad ng nabanggit, mahalaga ang papel ng China bilang nangungunang kontraktor sa Factory Asia. Mahalagang aralin din ang FDI mismo sa China at kung paano ito makakaapekto sa sarili nyang kalalakan.

Sa kalakalan ng Pilipinas, electronic products pa rin ang nangunguna. Sa diwa pa ito ng papel ng Pilipinas sa global value chains (GVC) ng mga transnational corporations (TNC) na dumadaan din sa China. Sa imports naman, nagsisilbing lokasyon ang Pilipinas sa manupaktura ng mga TNCs. Mapapansin din ang paglaki ng importasyon ng mga kagamitan para sa konstruksyon sa panahon ni Duterte kaugnay ng Build, Build, Build (BBB). Samakatuwid, ang mga Chinese exporters sa Pilipinas ay mga nangungunang kontraktor para sa GVC. Samantala, ang mga Chinese firms na nasa bansa na nag-iimport ng kailangang materyales para sa konstruksyon ay maaaring siya rin mismong kontraktor ng mga imprastraktura o sila ay nagbibigay serbisyo lamang para sa konstruksyon. Anupaman, katulad ng nabanggit, ang approved FDI na inuulat ng mga EPZs ay kalakhan mula sa Japan at US pa rin. Mataas pa nga ang galing sa ASEAN katulad ng Indonesia at Malaysia. Ang kahulugan nito, mistulang lokasyon pa rin ang Pilipinas ng pamumuhunan ng mga TNCs para sa kalakalan habang ang China ay nagsisilbing traffic o daluyan ng GVC.

Ang katangian ng kapital mula sa China

Walang opisyal na datos kung nasaang sektor at anong tipo ng Chinese FDI nga ba ang nakalagak sa bansa. Sinisikap pa ng IBON na tilarin ang mga hiwa-hiwalay na datos. Subalit mahalagang banggitin ang mga partikular na katangian ng kapital mula sa China.

Una, upang mamantini ng China ang pamumuhunan sa fixed assets sa kanyang ekonomiya (na host ng malaking global FDI bilang sweatshop ng mundo) at ang kanyang export competitiveness, kinokontrol nito ang kanyang currency. Ginagamit nya kung gayon ang Hong Kong bilang intermediary na lilikha ng isang liberalized currency na pinakikinabangan ng mga Chinese firms. Minsan pa nga, ang kanilang nakalagak na kapital sa Hong Kong ay bumabalik sa China bilang ‘foreign investments’ at nakikinabang sa mga insentiba na binibigay ng gobyerno ng China sa FDI.

Pangalawa, ang monopolyo ng estado sa pamamagitan ng mga state-owned enterprises (SOEs) ay nagbibigay-karakter sa FDI na animo ito ay ODA gayong pamumuhunan naman ito ng mga pribadong korporasyon na pag-aari ng mga Chinese officials.

Pangatlo, dahil nga sa malakas na interbensyon ng estado sa imperyalistang tunguhin ng China, mahalaga para rito ang kabukasan ng mga gobyerno ng host countries katulad ng kabukasan ng administrasyong Duterte.

Sa ngayon, maaaring hatiin ang Chinese FDI sa dalawa: Sa isang banda, nariyan ang malalaking pamumuhunan na may malalim na impact sa ekonomiya ng host at kadalasan ay nasa mga estratehikong sektor. Sa kabilang banda naman ang mga maliliit na pribadong namumuhunan na kadalasan ay mga small and medium enterprises.

Ang mga malalaking FDI ay kadalasang nasa imprastraktura, malalaking pasilidad, mga sektor ng ekonomiya katulad ng enerhiya o transportasyon, at iba pa. Maaari itong ODA na pinopondohan ng Chinese Exim Bank o Chinese Development Bank. Maaaring SOEs o mga pribadong monopolyo ang nangunguna, kasama ang pagtukoy ng mga pangangailangan ng materyales at paggamit ng lakas-paggawa ng China. Minsan tinatawag itong ‘government-to-government’ o G2G sa laki, subalit mali ang katawagang ito dahil bagamat estado ng China ang may huling desisyon sa mga pamumuhunang ito, pinangungunahan ang mga ito ng mga pribadong monopolyo. Ang mga maliliit naman ay makikita sa mga export processing zones (EPZs) at mga di-gaanong estratehikong sektor. Hindi sila umaasa sa mga bangko o estado ng China. May ilang pag-aaral na nagsasabing di-hamak na mas marami ang mga maliliit na kumpanyang Chinese namumuhunan sa Pilipinas kesa malalaki.

Ilan sa mga malalaking kapital ng China sa ilalim ni Duterte ay nasa mga estratehikong sektor ng transportasyon katulad ng PNR South Long Haul at Mindanao Railway, Subic-Clark Railway, at Mindanao Railway; sa tubig at irigasyon katulad ng Chico River Pump Irrigation Project, New Centennial Water Source-Kaliwa Dam, at Ilocos Norte Irrigation; roads and bridges katulad ng mga tulay sa Pasig-Marikina, Davao-Samal, Davao River, Davao City Expressway, Panay-Guimaras-Negros, at Camarines Sur Expressway; enerhiya katulad ng Agus-Pulangui Hydroelectric Power; at flood control katulad ng Ambay-Simuai Rio Grande de Mindanao. Naglagak din ang China para sa konstruksyon ng command center ng PNP, BJMP at BFP sa Metro Manila at Davao.

Kasalukuyang nagkakahalaga ang mga proyekto ng Php392 bilyon – ang PNR South Long Haul ang pinakamalaki (Php3.2 bilyon). Ang halagang ito ay maliit pa rin kumpara sa ODA mula sa Japan. Sa katunayan ang buong Chinese ODA ay katumabas lamang ng Mega Manila Subway Project ng Japan.

Samantala, dumami ang mga maliliit na negosyante at turista mula sa China, na nakisosyo sa mga negosyanteng Pilipino sa real estate, tourism, retail, at maging sa services. Nanumbalik rin ang kumpyansa ng mga Chinese firms na muling mamuhunan sa pagmimina, na dati-rati ay ‘inuusig’ ng gobyernong Arroyo at Aquino.

Ang pakikipag-mabutihan ng gobyernong Duterte

May ilang nagsasabi na ang suporta ng China sa war on drugs ni Duterte ang siyang dahilan ng pakikipag-maigihan ng gobyerno sa dati-rati ay ‘inaway’ ng administrasyong Aquino. Isa sa mga proyektong ODA ng China ang pasilidad at kagamitan ng kapulisan upang diumano’y maipatupad nang mahusay ang war on drugs. Nakakuha rin ng mga baril at amunisyon ang gobyernong Duterte mula sa China para rito. Magpapatayo rin diumano ang China ng rehabilitation center.

Subalit simple lang ang klarong dahilan ng pakikipag-mabutihang ito. Napaka-ambisyoso ng BBB at mangangailangan ito ng Php8.4 trilyon sa kabuuang termino ng administrasyon. Subalit may pihit ang administrasyong Duterte mula kay Aquino – ang hybrid public-private partnership (PPP) kung saan ang gobyerno ang magpapatayo ng mga pasilidad at ang pribadong korporasyon ang mag-oopereyt at mantine. Pumihit din ang gobyerno sa cash-based budgeting upang hindi maantala ang mga proyekto. Mangangailangan kung gayon ang BBB ng madali, mabilis at malaking pondo, at China ang ganitong kakayahan. Ipinasa ng gobyernong Duterte ang TRAIN upang simulan ang pangangalap ng pondo.

Isinantabi ni Duterte ang ilang tagumpay ng Pilipinas kaugnay ng territorial dispute nito sa China at pinaamo ang huli sa mga anti-US na pahayag at syempre sa kongkretong pagbisita at pagdalo sa Belt and Road Initiative Summit kahit hindi miyembro ang Pilipinas rito. Nagpanukala rin ang gobyernong Duterte ng isang joint energy cooperation mula sa dati nang napirmahan ni Arroyo na Joint Maritime Seismic Undertaking o JMSU. Inaasahan din na dalawang oil exploration deals ang pipirmahan ni Duterte at itataon sa pagdating ni Xi Jinping. Gusto rin ng gobyernong Duterte na alisin na ang mga moratorium sa teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea na ipinataw ni Aquino.

Ano kung ganon ang isyu sa kapital ng China?

May ilang nagbababala na mababaon ang Pilipinas sa pagsandig sa kapital ng China. Mataas daw kasi ang interes ng Chinese ODA kumpara sa Japan. Halos para na ngang commercial loan rate ito. At dahil gobyerno ang kausap, deretso itong maniningil sa pondo ng pamahalaan.

Ang outstanding government debt nitong Agosto ay Php7.1 trilyon o 43% ng gross domestic product (GDP). Ang utang panlabas ng gobyerno at pribadong sektor ay Php8.2 trilyon o 25% ng GDP. Ang sa gobyerno ay 48% ng total. Nakakabahala nga ito.

Subalit commercial credit pa rin ang kalakhan ng utang panlabas ng Pilipinas. Sa bilateral, nangunguna pa rin ang Japan, mga multilateral agencies katulad ng World Bank at ADB, at ang US. Samakatuwid, hindi nagrerehistro ang China. Kung titingnan din, lumaki nang di-hamak ang lokal na utang ng gobyerno kumpara sa dayuhang panlabas. Bahagi rito ang paghina rin ng piso sa dolyar.

Mababaon sa utang ang gobyernong Duterte dahil na rin sa kanyang programa. Ang BBB at paggamit ng hybrid PPP na walang matibay na pundasyong industriyal sa ekonomiya ang magbabaon sa Pilipinas sa utang. Kailangang mag-import ng bansa ng lahat ng kagamitan para sa ambisyong programa sa imprastraktura. Mababa rin ang kapasidad hindi lang ng ekonomiya para sa malalaking proyekto kundi mismo ang kapasidad ng gobyerno na ipatupad ito.

Bagamat sa laki at halaga ng pamumuhunan, pautang at interes ay malayong maging bihag sa kapital ng China ang Pilipinas, ang mga terms of reference ng mga ‘kasunduan sa pamumuhunan’ ang magsasadlak sa bansa sa ibayong pagka-alipin. Tinatapakan nito ang soberanya ng bansa na isinusuko ng gobyernong Duterte sa pamamagitan ng pag-collateralize ng mga rekurso at state assets, pagsunod sa batas ng China, at pagpapailalim sa korte ng China. Ito ang kasunduan sa Chico River Irrigation Pump Project, halimbawa. Isinusuko rin ng gobyernong Duterte ang mga rekurso sa teritoryo ng bansa sa South China Sea. Kaugnay nito ang pagsusumiksik ng gobyernong Duterte sa Belt and Road Initiative upang maakit ang mga pamumuhunan. Bilang kapalit, pinapadulas ng Pilipinas ang naisin ng China sa buong karagatan.

Isang nakababahala sa gusto ng China na ‘kabukasan’ ng host country ang kawalang pagkilala ng China sa environmental, labor and social standards, kasama na ang karapatang pantao. At dapat ganito rin ang pamantayan ng Pilipinas. Umaalingasaw ding usapin ang korupsyon sa mga kasunduan dahil sa kawalan ng transparency sa mga ito at sa nagdudumilat na pagpabor ni Duterte sa mga Chinese firm at mga lokal na oligarkiya at kasosyo.###