Judge who ordered arrest of Satur et. al. inhibits, prosecutors mum
Duguan, lumalaban
Halos dalawang buwan na silang tinataboy, dinidispers, tinatakot. Noong araw na iyon, alas-tres ng hapon ng Hulyo 30, Lunes, habang nagsasagawa ng ecumenical mass ang mga manggagawa at tagasuporta nila, nagpatugtog nang malakas ang mga bantay ng planta ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.
“Wala silang patawad. Nagpatugtog pa ng ‘Budots,’” kuwento ni Reynante Godinez, 38, tumatayong tagapagsalita ng Nagkakaisang Manggagawa ng NutriAsia – Marilao Plant (NMN Marilao). Maingay na tugtog pangsayaw ang “Budots.” Nangungutya ba ang manedsment sa kalagayan ng mga manggagawa bilang kontraktuwal at tinanggal sa trabaho? Ang ibig sabihin kasi ng “budots”, tambay, walang trabaho. Pinauso ito ng mga tambay sa Davao City.
“Nakakuha sila (manedsment) ng permanent injunction order sa korte laban sa piketlayn namin. Dahil doon, nagdesisyon kami na ‘yung araw na ‘yun ay huling araw na namin (sa piketlayn). Kaya nagdesisyon kami na magpamisa. Para makita na hindi pa naman namin isinusuko ang laban,” kuwento ni Reynante.
Patapos na ang misa noon, at nagsalita na lang ang mga lider para magbigay ng mensahe sa mga manggagawa.”(May) puwersa na sa amin (ang mga security). Naghanay kami. Dinikdik kami sa gilid. Nung pagsabi natin na ipuwesto sa hanay, dinikdik kami nang dinikdik,” aniya.
Humanay ang mahigit 50 security ng NutriAsia. Armado ito ng malalaking truncheon at yantok. Sa kanilang hanay, mga pulis ng Bulacan. Isa sa mga nagkokomand, ang mismong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Meycauayan, Bulacan, si Supt. Santos Mera Jr.
“Mga siyam na minuto lang ang ang tinagal ng dispersal,” kuwento pa ni Reynante. Ang isang bahagi ng piketlayn, napaupo habang nagpopormasyon ang mga security at pulis. Pinaghahampas ng mga security ng kanilang truncheon ang nakaupong mga tao.
Nasa nakaupong hanay ng mga tao si Aling Leticia Retiza, 56, taga-Bulacan na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, isa sa maraming tagasuporta ng piketlayn ng mga manggagawa sa NutriAsia. Sa bidyo ng AlterMidya (alternatibong media network na nagkober noon sa piketlayn), nakita si Aling Leti na nakikiusap sa mga security. “Walang sakitan!” paalala niya. Ayon sa mga saksi, nang magkagulo, tinamaan siya ng malaking bato na mula sa hanay ng security.
* * *
Tuluy-tuloy na ang dispersal. Tulak, hampas ng yantok at truncheon ang inabot ng mga taong nasa piketlayn. Nandito ang mga manggagawa, kaanak nila, tagasuporta (nandoon ang ilang miyembro ng Anakbayan tulad nina Mark Quinto at Einstein Recedes, pangkalahatang kalihim ng organisasyon).
Kasabay ng paghahampas ang pagdampot ng mga security at pulis sa mga tao. Kinuha sina Mark at Einstein, at iba pa. Kinaladkad habang sumisigaw si Jon Bonifacio, estudyante ng BS Molecular Biology and Biotechnology at isang campus journalist sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Hinaltak ang mga manggagawa at ilang tagasuporta.
Hinaltak at nakaladkad din si Fr. Rollie de Leon, Katolikong pari na siyang isa sa mga nangasiwa sa misa. “Ang hitsura (noon) ni Fr. Rollie, parang ginahasa,” kuwento ni Fr. Marvin de Leon (walang relasyon), pari ng United Methodist Church na isa rin sa mga nangasiwa ng misa. Luray-luray ang damit ng pari. “Kinaladkad, hinila siya. May sumigaw lang na ‘taong-simbahan iyan’ (kaya natigil).” Ani Fr. Marvin, nagsasalita si Fr. Rollie sa sound system: “Sino po ang ground commander?” Pinagpatayan siya ng sound system. Kinuha ng mga security at pulis ang gamit na ito.
“Pati ‘yung crucifix at altar na ginamit namin (sa misa), di na nirespeto, nawasak ‘yun, Binalibag din ‘yung krus. Hindi namin alam kung nasaan na,” ani Fr. Marvin.
Samantala, nandoon din at nagkokober ang ilang miyembro ng alternatibong midya, ang AlterMidya at Radyo Natin-Guimba. Sina Eric Tandoc at Hiyasmin Saturay, dalawang documentary filmmakers na nagsisibling correspondents ng AlterMidya, gayundin ang isa pang correspondent na si Avon Ang at ang intern nitong si Psalty Caluza, estudyante sa UP College of Mass Communication.
Sa mga video ng dispersal, mula mismo kina Eric, Hiyasmin, at kay Jek Alcaraz ng Radyo Natin-Guimba, at sa mga miyembro ng Anakbayan at mismong mga manggagawa, nakita na tahimik na nagkokober ang mga miyembro ng midya nang hulihin sina Eric at Hiyasmin. Kinumpiska pati ang mga gamit nila, na tinatayang nagkakahalagang P100,000. Si Avon, tinutulungan ang sugatang si Aling Leti nang pati siya’y damputin.
“Umatras lang nang ilang metro ang mga manggagawa para malaman kung sino ang mga nasaktan o nadampot,” ani Reynante. “Inalam namin kung sino ang nagtago sa mga bahay (sa palibot ng piketlayn).”
* * *
Tapos na ang dispersal at nakaatras na ang mga manggagawa. Pero nagbahay-bahay pa ang mga pulis at guwardiya, kuwento pa ni Reynante. “Iyung iba, nasa ibang lugar na, hinabol pa rin nila. Yung mga bahay na inupahan ng mga manggagawa, mga apartment, pinuntahan nila, pinasok. Kinuha ang mga tao na nandoon,” aniya. Di niya tiyak kung ilan, pero may mga nakuha sa mga bahay na nakasama sa 19 na kinulong ng pulis.
“Yung manedsment, pinuntahan ‘yung mga bahay na malalapit dun sa piketlayn. Kinausap ang mga may-ari ng mga bahay para paalisin (ang mga manggagawa),” ani Reynante.
Dinala sa PNP Meycauayan ang 19 katao, kasama sina Eric, Hiyasmin, Avon, Psalty, Jon, Einstein, at Mark. Gabi na nang matunton ng rumespondeng paralegal team at mga tagasuporta.
Madaling araw na rin nang dalhin sila sa Malolos Provincial Hospital para ipasailalim sa medico-legal exam. Umaga na nang dalhin sila sa piskal para sampahan ng “reklamo” ng mga pulis. Nadagdagan din sila. Isang Edwin Barana ang pinakilala ng mga pulis sa midya. Kasama raw ito ng mga nagpiket. Nakuhanan daw siya ng baril at mga sachet ng shabu.
Pero sa pakikipag-usap sa piskal ng Meycauayan, inamin ni Barana na napuwersa lang siyang umamin sa bintang. Taong 2016 pa umano siya nakakulong. Binugbog siya ng mga pulis para puwersahing magsalita sa midya at sabihing bahagi siya ng mga nagpipiket noong araw na iyon.
Dalawang araw pa matapos, Agosto 1, nang mapalaya ang 19 dahil wala namang kasong maisampa ang piskal laban sa kanila. Ibinalik umano ng piskal sa pulisya ang kaso para sa preliminary investigation dahil hindi niya matanggap ang mga “ebidensiya” ng pulis laban sa 19.
* * *
Sa estasyon sa radyo na DZBB noong araw na iyon, Agosto 1, tumawag si Thelma Meneses, tagapagsalita ng NutriAsia. Nanawagan siya sa publiko na sana marinig daw ang panig nila. Kahit pa sa mga coverage ng balita sa telebisyon, tila mas sila na nga at ang mga pulis ang nakakapanayam at nakukuhanan ng bersiyon ng pangyayari.
“Sana marinig din ang hinaing namin. May nanggugulo lang sa kanila. Nagaganap noon ang mediation sa Department of Labor and Employment,” apela ni Meneses. “Marami kaming tiniis sa mga negosasyon.”
Pero kumalat na sa social media ang balita ng marahas na demolisyon. Kumalat ang larawan ng duguang mukha ni Aling Leti. Kumalat ang video ng AlterMidya at Radyo Natin-Guimba, at Anakbayan. Umigting na ang panawagang pagboykot sa mga produkto ng NutriAsia. Hindi mapasusubalian: Mapayapa ang piketlayn nang inatake ito ng mga security at pulis. Sobrang dahas ang ginamit sa mga tao. Ang masama pa, kinulong at tinangkang kasuhan ang 19, pati na ang mga miyembro ng midya na nagkokober sa pangyayari.
“Puwede namang mag-usap nang mapayapa. Kapwa namang Pilipino. Legal naman ang piket ng mga tao. Iyung (misa) naman ay thanksgiving. Humingi sila ng tulong sa taong-simbahan para magdaos ng panalangin,” ani Fr. Marvin.
Itutuloy ng mga manggagawa ang piketlayn, sabi ni Reynante. Regularisasyon sa NutriAsia at hindi sa mga ahensiya ang hiling nila. Kung may nagbago man sa kanila matapos ang pangyayari, mas buo ang loob nila ngayon.
May ulat nina Jennelie Francisco at Ryan Plaza
Federal government prohibits incumbent President from holding on to power
President Rodrigo Duterte’s term will end on 2022 and is not eligible to run, both in the current unitary setup and in a federal government, said the members of Consultative Committee (Concom) in a media forum on Federalism on Wednesday.
NutriAsia guards, Meycauayan police deliberately attack journalists
Liham sa Mamimili sa Pagitan ng Patalastas at Pandarahas sa NutriAsia
PLDT workers enraged over CA reversal of DOLE regularization compliance order
Defend Job Philippines and the PLDT Organization of Workers and Rights (POWER) expressed condemnation over the Court of Appeals’ decision to reverse the petition for certiorari of PLDT against Labor Department’s Compliance Order to regularize thousands of contractual workers of the telecommunications giant.
The group exclaimed that the said ruling, issued on July 31, clearly revoked the DOLE Compliance Order as the CA insisted on its decision that workers of contractors engaged in janitorial services, messengerial and clerical services; information technology (IT) firms and services; IT support services, both hardware and software; and applications development; back office support and office operations; business process outsourcing or call centers; sales; and medical, dental, engineering and other professional services “should remain employees of the independent contractors.”
On May 2018, PLDT filed a petition for certiorari to the CA after DOLE released a writ of execution and marked its regularization order as final and executory. The company seeked a temporary restraining order to the CA and asked it to reverse the DOLE order.
The groups insisted that this decision counters the statement of the Duterte government and DOLE on their campaign to end all forms of contractualization in the country as this will further legitimize services of contractors and service agencies.
“We will not allow such decision to happen as this will set a dangerous precedent to other regularization compliance orders of DOLE and to the general demands of Filipino workers to end contractualization,” said POWER President Dan Joshua Nazario.
Nazario added, “We will be mounting a series of protests at the CA, DOLE and PLDT offices and we will question this ruling up to the Supreme Court in the coming days.”
The group is planning to raise the issue in upcoming public hearings in Congress.
The groups also called on all other contractual workers who are in the DOLE Compliance Order list to express their indignation over the CA ruling. For POWEr, the reversal displays a clear betrayal of CA justices to the DOLE order and to their just and legitimate calls for them to be regularized workers of PLDT.
They also urged DOLE and President Duterte to take up decisive and concrete moves to counter the CA decision and for once prove to Filipino workers that he is really siding for their welfare and common good.
“President Duterte must intervene on our issue immediately as PLDT is clearly executing manoeuvres to circumvent the regularization order of DOLE,” Nazario said.
The post PLDT workers enraged over CA reversal of DOLE regularization compliance order appeared first on Manila Today.
Silip sa buhay ng kababaihang manggagawa ng UniPak
Bagama’t maliit at napapaligiran ng pinaghalong tubig-baha at tubig-dagat, matayog ang kampuhan ng mga manggagawa ng Slord Development Corporation, tagagawa ng mga produktong UniPak.
Ang SLORD Development Corporation ay isang toll packing company sa Navotas. Ito ang nagpoproseso ng mga pagkaing-dagat na galing sa Korea at Japan at pati na ng mga produktong gulay upang maging de-latang pagkain.
Dumating kami bandang alas-1 nang hapon sa kampuhan sa tarangkahan ng Navotas Fishport Complex, saktong-sakto dahil mainit pa ang tinolang tahong na pinag-ambagan at niluto ng mga manggagawa para sa kanilang mga bisita. Ilang sandali lang matapos ang tanghalian, nagsimula na silang magbahagi ng kanilang buhay at pakikibaka sa UniPak.

Malou, 55
May walo akong anak, iba sa kanila may mga asawa na at may kanya-kanya nang pamilya. Ngayon, may dalawa pa akong pinapaaral.
Noong una parang nakakaluwag-luwag pa ako dahil may trabaho ako. Sa ngayon, hirap talaga ako dahil wala na akong trabaho. Dalawampu’t pitong taon na ako dito nagtatrabaho pero wala man lang akong nakuhang benepisyo tapos isa pa ako sa mga natanggal.
Hindi pantay ang kinikita ng mga manggagawa sa Slord. Nakabatay ang kanilang sahod sa katayuan nila sa paggawa. Ang mga manggagawang regular ay tumatanggap ng P512, katumbas ng minimum wage na itinakda para sa Metro Manila. Tumatanggap rin sila ng mga benepisyo, libreng uniporme, at safety gear. Dahil may unyon sila, maluwag silang nakakapag-usap sa management.
Ang mga regular extra tulad nina Nanay Malou ay sumasahod ng P370 bawat 8 oras; ngunit hindi tulad ng regular, hindi sila binibigyan ng pay slip. Hindi rin sila iniisyuhan ng management ng company ID. Navotas Fishport Complex ID lang ang meron sila. Bago ang inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong taon, P320 ang sinasahod nila bawat araw – P192 mas mababa kaysa sa minimum wage.
Tulad ng mga regular extra, parehong P370 ang sinasahod ng mga manggagawang casual sa kumpanya. Natatapos ang kanilang kontrata pagkatapos ng limang buwan at maghihintay sila ng tatlong buwan bago sila makapag-apply muli ng trabaho sa Slord. Kapag na-“endo” ang mga manggagawang casual, naghahanap sila ng iba pang mapapasukang pagawaan.
Ang isa pang klase ng manggagawa sa Slord ay ang mga extra. Sila ay tumatanggap ng arawang sahod na P350, o P280 bago ang inspeksyon ng DOLE. Kung ang unang tatlong klase ng manggagawa ay pumapasok sa trabaho ng 7:30 nang umaga, ang mga extra ay pumapasok nang madaling araw. Alas-tres pa lamang nang umaga, pumipila na sila sa tarangakahan ng pagawaan at magbabakasakaling kulang ang bilang ng mga manggagawang dumating at sila ang magsisilbing kapalit. Walang katiyakang makakapasok sila sa planta. Nakasalalay ang pagkain ng kanilang pamilya para sa araw na iyon sa pagiging absent ng kapwa nilang manggagawa.
Iba pa ang sistema ng pasahod sa cutting department. Imbes na arawan, pakyawan ang sahod nila o P23 bawat isang timba ng tambang nahihiwa. Nagdedepende pa ang kundisyon ng paggawa sa pagiging senior, junior, o extra ng cutter.
Sa tagal ng isinilbi nila sa kumpanya, ni isang beses ay hindi nila naranasan ang kaluwagan sa mga kundisyon sa paggawa. Hindi tinatakda ng batas ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga manggagawang kontraktwal, tulad ng double pay kapag pumapasok sila tuwing holiday. Kung tumatanggap man sila ng overtime pay, binabayaran lamang sila ng P57 bawat oras; umaabot ng apat hanggang limang oras ang overtime dahil sila pa ang naglilinis ng mga makina at paligid ng pagawaan.
Wala ring konsepto ng sick leave ang management ng kumpanya para sa mga hindi regular. At kapag naaksidente o nagkasakit man ang isang manggagawa, sariling sikap na lang dahil wala rin silang hinuhulugang Philhealth. Ganoon din para sa Social Security System (SSS) at Pag-ibig. Kuwento nila, may nakatatandang kasamahan siyang nadulas sa filling area habang naglilinis pagkatapos ang walong oras na trabaho. Bagama’t dinala siya ng management sa isang ospital sa Tondo, hindi na siya sinahuran para sa araw na iyon. Wala rin siyang natanggap na tulong-pinansyal para sa gamot o kabayaran para sa mga araw na hindi siya nakapasok.
Bukod sa mababang sahod at kawalan ng benepisyo, pasan pa ng mga manggagawa ang gastos para sa kanilang sombrero, face mask, apron, guwantes, at bota. Ang mga manggagawa rin ang umaamoy ng isda na lumalabas mula sa steamer upang matiyak nilang walang amoy ang isda. Ginagawa nila ito na walang goggles at iba pang kagamitan samantalang ang isda ay may formalin. Para raw makatipid, hinihingi nila ang mga pinaglumaang gamit ng mga regular. Libre kasing binibigay ng management ang kagamitang ito para sa mga regular.

Sherly, 46
Sana pabalikin na lang nila kami tsaka kahit papaano manlang taasan din ang sweldo kahit kaunti lang. Kasi ang tagal-tagal na namin d’yan at wala kaming nakukuhang benepisyo. Ito na lang kasi ang trabahong inaasahan namin, eh may mga pamilya pa kami, may mga anak na pinag-aaral. Buti sana kung wala kaming mga pamilya.
Noong Mayo 12, nawalan ng hanapbuhay ang 44 manggagawa ng Slord. Isang araw bago no’n ay ibinaba sa kanila ang isang memorandum na pinapirma sa kanila pagkatapos maglunsad ng walkout ang mga manggagawa para sa naunang paabot hinggil sa compressed working work week. Malilimitahan na lang raw ang kanilang pasok sa tatlong araw mula sa anim. Imbes na Lunes hanggang Sabado, binago ng management ang kanilang iskedyul sa Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Bago ito, aktibo silang nangangampanya upang magkondukta ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagawaan sa paggigiit ng kanilang karapatang maging regular.
Karamihan ng mga manggagawa sa Slord ay kababaihan at ‘breadwinner’ ng pamilya. Ayon sa kanila, sinabihan ng management ng Slord ang mga kalapit-pagawaan ng produktong dagat na bawal ipasok sa trabaho ang mga natanggal na mga manggagawa nila. Sa ngayon, salitan ang kababaihan, kasama si Nanay Sherly, sa pagtitinda sa karinderya ng kaibigan.
Basahin: #UniPakCampout | Kalagayan ng mga manggagawang kontraktwal sa Uni-Pak Sardines

Sa mga batas na nagpapahintulot ng kontraktwalisasyon sa Pilipinas, bukod sa ipinagbabawal ang pag-uunyon ay wala ring kapasidad ang mga manggagawang umugnay sa management; maglunsad ng welga; magtamasa ng maayos sa sahod at benepisyo; kumuha ng maternity o paid leave; at masiguro ang kaligtasan sa paggawa.
Dinadaing rin ng iba’t ibang grupo ang piniramahan ni Pangulong Duterte na Executive Order N0. 51 noong Mayo 1 dahil lalo raw lamang nitong paparamihin ang retrenchment, re-alignment, at re-hiring ng mga manggagawa sa pamamagitan ng third-party contracting agencies.

Maribes, 51
Mininum wage ang hinihiling namin, ngunit hindi pa rin nangyayari. Ang tagal tagal na.
Sana hindi na lang din kame pina-ban sa [ibang pagawaan]. Lalo kaming pinahirapan maghanap-buhay. Ang hirap po kaya ng walang trabaho tapos pinag-aaral ko pa anak ko.
Sa kasalukuyan, inaabangan ng mga manggagawa ang sagot ng DOLE sa inihain nilang reklamo laban sa Slord. Nakakabalita rin sila sa mga kasamahan nilang hindi tinanggal na pinupuwersa ang mga manggagawang pumirma ng quit-claim document upang hindi na habulin ang laban nila sa back wages. Mayroon nang 21 pang dagdag na tinanggal ng kumpanya dahil hindi sila pumirma sa dokumento.
Kulang ang isang araw upang alamin nang buong-buo ang kuwento ng mga manggagawa sa UniPak. At hindi tulad ng endorser nito na si Kris Aquino, walang mapapanood o mababasang balita tungkol sa laban nila tungo sa regularisasyon. Gayunpaman, sa araw na iyon ay malinaw ang isang bagay: handa silang ipaglaban ang kanilang karapatan sa hanapbuhay, hindi lang para sa pamilya kundi para sa kapwa nilang manggagawa.

The post Silip sa buhay ng kababaihang manggagawa ng UniPak appeared first on Manila Today.