Pagtatapos ng mga batang Lumad sa ‘bakwit school’

0
247

Idinaos ang moving up ceremony ng mga batang Lumad bakwit sa UP integrated School auditorium matapos ang isang taon nilang pagbakwit sa Maynila.

Para sa Save Our Schools Network, isang tagumpay ito dahil sa kabila ng naranasang militarisasyon sa kanilang komunidad, natapos ang mga kabataang Lumad sa isang taon na pag-aaral sa bakwit school.

“Ang ating bakwit school ay isang patunay na sa pagkakaisa makakamit natin ang tagumpay na kahit limangpu’t lima na ang sapilitang pinasara sa Mindanao na halos nakakaapekto sa 3,000 estudyante na dapat may moving up din sa araw na ito ay naabot pa rin natin ang araw na ito,” ani Rius Valle, Spokesperson ng SOS network.

Sa araw ng moving up, nagkaroon ng mga parent volunteer upang tumayo bilang mga magulang sa mga batang Lumad na malayo sa mga magulang.

Ilan sa mga naging programa ang pagbibigay parangal sa mga naging martir ng Lumad schools sa Mindanao.

Sa kalagitnaan ng programa, nagtaas ng streamer ang mga estudyante na may nakasulat na “Serbisyuhan na Katawhan” [Paglingkuran ang Sambayanan] at ‘End Martial Law’ bilang hamon sa iba pang kabataan na makiisa sa laban nila.

Natapos ang programa sa pag-awit ng mga batang Lumad na inalay nila sa mga tumulong sa kanilang makapagtapos.

The post Pagtatapos ng mga batang Lumad sa ‘bakwit school’ appeared first on Manila Today.