September 30. SEANetwork Seafarers Summit
Dinaluhan ng mga marino mula sa iba’t ibang organisasyon ang isang pagtitipon para muling talakayin ang Magna Carta of Filipino Seafarers na isa nang ganap na batas na pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. nitong Setyembre 23.
Kabilang sa mga pangunahing naglilinaw ng mga kahinaan ng batas sina Atty. Edwin DELA CRUZ, Atty. Joseph ENTERO, Engr. Xavier BAYONETA ng Concerned Seafarers of the Philippines, Rep. Arlene BROSAS, ng GABRIELA WOMEN’S PARTY, Liza MAZA, Co-convenor ng MAKABAYAN Coalition, at Atty. Neri COLMENARES, unang nominado ng BAYAN MUNA PARTYLIST. Inihapag ng mga tagapagsalita ang mga dapat gawin na sinang-ayunan ng mga delegado sa pagtitipon kabilang ang pagkwestyon sa Korte Suprema at parlamento ng lansangan dahil sa mga probisyon ng batas na labag sa konstitusyon at mga kontra-marino.
N. Bacarra/Kodao