Bukod sa kawalan ng lupa, patuloy na bumabagsak ang kita nila sa pagbebenta ng kopra. Isa rin si Nanay Monet sa matagal nang nag-hihintay na makuha ang ipinagkakait na coco levy fund noong panahon pa ni Marcos. Tumitindi ang panunupil at pandarahas sa kanilang lugar sa Quezon kabilang na ang pagpaslang sa isang lider kababaihan noong Marso 2018 at malaganap na militarisasyon.