Sipat sa apat na taon ng rehimeng Duterte

0
591

Espesyal na isyu ng Pinoy Weekly kaalinsabay ng ikalimang SONA ni Pangulong Duterte. Cover art ni Kit Gonzales

Sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, silipin natin ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa ilalim ng kanyang apat na taong panunungkulan. Ito ang nakasulat na bersiyon ng special report ng AlterMidya. Mapapanood ang video ng special report sa kanilang FB page: facebook.com/altermidya

Tugon ni Duterte sa pandemya

Sa pagtutulak ng kontra-mamamayan na mga patakaran at kawalan ng tulong ng pamahalaan, mapapaisip ka: Sino nga ba ang nagkakalat ng epidemya? Ulat ng PinoyMedia Center / Sinulat ni Joseph Dy Tioco

Sa isang krisis pangkalusugan, malinaw ang responsabilidad ng gobyerno: pigilan ang pagkalat ng virus at tulungan ang mga mamamamayan sa kanilang kabuhayan. Pero taliwas ito sa aktuwal na nangyayari.

Halos kalahating taon na nang maitala ang unang kaso ng coronavirus-disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas – ang mag-asawang Tsino na nagbabakasyon sa bansa noong Enero 2020. Malakas na iginiit ng iba’t ibang sektor ang pagpapatupad ng travel ban sa mga dayuhan, lalo na sa mga manggagaling sa probinsiya ng Hubei, China na hinihinalang pinagmulan ng naturang virus. Pero hindi ito pinakinggan ni Pangulong Duterte dahil hindi ito umano “patas” sa mga Tsino. Sinusugan pa ito ng mga nasa gabinete at kaalyado ng pangulo na nagsabing maaaring makaapekto ito sa pulitika at diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa Tsina.

Kaya naman pagsampa ng Marso lumobo sa 633 ang hinihinalang may kaso ng Covid-19. At kahit ipinatupad na ang iba’t ibang antas ng community quarantine sa mula kalagitnaan ng Marso, tuluy-tuloy ang pagdami ng bilang ng positibo at namamatay sa naturang sakit kumpara sa recovery rate o ang mga gumagaling. Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 68,898 kumpirmadong kaso (halos 2000 average na kada araw), 23,072 na mga gumaling (recovery) habang 1,835 naman ang namatay. Pumapangalawa na ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso at una sa pinakamaraming namamatay sa ng Covid-19 sa rehiyon ng Southeast Asia.

Napakakontrobersiyal ang naging tugon ng gobyerno sa pandemyang Covid-19. Kinatampukan ito ng mga opisyal na ahensiya laban sa pandemya na puro galing militar, ng mala-martial law na lockdown, ng pagkopo ng kapangyarihan sa anyo ng emergency powers, ng hindi malinaw na paggasta ng bilyun bilyong pondo mula sa kabang-yaman at trilyun-trilyong utang sa dayuhang mga institusyon.

Kinatampukan din ito ng pinakamataas na tantos ng kawalan ng trabaho sa kasaysayan, matinding kagutuman at marami pang iba pa na maaaring magsuma sa pasismo at kapabayaan ng administrasyong Duterte sa tugon nito sa kasalukuyang krisis pangkalusugan.

Lalong isinadlak sa hirap

Sa ilalim ng pandemyang Covid-19, pinakaapektado ang batayang mga sektor ng lipunan.

Lalong pinahandusay ng naturang krisis pangkalusugan ang kanilang buhay. Unang sultada pa lang nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong kalahati ng Marso, 2.7 milyong manggagawa na ang nawalan ng trabaho. Matapos ang apat na buwan ng pinakamahabang lockdown sa Asya, pumalo ng 7.3 milyon ang nawalan trabaho habang 6.4 milyon naman ang underemployed o kulang ang trabaho, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Isa si Gari Victorino, manggagawa sa Manila Bay Thread Corp. sa Marikina, na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Umasa siyang matutulungan siya ng gobyerno sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP). Pero aniya’y wala siyang natanggap. “Kagaya sa sitwasyon ko, na wala naman po akong natanggap, naku e, talagang maiisip po natin na parang tuluyan na tayong isinadlak sa kahirapan ng ating gobyerno,” aniya.

Naging problemado ang SAP bilang ayuda ng gobyerno sa 18 milyong Pilipino – mula sa kuwalipikasyon bilang benepisyaryo hanggang sa aktuwal na pamamahagi nito. Tulad ni Victorino, marami ang nagreklamong hindi naisama sa listahan ng mga benepisyaryo kahit pa sila’y nararapat.

Wala rin umano natanggap na ayuda ang magsasakang tulad ni Redo Peña, taga-San Jose Del Monte sa Bulacan at opisyal ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan. Dahil aniya walang dumadating na tulong sa gobyerno, nagsagawa sila ng relief operations, katuwang ang Anakpawis Party-list, noong Abril 19. Pero habang patungo sa lugar na bibigyan ng relief packs, hinarang sa checkpoint sina Peña at 6 pang kasama nitong relief volunteers.

Bagaman may kaukulang dokumento para maglunsad ng relief drive ang kanilang grupo, dinala pa rin sila presinto dahil umano sa pagdadala ng Pinoy Weekly at iba pang babasahin na ayon sa mga pulis ay “seditious” na mga materyales. “Nanghihingi ng tulong ang mga magsasaka, ni walang maibigay ang gobyerno…nagugutom na nga. Ano ba ang masama kung magbigay kami ng ‘relief’?” Ikinulong sina Peña hanggang apat na araw bago napalaya matapos magpiyansa.

Malaking usapin din ang kabagalan ng pamamahagi nito na nagsimula lang matapos ang kalahating buwan na walang kabuhayan at pinagkakakitaan ang milyun-milyong Pilipino. Inabot ng halos dalawang buwan bago matapos ang unang tranche pa lang ng ayuda. Nang ipatupad ang general community quarantine (GCQ), itinigil na ang pamamahagi ng ayuda ayon sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kabila ng may pondo pa para sa ikalawang tranche nito.

Hindi rin ito nakaligtas sa anomalya tulad ng korupsiyon at sistemang padrino sa mga barangay na naatasan sa pamamahagi nito.

Pagpapabaya sa frontliners

Maging ang mga medical frontliners ay nakaramdam din ng kapabayaan at kawalan ng pagpapahalaga sa kanila ng gobyeno na sana’y pangunahing katuwang nila sa pagharap sa pandemya. “Patuloy na bulnerable, patuloy na kulang sa proteksiyon, patuloy na malalaking gaps sa healthcare system natin, na siyang naglalagay sa panganib sa mga health personnel natin,” ani Dr. Gene Nisperos, doktor na eksperto sa public health at presidente ng All-UP Academic Employees Union sa University of the Philippines-Manila.

Sa tala ng Department of Health noong Hunyo, umabot na sa 2,703 healthcare personnel ang nagpositibo sa Covid-19. Hindi rin bababa sa 30 doktor at nars ang namatay sa naturang sakit nahawa habang nasa linya ng serbisyo. Malaking salik dito ang kakulangan ng gobyerno sa pagbibigay ng personal protective equipment (PPE) para sa mga medical frontliner.

Pinuna din ni Nisperos ang malawakang testing, pag-isolate, contact tracing at treatment na aniya’y wala pa rin hanggang sa ngayon. Matatandaang bago pa man ipatudad ang lockdown noong Marso, ipinanawagan na ng mga eksperto sa medisina kasama si Nisperos ang malawakang testing sa mamamayan bilang bahagi ng solusyong medikal imbes ang anila’y solusyong militar sa pagsugpo sa Covid-19.

“Nakatulong ba ang mala-martial law na pag-iimplement ng solusyon sa Covid-19? Hindi. Sinisingil ko ang pamahalaan na ipatupad ang nararapat at tamang response sa Covid-19,” ani Nisperos.

Pangamba sa pasukan

Ikinababahala naman ng mga magulang ang panukala ng Department of Education sa pasukan ng mga bata sa darating na Agosto 24. Ayon sa ilang magulang na nakapanayam para sa ulat na ito, pinapangambahan nila kapwa ang pagpapapasok sa eskuwelahan ng mga bata o sa paraang modular.

Kamakailan, inihayag ni DepEd Sec. Leonor Briones na tuloy ang pagbubukas-eskuwela. “Sa gitna ng krisis sa coronavirus, nanatili ang ating panawagan: ang edukasyon ay dapat magpatuloy kesyo face-to-face o birtuwal, papasok man o hindi sa paaralan,” sabi ni Briones.

Batid ni Agapito Paa, ama mula sa Quezon City, na hindi pa ligtas para sa mga bata na pumasok sa paaralan. Ayon naman kay Maricel Olarte, hindi ubra ang paraang modular para sa kanila dahil mahirap umano pagsabay-sabayin ang pag-asikaso sa apat niyang anak.

Kapwa sinabi ni Paa at Olarte na wala silang pambili ng gadget para sa online na klase ng kanilang mga anak. Kung mayroon man silang gagamiting gadget, anila’y wala naman silang wifi o anumang koneksiyon sa internet.

Hindi prayoridad ang kapakanan

Tapos na ang lockdown sa lungsod kung saan matatagpuan ang pabrikang pinagtatrabahuhan ni Victorino. Pero hindi pa rin siya pinababalik sa trabaho ng kumpanya.

Mabigat na isipin para sa kanya na halos 5 buwan na siyang walang pinagkakakitaan ay wala pa rin siyang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno. “Parang hindi na mahalaga na iprayoridad nila (gobyerno) ang kapakanan ng mga mamamayan,” sabi pa niya.

Pinuna din ni Victorino ang paglobo ng utang ng administrasyong Duterte sa dayuhang mga institusyon sa loob lang ng ilang buwan ng pandemya. Batid ni Victorino na kasama siyang bubuno sa tinatayang mahigit P10-Trilyong na utang.

“Kung nangutang sila, hindi naman tayo nakinabang, sabihin natin nakinabang iilan lang, hindi halos lahat, e tapos pala kadamay tayo sa pagbabayad niyan, anong mangyayari sa atin niyan,” pagtatapos ni Victorino.


Soberanya, paano na?

Hindi pambansang kapakanan kundi kung paano mapapalakas ang hawak sa poder ang nagtutulak sa ugnayang panlabas ng rehimeng Duterte, ayon sa mga eksperto. Ulat ng AlterMidya

Sabay-sabay na itinaas ng mahigit 1,000 katao ang karatulang "Hands off PH" sa harap ng konsulado ng China nitong Hunyo 12 bilang protesta sa panghihimasok ng naturang bansa sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Boy Bagwis

Pagpapapasok ng Chinese workers sa bansa. Pagbubukas ng Pogo. Paglobo ng utang mula sa China. Tanong tuloy ng marami, probinsiya na nga ba ng China ang Pilipinas?

Nitong Hunyo lang, binangga ng isang Chinese cargo vessel ang Liberty Cinco, isang maliit na barko sa may Occidental Mindoro. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang 14 na Pilipinong mangingisda na lulan nito. Gaya ng insidente last year sa barkong Gem-Ver, binatikos ang administrasyong Duterte sa pagbalewala sa kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy.

At nito lang, sa ikaapat na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration hinggil sa isyu ng West Philippine Sea, walang pagpapanggap na naglabas ng pahayag ang China: wala kaming pakialam. Naalala n’yo pa ba ang campaign promise ni Duterte : magtataguyod daw siya ng isang independent foreign policy. At magjejetski sa West Philippine Sea.

Ano na ang nangyari sa pangakong ito?

“Walang prinsipyong gumagabay kay Duterte sa kanyang foreign policy. Puro lang opportunistic, praktikal,” paliwanag ni Tony Lavina, abogadong pangkarapatang pantao na nag-aaral din sa mga polisiyang panlabas ng gobyerno.

“Nakiktia niya na makakatulong sa kanya ang China na manatili sa poder, kaya sa tingin ko, pinagpalit niya ang ating soberanya para sa suporta na ‘yon,” sabi pa niya.

Ayon sa foreign policy experts, hindi lang sa China tila nakatali ang bansa. Nariyan pa rin ang US, na numero uno pa ring pagpapangibabaw sa politics at ekonomiya ng bansa. Kamakailan lang, binawi ng administrasyong Duterte ang pahayag nitong wakasan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa US.

“Ngayon ang US ay number one na foreign investor sa Pilipinas. Hindi lang yan, alam din nating mayroon pang mga kasunduan na nananatili nila ang military influence at presence sa Pilipinas sa buong rehiyon ng Asya,” sabi ni Liza Maza, pangalawang tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS), dating mambabatas sa Pilipinas at dating lead convenor ng National Anti- Poverty Commission (NAPC).

Ayon pa sa mga eksperto, nasa likod ng kontrobersiyal na mga batas gaya ng Anti- Terrorism Law at panukalang pagrepaso sa Saligang Batas ay ang US. Matagal na nilang hangad ito sa Pilipinas. Sa kongkreto, ilang taon nang itinutulak ng Philippine- American Chamber of Commerce ang pagtanggal sa mga probisyon sa Saligang Batas na nagpipigil sa 100 porsiyentong pag-aari ng dayuhang mga negosyante sa mga negosyo at lupain sa Pilipinas.

Lumalabas, anila, na hindi lang basta balewala sa Duterte administration ang soberanya ng bansa, kundi para pa itong namamangka sa dalawang ilog – sa pagitan ng China at US.

“Amerika man o China, ang approach (ni Pangulong Duterte sa ugnayang panlabas) ay instrumentalist. Ibig sabihin, papaano ito makakatulong (sa kanya) para manatili sa poder,” paliwanag pa ni Lavina.


Mindanao: Nasa Martial Law pa ba?

Nanatili ang mga atake ng militar sa mga komunidad at indibidwal sa isla – sa ngalan ng giyera kontra insurhensiya. Ulat ng Kilab Multimedia 

Kahit sa naturingang hometown ng Pangulo, sa Mindanao, papatindi ang sitwasyong karapatang pantao sa nagdaang apat na taon.

Tatlong taon matapos ang pananalakay sa Marawi – na sinabi ng rehimeng Duterte na dahilan ng pagpataw ng Martial Law sa Mindanao – hindi pa rin makabalik sa tirahan nila ang higit-kumulang 1,000 residente ng Marawi.

Halos 3,000 pamilya ang nananatili pa rin ngyaon sa 18 temporary shelters. Tatlong beses pa lang silang pinayagang makabisita sa tinaguriang “ground zero.” Dapat, wala na raw na Martial Law sa Mindanao. Pero sa mga grupong pangkarapatang pantao, wala raw nagbago. Patuloy pa rin ang panggigipit hindi lang sa mga Moro at Lumad kundi sa ordinaryong mga sibilyan at kritiko.

Ang laging dinadahilan: ang kampanyang kontra-insurhensiya laban daw sa “armed groups” sa Mindanao.

Sa tala ng Karapatan- Southern Mindanao, uma-bot na sa 96 na kaso ng pampulitikang pamamaslang ang naitala sa rehiyon. Umabot sa 74 rito ay mga magsasaka ang nabiktima, at 15 ay mga Lumad. Kasmaa na rito ang kaso ng pagpaslang sa kilalang lider-Lumad na si Datu Kaylo Bontulan ng Salugpungan Ta Tanu Igkanugon.

May mga kaso rin ng pagdukot, gaya ng human rights worker na si Hanimay Suazo, na hindi pa: rin natatagpuan hanggang ngayon.

Tuluy-tuloy din ang pag-atake sa mga eskuwelahan ng Lumad. Kamakailan, pinag-utos ng Department of Education na ipasara ang 55 kampus ng Salugpungan dahil sa mga paglabag daw nito sa mga regulasyon ng DepEd.

Ito’y kahit paulit-ulit nang nagsumite ng mga dokumento ang mga eskuwelahang ito para patunayang umaayon sila sa mga rekisito ng DepEd.

Dahil sa mga operasyong militar, napilitang manatili sa kompound ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP)-Haran sa Davao City ang ilang Lumad para sa kanilang kaligtasan. Pero, kahit nasa kompound na sila ng simbahan, makailang supok pa rin silang pinasok at puwersahang pinapauwi ng paramilitary group na Alamara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Hindi pa kasama rito ang human rights violations sa ibang rehiyon ng Mindanao.

Isa na rito ang pagpatay kay barangay captain Jony Seromines sa isang buy-bust operation daw, matapos maparatangang protektor daw ng droga. Kilalang human rights advocate si Seromines sa rehiyon ng Socksargen.

Nandiyan din ang pag-aresto sa human rights worker na si Jennifer Aguhob sa Western Mindanao, gagawang mga kasong isinampa sa mga Lumad at human rights lawyers, at pag-atake sa mga komunidad ng Lumad sa rehiyon ng Caraga.

Lantaran din ang red-tagging at online harassment sa mga lider at progresibong omga organisasyon saanmang panig ng Mindanao. Maging miyembro ng midya na kasapi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at taong simbahan ay kasama sa mga pinaratangang alyado o kasapi umano ng rebeldeng New People’s Army o NPA. May ulat ni Darius Galang


Lahatang atake sa press freedom

Sa ilalim ni Duterte, kumusta ang mga tagapagbalita? Datos mula sa espesyal na ulat ng Bulatlat

Maingay sa balita at sa lansangan ang pinakahuling tangkang pagbubusal sa midya ng administrasyon, ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN ng Kamara, ang kinikilalang representante ng iba’t ibang sektor.

Giit ng Malakanyang, walang kinilingan si Pangulong Duterte sa isyu. Taong 2017 nang sabihin niyang “If you are expecting na marenew yan [prangkisa], you’re out. I will see to it that you’re out.”

Nitong Hulyo 13, dinig sa recording ng kanyang talumpati sa mga militar sa Jolo ang linyang “’Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.” Nabanggit rin niya sa talumpati ang paninira umano sa kanya ng mga makakaliwa, komunista, at ng Rappler.

Wala ang mga linyang ito sa opisyal na transcript ng talumpati at mga inilabas na bidyo.

Nakaraang buwan naman nang patawan ng guilty verdict si Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. para sa isang report na unang nailabas bago pa naisabatas ang cyberlibel.

Para sa mga tagapagbalita, isa na ito sa pinakamadilim na yugto para sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag.

“Isa sa unang target talaga yung malayang pamamahayag dahil kalaban ng tirano ang katotohanan,” giit ni Nonoy Espina, tagapangulo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

At bukod sa naglalakihang korporasyon tulad ng ABS-CBN at Rappler, nariyan ang alternatibong pamamahayag at midyang pangkomunidad na kaliwa’t kanang nagiging target ng harassment at pagpapatahimik.

Sa tala ng AlterMidya, mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2020, may 48 na ang bilang ng iba’t ibang porma ng pagpapatahimik sa alternatibong pamamahayag. Nariyan ang harassment at

intimidation, red-tagging, pagmamanman, ilegal na pag-aresto at pagsampa ng gawa-gawang kaso, tangkang pagpatay, pagpigil sa coverage, at pati cyberattacks. Lahat ito ay nakakaapekto sa pagpapaabot ng dekalidad na impormasyon.

Limang buwan nang nakaaresto si Frenchie Mae Cumpio, executive director ng Eastern Vista at radio news anchor sa Aksyon Radyo Tacloban DYVL 819. Sinampahan siya ng illegal firearms and explosives pero malakas ang paninindigan ni Cumpio at ng kanyang mga katrabaho na ang tanging sandata niya ay katotohanan.

Nakapagsulat na siya ng mga balita ukol sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, mga paglabag ng karapatang pantao sa Samar, at pagkakampo ng militar sa mga komunidad.

Para naman kay Anne Villasica ng Paghimutad, kinailangang baunin ang tapang kasama ang sandata ng katotohanan. Nang ireyd ng pulisya ang mga opisina ng Bayan Muna, Gabriela, at National Federation of Sugar Workers ng Bacolod, pangalan ni Villasica ang isa sa mga nakalagay sa warrant.

“Dinadaan kasi sa takot yung mga time,” giit niya sa isang panayam. Isa sa mga nagdala sa kanya ng matinding pangamba ay ang presensiya ng mga nakasibilyan sa reyd. Walang uniporme. Walang pagkakakilanlan.

Sa buong bansa at mula iba’t ibang istasyon at organisasyon, mayroon nang 12 mamamahayag ang naitalang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon sa NUJP.

Umaabot rin sa online na mga plataporma ang pagpapatahimik sa midya. Ang pagtatangkang shutdown sa mga website ng alternatibong midya ay idinadaan sa Distributed Denial of Service attacks o DDoS. Isa itong sistematikong pagdumog sa website hanggang sa hindi kayanin ng server ang “online traffic”. Halimbawa, ilang araw hindi mabuksan ang website ng Pinoy Weekly, Altermidya, Bulatlat at Kodao Productions ang alternatibong midya nakaraang taon. Papaano aabot ang balita sa mamamayan?

Kamakailan lamang, naranasan ito ng ng Northern Dispatch, alternatibong pahayagan na nakabase sa Baguio.

Ayon kay Sherwin De Vera ng Northern Dispatch, bago pa man ang online na pang-aatake, nariyan na ang red-tagging ng estado.

Upang tugunan ito nakaraang taon, inenganyo ng mga alternatibong pahayagan at taga-suporta ng malayang pamamahayag na basahin at kopyahin ng mga tao ang inilalabas na balita sa mga website. Tinawag itong #MirrorUs campaign. Sa sistematikong pang-aatake, maiging itapat ang nagkakaisang mamamayan.

Ganitong pagkakaisa ang pinakita ng iba’t ibang sektor nitong Hulyo 18 sa ginawang motorcade at noise barrage. Nilahokan ito ng kabataan, iba pang alagad ng midya, mga progresibong lingkod-bayan, artista, taong simbahan, at iba pa.

“Naramdaman nila na yung pagsikil sa ABS-CBN ay pagsikil na rin sa karapatan nila kaya umakto sila,” paliwanag ni Espina.

“Kung mulat ang taumbayan, at sila’y armado ng katotohanan, mahirap silang lokohin ng kung sino mang gustong maging diktador.” Napatunayan na ito noon. Sinulat ni Andrea Jobelle Adan


Anti-Terror Law at epidemya ng abuso

Epidemya ng paglabag ng rehimeng Duterte sa karapatang pantao ang nagaganap ngayon sa panahon ng pandemya. Sinulat ni Neil Ambion, mula sa ulat ng Kodao Productions, Tudla Productions at Paghimutad

Maingay sa balita at sa lansangan ang pinakahuling tangkang pagbubusal sa midya ng administrasyon, ang denied franchise renewal ng ABS-CBN na pinataw ng Kamara, ang kinikilalang representante ng iba’t ibang sektor.

Giit ng Malakanyang, walang kinilingan si Pangulong Duterte sa isyu. Taong 2017 nang sabihin niyang “If you are expecting na marenew yan [prangkisa], you’re out. I will see to it that you’re out.”

Nitong Hulyo 13, dinig sa recording ng kanyang talumpati sa mga militar sa Jolo ang linyang “’Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.” Nabanggit rin niya sa talumpati ang paninira umano sa kanya ng mga makakaliwa, komunista, at ng Rappler.

Wala ang mga linyang ito sa opisyal na transcript ng talumpati at mga inilabas na bidyo.

Nakaraang buwan naman nang patawan ng guilty verdict si Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. para sa isang report na unang nailabas bago pa naisabatas ang cyberlibel.

Para sa mga tagapagbalita, isa na ito sa pinakamadilim na yugto para sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag.

“Isa sa unang target talaga yung malayang pamamahayag dahil kalaban ng tirano ang katotohanan,” giit ni Nonoy Espina, tagapangulo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

At bukod sa naglalakihang korporasyon tulad ng ABS-CBN at Rappler, nariyan ang alternatibong pamamahayag at midyang pangkomunidad na kaliwa’t kanang nagiging target ng harassment at pagpapatahimik.

Sa tala ng AlterMidya, mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2020, may 48 na ang bilang ng iba’t ibang porma ng pagpapatahimik sa alternatibong pamamahayag. Nariyan ang harassment at

intimidation, red-tagging, pagmamanman, ilegal na pag-aresto at pagsampa ng gawa-gawang kaso, tangkang pagpatay, pagpigil sa coverage, at pati cyberattacks. Lahat ito ay nakakaapekto sa pagpapaabot ng dekalidad na impormasyon.

Limang buwan nang nakaaresto si Frenchie Mae Cumpio, executive director ng Eastern Vista at radio news anchor sa Aksyon Radyo Tacloban DYVL 819. Sinampahan siya ng illegal firearms and explosives pero malakas ang paninindigan ni Cumpio at ng kanyang mga katrabaho na ang tanging sandata niya ay katotohanan.

Nakapagsulat na siya ng mga balita ukol sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, mga paglabag ng karapatang pantao sa Samar, at pagkakampo ng militar sa mga komunidad.

Para naman kay Anne Villasica ng Paghimutad, kinailangang baunin ang tapang kasama ang sandata ng katotohanan. Nang ireyd ng pulisya ang mga opisina ng Bayan Muna, Gabriela, at National Federation of Sugar Workers ng Bacolod, pangalan ni Villasica ang isa sa mga nakalagay sa warrant.

“Dinadaan kasi sa takot yung mga time,” giit niya sa isang panayam. Isa sa mga nagdala sa kanya ng matinding pangamba ay ang presensiya ng mga nakasibilyan sa reyd. Walang uniporme. Walang pagkakakilanlan.

Sa buong bansa at mula iba’t ibang istasyon at organisasyon, mayroon nang 12 mamamahayag ang naitalang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon sa NUJP.

Umaabot rin sa online na mga plataporma ang pagpapatahimik sa midya. Ang pagtatangkang shutdown sa mga website ng alternatibong midya ay idinadaan sa Distributed Denial of Service attacks o DDoS. Isa itong sistematikong pagdumog sa website hanggang sa hindi kayanin ng server ang “online traffic”. Halimbawa, ilang araw hindi mabuksan ang website ng Pinoy Weekly, Altermidya, Bulatlat at Kodao Productions ang alternatibong midya nakaraang taon. Papaano aabot ang balita sa mamamayan?

Kamakailan lamang, naranasan ito ng ng Northern Dispatch, alternatibong pahayagan na nakabase sa Baguio.

Ayon kay Sherwin De Vera ng Northern Dispatch, bago pa man ang online na pang-aatake, nariyan na ang red-tagging ng estado.

Upang tugunan ito nakaraang taon, inenganyo ng mga alternatibong pahayagan at taga-suporta ng malayang pamamahayag na basahin at kopyahin ng mga tao ang inilalabas na balita sa mga website. Tinawag itong #MirrorUs campaign. Sa sistematikong pang-aatake, maiging itapat ang nagkakaisang mamamayan.

Ganitong pagkakaisa ang pinakita ng iba’t ibang sektor nitong Hulyo 18 sa ginawang motorcade at noise barrage. Nilahokan ito ng kabataan, iba pang alagad ng midya, mga progresibong lingkod-bayan, artista, taong simbahan, at iba pa.

“Naramdaman nila na yung pagsikil sa ABS-CBN ay pagsikil na rin sa karapatan nila kaya umakto sila,” paliwanag ni Espina.

“Kung mulat ang taumbayan, at sila’y armado ng katotohanan, mahirap silang lokohin ng kung sino mang gustong maging diktador.” Napatunayan na ito noon.