Swab test sa GCQ: Maaari bang ipasa sa mga manggagawa?

0
338

Simula noong Agosto 19 hanggang Agosto 31, 2020, ang Metro Manila at ang mga probinsya ng Laguna, Bulacan, Rizal at Cavite ay ibinalik sa general community quarantine (GCQ).

Ayon ito sa deklarasyon ni Pangulong Duterte noong Agosto 17, 2020.

Paglabas ng kolum na ito, tapos na ang Agosto at maaaring may bago na namang deklarasyon ang Malakanyang sa bagay na ito.

Ganumpaman, ang pagbalik sa GCQ ay nangangahugan na mas marami na ngayon ang mga manggagawa na makakabalik sa kanilang mga trabaho at mababawasan ang hirap na dinaranas ng kanilang pamilya sa panahong tayo’y nasa enhanced community quarantine.

Kaugnay ng bagay na ito, marami tayong natatanggap na katanungan sa mga manggagawang bumabalik na sa kanilang mga trabaho.

Kung sakali ba raw na ipilit ng kanilang kompanya na magkaroon sila ng mandatory testing upang malaman kung apektado sila ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) o hindi, sino ang gagastos sa bagay na ito – ang manggagawa ba o ang kompanya?

Mayroon daw kasing ibang kompanya na ginagawa itong deductible o maaring ibawas sa sahod ng mga empleyado.

Ang sagot sa tanong na ito’y makikita sa DTI-DOLE Joint Memorandum Circular No. 20-04, Series of 2020 na nilabas noong Agosto 16, 2020.

Binabanggit sa Joint Memorandum Circular na ito na ang mga employer ay may obligasyong ipatupad ang health and safety program sa pagawaaan, kasama na ang programa laban sa Covid-19, nang walang gastos na hihingin sa kanilang mga mangggagawa.

Kaya malinaw na ang kompanya ang sasagot sa gastusing ito.

Lahat ng empleyado na nakakaramdam ng sintomas ng Covid- 19 at ang sinumang empleyado na kanyang nakasalamuha ay dapat magpasailalim sa swab test.

Ang mga empleyado naman sa mga kompanya sa pagmamanupaktura sa loob ng economic zones ay obligadong magpa-swab test minsan sa tatlong buwan.

Lahat naman ng frontliners o economic priority workers na laging nakikisalamuha sa publiko dahil sa kanilang trabaho o nakatira o nagtatrabaho sa special concern areas ay dapat ding magpa-test minsan sa loob ng tatlong buwan.

Kabilang sa mga ito ang taxi drivers, mga drayber ng bus, konduktor, piloto, flight attendants at engineers, mekaniko, operator ng tren, delivery staff, manggagawa sa water transport, waiters at waitresses, bar attendants, barista, mga nagtatrabaho sa restaurant, mga guro o empleyado sa paaralan; mga nagtatrabaho sa banko at iba pang financial services; hairdressers; barbero; manikurista; masahista; mga nagtatrabaho sa punerarya; parking attendants; at security guards.

Kasama rin ang mga mensahero; pari, pastor, o ministro; mga magtitinda sa palengke; karpintero; mason; engineer; plumber; garbage collector; janitor; cleaner; nagtatrabaho sa mass media; camera crew; field reporters at photographers; pati na mga government employees na frontline workers.

Sa mga empleyado naman sa hospitality at tourism sectors tulad halimbawa ng El Nido, Boracay, Coron, Panglao, Siargao at iba pang tourist zones, inuutusan silang magpa-test minsan sa loob ng apat na linggo.

Tulad ng nasabi ko na ang gastos sa nasabing pagpa-test ay sasagutin ng kanilang mga kompanya at hindi maaaring sagot nila.

Pero hindi lang ito ang hinihingi sa kompanya.

Nakasaad rin sa nasabing Memorandum Circular na kapag ang kompanya’y maituturing na malaki o may pag-aari na mahigit P 15 Milyon, inuutusan itong magbigay ng shuttle service sa kanyang mga manggagawa.

Ibig sabihin, kailangang may sasakyan itong nakahanda para kaunin at ihatid ang kanyang mga empleyado para sa lugar na kanilang uuwian.

Tinitiyak din nito ang pagpatupad ng kompanya ang pagpasunod sa kanyang mga manggagawa sa mga health standards para maipawasan ang Covid-19 tulad halimbawa ng tamang pagsuot ng face masks, face shield, at tamang physical distancing.

Halimbawa, sinasabi ng nasabing regulasyon na hangga’t maaari, isusuot ang face mask at face shield kung nakikipagsalamuha sa mga katrabaho, kliyente, o mga bisita.

Maaari lang alisin ang face shield depende sa pangangailangan sa trabaho na naaayon sa occupational health and safety standards.

Pagdating naman sa physical distancing, kailangang may layo na isa o dalawang metro ang bawat tao sa lahat ng pagkakataon.

Kailangan ding ipatupad ang palaging paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon o alkohol.

Kailangang maglagay ang kompanya ng handwashing stations para magamit ng mga empleyado at mga bisita. Dapat ding may sapat na kagamitan tulad ng sabon, tubig o alkohol ang mga handwashing station na ito.

Kailangan ding turuan ng kompanya ang kanyang