Mula sa FB post ni Paul Galutera
Akala ni Duterte na private army na niya ang AFP at PNP. Pero ito ang kinalap ni Philippine Army Capt. Isidro Lazaro (assumed name), isang alumnus ng Philippine Military Academy, mula sa kanyang mga mistah sa iba’t ibang services, mga usap-usapan na laganap sa mga opisyal at tauhan.
Sa PNP
Kontrolado na ng pamilyang Duterte at mga Chinese triad ang pagpupuslit at pagkakalat ng shabu sa bansa. Kung kaya bumabaha na ng shabu sa buong Pilipinas at dumarami ang mga adik.
Patuloy pa rin ang pagpatay sa mahihirap sa Tokhang para palitawin na may ginagawa si Duterte sa pagsugpo ng shabu. Pero siya na ang supreme drug lord.
Mga appointee ni Duterte mula sa DDS niya ang patuloy na pasimuno sa pagpatay ng marami nang mahirap at pagbulsa ng reward money sa ngalan ng anti-drug campaign.
Next only to Bato de la Rosa ang pinakasikat na katiwala ni Duterte ay si Col. Royina Garma, ang babaeng chief of police ng Cebu City na longtime girl friend niya mula pa sa Davao City. Malaki na ang kita ni Colonel Garma sa drugs. Pero may regalo pa si Duterte na Ferrari sa kanya. Magaslaw!
Sa Philippine Army
Pinataas ang pasahod ng mga sundalo, talo pa ang mga titser at nars, pero nawawala rin ang umento sa sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilya. Lalo pang isinusubo ang mga sundalo sa peligro na walang hazard pay at pinapailalim sa overtime na walang bayad at halos walang bakasyon.
Ipinagmamalaki ni Duterte na matapang na macho siya para itulak ang mga sundalo sa panganib, pagod at kawalan ng bakasyon. Pero lumilitaw din mula sa bukambibig niya na bakla pala at AC/DC si Duterte. Kaya nakakatawa lamang siya sa mga sundalo tuwing mag-astang macho at matapang.
Dahil sa small arms supply ng Tsina at Russia na dumagdag sa tradisyonal na supply mula US, umaapaw ngayon ng mga small arms sa mga armory ng AFP. Mga paboritong opisyal ni Duterte ang pakinabang at kumikita sa blackmarket ng mga arms.
Kasalanan ni Duterte na mas mabangis ngayon ang NPA dahil sa sinira ni Duterte mismo ang peace negotiations. At ginagawa niyang pambala sa kanyon ang mga sundalo.
Sa Philippine Air Force
Alam ng buong PAF mula sa thesis na sinulat ni PAF Gen. Eldon Nemenzo na atin ang West Philippine Sea at ang likas na yaman sa ilalim nito.
Halagang USD 26 trillion ang gas at oil reserves na narito. Sapat nitong lutasin ang pagkaatrasado, kawalan ng trabaho at kahirapan ng Pilipinas. Talagang traidor si Duterte na bale ibinigay na niya sa Tsina ang West Philippine Sea, pati Scarborough.
Walang hiya si Duterte na tinanggal niya ang PAF commanding general Galileo Kintanar, Jr. dahil lamang sa pag-overflight ng PAF sa Spratlys. Anong klaseng presidente, ang traidor, duwag at mukhang bayaran ng Tsina .
Ngayon lang panahon ng eleksiyon, umaarte siyang salungat sa panghihimasok ng Tsina. Pero abangan ang pag-atras niya matapos ang eleksyon.
Sa Philippine Navy
Tinanggal ni Duterte si Philippine Navy Chief Admiral Ronaldo Mercado sa nakaraang taon para lamang harangan ang balak niya na mag-acquire ng dalawang warship at para bigyan daan ang kurakot ni Duterte at Bong Go sa pagbili ng mas mahal at inferior na frigate.
Tarantado itong si Duterte na ipinako ang Marines sa iilang focus area ng counterinsurgency at wala nang assault reserve force ng Navy. Pinagbawalan pa niya na lumapit ang Philippine Navy sa artificial islands na kinamkam at ginawa ng Tsina na base laban sa Pilipinas.
Ipinamimigay niya sa Tsina ang mga isla ng Pilipinas sa territorial sea nito. Pati Boracay ay ibinigay na niya sa mga impiltrador ng Tsina na nagkukunwaring mga negosyante at empleyado nila.
Tiyak na malaki ang suhol kay Duterte kung kaya ibinigay niya sa Tsina ang West Philippine Sea at ang likas yaman sa ilalim nito. Pati sa paggawa ng mga artificial islands, hinakot ng Tsina ang lupa ng Zambales, Surigao at Davao Oriental.
Kinaya ng Philippine Navy na hulihin at singilan ng USD 1.97 million ang US Navy sa pagsira ng barko sa Tubbataha reef. Pero si Duterte siya lang ang kumita sa lagay samantalang walang bayad ng Tsina sa estimated USD 12.4 billion na rent sa pag-okupa sa islands at compensation sa damage sa marine environment. Iniuutang pa ni Duterte ang Pilipinas sa Tsina para maging debt colony nito.
Kongklusyon
Sa tantiya ng kapitan na nangalap ng mga usap-usapan, madaling sumama ang karamihan ng opisyal at tauhan g ng AFP at PNP basta’t lumitaw na ang mga malaking pagbabalikwas ng masa sa national capital region at iba pang lungsod sa mga prubinsya.