Ang tunay na #Laboracay

0
250
Takipsilim sa Boracay, sa bisperas ng pagsasara nito.

Ang mensahe ng karatulang ito ay nagdulot ng matinding pangamba sa mga residente at manggagawa ng mga barangay ng Boracay. Malawakang dislokasyon ang magaganap. Marami ang mawawalan ng kabuhayan at trabaho. Magbabago ang takbo ng buhay ng mga mamamayang lubusang nakaasa sa kita na dala ng turismo. Ang tanong natin lagi pagdating sa isyung ito: para kanino ang mga ginagawang pagbabago sa Boracay?

Ilang araw bago ang pagsasara: Kayod pa, kuya,kayod pa. May ilang araw pa para kumita bago magsara ang isla.

Si Lola Conchitina, 56. Tindera ng mga abubot sa baybayin ng Boracay. Isa sa libu-libong mahihirap na biktima ng pagsasara ng Boracay.

Mga souvenir na lang ang magpapaalala sa mga turista sa nagdaang Boracay. Tiyak, mag-iiba ito matapos ang "clean-up."

Mga souvenir na lang ang magpapaalala sa mga turista sa nagdaang Boracay. Tiyak, mag-iiba ito matapos ang “clean-up.”

 Si Remedios Vicente, 37. Siya at ang kanyang asawa ay mga katutubong Ati sa isla ng Boracay. Namamasukan bilang katulong si Remedios at kumikita ng P1,500 to P2500 kada buwan. Paiba-iba ang suweldo dahil paiba-iba din ang amo. Hindi kasi siya stay-in na kasambahay. Ang asawa naman niya ay repairman. Impormal ang work arrangement dahil kung saan may construction o repair work na kailangan, dun siya namamasukan. Umaabot sa P3500 ang kita niya kada buwan. Mga empleyado ng mga hotel o ang mga hotel at restaurant mismo mga nagbabayad para sa mga serbisyo nina Remedios. Kaso, magsisialisan na ang mga employer sa Boracay.

Tanggalan ba kamo? Ito ang front desk ng Operations Center ng Department of Social Welfare and Development sa Boracay. Daan-daan ang pumipilang manggagawa mula sa formal at informal sectors para makakuha ng emergency transportation assistance o pamasahe para makaalis na sila sa isla.

Isa sa pinakamalaki at magandang beachfront hotels sa Boracay. Magsasara na rin. Tanggal ang lahat ng manggagawa.