“Bring it on”

0
713

by MG Amsterdam

“It make sense naman ang dahilan ng ilan sa mga Pilipino na OK lang na iboto yung kinukwestyon ng iba diyan.

Una, marami talaga ang naghihirap sa Pilipinas, marami ang nagugutom, marami ang walang trabaho at walang lupa. Dahil walang industriyalisasyon, walang tunay na reporma sa lupa at wala naman talagang makabuluhang programa sa ekonomiya.

Matagal na itong problema ng ating lipunan, kaya nga mayroong armadong pakikibaka na inilunsad ng CPP-NPA-NDF na hanggang ngayon ay hindi pa nagagapi.

Pero siyempre hindi katanggap-tanggap ng malawak na masang Pilipino ang ganitong pamamaraan o sistema ng lipunan. Obvious naman kung bakit, hindi na kailangan i-explain yan dahil sa obvious din na kadahilanan.

Pero yun nga ang tanong, bakit ba si Marcos at Sara. At sa kabilang panig ay bakit si Leni at Kiko?

IIsa ang kapansin pansin na sagoit ng masang botante: gusto nila ng maunlad na bukas, maunlad na Pilipinas, nangunguna ang usapin ng ekonomiya (trabaho, sweldo, presyo ng bilihin, etc.)

Sa bahagi ng mga pro-Marcos at Sara ay matindi ang paninindigan na si BBM at Sara ang magdadala ng kaunlaran sa ekonomiya. Although ang battle call nila ay “unity: pagkakaisa”.

Sa bahagi ni Leni-Kiko ay may katulad din na pananaw: “Angat buhay lahat”. Pero ang kaibahan ay malinaw ang plataporma paano ito makakamit. Versus sa nagawa ng Tatay niya.

Sa totooo lang, sino bang kandidato sa pagka Presidente ang walang ganitong pangako? Lahat sila ay may pangako. Lahat ay aabutin at handa nilang gawin para sa ating boto.

Pero ang tanong kay BBM-Sara, ay ano ba talaga iyon? Maliban sa pagbanggit sa nagawa ng kanilang mga tatay?

Kung meron po kayong maipapaliwanag, handa kaming makinig. Kung meron nga, hindi “basta” o “respect opinion” lang.

Magpaliwanag po kayo ng mahinahon. UNITY ang battle call ninyo… BRING IT ON!”