Marcos Imbento, Bistado: Mga kasinungalingan, kathang-isip na dapat tibagin

0
277

Feb 19, 2022 Rappler

Panoorin ang maiikling Tiktok videos na puno ng tamang impormasyon at datos na nagtatama at naglilinaw sa mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa mga Marcos at Martial Law

MANILA, Philippines – Nabubuhay sa kasinungalingan ang pamilyang Marcos.

Makalipas ang lagpas tatlong dekada mula nang mapatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos, patuloy pa rin ang mga maling paniniwala tungkol sa nangyari sa Pilipinas noong Martial Law. Mas lumala ito ngayong tatakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang Marcos Imbento, Bistado ay isang Rappler series kung saan titibagin ang mga kasinungalingan at kathang-isip na bumabalot sa pamilyang Marcos at sa Martial Law. 

Bawat linggo ay may maikling Tiktok video kung saan tinatalakay ni Rappler multimedia reporter Rambo Talabong, batay sa research ni Jodesz Gavilan, ang mga datos at iba pang impormasyong nagtatama at naglilinaw sa mga kumakalat na kasinungalingan.

Panoorin ang mga episode ng Marcos Imbento, Bistado. Maaari ring i-click ang link para basahin ang mas mahabang article.