A wanted drug personality from Davao del Norte province was killed in a reported shootout following a buy-bust operation in a drug den in Davao City on Monday evening, March 4.
Isa, pakikiisa
Sa isang iglap, gumuho ang mundo ni Tin (Liza Soberano). Naglaho ang kanyang mga pangarap. Nagsara ang mga oportunidad na minsang nagkikislapan sa hinaharap. Balisa siya sa biglang pagbabago ng mundo niya.
Sa pelikulang Alone/Together (dinirehe ni Antoinette Jadaone para sa Star Cinema), minsang estudyante ng art studies sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman si Tin. Marami siyang ambisyon sa buhay: makapagtapos nang may latin honors (magna cum laude), kumuha ng karanasan sa pagtatrabaho sa mga museo sa Pilipinas, magtrabaho sa pinakamalalaki at pamosong museo sa ibang bansa – sa Metropolitan Museum sa New York, Amerika, at Musee D’Orsay sa Paris, France. “Baguhin ang mundo,” sabi niya sa kaibigan/kasintahang si Raff (Enrique Gil). “Gusto mo, isama pa kita.”
Pero ang pangarap niyang magtrabaho sa ibang bansa, para lang makakuha ng karanasang magagamit sa paglilingkod sa sariling bayan. “Babalik ako,” pangako niya sa paboritong propesor (Nonie Buencamino).
Inilalarawan ng planong ito ni Tin ang dahilan ng pangingibang bansa ng libu-libong – baka pa nga milyun-milyong – miyembro ng panggitnang uri na nagtapos ng kolehiyo sa Pilipinas. Dahil walang masyadong oportunidad para isapraktika ang propesyon sa isang bansang atrasado, agrikultural at walang sariling industriya, natutulak silang mangibang bansa. Kasama na sa natutulak dito ang mismong mga iskolar ng bayan, mga pinag-aral ng buwis ng mga mamamayan sa state universities and colleges. Pero kahit papaano, ang ilan sa kanila, tulad ni Tin, binibigyang katwiran ang pangingibang bansa: babalik naman sila para iaplika sa sariling bansa ang mga natutunan sa mga banyaga.
Pero hindi na umabot sa pangingibang bansa si Tin. Pagkagradweyt, sa kanyang unang pinasukang trabaho, nasangkot siya sa pagnanakaw ng isang boss na tumakas. Nagkakaso siya. Naglaho ang mundo niya.
Apektado pati ang relasyon niya kay Raff. Hindi maipaliwanag ng pelikula kung bakit. Pero anu’t anuman, tila kasama sa mundong ito ni Tin na gumuho ang relasyon nilang dalawa. Magkakambal ang pangarap na mangibang bansa at pag-iibigan nila. Nang maglaho ang una, nawala na rin ang pangalawa.
Ito na marahil ang pinakaseryosong pelikula ng tambalang LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil). Bagamat romantikong pelikula pa rin – hindi mo maaasahang lumihis dito ang sistemang loveteam ng Star Cinema at ABS-CBN – lumilihis sa pangkaraniwang love story ang Alone/Together. Bagamat may mga pagkakataong sumasablay pa sa pananalita (halatang hindi natural managalog ang iskolar ng bayan na si Tin), sa pangkalahata’y sakto ang pagganap nina Liza at Enrique. Baka ito rin ang unang pagkakataon sa karera ng LizQuen na tumangan sila ng mga karakter na nasasadlak sa seryosong mga problema na huhubog sa pagkatao ng mga karakter nila.
Nalampasan lang ni Tin ang krisis niya dahil sinagip siya ng isa pang lalaki – pero mistulang binihag din siya nito sa mundo at propesyong hindi niya ginusto o pinlano. Muling pagkikita nila ni Raff matapos ang limang taon ang naghudyat kay Tin na balikan ang nakaraan—nakaraang pangarap at pag-ibig. Kasabay ng panunumbalik ng pangarap at pag-ibig ang panunumbalik ng kagustuhang “baguhin ang mundo.”
Interesante marahil para sa naging estudyante ng UP at mga aktibista na binudburan ang pelikula ng ilang imahen ng aktibismo at mga isyung panlipunan. Sa lektyur ni Tin hinggil sa Spoliarium, binigyan-diin niya ang hindi paglimot sa mga leksiyon ng nakaraan. “Never forget,” sabi niya. Napapanahon sa panahong nanunumbalik ang mga Marcos sa pulitika at lumalakas ang pasismo sa gobyerno. Sa mga eksena sa UP, may mga aktibistang dumadaan sa AS Steps, may mga nagsasagawa ng lightning rally sa graduation. Sa isang eksena ng porum sa Vargas Museum, tinatalakay na dapat paglingkurin ang sining sa sambayanan.
Sa isip ni Tin, bahagi ng paglilingkod sa sambayanan ang (naudlot na) pangingibang bansa. Sa isang banda, totoo naman ito. Malaki ang papel ng mga migranteng Pilipino sa ekonomiya ng Pilipinas. Totoo ring maaaring makakuha ng kaalaman ang mga migrante na maiaambag pagbalik sa sariling bayan. Totoo ring sa ilang pagkakataon sa kasaysayan, nagkakasabay ang pangarap at pag-ibig ng burgesya sa pangarap at pag-ibig ng nakararami. Noong panahon ni Juan Luna at ng kolonyalismong Espanyol, nagkatugma ang ambisyon ng mga ilustrado na mamuno sa sariling bansa sa hangarin ng malawak na masang Pilipino na lumaya mula sa kolonyalismo. Ang hangarin ng isa, o ng iilan, nagkakatugma sa hangarin ng nakararami.
Sa kabilang banda, dumarating din sa punto ng kasaysayan na maghihiwalay ng landas ang burgesya at masa, ang indibidwal at kolektibo, ang mga katulad ni Tin at ang sambayanang nagpaaral sa kanya. Kung sana’y napalalim niya ang kahulugan ng sinisigaw ng mga aktibista noong graduation nila – paglingkuran ang sambayanan! – matatanto niyang para mabago ang mundo, kailangang muling makaalpas sa makitid na ambisyon ng nag-iisa, para sa nakararami’y makiisa.
Elections, an exercise in futility
Vigilance should no longer mean sticking our noses on election results because the counting and tallying are nothing but distractions because they can easily change numbers with just one click of a button. To be vigilant means doing our little efforts to campaign against the crooks, the liars and the scheming candidates who are milking us, Filipinos.
Labor group slams looming SSS contribution hike
Defend Job Philippines today expressed its strong opposition to the looming increase in the Social Security System monthly contribution to 3%. The group said that this additional deduction to the long-drawn low wages of ordinary and poor Filipino workers will mean nothing but added burden to them.
The statement is made as Defend Job Philippines joined women’s groups Kilusan ng Manggagawang Kababaihan and Gabriela Women’s Party in a picket protest today at the SSS Main Office in Quezon City.
They insisted that instead of hiking SSS contributions, SSS must focus in ensuring that their collection system to be efficient and for its executives to slash their bonuses to effectively fund all the necessary social security programs of its agency.
“Filipino workers have long been shouldering high prices of basic commodities and services. Deducting added monthly SSS contribution to the depressing state of their wages will cause nothing but additional economic hardships to them,” said Christian Lloyd Magsoy, Defend Job Philippines spokesperson.
Magsoy added, “The SSS, as a social security arm of the government, must reform and refocus its collection measures towards efficient resource generation and by cutting all of its unnecessary expenses. They must not put the burden of its programs and services and its want in efficiency on our working people.”
The labor group stressed that instead of increasing monthly contributions, SSS officials must implement stricter rules that will penalize employers who are not remitting contributions of their employees and workers.
After the protest, Makabayan and Labor Win senatorial candidate Atty. Neri Colmenares held a Stakeholders’ Consultation in Quezon City with workers, senior citizens, OFWs and pensioners concerning the looming SSS contribution hike.
Senatoriables urged to take stand against SSS contribution hike
Through the group’s ongoing #LaborVote2019 campaign, Defend Job Philippines also urge senatorial candidates to air their “No” vote against the said SSS contribution hike.
They said that candidates seeking posts this coming May 2019 midterm elections must side with the Filipino workers in opposing all anti-labor and anti-people measures including the SSS contribution hike.
“Now is the best time for senatorial candidates to bare their platforms that will put an end to additional SSS contribution, and instead promote and ensure its effective collection system, slash lavish bonuses of SSS officials in order for the agency to continue its operations and fulfill its function to provide social security and benefits to Filipino workers,” ended Magsoy.
The post Labor group slams looming SSS contribution hike appeared first on Manila Today.
Usapang babae
Naniniwala ka pa bang mas mababa ang kinikita ng kababaihan kumpara sa kalalakihan?
Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng PayScale tungkol sa kaibahan ng sahod ayon sa kasarian (gender pay gap), nakakakuha lang ng US$0.78 ang babae sa bawat US$1.00 na kinikita ng lalaki. At sa isang sitwasyon daw na ang babae’t lalaki ay may parehong kwalipikasyon tulad ng antas ng edukasyon at karanasan, nagiging US$0.98 sa bawat US$1.00 ang kaibahan.
Kung ganito ang sitwasyon sa pandaigdigang antas, ano naman ang kalagayan ng kababaihan sa Pilipinas? Kung pagbabatayan ang Women and Men FactSheet 2019 mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), may dahilan ba para magbunyi ang kababaihan sa usapin ng sahod?
Ang average na taunang kinikita raw kasi ng babaeng tagapagtaguyod ng pamilya (household head) ay P284 kumpara sa lalaking “household head” na P262. Oo, mataas nga pero tandaan nating ito ang kinikita sa bawat taon. Kung paniniwalaan ang datos ng PSA na kinuha mula sa Family Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2015, nangangahulugang kumikita lang ng P10.92 ang babae at P10.08 ang lalaki bawat buwan (kung ang kanyang pagtatrabaho ay 26 na araw).
Medyo mataas nga ang kita ng babae kumpara sa lalaki, pero malinaw na kulang pang pambili ng bigas ang kita sa isang araw. Sadyang walang pinipiling kasarian ang mababang sahod sa Pilipinas.
Pero hindi lang naman usapin ng sahod ang kinakaharap ng babae sa kasalukuyan. Sa konteksto ng kasalukuyang kampanya ng mga kandidato at party-list group para sa halalang mangyayari sa Mayo 13, mainam na suriin ang mga nahalal na mga opisyal sa mga eleksiyong nagdaan. (Tingnan ang Talahanayan)
|
Mga Nahalal na Opisyal ayon sa Kasarian |
|||||
|
Eleksiyon |
Babae |
Lalaki |
Kabuuan |
Bahagdan ng Babae |
|
|
1998 |
2,810 |
|
17,403 |
16.15% |
|
|
2001 |
2,999 |
14,480 |
17,479 |
17.16% |
|
|
2004 |
2,922 |
14,651 |
17,573 |
16.63% |
|
|
2007 |
3,040 |
14,442 |
17,482 |
17.39% |
|
|
2010 |
3,305 |
14,498 |
17,803 |
18.56% |
|
|
2013 |
3,580 |
14,331 |
17,911 |
19.99% |
|
|
2016 |
3,849 |
14,092 |
17,941 |
21.45% |
|
|
Pinaghalawan ng datos: Women and Men FactShKumpara sa eleksiyon noong 1998, kapansin-pansin ang unti-unting pagtaas ng bilang ng mga babaeng nahahalal sa puwesto. Kung sabagay, hindi na ito nakakagulat dahil nagkaroon na tayo ng dalawang Presidenteng babae. Babae rin naman ang kasalukuyang Bise Presidente, hindi ba? Pero malinaw sa datos na ang bilang ng mga babaeng nahalal na opisyal ay isa lamang sa bawat lima. Sa madaling salita, nananatili sila sa napakaliit na minorya. Madaling sabihing ang solusyon sa ganitong problema ay pataasin pa ang sahod ng kababaihan at paramihin pa ang bilang ng mahahalal sa puwesto sa mga darating pang eleksiyon tulad ng mangyayari sa Mayo 13. Pero halimbawa lang na mangyari ang mga ito, may maaasahan bang pagbabago ang kababaihan? Nariyan pa rin kasi ang itinakdang papel ng lipunan sa babae bilang diumanong “ilaw ng tahanan” na dapat na nag-aalaga ng anak at asawa. Siya pa rin ang inaasahang gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba, pagpaplantsa at paglilinis ng bahay para siguraduhing komportable ang lalaking diumanong “haligi ng tahanan” sa kanyang pag-uwi. Sa isang sitwasyong kailangang magtrabaho ang parehong mag-asawa, hindi nababawasan ang pasanin ng babae. Siya pa nga ang nasisisi kung hindi napagkakasya sa araw-araw na gastusin ang pinagsamang kakarampot na kinikita nila. Opo, babalik at babalik pa rin tayo sa tinatawag na patriyarkal na sistema ng lipunang nagbubunsod ng maling kaisipan hinggil sa papel ng babae sa lipunan. Sa kabila ng retorika ng mas magandang katayuan ng babae sa kasalukuyan kumpara sa nakaraan, kailangang huwag lang matali sa estadistika dahil kailangang suriin ang konteksto ng pinagdaraanan niya. Kapansin-pansin nga ang pagbabago sa kantidad (quantitative change), pero paano na lang ang pagbabago sa kalidad (qualitative change)? Gugunitain ang International Women’s Day sa Marso 8. Sinimulan ng United Nations (UN) ang taunang komemorasyon noong 1975. Bakit Marso 8? Ito kasi ang araw na nag-aklas ang kababaihan ng Rusya noong 1917 sa kalagitnaan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang kanilang kolektibong panawagan noon ay tinapay at kapayapaan (“Bread and Peace”). Ilang araw pagkatapos ng kanilang kilos-protesta, nag-abdicate ang Czar at ang pumalit na gobyerno ay binigyan ang kababaihan ng karapatang bumoto. Kung may aral tayong dapat makuha sa kasaysayan ng pagkilos ng kababaihan, ito ay ang malinaw na progresibong pinagmulan ng Marso 8. Mainam na ipagpatuloy ang tradisyon ng kolektibong pagkilos ng kababaihan para sa pagbabagong nais makamtan. Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa https://risingsun.dannyarao.com |
|||||
Mindanao church, IP and human rights groups condemn SC approval of third martial law extension
“Ang martial law ay hindi lang [namin] tinututulan sa Mindanao, bagamat sa Mindanao dineklara ang martial law dito sa buong Pilipinas ay may de facto martial law,” said Bishop Antonio Ablon spokesperson of Barug Katungod.
[We don’t only oppose martial law in Mindanao, for while martial law is declared in Mindaao, there is de facto martial law in the whole Philippines.]
The speakers in the press conference held today said the prolonged martial law caused a lot of cases of human rights violations in the first two months of the year. They also said number of leaders from peasant groups have been killed, while there are 11 activists who have been arrested and detained on trumped-up charges.
Victims of martial law in Mindanao are in Manila, as well as displaced Lumad children holding their ‘bakwit school’ in various venues in Luzon since June 2018 and striking workers from Sumifru plantation who have been violently dispersed in their hometown have sought refuge in Manila since December 2018.
A lumad bakwit student stated that Lumad schools were closed, destroyed and some occupied by military personnel.
“Kami po kabataang [lumad] uhaw makapag-aral, humingi ng tulong sa [gobyerno] pero hindi kami binigyan. Kaya nagsikap mga magulang namin para makapagtayo ng paaralan pero ang ginawa [ng militar] sinunog nila,” said Rosalyn Magon.
[We lumad youth thirst to become educated and soguth the help of the government but we did not get any. That’s why our parents strived to build a school for us but (the military) burned them down.]
Speakers also decried that church people, journalist, and lawyers are also being red tagged and being labelled as “CPP-NPA supporters” or leaders.
The victims, including the human rights defenders, called for an end martial law in Mindanao and to resist de facto Martial law nationwide.
SC decision
The Supreme Court decision affirming the third extension of martial law in Mindanao was announced a week ago on February 19. Voting 9-4, only Associate Justices Antonio Carpio, Marvic Leonen, Francis Jardeleza, and Alfredo Benjamin Caguioa dissented.
The decision dismissed the petitions filed by 4 different groups: minority lawmakers led by Albay Rep. Edcel Lagman, lawmakers from the Makabayan bloc, human rights groups led by Constitutionalist Christian Monsod, and a group of Lumad teachers and a student from Mindanao.
SC also upheld constitutionality of President Rodrigo Duterte’s 60-day martial law declaration from May 23, 2017 and its year-long extensions until the end of 2017 and of 2018.
The post Mindanao church, IP and human rights groups condemn SC approval of third martial law extension appeared first on Manila Today.
Is the universal health care act something to cheer about?
By Sonny Africa
Wait muna! Okey lang to cheer pero let’s be clear what we’re cheering for.
Does the “universe” in Universal Health Care Act mean that all Filipinos will get all their health care free, like Ms. Universe Catriona Gray is now presumed the most beautiful woman in all the universe?
All Filipinos are automatically enrolled which is certainly pretty universal.
But are all health care needs covered or, indeed, even just all health care expenses? Not if PhilHealth’s record so far is any indication.
According to the latest 2017 National Demographic and Health Survey (NDHS), PhilHealth covered just one-third (34%) of the average private hospital bill of Php33,191. Patients in private health facilities still had to cough up an average of Php22,060. Paying two-thirds of the cost of confinement doesn’t sound very universal.
It’s a little better for patients in public hospitals and PhilHealth covered 71% of the average public hospital bill of Php11,627. But then patients in public hospitals are much poorer, likely don’t even have enough to live decently on a day-to-day basis, and almost certainly don’t have any savings — so the Php3,357 that they still have to pay is a huge burden.
And it’s virtually unpayable for the poorest 6.5 million Filipino families who struggle to get by on incomes of just Php10,000 or even much less a month. So even that 71% paid for by PhilHealth isn’t very universal either.
Now what would really be universal is if there were enough public hospitals to give free health care for every Filipino.
The country is far away from that and, with the government’s preference for health privatization, not even trying to go there. Around half of hospital beds are in private hospitals which means that many many poor Filipino families are forced to choose the more expensive Php33,191 private hospital option over the Php11,627 public hospital option just because there isn’t enough of the latter.
Public hospitals are also chronically underfunded because the government’s version of universal health care is not to strengthen the public health system. Instead, it’s to incentivize profit-seeking private interests to set up private profit-seeking hospitals by partially subsidizing patient spending through PhilHealth.
So it’s no surprise why private hospitals are about three times as expensive as public hospitals — a profit premium is built into the private hospital’s bill.
So, something to cheer about?