Home Blog Page 445

Lives apart

0

On 1 September 1939, the United Kingdom began the massive evacuation of civilians in anticipation of the outbreak of the Second World War in Europe. The plan was called Operation Pied Piper, after the folktale with the eponymous musician who lured the children of the village of Hamelin away, never to be seen again. It may have been a poorly chosen fictional reference, but it indicated the fact that Operation Pied Piper focused on children, moving them away from their families and homes towards supposedly safer areas as a security measure during wartime.

PHL now most risky place for peasants, IPs

0

The Philippines once again landed on top among the 21 countries tagged as dangerous for farmers, farm workers, indigenous people, and other activists resisting land and resource-grabbing.

Salugpongan leaders slam red-tagging

0

The Salugpongan Council denied on Tuesday that it has links with the Communist Party of the Philippines (CPP) and its armed wing, the New People’s Army (NPA).

Stop targeting community journalists

0

Last December 11, posters vilifying 41 individuals—mostly local civic leaders as well as activists in legal mass organizations, but also including lawyers and community journalists—appeared in Iloilo City. They were branded as “henchmen” of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front, and accused of being “terrorists” and “extortionists,” terms the military often uses to describe New People’s Army fighters.

Included in these posters are two Panay community journalists who are members of the AlterMidya Network of around 200 independent and alternative media practitioners throughout the country. The journalists are reporters John Ian Alenciaga of the online publication Panay Today, and Roxanne Javellana of Dampig Katarungan, a weekly show aired over DYOK Aksyon Radyo Iloilo 720.

By naming these community journalists as “henchmen” of those groups the Duterte regime has tagged as it enemies, the posters mark them as targets for violence. Human rights lawyer Ben Ramos was also vilified in a similar poster before he was brutally gunned down in Negros.

These community journalists are regular contributors to AlterMidya’s online newscast ALAB Alternatibong Balita. Their reports have highlighted the deleterious effects of the Jalaur mega dam on the indigenous Tumanduk of Panay; the loss of livelihood of workers and small entrepreneurs affected by the closure of Boracay Island; consumer complaints of overcharging in electricity bills in Iloilo City; and militarization in farming communities, among others.

Community journalists are crucial in bringing underreported issues in the regions to national and international audiences. They give voice to the marginalized whose grievances are often ignored by the corporate media.

Supposedly from a group called the “Panay Alliance of Victims of the CPP-NPA,” the posters are very likely the work of the Armed Forces of the Philippines, which is at the forefront of the vilification campaign against dissenters and critics of the government.

We denounce these attempts to intimidate and silence journalists, civic leaders, lawyers, and activists in Iloilo and elsewhere in the Philippines. These attacks on journalists must end. We need journalists to continue reporting on the state of human rights and other issues in these dangerous times. One journalist threatened is one journalist too many.

The post Stop targeting community journalists appeared first on Altermidya.

Kabuluhan ng kampana ng Balangiga

>> Naibalik na sa bansa ang “Balangiga bells“. Matagal na itong ipinapaglaban ng mga makabayan at tagasuporta nila.

>> Tatlong kampana ng simbahan sa bayan ng Balangiga sa Samar ang iniuwisa US ng mga sundalong Amerikano bilang “war trophy” o premyo sa geranoong 1901. Inilagak ang mga kampana noong 1904 sa isang base-militar saCheyenne, Wyoming. Noong bungad ng 1950s, isa sa mga kampana ang dinala sabase-militar ng US sa South Korea.

>> Tinangay ang mga kampana matapos ang sorpresang pag-atake ng mgaPilipino sa mga sundalong Amerikano, na ginantihan naman ng pagsalakay ng mgasundalong Amerikano sa mga Pilipinong nakatira sa Balangiga at mgakaratig-bayan.

>> Umaga ng Setyembre 28, 1901, sorpresang inatake ng mga Pilipino angmga sundalong Amerikano na nakatalaga sa Balangiga. Nagbihis sila ng kasuotanng kababaihang nagluluksa noong panahong iyun at itinago sa kabaong ang mgabolo. Sa ganito, nakalapit sila sa mga sundalong Amerikano nang hindinapapansin.

>> Bago nito, sapilitang pinagtrabaho ng mga sundalong Amerikano angkalalakihan. Binunot ang mga halamang ugat at kinumpiska ang mga pagkaingitinatago ng mga Pilipino — para raw hindi mapakinabangan ng mga”insurrecto” o rebelde. Dumanas ng matinding kagutuman ang Balangiga,bukod pa sa pagkauhaw sa kalayaan na ramdam sa buong bansa.

>> Nasa 50 sundalong Amerikano ang patay. Ito ang pinakamalaking pinsalangtinamo ng pwersang militar ng US sa Digmaang Pilipino-Amerikano na nagsimulanoong 1899. Nagsilbing hudyat sa matagumpay na paglusob ng mga Pilipino angpagkalembang ng mga kampana ng Balangiga. Kaya ganoon na lang ang galit dito ngmga sundalong Amerikano at tinangay ito.

>> Ang iilang sundalong Kano na nakaligtas, tumungo sa kanilang kampo sabayan ng Basey. Galit na galit ang mga opisyal-militar nang mabalitaan angnangyari. Nang sumunod na gabi, bumalik sila, dala ang dalawang kumpanya ngsundalo.

>> Utos ni Brig. Gen. Jacob Smith: “Ayaw ko ng mga bilanggo. Anggusto ko, pumatay at manunog kayo. Mas marami kayong mapapatay at masusunog,mas matutuwa ako.” Ang gusto niya, patayin ang lahat ng lampas 10 anyos nakayang magdala ng armas. Iniutos niyang gawing “howling wilderness” o”humihiyaw na kaguluhan” ang Samar.

>> Walang eksaktong bilang, pero libu-libong Pilipino ang pinatay ng mgasundalong Amerikano. Hindi lang ang mga may-edad na kalalakihan na pwedengmaging rebelde ang pinuntirya. Pinagpapatay ang mga bata, babae, matatanda,buntis, maysakit — lahat ng kanilang nakita. Sinunog ang bayan, kasama angsimbahan.

>> Humarap si Smith sa korte-militar pagkatapos, napatunayang maysala sapagmamalupit sa mga sibilyan, pero binigyan ng napakagaang na parusa — babala.

>> Naganap ang labanan sa Balangiga kasabay ng pagdaluyong ng pakikibakang mga Pilipino, karamiha’y maralitang magsasaka, sa buong kapuluan laban sapananakop ng US at para sa pambansang kalayaan. Sa kabila ito ngpag-uurong-sulong at pagkompromiso ng pamunuan ng rebolusyon noon nakinabibilangan ng mga maykaya.

>> Isang bago at sumisibol na imperyalistang bansa noon ang US, atPilipinas ang isa sa mga una nitong kolonya. Sa US at mga bansang imperyalista,malaganap noon ang pagtingin na superyor at sibilisado ang lahing puti, atatrasado at barbarikong mga lahing hindi puti. Hindi pa raw handa sapagkakaroon ng sariling gobyerno ang mga lahing tulad ng Pilipino.

>> Sa US, pinalabas na hindi mananakop ang US sa Pilipinas, kundi tagapagpalaya.Lehitimo ang naging pagtingin sa Kasunduan sa Paris ng 1898 kung saan binili ngUS ang Pilipinas, Cuba at Puerto Rico mula sa Espanya.

>> Sa ganitong mga dahilan, hindi kinilala sa mahabang panahon nggobyerno ng US na “digmaan” ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Para sakanila, “insureksyon” lang ito. Hindi rin lehitimong pag-atake angginawa ng mga Pilipino sa Balangiga, kundi masaker — ng kanilang mga sundalo.Ganito ang naging mga dahilan ng mga tumutol sa pagsasauli ng mga kampana, naang karamihan ay mga beterano ng gera.

>> Ibang-iba ito sa pagpuri ng gobyerno ng Amerika sa mga sorpresangpag-atake na pinamunuan ni George Washington para sa paglaya ng US noon saBritanya. Gayundin sa pagpapatawad ng US sa sorpresang pag-atake ng Japan saPearl Harbor at sa matitinding krimen ng Germany noong World War II.

[Sanggunian: Renato Constantino, The Philippines: A Past Revisited(Quezon City, 1975). Sharon Delmendo, The Star-Entangled Banner (NewJersey, 2004), Paul A. Kramer, The Blood of Government (Chapel Hill,2006).]

_________________________________________________________________
Eugenio Daza (kaliwa) kasama si Emilio Aguinaldo

Bakit Ibabalik?

Si Eugenio Daza, isa sa mga Pilipinong nakaligtas sa Balangiga, ay gumawa ngaffidavit noong 1935 tungkol sa naganap. Kaugnay ng tinangay na kampana, tanongniya, “Pwede ba natin itong mabawi? Dedepende iyan sa pagiging makabayanng ating mga lider at kabutihang loob ng mga mamamayang Amerikano.”

Ito nga ba ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana ngBalangiga? Pagkamakabayan ng mga lider ng Pilipinas? Kabutihang loob ng mgamamamayang Amerikano? Mas kumplikado diyan ang sagot.

Una, ang tuluy-tuloy na nagpaalala sa bayan at daigdig tungkol sa mga kampanaat lumaban para maibalik ang mga ito ay ang mga makabayang Pilipino. Sila rinang mga kritikal sa Digmaang Pilipino-Amerikano at sa papel ng US sa Pilipinasat daigdig. 

Ikalawa, nanawagan ang mga lider ng Pilipinas na ibalik ang mga kampana saiba’t ibang dahilan, hindi ang pagiging makabayan. Si Fidel V. Ramos noong1996, para sa papalapit noong sentenyal ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinassa 1998. Si Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang taon, dahil sunud-sunuran siyasa China at gusto niya itong ipatanggap sa mga Pilipino — sa pamamagitan ngpana-panahong pagtuligsa sa US.

Sa ilalim ni Duterte, US pa rin ang pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Perosunud-sunuran din siya sa China. At dahil gusto niya itong ipatanggap samamamayan, isa sa ginagamit niyang tuntungan ang mga maling ginawa ng US — naang mga makabayan ang nagpatampok.

Kasabay ng balita tungkol sa pagbabalik-bayan ng mga kampana, sinabi ni Dutertesa pulong ng mga bansa sa Timog Silangang Asya: “Hawak na ng China angSouth China Sea, bakit pa tayo gagawa ng alingasngas?” Tiklop siya saChina, sa pag-okupa at militarisasyon nito sa mga isla na inaangkin ngPilipinas at ibang bansa. 

Bilang kapalit, umaasa si Duterte sa China ng patuloy na suportang pulitikal atmateryal sa kanyang gera kontra-droga, pautang para sa mga proyektongimprastruktura, pamumuhunan at pagtuturista ng mayayamang Tsino, at iba pa. Saganito, ginagawa nang neo-kolonya ng China ang bansa.

Ikatlo, may kakampi ang mga makabayang Pilipino sa US: mga makabayangFilipino-American at progresibong Amerikano. Sila ang mga Amerikanong maymabuting loob na nagpresyur sa gobyerno ng US na balik na ang mga kampana.

Ikaapat, hindi mabuti ang loob ng gobyerno ni Donald Trump na siyang magsasauling mga kampana. Imperyalista rin ito, bagamat batbat ng matinding krisis attuligsa. Banta rito ngayon ang paglakas ng China kaya nagsisikap itong kumabigng mga bansa na magiging kakampi.

Ito ang mga dahilan kung bakit ibabalik ngayon ang mga kampana: Paglaban ng mgamakabayan at tagasuporta nila sa US. Pagkatuta ni Duterte sa China atkagustuhan niyang ipatanggap ito sa bayan sa pamamagitan ng pana-panahongpagtuligsa sa US. At paghina ng US at pagsisikap nitong kumabig ng mga kakampilaban sa China. 

Kakatwa ang kasaysayan. 1901: papausbong na imperyalista ang US. Isa samga dahilan kung bakit nito gustong sakupin ang Pilipinas ay para gawin tayongtuntungan sa pag-abot sa China — noo’y isang mahinang bansa napinaghahati-hatian “na parang pakwan” ng iba’t ibang imperyalista.

2018: dominanteng imperyalista pa rin sa daigdig ang US, pero ito ay humihina,lalo na sa ekonomiya. Sumisibol naman ang China bilang bagong imperyalista,malakas ang ekonomiya at humahabol ang lakas-militar. 

Noon, naipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (bagong imperyo) at Espanya(luma). Ngayon, naiipit ang Pilipinas sa banggaan ng US (lumang imperyo) atChina (bago). Walang kakampihan ang mga makabayang Pilipino; sa halip,lalabanan nila ang mga kaaway ng kalayaan ng sambayanan.

Komiks na siksik sa Himagsik

Bago mo mahawakan ang librong komiks na Dead Balagtas (DB), makakabasa ka muna tungkol rito sa social media. Matagal na itong umaani ng papuri ng mga mambabasa, alagad ng sining, at aktibista — karamihan, iyung galing sa batang henerasyong tinatawag na “millennial.” Kahit ang ilang manunuri ng mga aklat, sang-ayon; nanalo ito ng Best Graphic Literature at Best Design sa Philippine Book Awards, na ang pagpaparangal ay ginanap nitong Nobyembre 24.

May mga larawan na nagpapakita ng ganda ng mga dibuho ng DB, malayung-malayo na sa maiisip ng mas nakakatandang mga henerasyon kapag sinabing “komiks.” Tawag-pansin din ang awtor, na gumagamit ng alyas na Emiliana Kampilan. Marami ang nagtatanong: sino siya? Batay sa samu’t saring hibla na bumubuo sa DB, nakakamangha ang mga hilig niya. Lalong nakakadagdag ng misteryo na tuwing nakikita siya sa mga larawan, nakasuot siya ng bayong sa ulo.

Sa aktwal, laman ng DB ang apat na kabanata, mula pinakamaikli patungong pinakamahaba, apat na kwentong ang nasa sentro ng bawat isa ay dalawang karakter. Tinatahi sila ng siyentipikong paliwanag tungkol sa paggalaw ng kalupaan at karagatan sa mahabang kasaysayan ng mundo. Tinatahi, kapwa sa paglalarawan ng iba’t ibang ugnayan ng mga tao at sa mga imahen na ginamit.

Sa “Ang Santinakpan,” ikinwento ang mito ng mga sinaunang Pilipino tungkol sa pagkakalikha ng sanlibutan kung saan sentral ang dalawang diyos na mag-asawa. Dahil ayaw pakilusin ng lalaking si Tungkung Langit ang babaeng si Laon Sina, nagdamdam at lumayo ang huli, at sa paglayo ay nag-ambag sa paglikha.  

Sa “Ang Daigdig,” salaysay naman ang sabay na paglaki ng isang batang lalake at isang batang babae, halatang kapwa petiburgis, sa panahon ng computer games. Tila patungo sa romantikong ugnayan ang dalawa, pero ipinakita ang pag-unlad ng pagkatao ng babae habang wari’y nanatiling nakatali sa pagkabata ang lalake.

Sa “Ang Karagatan,” inilahad ang pagkakakilala ng dalawang lalake sa isang muntikang sapakan — at ang paglalim ng kanilang ugnayan. Parehong laki sa kulturang kilalang macho: Muslim ang petiburgis, Batangueno ang manggagawa. Ipinakita kung paano nila tinanggap ang kanilang sarili pagdating sa pagmamahal.

Sa “Lupang Hinirang,” ikinwento ang pagkakakilala ng isang babaeng kabataang manggagawa at isang lesbiyanang estudyanteng aktibista at ang naging relasyon nila. Ipinakita ang kanilang pagharap sa pagkakaiba ng uring pinagmulan, pagsisikap makaraos sa buhay, at pakikipag-ugnayan sa kanilang pamilya.

Napakaraming dahilan kung bakit matatawag na rebeldeng komiks ang DB. Punung-puno ito ng paghihimagsik sa iba’t ibang larangan. Tila pagdedeklara at pagdiriwang ito ng pagpupumiglas at paghulagpos sa kalakaran sa lipunan — na matagumpay, dahil nakapaloob sa mga kwentong kongkreto at buhay na buhay.

Taliwas sa pagiging pang-aliw at pampalipas-oras ng karamihan ng komiks, naglaman ito ng mga seryosong paksa at tema. Hindi ko alam ang istandard ng mga dibuho sa komiks, pero maririnig ang mga papuri na nagsasabing kahit dito’y tumatapat kung hindi man humihigit pa ang DB. Ang lahat ng kwento, tinatahi ng pagbaklas sa kalakaran ng kasarian, at sa pagiging dominante ng kalalakihan.

Sa unang tatlo: Taliwas sa kasikatan ng mga mito mula Kanluran, nilaman ang mito ng lahing kayumanggi — at kahit dito, ang pinatampok ay iyung sa babae kumakampi. Taliwas sa gasgas nang kwento ng pag-unlad ng lalake at pag-iwan sa babaeng babalikan, babae ang umunlad ang pagkatao. Pinatampok ang aspeto ng Islam at pagpapamilya na progresibo pagdating sa pagtanggap sa mga bakla.

Sa huling kwento, positibong inilarawan ang relasyong lesbiyana, at ng isang manggagawa at isang petiburgis pa man din. Gayundin ang pagtaliwas sa dikta ng pamilya pagdating sa trabaho at uri, sa pagrerelasyon at sekswalidad. Lantad ang aktibismo ng pangunahing karakter: miyembro ng Gabriela, kampeon ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan, at nagtuturo ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino.

Taliwas sa pagkabulag sa manggagawa ng tanaw ng kapitalistang midya, nagpakita ang DB ng iba’t ibang manggagawa. At lahat sila, ramdam kung hindi man gagap kung paano sila pinagsasamantalahan at sinusupil, at may pahapyaw sa kanilang karapatan. Ilang ulit na sinaltikan ang rehimen ni Rodrigo Duterte, sa pag-abuso sa kababaihan, pagsupil sa mga aktibista, at iba pang kasamaan. 

Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng titulo. Sa isang banda, idinedeklara mang “dead” si Balagtas, wari’y binubuhay nito ang sinaunang makatang Bulakenyo para sa bagong henerasyon. Nasa DB nga naman ang kwento ng pag-iibigan ng mga makabagong Florante’t Laura, na kayakap din ng kasaysayan ng bayan, na ngayo’y “isang madilim, gubat na mapanglaw,” na sinuri ni Balagtas. 

Sa kabilang banda, posibleng himagsik din ito — sa tradisyong pasalita, kapwa binabasa at binibigkas, na kinakatawan ni Balagtas. Panahon nga naman ngayon ng pormang biswal, na kahit hindi tuluyang nagsasantabi sa mga pormang nauna ay may sariling katangian at kakayahan. Nakakatuwa: sa paggigiit ng DB ng bagong biswalidad, buhay ang baybayin at mga imaheng likha ng mga katutubo.

Nagtapos ang isang kwento sa pagmamahalan batay sa pagtanggap sa sarili. Ang isa pa, sa pagtanggap ng pamilya at pagpapatuloy sa pakikibaka batay sa kakayahan. Magandang simula ang pag-uugnay ng paggigiit ng sekswalidad sa paglaban, at sa makauring paglaban sa porma ng aktibismo. Kumakabig ang DB sa mga mambabasang apolitikal o bahagyang mulat para sa pulitikang progresibo.

Kapana-panabik, gayunman, kung paano nito iraradikalisa ang mga relasyong nilikha. Ang pagpapalaya ng kasarian at pagpapalaya ng uri at bayan. Ang pang-araw-araw na buhay at ang sistema, at ang mga naghahari rito. Ang panimulang aktibismo at ang mas matataas na porma ng paglilingkod. Ang mga pagsulong na nakakamit ngayon at ang pangangailangang ipagtagumpay ang malayang bukas.

Madamdamin ang mga kwento, pero isang malakas na unang sigaw ng pag-aaklas ang unang tomo ng DB. Pinag-aabang ang mga mambabasa. Pagkatapos ng deklarasyon ng rebelyon, ano na? Mula sa pagbangga sa kalakaran, sasagupain na ba ang iilang makapangyarihan at kanilang tauhan? At ipinasilip ng DB na kaya ng komiks na kahit biglaan ay swabeng bigwasan ang mga naghahari-harian.

Tunghayan! Palakpakan! Abangan!

26 Nobyembre 2018

Probationary period na lampas anim na buwan?

Sa pagpasok ng isang manggagawa sa kanyang trabaho, hindi siya kaagad nagiging regular. Kailangang dumaan siya sa probationary period kung saan titingnan ng kompanya kung dapat ba siyang gawing regular.

Ang karaniwang haba ng probationary period na ito ay anim na buwan. Maaari lamang itong habaan ng kompanya kung may kasunduan tungkol dito. Ang patuloy na pagtatrabaho ng isang manggagawa sa kompanya nang lampas sa kanyang probationary period ay nangangahulugan na regular na manggagawa na siya ng kompanya.

Ang usapin tungkol sa probationary period ng mga manggagawa ay naungkat sa kasong “Maria Carmela Umali vs. Hobbywing Solutions, Inc. (G.R. No. 221356)” na dinisyunan ng Korte Suprema noong Marso 14, 2018.

Nagsimulang magtrabaho sa Hobbywing Solutions, bilang isang online casino dealer, itong si Maria noong Hunyo 19, 2012.

Ayon sa kompanya, siya ay pumasok bilang probationary employee hanggang Nobyembre 19, 2012 at meron siyang pinirmahang kontrata tungkol dito. Ang kanyang probationary period ay kanilang pinahaba hanggang Pebrero 18, 2013 at meron na namang kontratang nilagdaan si Maria sa bagay na ito.

Pagkatapos ng panahong ito ay gusto na sanang tanggapin ng kompanya at gawing regular itong si Maria subalit siya ang umayaw at kumuha ng kanyang exit clearance mula sa kompanya.

Ayon naman kay Maria, wala siyang pinirmahang kontrata sa kompanya noong una siyang pumasok rito noong Nobyembre 19, 2012.

Pagkatapos ng pitong buwan, saka lamang siya pinapirma ng kontrata ng kompanya. Bale dalawang kontrata ang kanyang sabay na pinirmahan.

Ang unang kontrata ay mula Hunyo 19, 2012 hanggang Nobyembre 19, 2012. Ang pangalawang kontrata naman ay mula Nobyembre 19, 2012 hanggang Pebrero 18, 2013.

Ayon din kay Maria, pagdating ng Pebrero 18, 2013 ay sinabihan siya ng kompanya na tapos na ang kanyang kontrata at maghintay na lamang siya ng pasabi kung maging regular siya o hindi. Magmula noon ay hindi na siya pinapasok ng kompanya.

Dahil dito, napilitang magsampa ng kasong “illegal dismissal” si Maria laban sa kompanya.

Binasura ng Labor Arbiter ang kaso ni Maria. Inapila ni Maria ang kaso sa National Labor Relations Commission at pinanalo naman nito si Maria. Ang kompanya naman ang umakyat sa Court of Appeals at binaliktad naman nito ang hatol at pinanalo ang kompanya. Napilitang iakyat ni Maria sa Korte Suprema ang kanyang kaso.

Pagdating sa Korte Suprema, napansin ng Korte na ang dalawang kontrata ay pinirmahan ni Maria noong Enero 10, 2013 lamang.

Ito ay dahil sa sinulatan ni Maria ng aktwal na petsa kung kailan niya nilagdaan ang dalawang kontrata nang kanyang lagdaan ang mga ito.

Ang petsang Enero 10, 2013 ay nakalagay sa ibaba ng pirma ni Maria sa mga kontrata. Ito ay hindi maaring itatwa ng kompanya.

Dahil dito, lumalabas na tapos na ang anim na buwang probationary period ni Maria nang pirmahan niya ang nasabing mga kontrata.

Ibig sabihin nito, sabi ng Korte Suprema, si Maria ay isang ganap nang regular na manggagawa ng kompanya nang papirmahin siya nito ng kontrata tungkol sa kanyang pagiging probationary employee rito.

Hindi ito maari, sabi ng Korte Suprema. Hindi maaring papipirmahin ang isang manggagawa na naging regular na sa kompanya ng kontratang nagbabalik sa kanya bilang probationary muli.

Dahil dito, nagdisisyon ang Korte Suprema na dapat ibalik sa kanyang trabaho at bayaran ng backwages ng kompanya itong si Maria.

Inaasahan nating maging gabay sa mga manggagawa ang naging kasong ito ni Maria.

Tiraniya vs kapayapaan

Tinuldukan na raw ni Pangulong Duterte sa huling pagkakataon ang usapang pangkapayapaan sa rebolusyonaryong kilusan. Samantala, pinalawig na niya ang mga operasyong militar sa buong bansa sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 32.

Sa utos ni Duterte, inilabas ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang nasabing kautusan na naglalayong magdagdag ng karagdagang armadong tropa sa iba’t ibang probinsiya gaya ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at sa rehiyon ng Bikol para sugpuin umano ang mga karahasan.

MO No. 32, pambansang batas militar

Ayon sa Karapatan, grupong pangkarapatang pantao, isang galawang diktador at terorista ang nasabing MO No. 32.

“Ang pagsasailalim ng mga nasabing probinsiya at rehiyon sa ilalim ng state of national emergency base sa mga kuwestiyunableng mga ulat ng mga “karahasan” ay tatak ng galawang diktador, isa sa mga ginagamit ng mga desperadong rehimen gaya ng kay Duterte upang bigyang katuwiran ang pamamaslang, ilegal na pag-aresto at pagkulong, torture, ilegal na paghahalughog, at iba pang krimen na gawa ng Estado laban sa mga mamamayan,” ayon kay Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Dahil sa MO No. 32, inaamin rin umano ni Duterte na malakas ang NPA hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa taliwas sa sinasabi ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na malapit na nilang masugpo ang NPA. Sa katunayan, wala ni isang larangang gerilya sa Mindanaw ang nawasak sa kabila ng deployment ng 75 sa 98 batalyon ng AFP, ayon kay Jose Maria Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Para kay Sison, ang MO No. 32 ay preparasyon para sa pambansang proklamasyon ng batas militar, pananabotahe sa eleksiyong 2019, Charter Change para sa bogus na pederalismo, at pagtatayo ng isang pasistang diktadura gaya ng kay Marcos.

Ayon naman kay Teddy Casiño ng Movement Against Tyranny, ang solusyon ni Duterte sa kahirapan, kawalang pagkakapantaypantay, underdevelopment, at korupsiyon ay hindi lang simpleng pagpapanatili ng kasalukuyang sistema kundi pagpapalala ng kalagayan sa pamamagitan ng paniniil at pagtulak sa diktadura.

“Ang tiraniya ni Duterte ay hindi lamang simpleng pagkakaroon ni Duterte ng reaksiyonaryo at pasistang pag-iisip; hindi rin dahil lang mayroon din parehong pagiisip ang AFP at PNP. Ito ay tungkol din sa gobyerno na bigong tugunan ang mga lehitimong pangangailangan ng mga mamamayan nito at ngayo’y nauuwi sa pag-atake sa sarili nitong mamamayan para protektahan ang kasalukuyang sistema,” ani Casiño.

Dahil umano sa hindi alam ni Duterte kung paano makamtan ang kapayapaan sa bansa, ipinatutupad nito ang panunupil at gera sa bayan, diin ni Casiño.

Atake at paglaban

Sa isang pagtitipon na may temang “Clamor for Peace, Defend Human Rights: A gathering calling for the release of detained peace consultants and the resumption of the GRP-NDFP peace talks” na isinagawa sa Quezon City noong Nobyembre 24, inilahad ng mga nagtataguyod ng usapang pangkapayapaan kabilang na ang Pilgrims for Peace, Philippine Peace Center, at Karapatan ang kalagayan ng karapatang pantao sa ilalim ni Duterte.

Mula noong nagpahayag si Duterte ng interes nito para sa usapang pangkapayapaan noong 2016, marami na sanang signipikanteng tagumpay ang naisulong sa pag-uusap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) lalo’t higit umano noong ikatlong round nito. Dito binigyang daan ang pagkakaroon ng pagkakasundo sa lalamanin o common draft para sa repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon na laman ng Comprehensive Agreement on Socioeconomic Reforms (Caser) na sasagot sa ugat ng armadong tunggalian sa bansa.

Pero marami ring sinayang ang pag-atras ni Duterte sa usapang pangkapayapaan. Bago pa man ang pormal na terminasyon ni Duterte sa usapang pangkapayapaan noong Nobyembre 23, 2017 sa pamamagitan ng Proclamation 360 at pagdeklara sa CPP-NPA bilang “teroristang grupo” noong Disyembre 5, 2017, hindi natigil ang atake ng Estado sa mga itinuturing na kalaban nito maging ang legal na mga organisasyong masa. Ibinilang din ang pinalayang peace consultants ng NDFP bilang mga opisyal umano ng CPP-NPA, kasama pa ng iba pang 600 indibidwal na walang pagkakakilanlan, na ipinadedeklarang “terorista.”

Maliban sa hindi pagtupad ni Duterte na palalayain ang mahigit 400 bilanggong politikal sa bansa, nagpatuloy ang pag-aresto at pagdukot sa mga aktibista at sinasampahan ng gawa-gawang mga kaso. Kabilang sa mga inaresto nitong huli ang mga kasapi ng NDFP negotiating panel na sina Rafael Baylosis nitong Enero, si Adelberto Silva at apat na kasamahan nito na hinuli sa Laguna nitong Oktubre 15, gayundin si Vic Ladlad na inaresto nitong Nobyembre 8 sa Novaliches, Quezon City.

Para sa mga kaanak at abogado ng mga hinuling consultant, malinaw na itinanim lamang umano ang mga ebidensya gaya ng kay Ladlad na kinakitaan umano ng malalakas ng kalibre ng baril gaya ng M16 at AK-47 na riple na may bayoneta at mga granada na imposible niyang madala dahil sa kaniyang pisikal na pangangatawan at edad.

“Sila (ang peace consultants) po ay patuloy na nag-aambag upang ang ating pamahalaan ay patuloy na maging maka-mamamayan, maka-Pilipino at sinisikap tugunan ang ugat ng armadong tunggalian sa ating bansa. Kung tatanggalin po natin ang mga gawa-gawang kaso sa kanila, sila po ba ay sangkot sa extrajudicial killings dito sa war on drugs? Sila po ba ay sangkot sa mga malalaking kaso korupsiyon sa bansa? Ano pong krimen ang nagawa nila para makatanggap ng ganitong pagtrato sa pamahalaan? Wala po,” ayon kay Rachel Pastores, abogado ng mga bilanggong politikal.

Ayon naman kay Sharon Cabusao, dating bilanggong pulitikal at asawa ni  Silva, kahit na nasa kulungan ang mga bilanggong politikal, patuloy nilang pinag-uusapan at inaaral ang pulitikal na sitwasyon sa bansa. Hindi natatapos ang kanilang mga gawain sa likod ng mga rehas.

Naganap din ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanaw na nagresulta sa iba’t ibang kaso ng paglabag sa karapatang pantao at gayundin ang masaker sa Sagay (sa Negros) na kumitil sa buhay ng siyam na magsasaka.

Pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan

Isang palaisipan para kay Sison, kung anong klase presidente meron ang Pilipinas. Dahil ito sa naging pahayag ni Pangulong Duterte nitong Nobyembre 22 sa Tanza, Cavite na hinihikayat ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na bigyan siya ng huling kasunduang pangkapayapaan o final peace agreement na kaniyang pipirmahan pero kailangan muna niyang ipaaprubahan sa militar at pulisya.

Sa sinabing ito ni Duterte, kaniya umanong ipinakita kung gaano siya katakot sa militar at pulis kahit na siya ang commander-inchief. Na tila ang kaniyang otoridad bilang isang lider ay mas mababa kumpara sa otoridad ng military at pulis. Ipinakikita rin umano nito na walang alam si Duterte o ipinakikita nyang wala siyang alam sa proseso ng usapang pangkapayapaan.

Ipinakikita nito kung sino ang totoong seryoso sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP na kumakatawan sa CPP at sa armadong lakas nito na New People’s Army at sa Gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Casiño, para sa gobyerno ng Pilipinas ang peace talks ay isa lamang paraan para pahintuin, disarmahan, at pasukuin ang rebolusyonaryong kilusan. Tulad umano ng nakaraang administrasyon, ang habol lamang ay pagsuko at pagwasak ng NPA.

“Hindi totoo na umaatras o umaayaw ang NDFP sa ceasefire. Hindi totoo na magkakaroon ng Caser bago magkaroon ng interim ceasefire. Dapat magkasabay iyon. Hindi puwedeng precondition ngayon ang pagtigil sa atake (ng NPA) at pagtigil sa revolutionary taxes,” ayon kay Rey Casambre ng Philippine Peace Center.

Babala ng iba’t ibang grupo na ang nasabing Memorandum Order No. 32 ang daan sa pagsasailalim ng buong bansa sa batas militar at magluluwal sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao gaya ng nangyayari ngayon sa Mindanaw at noong panahon ng diktaduryang Marcos.

Pero sa kabila ng mga pag-atake sa karapatan ng mga mamayan at hindi pagtupad ng gobyerno mga una nitong pangako, nananatili pa ring panawagan ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan dahil ang mga naunang napagtagumpayan sa dito gaya ng sa Caser ay marapat pa ring ipagpatuloy kasabay ng paglaban sa dahas ng Estado.