It was in 1994 when Datu Tungig Mansumuy-at started to witness how its leader Datu Guibang Apoga, showed his strength of character to lead the Ata-Manobo tribe in the hinterlands of Talaingod to fight back in defense of Pantaron Range, the tribe’s frontier homeland.
#UniPakCampout | Amnie, tagasilid ng isda sa lata
Kalaki ng ngiti ni Kris Aquino sa mga advertisement niya sa Uni-Pak Sardines, ngunit sa kabila naman nito ay ang nakalulungkot ngayon na kalagayan ng mga manggagawa nito.
Ang Slord Development Corporation (o tinatawag na Slord ng mga manggagawa) ay kumpanya pagawaan ng mga sardinas na pinagmamay-arian ni Pedro Yap at isa ang Uni-Pak Sardines sa sikat na sikat nilang produkto. At katulad ng mga isda na ipinapasok nila sa mga lata ay ang malalansang kalagayan ngayon ng mga manggagawang kontraktwal at ang 44 sa kanila na tinanggal sa trabaho.
Isa ang 44 taong gulang na si Amnie de Pablo sa mga tinanggal na manggagawa ng Slord. Sa kabila ng 18 taon niyang pagtatrabaho sa nasabing pagawaan, ni minsan ay hindi siya naging regular dito.
Pagsisilid ng mga isda sa lata ang partikular na trabaho ni Amnie at hindi niya alintana ang buong hapong pagtatrabaho mula 7:30 ng umaga makuha lamang ang kanyang sweldo na P 370 lang kada araw. Mababa ito sa nakatakdang minimum wage sa National Capital Region na P 512, at mas mababa pa nga ang minimum wage sa tantyang P 1,038 na kailangan ng isang pamilya na may anim na myembro para mabili man lang ang kanilang mga batayang pangangailangan sa araw-araw.
Sa loob ng 18 taon, tumaas man ang sahod ni Amnie ay sadyang bahagya lang at napakaliit nito sa suma.
“Unang pasok ko diyan noong 2000 ay P 125 yung sahod ko kada araw, hanggang sa naging P 150, tapos naging P 240, naging P 280, hanggang ngayon na P 370 na ay talagang kulang na kulang parin,” hinaing ni Amnie hinggil sa mababang pasahod sa kanilang mga manggagawa.
Kung minsan pa’y napapasubo pa sila sa mga panganib, ayon kay Amnie ay mayroon siyang mga kasamahan na nadudulas at naiipit sa makina. Dinadala nga sa pagamutan, ngunit agad ding iniiwan ng kumpanya.
Problema na nga sa mga manggagawa ang mababang pasahod ay wala rin silang SSS, Philhealth at PAG-IBIG. Sila rin ang bumibili ng kanilang uniporme na dapat ay sagot ng management ng pagawaan.
Idagdag pa ang napakainit nilang lugar-pagawaan, ni walang ventilation, kwento ni Amnie.
Wala ring nagiging tugon ang management tuwing nagkakasakit ang mga manggagawa. Mayroong pa silang patakaran na suspended agad kapag ikaw ay umabsent ng walang paalam.
Simula noong May 10 ay tinanggal ang 44 na manggagawa ng Slord ng wala man lamang abiso o notice sa kanila. Diumano ito raw ay dahil sa pagsali ng ibang mga manggagawa sa mga rally at sa kabuuan naman ito raw ay dahil sa pagpoprotestang isinagawa ng mga manggagawa hinggil sa mga ‘di makataong patakaran na umiiral sa loob ng pagawaan. Kinabukasan ng kanilang pagkatanggal ay sinubukan pa rin ng mga manggagawa na pumasok sa trabaho, ngunit hindi na talaga sila pinahihintulutan hanggang sa tarangkahan ng Navotas Fish Port Complex. At taliwas pa sa ginagawa ng management ang sinasabi nito na hindi naman tanggal ang 44 na mga manggagawa, pero hindi naman pinapapasok sa trabaho.
“Sinasabihan pa kaming ‘Happy Ending’ na lang daw, yung bang ibebenta na lang namin yung laban kasi babayaran na lang kami,” kwento ni Amnie ukol sa alok ng management sa mga natanggal na manggagawa.
Sa ngayon ay napagpasiyahan nilang magtayo ng kampuhan upang iprotesta ang ginawa ng management at upang ipakita ang patuloy nilang paglaban para sa kanilang karapatan.
“Nasaksihan ko na rin yung pag-unlad ng Slord na ‘yan na dahil din naman sa aming mga manggagawa. Ang gusto lang naman namin ay maibalik kami sa trabaho at maging minimum man lang ang sahod.” panawagan ni Amnie.
The post #UniPakCampout | Amnie, tagasilid ng isda sa lata appeared first on Manila Today.
Puspusang Labanan ang Tortyur at Iba pang Kalupitan ng Estado, Pahayag ng Bilanggong Pulitikal sa Camp Bagong Diwa
Puspusang Labanan ang Tortyur at Iba pang Kalupitan ng Estado
Pahayag ng Bilanggong Pulitikal sa Camp Bagong Diwa, Taguig City
Hunyo 26, 2018, Pandaigdigang Araw Laban sa Tortyur
May batas ang Gobyerno ng Republika ng Pilipinas laban sa tortyur mula pa noong 2009. Pormal na kinikilala doon ang absolutong karapatan at kalayaan sa tortyur, at itinuturing ang tortyur bilang krimen sa lahat ng kalagayan at panahon. Lumagda ang gobyerno sa kasunduan laban sa tortyur at iba pang porma ng pagmamalupit tulad ng Convention Against Torture ng United Nations. Nariyan din ang kasunduan sa pagitan ng GRP at National Democratic Front na CARHRIHL, o ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, na nagtataguyod ng karapatang sibil, pulitikal, pang-ekonomiya at pangkultura.
Duterte perpetuates the policy and practice of torture – Karapatan
As the human rights organization commemorated the International Day Against Torture, Karapatan deplored the continuing policy and practice of torture used by State forces under Duterte.
“Duterte’s disregard for the most basic rights and freedoms and his promotion of the culture of impunity in the country have made it possible for the perpetuation of torture and other cruel and degrading treatment in the Philippines,” said Karapatan Deputy Secretary General Roneo Clamor.
Higaonons to Villanueva: ‘We need land, not money’
Human rights group calls for immediate release of detained union organizer
Human rights group Karapatan – Metro Manila Chapter, together with Bagong Alyansang Makabayan – Quezon City, held a protest in front of the Quezon City Regional Trial Court today to denounce the illegal arrest and detention of union organizer Juan Alexander ‘Bob’ Reyes.
Human rights group Karapatan – Metro Manila Chapter, together with Bagong Alyansang Makabayan – Quezon City, held a protest in front of the Quezon City Regional Trial Court today to denounce the illegal arrest and detention of union organizer Juan Alexander ‘Bob’ Reyes.
Filed against him were trumped-up charges of arson and illegal possession of firearms and explosives.
“Bob should be released immediately. The cases filed against him are obviously fabricated just like all the cases of every political prisoner. The state is maliciously vilifying activism and spreads fear among the people,” said Karapatan Metro Manila coordinator EJ Honorica. arson and illegal possession of firearms and explosives.
The group stated that the crackdown on activists, as well as ‘Oplan Galugad’ against shirtless tambays is a manifestation of undeclared martial law in Metro Manila.
“It is clear that we are living in a quasi-Marcosian times,” Honorica said.
The group believes that the arrest of Reyes and other unionists across the country is an attempt of the government to weaken the intensifying workers’ struggle for their democratic rights, higher wages, and against contractualization.
“Bob actively took part in the campaign to end all forms of contractualization and it is not a criminal act,” Honorica said.
The group also slammed the attacks on the labor movement and considers these a “fascist offensive that breeds resistance and contradicts the declaration of the government’s commitment to peace”.
Karapatan also expressed disapproval in the Duterte government’s refusal to free more than 503 political prisoners slapped with trumped-up charges. The group stated that the crackdown on activists, especially on the workers’ organizations, impedes the resumption of the peace negotiations between the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front (NDF).
The group also call for the immediate resumption of peace talks despite the government’s move to postpone it for three months.
“The government always circumvents the issue by maliciously accusing the revolutionary movement ‘violations’ they did not commit. Socio-economic reforms mean more than a stand-down agreement,” Honorica said.
The post Human rights group calls for immediate release of detained union organizer appeared first on Manila Today.
#LupangRamos | Tuloy ang laban sa Lupang Ramos
Lagi’t lagi kong iniibig ang panahon tuwing umuulan lalo na’t kapag malamig. Lagi’t lagi rin akong namamangha tuwing mabagsik ng ulan at nagagawa nitong isayaw ang mga puno.
Pero tila iba ata ang bagsik ng bagyong dumating sa mga magsasaka ng Lupang Ramos.
Bumabagyo noong pumunta kami sa Lupang Ramos. Isa sa mga unang bagyo pagpasok ng tag-ulan.
Humigit kumulang tatlong oras na biyahe na pinarisan pa ng malalakas na buhos ng ulan ang naging karanasan ko patungong Dasmariñas, Cavite. Pagdating sa malawak na kalupaan ay putik ang lalakaran sa mga nahawang bahagi nito. Ngunit ‘di naging balakid ‘to para alamin ang kanilang kalagayan at kahit saglit ay makipamuhay sa mga magsasaka ng Lupang Ramos. Ano ba naman ang mahabang-upuan na biyahe at putik sa aming mga paanan kumpara sa hirap na dinaranas nila?
Mapalad akong nakasalamuha ko at nakita ang kalagayan ng mga magsasaka ng Lupang Ramos. Nakita ko mismo kung gaano kalawak ang lupaing ito. Bagay na bagay upang magluwal ng mga pananim na magpapakain sa madla, ngunit kagaya ng mga kwento sa teleserye ay palaging may bagyong eeksena at sisirain ang buhay ng bida. Singlakas nga ng hagupit ng mga bagyo ang pinsalang dinulot ng pagdating ng mga bentador at ahente ng lupa.
Sa mga oras na nakapanayam namin ang ilang magsasaka ng Lupang Ramos ay kitang-kita sa kanilang mga kuwento kung gaano nila pinahahalagahan ang kanilang lupang sakahan na animo’y katumbas nito ay buhay. Buhay nga namang maituturing ang mayaman at saganang lupaing kanilang sinasaka – ang pangunahing dahilan kung bakit sila may nakakain sa araw-araw, pero lupa rin ang dahilan ng karahasan na nararanasan nila mula sa mga ganid na nangangamkam ng kanilang lupang sakahan.
Mabigat sa puso kung paano inilahad nila ang matagal at hindi pa tapos na paglaban para sa lupa, ngunit naisip ko na kahit mabigat pakinggan ang ganitong mga istorya ay kailangang tumimo sa akin na mas mabigat kapag hinayaan ko lamang na maiwan sa ere ang boses ng kanilang pakikibaka. Mas masakit kung pipiliin kong takpan ang aking tenga at magkunwaring maayos ang lahat sa hanay ng mga magsasaka ng Lupang Ramos.
Sa ikalawang araw namin sa Lupang Ramos ay binisita pa namin ang mga magsasaka sa labas ng kubol, doon sa kanilang mga sariling tahanan. Nakilala namin si Patricio Villafuerte, isa sa mga nagpasimula ng bungkalan sa Lupang Ramos.
Dinatnan namin siya habang naghihiwa ng kamote, marahil ay kanyang ihahanda para sa hapunan. Tuwang-tuwa at todo pasasalamat si Kuya Patricio sa amin dahil pinili naming makipagsalamuha sa mga magsasaka. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay mas marami kaming napapala at natututunan sa mga katulad niyang patuloy na lumalaban para sa karapatan sa nila sa lupa.
Sa dalawang araw na inilagi namin sa Lupang Ramos ay hindi na namin naisip na mayroon palang bagyo nung panahon na iyon, iyon ay dahil ramdam na ramdam namin ang nag-aalab nilang pagmamahal para sa kanilang ipinaglalaban, mainit ang pagtanggap para sa aming noon lang nila nakilala.
Hindi naging hadlang ang bagyo sa pagpunta namin sa Lupang Ramos at hinding-hindi rin nagpapatinag ang mga magsasaka sa hagupit ng bagyo ng mga ganid at pesteng bentador ng kanilang lupang sakahan.
Padayon, tuloy ang laban!

The post #LupangRamos | Tuloy ang laban sa Lupang Ramos appeared first on Manila Today.
‘BEEastMode’: Workers urge public not to patronize Jollibee, JFC products in the meantime
During a picket protest at the main commissary and warehouse of Jollibee Foods Corporation in Parañaque City today, dismissed Jollibee workers shaved their heads in condemnation of JFC’s termination of its agency service contracts with Toplis Solutions and Staff Search Agency last week. JFC’s move led to the lay-off of hundreds of workers that the workers condemn as illegal.
Photos by Kathy Yamzon
Workers in the JFC commissary and warehouse have been engaged in storing, handling and distributing products and other logistical needs of all other warehouses and Jollibee stores in Luzon and have been providing logistics services to Jollibee, Chowking, Greenwich, Burger King, Mang Inasal, and Red Ribbon stores and outlets.
Laid off workers also challenged Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III and President Rodrigo Roa Duterte to intervene and strictly implement its prior rulings that JFC must regularize its workers, amid JFC’s massive retrenchment of workers and the numerous termination of agency contracts.
“We appeal to Secretary Bello and President Duterte to order JFC Founder and Chairman, Tony Tan Caktiong to stop its illegal activities against its workers, immediately start to comply with the regularization order and stop circumventing the law just to push its anti-workers policies,” said Rogelio Magistrado, president of the Samahan ng Manggagawa sa Jollibee Foods Corporation (SM-JFC).
The Labor Department named JFC as the top Philippine company practicing illegal labor-only contracting scheme.
#BEEastMode
Protesting terminated workers also launched their #BEEastMode campaign which aims to urge Filipinos across the country and even abroad to temporarily not patronize JFC as form of public support to fastfood giant’s workers call for regularization and to stop the series of mass lay-offs of contractual workers and agency contracts.
In the #BEEastMode campaign, SM-JFC and Defend Job Philippines urged the public not to buy products of JFC and all of the subsidiaries and affiliates including Jollibee, Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Yong He King, Hong Zhuang Yuan, Mang Inasal, Burger King, Highlands Coffee, Pho24, 12 Hotpot, Dunkin’ Donuts, and Smashburger.
Magistrado appealed, “We ask for understanding and support from our fellow Filipinos in the country and even abroad not to buy products of JFC and all of its affiliates and subsidiaries for the meantime until JFC adheres the DOLE ruling to regularize all its contractual workers and reinstate all of its terminated workers.”
“Every cent that would be deducted to the earnings of JFC would add pressure for the big corporation to heed our long-drawn demands for regularization, higher wages and better working conditions inside our workplaces,” Magistrado ended.
The post ‘BEEastMode’: Workers urge public not to patronize Jollibee, JFC products in the meantime appeared first on Manila Today.






