34.8 C
Manila
Saturday, June 21, 2025
Home Blog Page 705

Buhay-bulkan

Unang lumabas ang sanaysay na ito sa Philippine Collegian halos 17 taon na ang nakararaan–noong Agosto 1, 2001. Inedit nang kaunti ang bersiyong ito.
Nitong Enero 2018, muling pumutok ang bulkang Mayon. Muli, libu-libong magsasaka at mamamayang Albayano sa may paanan ng bulkan ang lumikas. Samantala, daan-daanlibong (baka umabot na sa milyong) turista ngayon ang dumagsa sa naturang probinsiya.
Ang awtor ay lumaki sa Legazpi City, Albay.

Minsan naiisip ko: Kung ano ang turing ng mga Pilipino kay Jose Rizal, parang ganun din ang turing ng mga Albayano sa Bulkang Mayon.

Sa aming probinsiya sa Albay, kung anu-ano ang ipinapangalan sa bulkan—tulad ng kung anu-anong gamit, produkto at kompanyang ipinapangalan sa pambansang bayani (hal. Rizal Bank, Rizal na posporo, Rizal Park). Sa buong probinsiya, may hotel, resthouse, restaurant, t-shirt, grocery, at di mabilang na tindahan na kapangalan ng bulkan. At tulad ni Rizal, kumbaga’y mistulang bayani rin ng mga Albayano ang Mayon.

Malaking bahagi ng pangkulturang buhay ng mga tao sa lugar ang bulkang ito. Malaking bahagi ng ekonomiya ng Legazpi City ang nakabatay sa turismo. Ang attraction na ito’y nakapagpapasok ng malaking revenue mula sa mga turistang nabibighani sa misteryosong ganda ng halos-perpektong hugis-apa ng Mayon.

Katok sa putok

Humigit-kumulang sa isang dekada ang pagitan ng pagputok ng Mayon. Tuwing nangyayari ito, dagsaan ang mga turista, marami’y dayuhan.

Sa pag-usok at pagliyab ng bunganga ng bulkan, nabubuhayan ang siyudad. Punung-puno ang five-star hotel na Mayon International Hotel. In demand ang abaca products na binebenta sa mga bangketa. Lumalago ang industriya ng paglilitrato sa dami ng mga bisitang gustong makakuha ng litrato ng pagputok ng bulkan tuwing gabi. Kung anu-anong t-shirt ang binebenta sa kalye—basta may nakasulat na “Mayon Volcano” o “Legazpi City.” At tuwing gabi, gising ang mga tulog kapag umaga: magdamag ang tagayan sa Albay Park, at siyempre ang mga naglalako ng aliw sa Penaranda Park at sa kung saang madilim na sulok ng siyudad.

Baka di-normal na nakikita ang masayang eksenang ito sa isang lugar na dumadaan sa matinding sakuna. Pero para sa lokal na mga opisyal ng gobyerno, parang nagkakaroon ng dagdag na kahulugan ang kasabihang “In every dark cloud, there is a silver lining.”

Halimbawa nito ang komersiyo sa Cagsawa Ruins. Ito ang dating simbahang natabunan ng landslide sa pagputok ng bulkan noong 1814, at ngayo’y posibleng pinakasikat na puntahan ng turista sa Albay. Marami ang nabaon nang buhay sa loob ng simbahan. Pero ngayo’y sikat itong destinasyon ng mga turistang tila di-takot sa mga kuwentong nagmumulto raw ang mga natabunan doon. Katunayan, mayroon pang itinayong restaurant malapit sa Ruins, ang “1814” – isa sa pinakasikat na restaurant sa Albay na dinadayo pa ng mga sikat na artista at personalidad sa Maynila.

Halimbawa rin ang nakita ng ilang negosayante na pagkakataong kumita sa kakulangan ng mga dust mask para sa mga residente ng Legazpi. Nabasa ko sa Manila Bulletin noong Hulyo 27, 2001: “Garment manufacturers in Metro Manila, perhaps, can immediately fill the need for dust mask, and with these, they can earn instant cash and provide instant employment.”

Ayon pa sa balitang ito, “The products must have different designs that may suit classes of buyers like students, professionals, and the ordinary man in the streets, or even farmers.” Para bang may pakialam pa ang gumagamit ng dust mask sa Albay kung aaayon sa propesyon niya ang disenyo nito.

Village people

Samantala, maging ang ilang magsasakang residente sa paanan ng Mayon—na siyang pangunahing nabibiktima tuwing pumuputok ang bulkan—tinangkang maksimisahin ang trahedya. Namumulot sila ng mga batong mula sa lava o ashfall para ibenta sa mga turista.

Sila mismo iyung noong Huwebes lang, kasama sa aabot sa 10,000 pamilya o 53,000 katao na nagsilikas mula sa kanilang mga bahay matapos ang biglaang pagputok ng bulkan. Karamihan dito’y mga pamilya ng mga magsasakang nakatira sa paanan ng Mayon. Maraming magsasaka rito, dahil mataba ang lupa.

Tuwing may banta ng pagputok, sila mismo iyung pinakaunang pinalilikas ng lokal na gobyerno. Pinapatira sila sa mga evacuation center – mga klasrum ng public elementary schools sa siyudad. Doon, lagi’t laging kalunus-lunos ang kanilang kalagayan. Kuwento nga ng nanay ko na guro sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City, aabot sa 15 pamilya ang pansamantalang nakatira sa kanyang klasrum. Pangkaraniwan lang ang laki ng klasrum na ito, kaya siksikan ang mga pamilyang natutulog sa desk ng mga estudyante o kaya sa semento. Tulad ng inaasahan, walang maayos na kubeta para sa kanila. Kuwento ng nanay ko, grabe na ang panghi ng klasrum niya.

Karamihan sa mga magsasakang evacuee sa mga eskuwelahan ay bumabalik sa “danger zone” tuwing umaga upang tingnan kung hindi nasira ng ashfall ang kanilang mga pananim. Sa kabila ng pagtutol ng lokal na mga opisyal ng gobyerno sa pagbalik ng evacuees, hindi pa rin nila ito mapigilan. Tanging sa pagsasaka lang kasi nakasandig ang kabuhayan ng mga tao rito. Para sa kanila, katumbas din naman ng pagkamatay sa landslide o pagkasunog sa uson ang pagkawala ng kanilang kabuhayan.

Kaya minsan, napapaisip ako: Para bang hindi maganda, kundi masamang tanawin ang ipinupunta ng mga turista sa Albay. Kumbaga, natutuwa sila sa trahedya, namamangha sa view. Samantala, ang mga apektado, hayan na nama’t lumilikas mula sa pumuputok na bulkan. Kapag nangyayari iyun, di ko maiwasang isipin na hindi bayani sa buhay ng mga residente ang bulkan.

Samantala, tuloy ang pag-akit ng magandang Mayon sa mga turista, kahit pa maraming buhay at kabuhayan ang nasisira sa bawat ragasa ng “maganda” niyang pananalasa.


Featured image: Larawan ni Ciriaco Santiago III

Pagharang sa Train

“Puro kangkong na lang bibilhin ng mga namamalengke.”

Linggu-linggong namimili si Aling Nene sa palengke ng Tandang Sora sa Quezon City. Nagluluto siya sa bahay para sa pamilya, pero nagluluto rin para sa mga katrabaho sa isang opisina ng NGO sa Quezon City. Tulad ng maraming namamalengke, pansin niya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin pagtuntong ng Enero ngayong taon.

“Umabot sa P220 na ang baboy. Ang nagtaasan talaga, mga gulay,” ani Aling Nene. Iyung dating itinuturing na pagkain ng mahihirap—gulay at mga isdang katulad ng galunggong—napansin niyang grabe ang itinaas.

Madali namang matanto ang dahilan ng mga pagtaas. Nagtaasan kasi ang mga produktong langis pagtuntong ng Enero ngayong taon. Ang petroleum, tinatayang P8 kada litrong dagdag-presyo ang itinaas. Ang deisel at kerosina naman, nagtaas ng P2.50 hanggang P3 kada litro. Tumaas naman ng piso kada litro ang LPG.

Kung kaya, pansin ni Aling Nene na iyung mga namamalengke na kapos ang badyet, mas madalas na bumibili na lang ng kangkong—na nagkakahalagang P10. “Grabe ang itinaas ng pipino. Ganun din ang ampalaya.” Siyempre, nagmahalan din ang dati nang mas mahal na mga gulay tulad ng broccoli.

Sagasa ng Train

Ang salarin, siyempre, ay ang pagpatas ng excise tax (o buwis sa paglikha ng mga produkto) na iniutos ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law, o ang Republic Act No, 10963.

Maliban pa sa excise tax sa langis, nagpapataw rin ang Train Law ng excise tax sa mga produktong may asukal at high fructose corn syrup (tulad ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin). Nagpapataw rin ito ng dagdag-buwis sa estate, donor at documentary stamp tax. Samantala, dineklara naman ang exemption o hindi pagbubuwis sa mga sumasahod ng P250,000 pababa kada taon (o P20,833 pababa kada buwan).

Nauna nang ibinunyag ng blokeng Makabayan ang pagragasa ng administrasyong Duterte sa mga proseso ng Kongreso (tulad ng presensiya ng quorum o simpleng mayorya sa botohan) para ipasa ang Train Law noong Disyembre 2017. Nakadagdag ito sa suspetsa ng mga mamamayan na ayaw pagdebatehan ng administrasyon ang Train dahil malinaw na matindi ang epekto nito sa mga mamamayan—magsisitaasan ang presyo ng mga bilihin.

Dahil sa mga agam-agam ng publiko, nag-isponsor kamakailan ang mga organisasyong estudyante, sa pangunguna ng UP Praxis sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman ng porum hinggil sa Train Law. Sa porum na ito, nakumbida ang Department of Finance (DOF)—na siyang pangunahing tagapagtaguyod ng Train Law, sa suporta siyempre ni Duterte—para magpaliwanag.

Isang technical assistant to the undersecretary lang ang dumating. Isang Jayson Lopez ang nagsalita, at inilarawan niya ang mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin bilang moderate” o katamtaman lang. Ang sabi pa niya, madali namang makakaagapay ang mga manggagawa sa pagtaas na ito dahil “90 porsiyento ng minimum wage earners” ay makakauwi ng mas malaking take home pay gawa ng exemption o di kaya’y mas mababang income tax.

Aniya, ayos lang ito, dahil ang kapalit naman ay dagdag na badyet para sa “mga serbisyong panlipunan.” Tampok sa mga serbisyong babadyetan: ang programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte, o ang planong pagtatayo ng malalaking imprastraktura tulad ng dagdag na mga kalsada, sistema ng tren, paliparan, at iba pa.

Di-totoong paratang

Sa naturang porum, buung-buong pinabulaanan ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, ang sinabi ng kinatawan ng DOF.

(Ang Ibon Foundation ay isang kilalang independiyenteng institusyon na masusing nag-aaral ng mga isyung pampulitika at pang-ekonomiya mula sa punto-de-bista at kapakanan ng ordinaryong mga mamamayan.)

Unang una, ani Africa, malinaw na hindi katamtaman o moderate lang ang epekto ng dagdag-presyo ng mga bilihin sa ordinaryong mga mamamayan. “Sa mayaman, halimbawa, walang halaga sa kanya ang P1,000. Pero sa mahirap (napakabigat nito),” aniya. Ang batayang problema ng Train Law, ani Africa, ay hindi ito nakabatay sa aktuwal na reyalidad ng Pilipinas—kung saan mayorya ng mga mamamayan ay naghihirap, walang trabaho o kundi ma’y may mababang sahod sa trabaho o walang regular na trabaho.

Sinusugan ito ni Jerome Adonis, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Sa naturang porum din, sinabi niyang malinaw sa datos noong 2017 hinggil sa lakas-paggawa ng bansa na karamihan ng manggagawang Pilipino ay naghihirap na—wala pa mang Train Law.

“Sa datos noong 2017, labor force ay 61.1 milyon. Sa loob nito, 38 milyon ang nakaempleyo. Sa nakaempleyo, 24.6 milyon ay pawang mga kontraktuwal,” ani Adonis.

Sa mga manggagawang nakaempleyo, aniya, tinatayang aabot lang sa 46 porsiyento ang sumasahod ng minimum wage: sumasaklaw mula P255 kada araw (para sa agricultural workers) sa Autonomous Region for Muslim Mindanao o ARMM (na may pinakamababa), hanggang P512 kada araw (para sa nonagricultural workers) sa National Capital Region o NCR (na may pinamakataas).

54 porsiyento ang hindi sumasahod ng minimum,” dagdag pa ni Adonis. “At karamihang (empresa), kahit minimum wage, vina-violate.”

Kahit pa hindi nagbabayad ng income tax ang mga manggagawa na sumasahod ng P250,000 kada taon pababa (malinaw, ito ang mayorya), malinaw umanong malaki ang ikinakapos ng minimum na sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa.

“Karamihan sa mga manggagawa, nangungupahan (ng bahay),” paliwanag ni Adonis. Kaya, sabihin na nating nagrerenta ang isang manggagawa na sumasahod nang minimum at may pamilya ng P2,000 sa bahay kada buwan. “Ang buwanan na mga bayaran: ang tubig, sabihin na nating P300. Sa kuryente P500.”

Sa pagkain, sabihin na natin sa pamilyang anim ang miyembro, hindi ko alam kung katanggap tanggap ‘yung P100 per head per day,” aniya. Kung kaya, sa P600 kada araw, sa loob ng 30 araw—mahigit P18,000 kada buwan ang gastos.” Malinaw na kapos na kapos ang minimum na sahod na P512 kada araw o P13,312 (sahod sa 26 na araw sa isang buwan).

Wala pa riyan ang gastos sa pamasahe, gastos sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pagpapaaral sa mga anak.

“Kaya nga, marami sa mga manggagawa, sinasanla na ang mga ATM card nila,” sabi pa ni Adonis.

“Nag-uusap tayo rito na wala pang Train Law,” sabi pa niya. “’Yan din ang nagpapaliwanag kung bakit marami sa mga manggagawa, hindi nanakakapagaral ang mga anak. At kung may nagkakasakit, hindi makapagpagamot. malnourished ang mga anak.”

Hindi sa serbisyo

Kinatawan ng Department of Finance, si Jayson Lopez, sa porum hinggil sa Train Law sa UP kamakailan.

Kinatawan ng Department of Finance, si Jayson Lopez, sa porum hinggil sa Train Law sa UP kamakailan.

Pero sabi ng DOF, para naman sa serbisyong panlipunan ng mga mamamayan ang Train Law. Totoo ba ito?

Pinabubulaanan ito ni Africa. “Sa 2018 (General Appropriations Act, o ang taunang badyet ng gobyerno), ang pinakamataas na pagtaas ay sa imprastraktura. Tama ba na sinasabi nila na para sa mga serbisyong panlipunan ang Train kung 69 porsiyento ng badyet sa pabahay ay binawasan? (Umabot sa) 5.2 porsiyento lang ang itinaas sa social welfare na katulad noong nakaraang taon? (Umabot sa) 6 porsiyento lang ang itinaas sa edukasyon—pangunahing para sa mga sahod pa at hindi sa pagpapalawak sa mga eskuwelahan natin? (Umabot sa) 9 porsiyento lang ang dagdag sa kalusugan?”
Katunayan, ani Africa, binawasan pa ang badyet ng mga pampublikong ospital nang P1.5-Milyon. Ang preventive health program naman ay tinanggalan ng P16.7-M.

Pansinin din ang mga programang Build! Build! Build! ng rehimeng Duterte. Nakasentro ang mga flagship na programang pang-imprastraktura sa dati nang mayayamang probinsiya, ani Africa, at hindi sa pinakamahihirap na mga probinsiya.

“Lumalabas,” aniya, “na iyung nagbabayad para sa mga proyektong ito (mga mahihirap) ay hindi makikinabang dito.”

Kung kaya malinaw na hindi para sa mga manggagawa at mahihirap ang makokolekta mula sa Train Law. Sa kabilang banda, dahil sa pagbaba ng sinisingil sa income tax dahil sa batas na ito, lalaki ang income ng mga maalwan na sa buhay—o ang mayayaman.

Malinaw, ani Africa, na ginawa ang Train Law para padaliin ang pangongolekta ng gobyerno ng buwis sa mahihirap. “Nakakakita tayo ng pagpihit mula sa direktang income taxes tungo sa consumption taxes (o buwis sa mga ginagastos). Takot ang gobyerno at mga mambabatas na taasan ang buwis ng mga mayayaman. Mabubuwisan din kasi sila personally, at ang kanilang backers (sa naghaharing uri), hindi na susulpot sa susunod na eleksiyon (kung bubuwisan ang mga iyon.”

Pero ang pagdagdag mismo sa buwis ng mga may grabeng yaman na mula sa naghaharing uri ang dapat gawin ng gobyerno, ani Africa.

Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang iba't ibang grupo ng paggawa tulad ng Kilusang Mayo Uno, Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, at Nagkaisa, para makipagdiyalogo kay Pangulong Duterte at igiit sa pangulo na lagdaan ang inihanda nilang executive order na wawakas sa lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon. Hindi ito nilagdaan ng pangulo. <b>Mayday Multimedia</b>” data-id=”41459″></a></p>
<h2><span style=Buwisan ang yaman

Kung sana, ganito na lang, aniya: “Paano kung bubuwisan ang pinakamayamang 150,000 pamilya sa bansa? Kung buwisan na lang nang 20 porsiyento ang taunang income nila, kikita ang gobyerno ng P71-Bilyon. Kung bubuwisan naman nang 10 porsiyento ang sunod na 171,000 mayayamang pamilya, makakakuha ang gobyerno ng karagdagang P20-B.”

Kung bubuwisan lang ang 321,000 pinakamayayamang pamilya sa bansa nang 10-20 porsiyento, makakakuha ang gobyerno ng mahigit P90-B. Di hamak na mas malaki ang kikitain nito kaysa sa Train,” ani Africa.

Ang batayang prinsipyo rito: buwisan ang yaman.

“Lahat ng gobyerno o Estado, kailangan talaga ng buwis. Anumang gobyerno—maging NPA (New People’s Army), NDF (National Democratic Front) o MILF (Moro Islamic Liberation Front) man iyan sa kanayunan, o kahit gobyerno ng Pilipinas, kailangan mo ng buwis para sa operasyon. Pero kung magbubuwis ka, batay sa reyalidad ng Pilipinas.”

Aniya, dapat lang na maningil ng buwis sa mga mamamayan nito. Ang problema, kung iyung mga mamamayang mahihirap—na may maliit na sahod o may kaunti o walang kabuhayan—pa ang pumapasan ng buwis. Samantala, ang pinakamayayaman sa bansa, bumebenepisyo pa sa pagbawas sa kokolektahing income tax.

Sinabi ni Adonis na dahil sa Train Law, lalong mahalaga ngayon ang paglaban para sa national minimum wage—o pagkakaroon ng pantay-pantay na pambansang minimum na sahod sa buong bansa. Nangangahulugan ito ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa buong bansa—dahil pare-parehod din naman ang batayang mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya, sa kanayunan ka man o sa lungsod.

Paiigtingin din ng KMU ang paggiit na ibasura ang kontraktuwalisasyon sa bansa, na direktang atake sa karapatan ng mga manggagawa na igiit ang kanilang karapatan.

Mahalaga ang paglabang ito, habang inaasahan pa ang pagpapatuloy ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. Dahil kung hindi magkakaisa at lalaban ang mga manggagawa, hindi malayong umabot sa panahong kahit kangkong, hindi na kakayanin ng kanilang kakarampot na sahod.


 

Ang maikli’t mabuting halimbawa ni Jo Lapira

(Basahin ang una sa serye: Pagbawi ng nasawi sa Nasugbu)

Wala pang isang buwan pero nahulog agad ang loob ni Ela. Sa mga kasama. Sa lugar. Sa mga bata. Sa mga gawain. Andami niyang kuwento. Gusto niyang ikuwento sa mga kaibigang naiwan sa Maynila. Gustong ikuwento ni Ela kay Emil.

Araw-araw sinulatan ni Ela si Emil. “Ang hirap makahanap ng panahon para sulatan ka,” ani Ela, noong Agosto 8, unang linggo niya doon. Pero gusto, kaya nagagawan ng paraan. Nakapagsulat siya noong Agosto 10 habang nakatayo at nagtuturo sa mga bata. Nakapagsulat siya noong Agosto 13, kahit bawal ang malakas na ilaw sa kampo, at kinailangan niyang ibalot ng malong ang flashlight na kagat-kagat niya para makita ang sinusulat. Nakapagsulat siya noong Agosto 14 habang nakaposte. At noong Agosto 16, habang nasa gubat para makaiwas sa “kaaway” (militar), nakapagsulat din siya.

“Kagabi ay literal nang muntik akong mamatay kung hindi pa ako sinagip ng kalikasan at ng mga kasama. Naka-mobile kami, at may bababaan sa gubat,” sulat niya kay Emil noong Agosto 17. “Malambot ’yung lupa at gumuguho habang inaapakan. Matarik din at malalim. Nung pababa na ako, nadulas at na-slide pababa. Huhu.”

Noong Agosto 20, tinuruan siya ng arnis. Tinuruan siyang umagaw ng baril at iba pang pagdepensa sa sarili. “Lagi nilang sinasabi na mataray ako. Haha. Dahil nagpupuna ako palagi sa macho nilang joke o pahayag. May isang kasama pa dito na nagdrowing ng malaswang picture ng babae! Nasungitan ko talaga sila lalo’t walang umamin tas nakangisi pa. Pero nagpuna rin naman (sa sarili) yung gumawa kaya okay na.”

Bawat sulat, nagwakas sa “Mahal kita!”

Pero hindi napadala kay Emil ang mga sulat. Nasa pag-iingat ito ni Ela noong nasawi siya kasama ang 15 iba pa sa sinasabing engkuwentro raw ng mga gerilyang New People’s Army (NPA) at mga sundalo ng Philippine Air Force noong Nobyembre 28. Ayon sa militar, si Ela raw ay si Josephine Anne “Jo” Lapira, 22, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila.

Inilabas ng militar sa publiko ang mga liham. Ang gusto nitong mensahe: Huwag tularan ang batang sinayang ang buhay. Sa isang Facebook Page ng militar, pinaskil ang mga sulat. Panakot ba.

Pero lalong nagkaroon ng buhay sa sinumang magbabasa nito si Ela—o Jo, kung totoo man ang sinasabi ng militar. Nagkaroon ng dahilan ang desisyon ng 22-anyos na estudyante na mamundok at magrebelde. Hindi inaasahan ng militar, pero pinatunayan ng mga liham na hindi “brainwashed” si Jo, kundi kusang nagdesisyon, kusang nakita ang katuturan ng pagrerebolusyon. Kusang nakita ang kalagayan ng mga magsasaka, ang pagpapabaya ng Estado sa kanila, ang epekto ng karalitaan sa mga bata.

Sa mga sulat, “nagtitimbang” si Ela/Jo kung magtutuluy-tuloy na siya o babalik pa ng Maynila. Pero kuwento ng mga kaibigan niya, di nagtagal matapos maisulat ang mga liham na ito, nagdesisyon na si Ela/Jo. Pagtuntong ng Setyembre, doon na siya sa kanayunan mamumuhay, maninirahan at kikilos.

Imahe ng isa sa mga sulat ni Ela kay Emil na ipinaskil ng militar sa isa sa mga pahina nito sa Facebook.

Imahe ng isa sa mga sulat ni Ela kay Emil na ipinaskil ng militar sa isa sa mga pahina nito sa Facebook.

* * *

“Mabilis siyang matuto,” kuwento ni Annie (di-tunay na ngalan), kaibigan, kasamahan sa Gabriela-Youth sa UP Manila. Siya rin ang nagrekrut kay Jo sa nasabing organisasyon ng kababaihang kabataan. “Noong gusto niyang matuto ng ukelele, inaral niya. Studious si Ela.” Magaling din siya sa Math.

Taong 2012 pa raw narekrut sa Gabriela-Youth si Jo. Nagkaroon ng diskusyon hinggil sa karahasan laban sa kababaihan sa kanilang organisasyon sa UP Development Society. “Mahilig siya sa purple,” kuwento pa ni Annie. “Bukod sa may pagka-feminist talaga.” Marahil, may kinalaman din dito ang pagtatapos niya ng hayskul sa St. Scholastica’s Academy sa Marikina. Doon pa lang, nakita na niya ang halaga ng paglaban para sa karapatan ng kababaihan.

Pero tiyak na hindi naging madali para sa tulad ni Jo ang maging aktibista. Diumano’y anak siya ng isang accountant sa isang multinational corporation. “Naghaharing uri. Malaking burgesya-kumprador,” ani Annie. “Mataas ang burgis na pamumuhay. Weekly, nagkakape nang sosyal, (umiinom ng) milk tea, (kumakain ng) cheesecake. Pangarap nilang magkakaibigan noon na kainan ang lahat ng restaurants sa Robinson’s Manila bago sila gumradweyt.”

Malumanay magsalita si Jo. “Yung tumatabingi talaga yung (dila). Tapos Inglesera siya. Bulul siya sa (pagbigkas ng) Gabriela-Youth. Hindi niya mabigkas ang ‘r’ sa Gabriela. Puro ‘l’,” natatawang naalala ni Annie. Kaya nang masabak si Jo sa room-to-room na pagpapaliwanag hinggil sa iba’t ibang isyung panlipunan, sa bandang dulo inilagay ang tungkulin ni Jo. “Para humingi ng donations at magrekrut,” ani Annie.

Epektibo siya. Dumami ang rekrut sa Gabriela-Youth. “Mga kikay sila, maliliit, cute,” kuwento pa ni Annie hinggil kay Jo at mga ka-batch niya noon. Hulyo 2013, unang beses nakalabas si Jo sa UP Manila—para sa programang Tulong-Eskuwela sa mga bata sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila. “Noon, ang naisip pa niya, tatapusin niya ang pag-aaral para makatulong,” sabi pa ni Annie. Kalaunan, lumipat siya ng kurso, mula Development Studies, nag-enrol siya sa kursong Biochemistry dahil gusto niyang maging doktor.

Taong 2015 nang mahimok siyang tumakbo sa student council bilang kinatawan ng College of Arts and Sciences. “Siya ang may pinakamalaking nakuhang boto sa kasaysayan ng CAS. Kaya source of pride niya iyun,” ani Annie. “Gabriela-Youth lang ang makinarya niya. Pero nanalo siya dahil din sa kanyang katangian na mapagkaibigan, sociable.” Sa konseho, mabilis siyang natuto sa mga isyung pampulitika.

Matapos ang tungkulin sa konseho, tila naghahanap na si Jo ng mas malalim na komitment. Hunyo 2017 na noon. “Nawala siya nang tatlong araw. Nag-deactivate ng Facebook,” kuwento pa ni Annie. “Pagkatapos, nagpakita sa amin, humihingi ng pasensiya. Nag-isip-isip daw siya. Ayaw na niyang mag-aral. Gusto na niyang kumilos bilang buong-panahon o full time na organisador ng Gabriela-Youth. Kaya kumuha siya ng gamit sa bahay, nag-iwan ng sulat sa mga magulang at nagpalit ng cellphone number.

“Hindi pa siya nakaranas noon ng dispersal sa rali. Wala siya tuwing may gitgitan,” kuwento pa ni Annie. Kaya magkasabay na nagulat at natuwa sila sa desisyon ni Jo.

Pero pakiramdam ni Jo, may mas malalim pa siyang maiaambag. Walang isang buwan, nagpaalam muli siya sa mga kasamahan. Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka, makita ang kanilang pakikibaka, ang kanilang rebolusyon.

Mabilis ngang matuto si Jo.

Si Jo, sa isa sa speaking engagements niya bilang bahagi ng Gabriela-Youth. Larawan mula sa Facebook page ng <b>Gabriela-Youth</b>” width=”960″ height=”720″></p>
<p class=Si Jo, sa isa sa speaking engagements niya bilang bahagi ng Gabriela-Youth. Larawan mula sa Facebook page ng Gabriela-Youth

* * *

Kung pagbabatayan ang mga paabot niya sa naiwang mga kaibigan sa eskuwela, isang buwan pa lang si Jo sa piling ng mga magsasaka sa Batangas nang magdesisyon na siyang doon na siya sa kanayunan mamuhay—bilang rebolusyonaryo.

Lampas tatlong buwan matapos makarating ng Batangas, nasawi si Jo at ang 14 na iba pa.

May ipinasang bidyo sa Pinoy Weekly ang isa sa mga kaibigan niya. Galing daw ito sa isang kakilala na miyembro ng isang kapatirang may miyembrong militar. Tumanggi nang sabihin ng kakilala kung saan niya nakuha ang bidyo. Ang bidyo, kuha sa pinangyarihan ng “engkuwentro.” Doon nakita ang mga diumano’y rebelde, bulagta sa kalsada. Ang isa, dumidilat pa, hawak ng isang rumesponde ang ulo. Naririnig sa background: “Iyan ba si Ela?” Oo raw. Lumalabas sa bidyo, natanong o nainteroga na sa puntong iyon si Jo. Kaya nabigay pa niya ang kunwa’y pangalan na “Ela Rodriguez.”

Sa isang Facebook Page na pinamagatang “Legal Army Wives,” pinaskil naman ang wala-nang-buhay na larawan ni Jo. Nananakot ang post. Huwag daw kasi paloloko sa mga organisasyong katulad ng nilahukan ni Jo sa UP Manila.

Sa midya noong Nobyembre 29, sinabi ni Maj. Engelbert Noida, kumander ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force na nagsagawa ng operasyon kontra sa mga rebelde, na tinakbo raw ng mga militar si Jo papunta sa ospital noong gabi ng Nobyembre 28. Pero binawian na siya ng buhay kinabukasan, umaga ng ika-29. Kung titingnan ang larawan sa “Legal Army Wives,” gayunman, masasabing nasa kalsada pa lang si Jo nang mawalan siya ng buhay.*

Sinabi rin ni Noida at sa mismong pampublikong mga pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinakbo ng mga sundalo si Jo papunta sa ospital ng Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. Doon na raw si Jo binawian ng buhay. Mahigit dalawang oras ang layo ng Lipa sa pinangyarihan ng engkuwentro sa Nasugbu. Samantala, sa mismong Nasugbu, mayroong di-bababa sa limang ospital. Bawat isa rito, di-hamak na mas malapit kaysa sa Fernando Air Base.

Nang mapanood ang bidyo, malinaw para kay Annie ang nangyari: “Na-interrogate pa siya. Alangan namang alam na ng militar ang pangalan niya [Ela]. Bagu-bago pa lang siya doon.”

Bagung-bago pa lang, pero dinakila na siya—ng mga kaeskuwela niya sa UP Manila, ng mga Student Council sa buong UP System na naglabas ng resolusyon kamakailan na nagpaparangal sa kanya, ng iba’t ibang organisasyong progresibo, ng mismong rebolusyonaryong kilusan na kinabilangan niya sa maikling panahon. “Tinahak ni Jo ang landas na minsang tinahak nina Edgar Jopson, Lean Alejandro, Wendell Gumban at marami pang iba. Hanga tayo sa kanyang katapangan, at inspirasyon sa atin ang kanyang pagpursiging lisanin ang mga ginhawa ng buhay-burgis, gaano man kahirap ito,” pahayag ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP o Kasama sa UP, sa wikang Ingles noong Disyembre 1.

Para sa kanila, dakila ang hangarin ni Jo na maglingkod at makipamuhay sa mga magsasaka ng Batangas. Maikli ang panahon, pero ganun din naman si Jo—sa maikling panahon, mabilis na natuto, mabilis na nakapag-ambag, mabilis na tumatak.

“Sobrang saya rito. Sa kabila ng pagod, mga dapa at pasa, init sa umaga at lamig sa gabi, dito ko lang naramdaman ang saya ng pagrerebolusyon,” sinulat ni Ela kay Emil noong Agosto 17. “Marami pa akong gustong gawin at matutunan dito.” Hindi na tumagal si Jo para tumangan at matuto ng iba pang gawain. Pero sa kanyang pagyao, may ginagampanan at tinuturo siya sa maraming nakakaalam ng kuwento niya: ang mabuting halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod.


*Dahil dito at sa ilan pang detalye na nakakapagbigay-duda sa bersiyon ng militar sa pangyayari, nanawagan ang Gabriela ng independiyenteng imbestigasyon—kung may nalabag ang mga sundalo na karapatang pantao ng mga nasawi. Kahit pa sabihing mga rebelde sila, sumusunod dapat ang mga operasyong militar sa International Humanitarian Law. Nakasaad dito na hindi na dapat sinasaktan o pinapatay ang mga combatant na hors de combat na, o wala nang kakayahang lumaban. Obligado ang katunggaling armadong puwersa na bigyan ng atensiyong medikal ang mga sugatang hors de combat.

Natatanging Progresibo ng 2017

2009 | 2010 | 2011 | 2012 | 2013 | 2014 | 2015 | 2016
Maaalala sa hinaharap ang 2017 bilang panahon ng tuluyang pagpaling ni Rodrigo Duterte sa pasistang pamumuno. Sa simula pa ng termino ni Duterte, nagbabala hinggil dito ang progresibong mga grupo: may posibilidad na maging progresibo ito, pero malakas ang hatak ng pasismo. Dahil nagbukas ito (sa porma ng mga diyalogo sa kilusang masa, sa appointments nito sa gabinete, at lalo na sa usapang pangkapayapaan), sinusugan ng mga progresibo ang posibilidad na ito. Pero sa kadulu-duluhan, mas malakas ang hatak ng tukso ng kapangyarihan, ng pagyuko sa imperyalismo, ng pasismo. Kalagitnaan pa lang ng taon, tila naladlad na sa publiko ang pasistang katangian ng rehimeng nag-aambisyong maging diktadura.
Sa kabila nito, naging saksi rin ang taong ito sa progresibong mga pagtindig laban sa tiraniya at pasismo. Nagpalakas ang kilusang masa, nagpalapad ang mga organisasyong masa, nagpalaki ang mga organisador ng mga pagkilos. Nahimok ang dumaraming bilang ng mga mamamayan na tumindig at lumaban. Naging inspirasyon at aral ang nakaraang batas militar ni Marcos para pag-ibayuhin ang paglaban sa maagang yugto ng batas militar ni Duterte. Sa kabila ng konsolidasyon ng kapangyarihan ng nakaupong pangulo, marami ang nanindigan para sa kanilang mga karapatan at para sa interes ng sambayanan.
Taun-taong naglalabas ng listahan ng Natatanging Progresibo ang Pinoy Weekly. Dito, itinatala namin sa kung sino o ano sa aming palagay ang nagkaroon ng natatanging ambag sa progresibong adhikan ngayong taon. Marami sa mga nasa listahan, dati nang kinilala noong nakaraang mga taon. Pero mayroong bago. Mayroon ding dati naming kinilala na ngayong tao’y maaaring masama na sa listahan ng Natatanging Reaksiyonaryo o Natatanging Pasista.
Narito ang pagkilala namin ngayong taon.

Natatanging Progresibong Pagkilos

Occupy Pabahay. Madaling araw ng Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, mahigit 10,000 maralitang homeless o walang bahay—karamihan sa kanila’y kababaihan—sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang organisadong umokupa sa mga pampublikong pabahay sa Pandi, Bulacan. Walang nakatira o tiwangwang ang mga pabahay na ito na orihinal na pinagawa para sa mga pulis at militar (pero nauna na nilang tinanggihan). Pinagtangkaan ng pasistang panunupil ang okupasyon. Nang hindi ito tumalab, sinira-siraan sa midya ang kampanyang tinaguriang #OccupyPabahay. Sa kabila nito, nanaig ang mga maralita; natulak si Pangulong Duterte na ideklarang ipapamahagi na lang ang mga pabahay sa mga maralita (hanggang ngayon, naghihintay pa rin sila na tupdin ni Duterte ang deklarasyon niya). Samantala, naipamalas sa kampanyang ito na (1) epektibo ang sama-samang pagkilos ng mga maralita; (2) may matinding krisis sa pabahay sa bansa, habang (3) nasasayang ang pondo ng gobyerno sa nakatiwangwang na mga proyektong pabahay na pinagkakakitaan ng pribadong mga debeloper.

Honorable Mentions: Tigil-pasada ng mga jeepney operator at tsuper noong Oktubre; Lakbayan ng Pambansang Minorya sa pangunguna ng Sandugo; Lakbay Magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas; protesta kontra sa Asean Summit at pagbisita ni US Pres. Donald Trump; kampanyang bungkalan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at iba pang lupain. Mga dambuhalang kilos-protesta noong State of the Nation Address o SONA ni Duterte at anibersaryo ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos noong Setyembre 21.


Natatanging Progresibong Organisasyong Masa

Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Epektibong napamunuan ng Kadamay ang #OccupyPabahay. Taliwas sa sinasabi ng maraming komentarista sa dominanteng midya tulad ng matapobreng si Mike Enriquez, hindi simpleng kaguluhan o anarkiya ang okupasyon ng Kadamay, kundi organisadong paggiit ng kanilang mga karapatan sa pabahay at serbisyong panlipunan. Samantala, hindi nagpatinag sa mga paninira ang Kadamay. Aktibong lumahok ang lumalaking kasapian nito sa mga kampanyang pambayan, mula sa kampanya kontra-pasismo sa mga lupain ng mga Lumad sa Mindanao at iba pang lugar, hanggang sa pagkondena ng imperyalismong US noong bumisita sa bansa si Trump. Ipinamalas ng Kadamay na kung mulat at organisado, kayang makatanaw ang mga maralita ng higit sa kanilang interes. Kaya nilang yakapin at pangunahan (bilang bahagi ng uring manggagawa) ang laban ng sambayanan.

Honorable Mentions: Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston, sa pamumuno nito sa kampanya kontra sa pekeng “modernisasyon” sa sistema ng transport at pag-phaseout sa mga jeepney; Ugatlahi Artist Collective, sa paglikha ng napakahusay na mga effigy at likhang-sining noong Setyembre 21, noong Asean Summit at pagbisita ni Trump noong Oktubre, Nobyembre 30 at Disyembre 10 na epektibong naglarawan sa kritika ng kilusang masa sa rehimeng Duterte at nakakuha ng interes ng pandaigdigang midya.


Natatanging Progresibong Lider-Masa

George San Mateo. Naging mukha si San Mateo, hindi lang ng mga tsuper at operator ng jeepney na nahaharap sa kawalan ng kabuhayan dahil sa matapobreng jeepney phaseout ng rehimeng Duterte, kundi ng buong kilusang masa. Matalino at matalas ang mga paliwanag niya hindi lang sa mga dahilan kung bakit dapat tutulan ang jeepney phaseout. Matalino at matalas ding naiugnay niya ang isyung ito sa iba pang isyu ng mga maralita—at bakit dapat lumahok ang mga mamamayan sa pagtutok sa naturang plano ni Duterte. Sukatan ng pagiging epektibo niya ang pagsampa ng walang-kuwentang kaso laban sa kanya ng LTFRB; Si San Mateo ang unang lider-masa na sinampolan ng dineklarang crackdown ng rehimen kontra sa mga progresibo. Pero sa kabila nito, hindi inatrasan ni San Mateo ang mga laban.

Honorable Mentions: Bea Arellano, tagapangulo ng Kadamay; Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela; Einstein Recedes ng Anakbayan.


Natatanging Progresibong Alyansa o Koalisyon

Movement Against Tyranny o MAT. Eksakto ang timing ng pagkakatatag ng network na ito. Nabuo ang MAT sa panahong unti-unting nalaladlad na sa madla ang pasistang katangian ng rehimeng Duterte at ng pangulo mismo. Tinipon ng MAT ang mga personalidad—mga aktibista, artista, pulitiko, relihiyoso, at iba pa—na nais makikiisa sa paglaban sa tiraniya. Malakas na pahayag ng pagtutol sa tiraniya ng rehimen ang inorganisa nitong pagkilos sa Luneta noong ika-45 anibersaryo ng batas militar ni Marcos.

Honorable Mentions: Sandugo; Save Our Schools (SOS) Network; Kilos Na! Manggagawa, No To Jeepney Phaseout Coalition, Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo o Saka; Voices of Women for Justice and Peace o VOW; at Let’s Organize for Democracy and Integrity o Lodi.


Natatanging Progresibong Desisyon, Polisiya o Rekomendasyon (sa loob) ng Gobyerno

Pinagkasunduang burador para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o Caser. So near, yet so far. Abot-kamay na sana, nawala pa. Si Pangulong Duterte mismo, marahil sa isang iglap ng kaliwanagan ng kanyang pag-iisip, ang nagtulak na tahimik na ituloy ang mga pulong para sa pagbubuo ng Caser. Matagal nang nabuo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang burador nito, na naglalaman ng batayang mga sangkap para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya na tatamasain ng karamihang Pilipino: pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo (kasama ang libreng pamamahagi ng lupaing agrikultural sa mga magsasaka). Pero tatlong araw bago ang sikreto pero pormal na pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, biglang inanunsiyo ni Duterte na aatras na siya sa usapan, idedeklara na niyang mga “terorista” ang mga komunista, ang mga gerilya ng New People’s Army, at kahit ang mga nasa legal na kilusang masa. Hindi lang ito epektibong pagtalikod sa peace talks at sa NDFP na matapat na nakikipagnegosasyon sa rehimen, epektibong pagtalikod din ito sa pangako ng tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino na kinakatawan sana ng paglalagda ng Caser.

Honorable Mentions: House Resolution 15 / Senate Resolution 7 na nagrerekomenda ng paggawad ng nakatiwangwang na mga pabahay ng militar at pulis sa “iba pang benepisyaryo”; Universal Access to Quality Tertiary Education, batas na nagdedeklarang dapat na walang kinokolektang matrikula sa state colleges and universities.


Natatanging Progresibong Opisyal ng Gobyerno

Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tiningnan ni Duterte si Sereno bilang isa sa pangunahing banta sa kanyang tiraniya. Marka ng isang diktador ang pagkamuhi sa isang patas (co-equal) na sangay ng gobyerno na independiyenteng kumikilos sa Ehekutibo. Pinamalas ni Sereno ngayong taon na hindi siya basta susunod sa dikta ni Duterte, na may checks and balances pa rin, kahit papaano, sa gobyernong ito. Pinakita ni Sereno ang independensiya noong nakaraang taon pa, nang paalalahanin niya si Duterte sa pangangailangang idaan sa tamang prosesong legal ang pag-aresto sa mga suspek sa giyera kontra ilegal na droga. Magmula noon, naging target na ng rehimen ang Punong Mahistrado. Pinatindi lang ngayong taon ni Duterte ang banat sa kanya, hanggang umabot sa reklamong impeachment na itinutulak ng mga alyado ng Presidente sa Kamara. Idagdag pa rito ang hayagang pagsabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat na umanong magbitiw si Sereno dahil sa reklamong impeachment. Paniwala ng Punong Mahistrado–at napakalinaw namang ganito nga ang kaso–na si Duterte mismo ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa kanya mula sa Korte Suprema.

Honorable Mentions: Kinilala namin noong nakaraang taon, pero kalahati pa rin ng 2017 ay nasa gabinete sila: Sina Gina Lopez, dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources; Judy Taguiwalo, dating kalihim ng Department of Social Welare and Development; at Rafael Mariano, dating kalihim ng Department of Agrarian Reform. Kasama rin sa dapat kilalanin ang progresibong ambag ni Sec. Liza Maza, lead convenor ng National Anti-Poverty Commission.


Natatanging Progresibong Mambabatas

Sen. Grace Poe. Naging kasangga ng mga progresibo si Sen. Poe sa ilang mahahalagang isyung pambayan, mula sa paglaban para sa kapakanan ng mga manggagawa (“Nakamamatay ang sobrang trabaho,” sabi niya) hanggang sa pagdepensa sa interes ng mga tsuper, operator ng jeepney at mga komyuter nito. Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Public Services, aktibong hiniling ni Poe ang odyens ng Piston para pakinggan ang paglalahad nito sa kalagayan ng sektor ng transport na pinagbabantaan ng programang “modernisasyon” o pag-phaseout sa mga jeepney. Nang arestuhin si George San Mateo ng Piston, kinuwestiyon ni Poe ang aksiyong ito ng pulisya. Sinabi noon ni Poe na nakakapaghinala ang timing ng pag-aresto kay San Mateo, sa araw na mismong magpoprotesta ang Piston at mga drayber ng jeep at operators kontra sa pag-phaseout ng rehimeng Duterte ng kanilang hanapbuhay.

Honorable Mentions: Taun-taong kinikilala, ngunit hindi na isinasama sa pinagpipilian dahil sa konsistensi ng kanilang mga tindig, ang mga kinatawan ng progresibong mga party-list na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis, Kabataan, at ACT Teachers na sina Reps. Carlos Zarate, Emmi de Jesus, Arlene Brosas, Ariel Casilao, Sarah Elago, France Castro at Antonio Tinio. Sila ang mga bahagi ng iisang blokeng tagapamandila ng progresibong mga adhikain sa loob ng Kamara, ang Makabayan Bloc.


Natatanging Progresibong Midya

Alab – Alternatibong Balita (online newscast). Muli, isang breakthrough ang nakamit ng Altermidya – People’s Alternative Media Network ngayong taon: ang paglulunsad ng isang regular na programang newscast na tumatalakay sa mahahalagang isyung pambayan at internasyunal–mula sa progresibo o maka-mamamayang perspektiba at interes. Propesyunal ang produksiyon at magaang ang presentasyon. Ang bawat episode, pinangungunahan ng dalawang news anchors na sina Neen Sapalo at Jane Biton na maikukumpara sa sinumang mahusay na brodkaster sa dominanteng news networks. Pero ang tunay na halaga ng Alab ay sa unang pagkakataon, nakapagprodyus ang alternatibong midya sa Pilipinas ng regular na programang nasa porma ng pamilyar na newscast ngunit naglalaman ng mahahalagang impormasyon, opinyon at analisis na di nabibigyan-diin ng dominanteng midya. Sa panahon ng fake newsinfotainment sa dominanteng midya, hindi matatawaran ang ambag nito.

Honorable Mentions: Samantala, may iba pang breakthrough programs ang Altermidya: Alab Analysis ni Inday Espina-Varona; Yan ang Totoo, kasama sina Prop. Luis Teodoro at Edge Uyanguren; at ang politikal na comedy show na Serious Na, kasama si Benjie Oliveros, at, nitong huling episode, si Janess Ellao. 


Natatanging Progresibong Pagtatanghal

Pagsambang Bayan – The Musical at Buwan at Baril sa Eb Major. Tinuturing na makasaysayan o groundbreaking na dulang pampulitika ang Pagsambang Bayan noong panahon ng batas militar ni Pang. Ferdinand Marcos. Sinulat ni Bonifacio Ilagan at unang dinirehe ni Behn Cervantes, itinuturing ang dulang ito bilang isa sa pinakaunang produksiyong panteatro na tahasang lumaban sa diktadurang Marcos. Hinubog sa porma ng simbang Katoliko–ibig sabihin, sa porma rin ng buhay, pakikibaka at kamatayan ni Hesus bilang pampulitika at radikal na lider at biktima ng pampulitikang panunupil at pamamaslang. Ngayong taon, sa pangunguna ng Tag-ani Performing Arts Society at sa direksiyon ni Joel Lamangan, pinrodyus ang Pagsambang Bayan bilang isang musical. Nilikha nina Joed Balsamo at Lucien Letaba ang musika, habang sinulat ni Ilagan ang libretto. Masasabing dapat lang na naging musical ito; hindi ba’t puno ng musika rin naman talaga ang pagdiriwang ng misa ng mga Katoliko? At, kasinghalaga nito, hindi ba’t puno rin ng musika ang epiko ng pakikibakang Pilipino?

Samantala, napapanahon din ang makapangyarihang restaging ng isa pang obrang panteatro na produkto ng pakikibakang kontra-Marcos: ang Buwan at Baril sa Eb MajorSinulat ni Chris Millado at unang itinanghal ng Philippine Educational Theater Association (PETA) Kalinangan Ensemble noong Marso 1985, nasa porma naman ng konsiyerto (sa Eb Major) ng musikang klasikal ang pagkakahati ng limang eksena. Pero wala sa musika (bagamat mahusay ang musika sa restaging na ito ngayong taon na dinirehe ni Andoy Ranay) ang kapangyarihan ng pagsasadulang ito. Sa apat na kuwento ng Buwan at Baril, ipinakita ang punto-de-bista ng ordinaryong mga mamamayan na lumahok, sa iba’t ibang antas at dahilan, sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Bukod sa makapangyarihang naratibo, napakahusay din ng mga pagtatanghal. Espesyal na tumatak ang pagtatanghal nina Angeli Bayani bilang bakwit na katutubong Itawis at Mayen Estañero (kahalili si Cherry Pie Picache) bilang asawa ng nasawing rebolusyonaryo.

Honorable Mentions: Game of Trolls ng PETA; Tao Po; Oktubre: Gulong ng Daigdig, musical ng Sining Banwa; at Aurelio Sedisyoso ng Tanghalang Pilipino. Saludo rin sa cultural night ng Lakbayan ng Pambansang Minorya noong Setyembre 18 sa UP Theater na pinamagatang Hugpungan at pagtatanghal ng 100-miyembrong choir para sa selebrasyong sentenyal sa Pilipinas ng rebolusyong Oktubre


Natatanging Progresibong Pelikula o Bidyo

Tu Pug Imatuy at Respeto. Nilikha ang Tu Pug Imatuy sa gitna ng mga operasyong militar na kontra-insurhensiya sa Mindanao. At ang mga lumikha (at nagsipagganap) nito ay mismong mga kalahok sa kampanya kontra sa mga atakeng militar na ito. Dinirehe ni Arbi Barbarona, hango ang pelikula sa tunay na karanasan ng mga Lumad sa Timog Mindanao. Kuwento ito ng aktuwal na dinaranas ngayon ng mga katutubong komunidad na sinasalakay ng mga militar sa ngalan ng pagtugis sa rebolusyonaryong New People’s Army (pero sa totoo’y tangkang panunupil lang sa anumang klase ng pagtutol sa napanakop ng dayuhan at komersiyal na interes sa lupaing ninuno). Ang kapangyarihan ng pelikula ay nagmumula sa direkta at walang kurap na pagpapamalas nito na reyalidad ngayon sa giyera ng rehimeng Duterte ngayon kontra sa rebolusyonaryong kilusan. Sekundaryo, pero mahalaga rin, ang pagpapakita nito na nananatili (lumalakas pa nga) ang rebolusyon dahil nananatili pa rin ang mga pang-aapi at pagsasamantala sa mga mamamayan, lalo na mga katutubo.

Samantala, mahalaga rin ang pagpapalabas ng Respeto na dinirehe ni Treb Monteras II. Gamit ang rap battle at pamilyar na naratibo ng coming-of-age at pagpasa ng baton mula sa isang henerasyon ng manunula tungo sa bago, epektibong ipinamalas ng pelikula ang kontekstong kinasasangkutan ngayon ng madugong giyera kontra droga ng rehimeng Duterte. Buo ang pagkakakuwento, pero direkta at walang kurap din ang kritika: na mga maralita ang nabibiktima ng madugong giyerang ito. At, higit pa rito, sintomas lang ang giyera kontra droga ng mas malaki, mas malala, at mas matagal nang giyera ng mga makapangyarihan kontra sa mga mahihirap, lalo na sa mga lumalaban–kontra sa tiraniya man ni Marcos o ni Duterte.

Honorable Mentions: History of the Underground (Sari Dalena at Keith Sicat): lahatang panig na eksplorasyon sa kasaysayan ng underground na pagkilos ng Kaliwa kontra sa batas militar ni Marcos. Pagkilala rin sa dalawang dokumentaryong pelikula na nilikha mula sa hanay ng alternatibong midya: Ang Truth Tellers ni Ilang-Ilang Quijano (tungkol sa kababaihang mamamahayag na sina Inday Espina-Varona at Kimberlie Quitasol); at Han-ayan ni JL Burgos (tungkol sa mahigit isang taon na paglaban ng mga Lumad sa Lianga, Surigao del Sur kontra sa militarisasyon); gayundin ang short film ng Mayday Multimedia hinggil sa kontraktuwalisasyon na pinamagatang Kontrata.


Natatanging Progresibong Artista

Mae Paner. Sa puntong ito, tila permanenteng presensiya na ng parlamento ng lansangan si Mae Paner. Kasama siya sa mga nagtanghal at nagmartsa-protesta noong panahon ni Gloria Arroyo. Kasama rin siya sa mga protesta kontra kay Noynoy Aquino. At ngayon, kasama pa rin siya. Pero bukod sa mga pagtatanghal (at pagganap sa personang “Juana Change“), aktibo na rin si Paner sa mga pormasyon o alyansang naglalayong magtipon ng maraming personahe para labanan ang tiraniya–sa Movement Against Tyranny o MAT, sa Let’s Organize for Democracy and Integrity o LODI, at lumahok sa Voices of Women for Justice and Peace o VOW.

Honorable Mentions:  Tumatak sa madla ang mapanghamig at matalas na talumpati ni Pen Medina noong Setyembre 21 sa Luneta; mistulang hall-of-famer na sa pagiging progresibong artista ang pintor at musikerong si Federico “boyD” Dominguez.


Natatanging Progresibong Libro

Wars of Extinction at Lenin’s Imperialism in the 21st Century. Mahalagang ambag sa pormal na pag-aaral sa kalagayan at pakikibaka ng mga Lumad sa Mindanao ang librong Wars of Extinction. Sinulat ni Arnold Alamon at inilimbag ng Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR), malinaw na tumitindig ang libro pabor sa pakikibaka ng Lumad at umaapela para sa pagsuporta sa pakikibakang ito. Pero sa kabila nito, hindi nagkukulang ito sa matalas at masinsing pag-aaral sa aktuwal na karanasan ng Lumad, gayundin sa mga historikal at sosyolohikal na ugat ng pang-aapi (at paglunsad ng wars of extinction) sa mga katutubo.

Samantala, napapanahon ang paglathala ng Ibon Books ng updating sa ika-21 siglo ng pagsusuri ni V.I. Lenin sa penomenon ng modernong imperyalismo. Sa ambag na kritikal na mga sanaysay ng iba’t ibang manunulat, aktibista, akademiko at rebolusyonaryo, nailugar ng Lenin’s Imperialism in the 21st Century sa kasalukuyang kontra-imperyalistang pakikibaka sa daigdig.

Honorable Mentions: Cherish, libro ng mga larawan ng New People’s Army ni Boy Bagwis; Bungkalan: Ang Karanasan ng mga Manggagawang-Bukid sa Hacienda Luisita sa Organikong Pagsasaka at Pakikibaka Para sa Tunay na Reporma sa Lupa ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA at UP Sentro ng Wikang Filipino; The Nation in Our Hearts: Essays on Mindanao  ni Arnold Alamon; Mining Ills: Poor Health and Inequities in the Philippines ng Ibon Books; New Media at Mga Sanaysay sa Platitude ng Bagong Objek ng Media at Mediasyon sa Filipinas ni Rolando B. Tolentino3 Baybayin Studies nina Ramon Guillermo, Myfel Paluga, atbp.; ProBernal AntiBio nina Jorge Arago, Ishmael Bernal at Angela Stuart-SantiagoInterrogations in Philippine Cultural History ni Resil Mojares; Una Furtiva Lagrima ni Edel Garcellano; at marami pang iba.


Natatanging Progresibong Sining-Biswal


Fascist Spinner (Ugatlahi Artist Collective). Tumatak sa pandaigdigang midya at hinangaan pa nga ng mga mamamayang Amerikano (salamat sa pagbibida rito ng sikat na Amerikanong talk show host na si Jimmy Kimmel) ang effigy na ito na likha ng Ugatlahi para sa dambuhalang protesta kontra sa pagbisita ni US Pres. Donald Trump kaalinsabay ng Asean Summit noong Oktubre. Pumabor dito, siyempre, ang napakasahol na reputasyon ni Trump bilang konserbatibo, matapobre, kontra-migrante, utak-pulbura at pasistang presidente ng US. Pumabor din sa pagsikat nito ang paggamit ng imaheng pamilyar at nauuso sa mga bata–ang fidget spinner na laruan–na kinorteng swastika na simbolo ng pasistang paghahari ni Adolf Hitler at ng Nazi Party sa Germany noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Pumabor din sa pagtampok nito ang mahusay na pagkakagawa ng effigy, at saktong pagkasunog nito habang nakikipagmabutihan si Pangulong Duterte sa kinamumuhiang presidente ng nangungunang imperyalistang bansa sa daigdig.

Honorable Mentions: Rody’s Cube ng Ugatlahi; eksibit na Dissident Vicinities (Lisa Ito, curator) sa Bulwagan ng Dangal Heritage Museum sa UP Diliman; eksibit na Green Go Home (Tomas Vu at Rirkrit Tiravanija, collaborators) sa UP Vargas Museummural ng Lakbayan ng Pambansang Minorya sa Sitio Sandugo.


Natatanging Progresibong Agaw-Eksena

Protestang-iglap ng Save our Schools (SOS) Network kontra kay Education Sec. Leonor Briones noong Nobyembre 28, at protestang-iglap ng Sandugo at Kalikasan kontra sa Mining Philippines 2017 Conference ng Chamber of Mines of the Philippines sa Sofitel noong Setyembre 6. Nalusutan ng mga katutubong miyembro ng Sandugo, kasama ang mga maka-kalikasan ng Kalikasan People’s Network for the Environment, ang mga guwardiya at barikada sa Sofitel para iprotesta ang kumperensiya ng malalaking kompanya ng mina–ang itinuturong pinakamalaking mandarambong ng lupaing ninuno ng mga katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Samantala, matagal nang nakakampo ang mga batang Lumad sa pangunguna ng SOS Network sa harap ng tanggapan ng Department of Education. Pero hindi sila hinaharap ni Briones. Nang malaman nilang magsasalita si Briones sa isang event ng Rappler.com, nagdesisyon na silang komprontahin dito ang kalihim.  

Honorable Mention: Lightning rally ng kabataang aktibista ng Anakbayan, League of Filipino Students, at iba pa, sa harap ng Philippine International Convention Center noong Nobyembre 11 para iprotesta ang Asean Summit at pagbisita ni Trump.

Dishonorable Mention: Biglaang pagsalita ni Pangulong Duterte sa entablado ng protesta ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at buong kilusang masa kontra sa kanyang State of the Nation Address o SONA.


 

Pasko-Pandi

Pasko-Pandi-Pasko-Pandi. Nakakapilipit ng dila. Katulad, marahil, ng pilipit na mga sabi-sabi hinggil sa mga taong nag-okupa ng mga pampublikong pabahay sa Pandi sa Bulacan–mga tamad, magnanakaw, walang modo, mang-aagaw ng bahay, marumi. Mahigit siyam na buwan matapos ang unang okupasyon sa pangunguna ng Kadamay, kung anu-ano na ang binansag sa mga maralita na naggiit lang ng kanilang karapatan sa Pandi. Nagbakasakali silang maralita na sana, ngayong Pasko, maituwid ang pilipit na mga pag-iisip–hinggil sa kanilang umokupa, hinggil sa karapatan ng lahat sa pabahay, hanapbuhay at serbisyo, hinggil sa tunay na lagay ng tiwangwang na mga pabahay ng gobyerno. Hinggil sa mga dahilan kung bakit kinakailangang magkaisa at gumiit.

Samantala, sa ginawang pamayanan ng mga nag-okupa, sa “pinalayang purok” ng Atlantica, tuloy ang Pasko, kahit papaano. Bawat kanto ng kalsada, napapalamutian ng simbolo ng Pasko. Christmas tree, parol, may snowman pa. Belen. Kuwento ng pamilyang walang pagsisilungan at pagsisilangan, kumatok sa bawat bahay pero pinagsarhan. Nag-okupa ng sabsaban at tinawag nilang tirahan.

Sa mga kalsadang ito, naglalakad ang mga batang pauwi galing paaralan, sa huling araw ng pasukan. Noong dumating sila, tinanggihan din sila ng mga eskuwela. Pero nagkaisa ang mga magulang na igiit ang kanilang karapatang makapag-aral ang mga bata. Matapos ang eskuwela, tumutulong ang mga bata sa paghahanda para sa isang pista. May hihiranging Lakambini. May pa-raffle. May exchange gifts. Para sa mga bata raw ang Pasko. Buong sayang ipinamamalas ito sa pamayanan ng sanlaksang pamilya nag-okupa sa sabsaban ng Pandi.

Kuha mula sa cellphone camera

2017: Landas patungong pasistang diktadura

Nagsimula ang taon nang puno ng pangako. Nagtalaga si Pangulong Duterte ng mga progresibo sa gabinete. Nagdeklara siya ng “pagkalas sa Amerika,” habang tinatahak ang isang tunay na “independiyenteng polisiyang panlabas.” Umuusad ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Nangako siyang wawakasan ang kontraktuwalisasyon, habang pag-iisipan ang pagpapatupad ng isang pambansang minimum na sahod sa mga manggagawa. Sinuportahan niya ang libreng edukasyon sa kolehiyo. May moratoryo sa mga demolisyon habang walang relokasyon.

Pero simula’t sapul, si Duterte mismo ang naglatag ng batayan sa pagtungo niya sa lantarang pasismo. Sa kabila ng walang-tigil na pamumuna ng progresibong kilusan kontra sa kanyang Oplan Tokhang na bumiktima sa libu-libong maralita, pinatindi lang ito ng kanyang rehimen. Nagtalaga siya ng economic team na tumatahak pa rin sa landas ng neoliberal economics – o ang bigong mga polisiya sa ekonomiya na lalong nagpahirap sa mga mamamayan sa nakaraang mga administrasyon. Unti-unti siyang nagtalaga ng mga retiradong heneral at opisyal sa sibilyang mga posisyon sa gobyerno. Samantala, hindi talaga siya nagputol ng ugnay sa US; ipinagpatuloy niya ang mga ehersisyong militar na Balikatan. Patuloy naman ang banat niya sa independiyenteng mga institusyon ng gobyerno tulad ng Hudikatura, habang kinokonsolida ang kontrol sa Kongreso.

Unang pihit ng rehimen: ang pagputok ng digmaan sa Marawi, sa tulong ng mga tropang Kano. Panahong ito, biglang umatras si Duterte sa ikalimang round ng usapang pangkapayapaan. Nagdeklara siya ng batas militar sa buong Mindanao. Matapos nito, di sinuportahan ni Duterte sina Judy Taguiwalo at Rafael Mariano sa Commission on Appointments. Samantala, pangalawang pihit: Matapos bumisita si US Pres. Donald Trump sa panahon ng Asean Summit noong Oktubre, dineklara muli ni Duterte ang pagtigil sa pakikipagnegosasyon sa NDFP. Dineklara niyang terorista ang New People’s Army at Communist Party of the Philippines, at nagbanta ng crackdown sa mga miyembro ng legal na progresibong mga organisasyon. Nitong nakaraang mga linggo, iniutos niya ang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao hanggang 2018, at ipinasa ang “reporma sa buwis” na magpapataas sa batayang mga bilihin ng mga maralita.

Sa pagtatapos ng taong ito, kumpleto na ang pagpihit ni Duterte tungong pasismo at diktadura. Nagdeklara na siya ng giyera sa buong sambayanang Pilipino. Iigting ito sa susunod na taon. Maghanda.



Mga larawan: Dambuhalang kilos-protesta noong Disyembre 10, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao (Kuha nina KR Guda, Jaze Marco, Pher Pasion, Abie Alino, at Darius Galang

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2017

May pagbabagong naganap sa ilalim ng gobyernong Duterte – ang pagbabago patungong lantarang pasismo at diktadura. Mainam na nakober ng dominanteng midya ang marahas na giyera kontra droga ng rehimen. Sa pangkalahatan, naging kritikal din ito sa giyerang ito.
Pero sa pagpihit ni Duterte tungo sa mas lantad na pasismo – na naghudyat sa pagdeklara sa Kaliwa bilang “terorista” kahit na malinaw na kabaligtaran ang totoo – tila may mga hindi nababalita o hindi naitatambol ba na mahahalagang istorya. Sa pamamagitan sana ng mga istoryang ito, makikita kung papaano tinalikuran ni Duterte ang mga pangako niya para sa progresibong pagbabago, tulad ng pagpawi sa kontraktuwalisasyon, pagpatupad ng independiyenteng polisyang panlabas, pagsagawa ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, pagkamit ng kapayapaang nakabatay sa hustisya, at iba pa.
Taun-taon, inilalabas ng Pinoy Weekly ang listahang ito ng mga istoryang sa aming palagay ay hindi sapat na naikober o napatambol ng dominanteng midya. Sa panahon ng paglaganap ng fake news, napapanahon muli ang paglabas nito.

‘Puso ng peace talks‘: Negosasyon para sa mga repormang sosyo-ekonomiko

Ibinalita at pinag-usapan sa midya ang pagpapatuloy/pagtigil ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gobyernong Duterte. Pinag-usapan din ang kawalan ng tigil-putukan matapos ang Pebrero na pagtigil ng usapan, gayundin ang mga bakbakan, lalo na ang mga atake ng New People’s Army (NPA). Pero ano nga ba ang pinag-uusapan? Paano nga ba matutugunan ng negosasyon ang pinakaugat ng armadong tunggalian?

Hindi binibigyan ng karampatang atensiyon ang sinasabing “puso ng usapang pangkapayapaan”: ang negosasyon hinggil sa mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya, o ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser).

Sa negosasyong ito, isinalang ng NDFP ang mga panukala nito para sa pang-ekonomiyang kaunlaran na pakikinabangan ng mayorya ng mga Pilipino. Kasama na rito ang libreng pamamahagi ng lupaing agrikultural sa mga magsasaka na nagpapayaman sa lupaing ito—bahagi ng tunay na repormang agraryo. Gayundin, pinag-usapan ang panukala ng mga rebolusyonaryo para sa pambansang industriyalisasyon, o ang pagtatatag ng batayang mga industriya tulad ng langis, bakal, atbp.

Nagkasundo na sana ang magkabilang panig; pormal na pirmahan na lang ang magaganap sa ikalimang round ng usapang pangkapayapaan nitong Nobyembre 25 sa Oslo, Norway. Pero ilang araw bago nito, biglang iniatras ni Duterte ang mga negosyador ng gobyerno. Walang pirmahang naganap. Binansagang terorista ang mga dati niyang itinuturing na “kaibigan”. Nagdeklara rin ng crackdown sa mga lider ng kilusang masa. Lahat nang ito matapos ang pagbisita ni US Pres. Donald Trump. Isinagawa pa ni Duterte ang anunsiyo sa presensiya ng pinakamalalaking burgesya komprador ng bansa, tulad ni Enrique Zobel de Ayala.


Batas militar sa buong Mindanao

Tuwang tuwa ang malalaking negosyante sa Mindanao sa batas militar ni Duterte. Nagamit kasi nila ang deklarasyong ito para atakehin ang mga manggagawang naggigiit sa kanilang mga karapatan sa paggawa. Katunayan, sa Compostela Valley, ginamit ng manedsment ng kompanya ng saging, ang Shin Sun, ang batas militar para puwersahang buwagin ang welga rito.

“Walang welga-welga. Martial law ngayon,” sabi diumano ng mga militar at armadong goons ng kompanya sa mga manggagawang bukid na nagwelga.

Samantala, ginamit din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang batas militar para buong lakas na bigwasan ang NPA sa mga komunidad na kontrolado nito—kahit pa noong hindi pa natitigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDFP. Batas militar ang nagbigay-katwiran sa mga pagbomba sa mga komunidad ng mga Lumad sa Timog Mindanao. Ito rin ang naging dahilan ng mga atakeng militar sa mga komunidad ng mga Lumad, kabilang ang pananakop at pagpapasara sa mga alternatibong paaralan ng Lumad sa Timog Mindanao, Caraga, Far Southern Mindanao, at iba pang rehiyon sa Mindanao.

Pero ang lumulutang na boses kaugnay ng batas militar sa Mindanao ay ang mga tulad nina Rep. Manny Pacquiao, na nagsabing “nakabubuti ang batas militar sa aming (mga taga-Mindanao).” Ito ang tinutuntungan ngayon ng pag-ekstend ni Duterte sa batas militar hanggang katapusan ng 2018.


Mga nawawala’t nasawi sa Marawi

Mistulang naging tagatambol ang masmidya ng kampanyang militar ng AFP sa Marawi.

Mula nang sumiklab ito noong Mayo 2017, di-maikakailang nasa panig ito ng mga atakeng kontra-Maute ng militar sa naturang lungsod. Pana-panahong lumalabas ang mga istorya hinggil sa krisis humanitarian sa lugar. Pero sa pangkalahata’y iniuulat na ginagawan ng gobyerno ng paraan para maibsan ang hirap ng mga bakwit.

Samantala, hindi na kuwestiyon kung may sapat na batayan ba talaga o wala ang mga pambobomba; o kung totoo talaga ang naratibong ikinukuwento ng militar para bigyan-katwiran ang mga operasyong militar at ang batas militar sa buong Mindanao.

Nang ideklara ni Duterte ang pagwawakas ng mga operasyong militar sa Marawi City, muling itinambol ng dominanteng midya ang “kabayanihan” ng mga sundalong kalahok sa mga operasyong militar. Pero tila natabunan ng mga balita ang pagpapatuloy ng krisis humanitarian sa lugar. Tila isinantabi rin ang mas seryosong pagbibilang sa mga nawawala—at posibleng nasawi na—na mga sibilyan sa Marawi.


Pagbobomba sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Bago pa man sumiklab ang giyera sa Marawi sa Mindanao, ilang lugar na sa bansa ang dumadanas ng pagbobomba ng AFP.

Mga mamamayan ng Abra ang mga unang sumalo ng bomba mula sa militar. Marso nang bombahin ng mga sundalo ng 24th Infantry Battalion, Philippine Army (IBPA) sa ilalim ng 7th Infantry Division (ID) ang bayan ng Malibcong sa Abra. Hindi rin nakaligtas sa pambobomba ang probinsiya ng Batangas. Nitong Setyembre, binomba ng 203d Infantry Brigade at 730th Combat Group ng Philippine Air Force ang Bundok Banoi sa Lobo, Batangas. Naging target din ng pagbomba ang Nueva Vizcaya.

Nasa konteksto ng pagpapatuloy ng giyera kontra-insurhensiya ang mga pagbomba. Subalit kahit buhay at pamayanan na ang nakataya, walang malalim na pagsusuri at pag-iimbestiga rito ang dominanteng midya.


Pagtalikod sa pangako sa kontraktuwalisasyon

Nitong Marso 2017, nilagdaan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang Department Order 174 na aniya’y magwawakas sa kontratuwalisasyon sa bansa. Pero naging bagong mukha lang ito ng kontraktuwalisasyon. Sa ilalim nito, magiging regular ang mga manggagawa hindi sa kompanya kundi sa ahensiyang hawak ng kanilang kompanya. Kaya kaya’t hindi malinaw sa mga manggagawa ang kanilang kahihinatnan sa oras na tapusin ng prinsipal na employer ang kontrata sa kanilang agency.

Isa pang anyo ng kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno: Noong Hunyo 15, 2017 inilabas ng Department of Budget and Management (DBM), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC) ang Joint Circular No. 1. Tulad ng DO 174 sa pribadong sektor, mistulang pinagtitibay nito ang pagkuha ng kontraktuwal sa gobyerno.

Taliwas ito sa mga unang pahayag ni Pangulong Duterte na nagsasabing wawakasan niya ang kontraktuwalisasyon; mukhang tinalikuran na nga ng Pangulo ang pangako na nakakuha ng suporta sa maraming Pilipinong manggagawa.


Kampanyang bungkalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa

Sa pangunguna ng ilang grupo ng mga magsasaka, may mga harang man, tagumpay na naisagawa ang “kampanyang bungkalan” o ang pagbawi sa mga lupang inagaw sa kanila ng mga korporasyon at mga panginoong maylupa.

Ang bungkalan sa Hacienda Luisita ang isa sa pinakamalaking bungkalan isinagawa sa bansa. Ilang taon nang nagsasagawa ng bungkalan ang mga magsasaka ng nasabing asyenda upang mabawi ang kanilang lupain sa mga Cojuangco -Aquino. Kasunod nito, nagdaos din ng malawakang bungkalan ang ilang magsasaka sa Hacienda Gancayco sa Quezon, Lupang Almeda sa Occidental Mindoro at Lupang Kapdula sa Cavite.

Pero bahagi lang ito ng mahigit isang siglong pakikipaglaban para sa lupa. Patuloy pa ring naghahangad ang maraming magsasaka sa Pilipinas ng tunay na reporma sa lupa na ipinagkakait sa kanila.


Mga kaswalti sa sunog sa HTI

Kulang ng dalawang araw ang nangyaring sunog sa House Technology Industries Pte Ltd. sa Cavite, isang pagawaan ng mga kagamitang pabahay. Tatlong palapag, isang malaking engklabo, na nasunog sa oras na nakapasok na sa trabaho ang mga manggagawa.

Pinatahimik ni Gov. Crispin Remulla ang midya sa pagpipirisinta niya ng mga litrato na umano’y gumawa na ng pagsisiyasat sa kanyang pangunguna. Sa umaga matapos ang isang araw ng sunog, ibinida niya sa midya na may ilang bahagi ng nasunog na pabrika.

Nakapagtatakang sa ganoong kalaki at katagal na sunog, hindi malaman kung ilan talaga ang namatay. Oo, may inilabas na bilang ng nasugatan at nasawi sa mga dinala sa ospital. Pero hindi itinampok ang mga kuwento ng mismong mga manggagawa ng HTI na hindi sila naniniwalang walang namatay sa sunog. Naniniwala sila na maraming namatay, at may kaanak na naghahanap sa kanilang mahal-sa-buhay na nagtatrabaho sa pagawaan. Naniniwala silang dapat managot ang manedsment at gobyerno.

Hindi pa muling naiimbestigahan ang pangyayaring ito sa HTI. Hindi pa muling nababalikan kung ilan nga ba talaga ang namatay sa sunog sa engklabo. Nakakapangilabot isipin na maaaring mangyari ito muli, at gagamiting tuntungan ang karanasan na ito upang ikubli ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa lalo na sa panahon ng sakuna.


Migranteng Pilipino, nasa bingit pa rin ng bitay

Mahal umano ni Pangulong Duterte ang mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa. Sa katunayan, gusto na nga niyang umuwi sa bansa ang mga ito at dito na magtrabaho. Ngunit sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya at trabaho sa bansa, tila mahirap gawin ito. Kaya mananatili’t mananatili ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Karaniwan, makakarinig tayo ng mga kasong kinasasangkutan nila, na may pagkakataong umaabot sa death penalty.

Kasama ang Migrante International sa pinapurihan ng mga mambabatas sa pagkaka-walang sala ni Jennifer Dalquez noong Hunyo 19, matapos siyang maideklarang inosente ng korte sa Abu Dhabi na hindi na kailangang magbayad pa siya ng diyyah o blood money. Pero hindi pumutok nang husto ang mga kuwento ng mga Pilipinong nasa death row sa ibang bansa, sa mga kasong karamihan ay murder at may kinalaman sa droga. Mayroong 31 sa Saudi Arabia. Aabot sa 41 ang nasa Malaysia. Mayroon ding tig-dalawa na nasa death row sa China at US.

Tila tahimik ang midya sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga “bagong bayani” na sa kasalukuyan ay nakabingit ang buhay sa ibang bansa. Tila tahimik at walang ginagawang ingay ang gobyerno upang mapakilos ang mga mamamayan na magkaisa para sagipin sila, tulad ng nangyari sa kaso ni Mary Jane Veloso (na nasa death row pa rin sa Indonesia).


Mga batayan ng pagpigil sa mapanirang pagmimina—at pagbabalik nito

Tumatak ang mga nagawa ni Regina “Gina” Lopez bilang kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources. Agaran niyang nabago ang departamento, at agad na narepaso ang mga kontrata sa malawakang pagmimina.

Aniya, kailangang kanselahin ang 75 Mineral Production Sharing Agreements o MPSA sa watersheds. Aniya pa, kailangang magbukas ng trust fund account na nagkakahalagang P2-Milyon ang bawat kompanya ng pagmimina upang mapahintulutang maalis ang tambak ng kanilang namina at magkaroon ng export permit. Ani Lopez, kailangang ipasara ang 28 kompanyang nagmimina dahil lumabag ang mga ito sa mga batas ng bansa.

Hindi sapat na nakober ng midya ang malalim na mga batayan ng pagsuspinde ni Lopez sa mga proyekto ng malawakang pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaugnay rin nito, hindi rin sapat na nakober ang pagbaligtad ng DENR sa naging mga desisyon ni Lopez matapos mabasura ang pagtalaga sa kanya at maipalit ang isang retiradong heneral, si Roy Cimatu.


Progresibong nagawa ng dating mga miyembro ng gabinete

Hindi maipagkakaila ang laki ng naiwan nina Judy Taguiwalo, Rafael Mariano, Liza Maza at Lopez sa kani-kanilang puwesto bilang bahagi ng gabinete ni Duterte.

Malinis, at walang-bahid na korupsiyon ang rekord ni Taguiwalo sa Department of Social Welfare and Development. Siniguro niyang hindi magagamit sa patronage na pulitika ang pondo ng ahensiya sa uri ng pork barrel. Naisagawa naman ni Mariano sa Department of Agrarian Reform ang mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law. Napasuspinde naman ni Lopez ang mga operasyon ng mga malawakan at nakasisirang pagmimina.

Pero hindi sapat na naibalita ito sa midya. Tanging ang pagiging “Kaliwa” at iba pang ibinatong putik sa kanilang apat ang naging sentro ng usapan—na ginawang dahilan ng Commission on Appointments para tanggalin ang tatlo sa kanila sa puwesto. Hindi mapagkakaila na malaki ang naiambag nina Taguiwalo, Mariano, Maza at Lopez sa kani-kanilang mga posisyon. Ramdam naman ito ng mga mamamayan. Kailangan lang talaga ng mga naghaharing uri na mapanatili sa kontrol nila ang mahahalang posisyong ito.


Leloy McCarthy

Since US President Donald Trump’s visit in early November, Philippine President Rodrigo Duterte has escalated his government’s attacks against the Philippine Left, whose support he tried to court in his 2016 presidential bid and the early part of his presidency. Indications show that he is unleashing the dirty tactics of his notorious “war on drugs” – a class war on the poor which has killed more than 10,000 suspected drug addicts and pushers – against the Left, the most vocal critic of his drug war and other policies.

It is in this context that academic and historian Lisandro “Leloy” E. Claudio discussed what he called “Responsible Anti-Communism” in his recent column. By “Communist,” he is rightly referring to the underground Communist Party of the Philippines which leads the National Democratic Front of the Philippines and the New People’s Army. In his column, he echoes Duterte and revives McCarthyist tactics in insisting that the label “Communist” should also refer to legal organizations being tagged as the CPP’s “legal fronts.”

The past few days saw tarpaulin banners calling the CPP, NPA and NDF “terrorist” proliferating along major thoroughfares in Metro Manila. This is part of a concerted effort to try to condition the public for more attacks against the said groups, as well as legal activist organizations. On social media, especially among the educated middle classes, Claudio’s most recent column functions as the counterpart of those tarpaulin banners.

For Claudio, “responsible anti-Communism” means being firmly against Communists but standing up for their human rights against the State’s attacks. It means harshly criticizing Communists while taking a stand against their “extermination” and the violation of their rights by the government.

He states only one reason for upholding Communists’ human rights: that “responsible anti-Communists” should not “sink to the level of the bloody dictators that [Communists] idolize.” This reason is most flimsy because he accuses “Communist dictators” in other countries of killing millions of people. Surely, “responsible” Filipino anti-Communists cannot sink that low, even if they support the killing of many Filipino Communists.

More importantly, his essay expounds on anti-Communism – on the supposed “bloody history” of Communism, which has been used to try to justify the killing and suppression of Communists and suspected Communists – more lengthily than on defending Communists’ human rights. Out of his 18 paragraphs, only three discussed upholding the human rights of Communists.

He may be on record opposing the killings and violation of Communists’ human rights, but he does more to incite the State to carry out such killings and human-rights violations. His essay is a thinly-veiled, or thinly-sugarcoated, death wish on Communists. He wants to hate on Communists, but he wants a clean conscience, too.

And Claudio is not unaware of the immediate context of his column: he cites Duterte’s cancellation of the peace talks with the NDFP and declaration that the CPP and NPA are “terrorist organizations.” He knows that the latter “augurs violence” and “can trigger repression reminiscent of the butcher Jovito Palparan.” (sic)

Despite his earnest posturing, he deserves no peace of mind. Make no mistake about it: distributed among top military officials, his essay will inspire them to kill and repress Communists, not respect the latter’s human rights.

Claudio tries to make his doctrine sound newfangled but it comes across as a poorly executed application of some US manual for Cold War propaganda. He says Communism is a “violent ideology” with a “bloody history,” that Communist leaders are “mass murderers” and “bloody dictators,” and so on and so forth. It comes as no surprise that he at some point would equate Communism with Nazism itself.

Nazism, however, aimed to elevate a group of people, the Germans, through a “reckoning” with, or elimination of, Jews and other people deemed inferior. It is, in its essential principles, violent. Communism, however, aims at the elimination of private property – from which monopoly of the means of production and therefore class division and exploitation spring. It recognizes the need for the violence of the oppressed classes in response to the violent defense of private property by the ruling classes led by the bourgeoisie and monopoly bourgeoisie. And the latter has never ceased being violent.

That means that violence for Communists is not directed at the working classes and the people. As Bertolt Brecht says in his “In Praise of Communism” [1932]: “It’s sensible / anyone can understand it / It’s easy. / You’re not an exploiter, / so you can grasp it.” When it comes to class, interest trumps ideas; the ruling classes cannot be convinced to surrender their wealth and power, their monopoly of the means of production and State power.

This does not, however, mean that violence will be used wholesale against all members of the ruling classes, either. Only people who will use violence against the revolution will be themselves targeted for violence. It is worth remembering that Pu-Yi, China’s last emperor, was later on recruited as a member of the Chinese Communist Party after the latter came into power.

The equation of Communism with Nazism and their presentation as enemies of democracy are common themes in anti-Communist thought. These are also present in “Duterismo, Maoismo, Nasyonalismo,” the essay contributed by Claudio and his mentor, the academic and historian Patricio N. Abinales, to the recently-published A Duterte Reader [2017]. They even applied this schema to the country’s experience with Martial Law, depicting the CPP and Ferdinand Marcos as both enemies of the country’s “liberal democracy.”

Claudio and Abinales present themselves as historians but are ahistorical, even anti-historical, when analyzing Communism, Nazism, and so-called democracy. To use an old-fashioned vocabulary, they fixate on the synchronic (the supposed general and common characteristics of Communism and Nazism) to the detriment of the diachronic (how Communism and Nazism emerged and interacted with each other in history). They embrace the simple-minded equation between two political philosophies which are seen as justifications for dictatorial rule.

Before Communism and Nazism, however, there was so-called democracy, which actually rests on the economic bedrock of capitalism and later on imperialism. It is the exploitation, poverty, hunger, wars, deaths and destruction caused by capitalism-imperialism which gave birth to Communism and hastened the latter’s increase in strength. It is also imperialism that bred fascism and Nazism, and it used the latter to try to destroy Communism.

In War and Revolution: Rethinking the Twentieth Century [2015] and other works, the intellectual Domenico Losurdo, who actually does historical research, provides many bases for this reading. He showed how the major imperialist countries of the 20th century supported the rise of fascism in Europe and Nazism in Germany, and how they hated Communism more than Nazism. How Germany’s concentration camps and other repressive measures drew inspiration not from Bolshevik Russia, but from European and American colonialism. How Nazism saw itself as an enemy of what it called “Judeo-Bolshevik conspiracy” – and for good reason, because Communism was animating and supporting the struggles of what Nazis called “inferior nations.”

Anti-Communists like Claudio and Abinales love to cite the Hitler-Stalin pact, or the German-Soviet Non-aggression Pact of 1939 as proof of the supposed blood ties between Communism and Nazism. The truth is that the Soviet government led by Stalin, hated by imperialist governments friendly to the Nazi regime, had to try to split its enemies. It tried to buy time in order to prepare for Nazi Germany’s inevitable and impending attack. And its tactical gamble paid off: when Germany attacked the Soviet Union in 1941, the latter was more prepared. It was the Soviet Union, not the US or any European country, which defeated Hitler’s army, at the cost of millions of lives.

The same schema is also true in the case of the Philippines. The crisis of the semi-colonial and semi-feudal system and its elite democracy helped the local Communist movement to grow. Marcos’ Martial Law, also a spawn of that system, was an attempt to weaken and destroy that movement – and it is that movement which sustained and led the struggle against Martial Law. It is no less than historical revisionism to depict Marcos and the CPP as engaged in some conspiracy against “liberal democracy” in the Philippines, the existence of which also needs further proof.

Instead of criticizing the fascism of the US-backed Duterte regime, Claudio chose to highlight the “bloody history” of Communists, the regime’s target. Beyond his essay’s “timing,” however, the greater problem lies in his one-sided and ahistorical understanding of killings supposedly done in the name of Communism. One-sided: he did not at least study how Communists and even some academic historians explain these deaths and instead simply parroted the US Cold War line on these. Ahistorical: he did not locate these supposed crimes and excesses in their proper historical contexts.

First, he fails to situate the struggles for Communism that he cites in the context of underdevelopment, people’s suffering and war. Second, he also fails to situate governments adhering to Communism in the context of the state of siege imposed by the US and other Western powers through wars, embargo, sabotage, and other measures. Imperialist policy on Communist governments is reflected by the order of then-US Secretary of State Henry Kissinger to weaken the democratically-elected socialist government of Salvador Allende in Chile in the early 1970s: “Make the economy scream.”

Let us be clear: these contexts do not excuse the deaths that occurred under the name of Communism, but they provide a better understanding of these. There were deaths that were committed by Communists in error, but it would be erroneous to remove all deaths in the Communist movement and Communist-inspired governments from their historical contexts and present them as evils of Communism.

Third, Claudio fails to recognize how Communist movements drew lessons and learned from errors committed in the past that resulted in the death of many. Fourth, if the number of deaths caused by a political and economic system is the standard by which it should be measured, then Claudio should have examined the immensely more numerous killings committed in the name of “liberal democracy” and imperialism – which include those who were killed in many a bloody anti-Communist campaign. Alas, Claudio always prefers the caudillo over the cadre.

He cites Robert Francis Garcia’s book To Suffer Thy Comrades [2001] as proof that local Communists are also murderous. The fact that the killings discussed in the book were committed in a small fraction of the Philippine Left’s more than 50-year history shows that the context of those killings is important.

Again, Claudio does not present that context: military adventurist errors committed by the NPA, heightened government intelligence and attacks, and errors in the NPA’s handling of alleged infiltrators. The fact that the said errors have not been repeated is proof that such killings are not integral to the principles of Communism. It is also proof that local Communists can sum up their experiences, correctly derive lessons from these, and hold on to those lessons in practice.

When Claudio says “It is the moral obligation of the historian in the Philippines to speak about Communism’s bloody history,” he wants that history extracted from its wider historical context. He refuses to study and engage with the best explanations that Communism has to offer for its own history, instead contenting himself with US Cold War propaganda.

It is telling that Claudio claims that Communism’s central principle is “from each according to his abilities, to each according to his needs.” This is central, but secondary to the abolition of private property. He betrays his failure to study Communism itself – in fact, its basic text, The Communist Manifesto – and his reliance on ready-made Cold War propaganda.

It is uncanny that Claudio speaks in terms of “moral obligation” when in the same essay he joins the chorus of the government and the military in tagging legal progressive organizations as “Communist fronts.” The government and the military will not listen to his faint appeals for Communists’ human rights, but their repressive campaign – already in motion carried out by dominant forces in society – will benefit from his demonization of Communists and alleged Communist fronts. It seems that for Claudio, historians and academics also have the moral obligation to lend a hand to the government and the military’s drive to kill and suppress suspected Communists.

Claudio always speaks with the arrogance of someone who thinks that he stands for democracy while his enemies, the Communists, stand for dictatorship. He even calls the CPP a “dictatorial organization.”

The strict equation that Claudio makes between democracy and liberal democracy exposes his ignorance. Wendy Brown clarifies: “liberal democracy, Euro-Atlantic modernity’s dominant form, is only one variant of the sharing of political power connoted by the venerable Greek term. Demos + cracy = rule of the people and contrasts with aristocracy, oligarchy, tyranny, and also with a condition of being colonized or occupied… The term carries a simple and purely political claim that the people rule themselves, that the whole rather than the part or an Other is politically sovereign [“We are all democrats now…,” 2011].

More importantly, in class societies, “Democracy and dictatorship are two sides of a coin,” said Francisco Nemenzo, Jr. [“Questioning Marx, Critiquing Marxism,” 1992]. In capitalist democracies, the democracy enjoyed by big capitalists is imposed as a dictatorship on workers and the people, whose only democratic participation is voting during elections. Socialist democracy is the dictatorship of the proletariat imposed on the big bourgeoisie, and since it is enjoyed by the majority beyond regular elections, it is a democracy that is deeper and more real.

In the end, Claudio’s anti-Communism coheres with the strategy summarized by American Marxist Fredric Jameson: “The substitution of politics for economics was always a key move in the hegemonic struggle against Marxism (as in the substitution of questions of freedom for those of exploitation) [“Sartre’s Critique, Volume 2: An Introduction,” 2009].”

Instead of fighting to change the exploitative, unequal, unjust and violent ruling system, anti-Communists like Claudio fight the very Communists who are risking life and limb for such change – using Communism’s “bloody history” as bogeyman. In more arrogant moments in his essays and social media posts, Claudio celebrates US influence over the country, the Philippines’ “liberal democracy,” and the Yellow faction of the ruling classes.

It is in this precise sense – anti-Communism defending the status quo and attacking those who want genuine change – that we can say: anti-Communism can never be responsible. It is always irresponsible. So are the academics and historians that peddle it.

14 December 2017

Featured image: From ‘Agraryo Marksismo’ by Federico Boyd Dominguez